Chapter 2 (Klejerie Flixira)

1038 Words
Wala akong ganang kumain. Hindi naman ako nakaramdam ng gutom. "You should eat, Iha. Look at yourself, you're so thin. Bawiin mo ang kain mo sa isang buwan mong pagkahimbing," ika ni Madam. Kumunot ang noo ko. Isang buwan akong nakahilata sa hospital bed? Ganoon na ba kalala ang aksidenteng nangyari sa akin? Pilit kong inubos ang pagkaing inihanda nila para sa akin. Pagkatapos kong kumain ay inihinatid na ako sa aking kwarto ng matandang nag-aasikaso palagi sa akin. Dalawang buwan na ang nakalilipas, wala pa rin akong maalala. Bakit pakiramdam ko ay kinukulong nila ako sa isang silid na ito? Bakit parang hindi ako malaya? Nalaman ko rin na isang CEO ang lalaking lagi kong katabi sa pagkain. Magkapatid ba kami? Hindi ko talaga alam kung anong ginagampanan ko sa Mansion na ito. Naisip ko lang, kung kapatid ko siya, bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin? Para akong isang hangin na hindi niya nakikita. Klejerie Flixira Lixzin pala ang buong pangalan ko. Nakita ko lang sa isang picture ko na naka-display sa side table. Sa larawan na ito, masasabi kong sobrang saya kong tingnan. Napagtanto ko na parehas kami ng apilyedo ng Madam at ng asawa niya. Nalaman ko ang apilyedo nila dahil na rin sa malaking larawan nilang mag-asawa na naka-display sa labas. Bakit parang hindi naman anak ang turing nila sa akin? Ni hindi ko narinig na tinawag nila akong anak. Tanging ang lalaki lang na palagi kong katabi ang sinasabihan nila ng anak. Gulong-gulo na talaga ako. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mag-asawa. Iniingatan din nila ako, pero hindi ko mahanap ang lukso ng dugo. Gusto kong magtanong, kaso hindi ko pa rin magawang magsalita. "Iha, mag-iiwan ako ng sketch book para kung may gusto ka mang sabihin, pwede mong isulat diyan," saad ng matandang babae. "Ito ang ballpen." Ngumiti ako sa kaniya. Para ko na rin siyang ina dahil sa pag-aalaga niya sa akin. "Ngumiti ka ba sa akin, Klej?" gulat na tanong niya. Nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. "Klej?" tanong ko. Napansin ko na parang natulala sa akin si Manang. Ngayon ko lang naalala na sinabi niya iyan noong mga nakaraang araw. "Nagsasalita ka na? Salamat! Salamat talaga! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Klej," naiiyak na sabi niya. Yumakap siya sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumakap na rin. Nagkaroon na ako ng boses? Talaga bang nakapagbanggit na ako ng salita na hindi lang sa isipan sinasabi? Sinusuklay na niya ngayon ang aking mahabang buhok. Nakangiti lang ako habang tinitignan si Manang. Napawi agad ang aking ngiti nang biglang pumasok ang lalaki. Ganoon pa rin siya, parang yelo. Tiningnan niya lang ako saglit. Lumabas na rin siya pagkatapos makita ang ginagawa ni Manang. Kinabukasan ay nagising ako na masakit na naman ang ulo. Ulit-ulit na lamang ang ganitong sakit. Hindi ko na lang pinapaalam dahil ayokong mag-alala sila. Ayoko na ring bumalik pa sa hospital. Ayos na ako rito, malayang nakakapaglakad-lakad. Klejerie Flixira. Ilang beses kong binabanggit sa aking isipan ang pangalan ko. Hindi common ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Iyan nga ba talaga ang totoo kong pangalan? Muli na naman akong tinawag dahil kakain na raw kami. Kinakabahan ako tuwing makikita ko sila. Mas pinili kong hindi magsalita. Tumango ako noong nakita ko sila para magbigay galang. Hindi ako pinansin ng lalaki. Tumango lang din sa aking ang mag-asawa. Tumikhim si Madam. Parang mabibilaukan na nga ako sa kaba. "I've heard that you can now speak, Flixira. Is that true?" tanong ni Madam. Flixira? Flixira ang tawag nila sa akin? Nasanay ako na Iha lang ang tawag nila sa akin. "Yes po." Utal-utal pa akong nagsalita. Kabado pa rin ako sa presensiya nila. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya dahil hindi ko pa alam ang relasyon ko sa kanila. "That's good. Para mapabilis na ang pag-alam sa katotohanan," wika niya. Napalunok ako. Katotohanan? May kasalanan ba ako kaya ganiyan ang trato sa akin ng lalaking katabi ko? Wala pa akong maalala. Siguro ay nasa akin din ang sagot kung bakit ako nagkaganito. Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Kaunti lang ulit ang kinain ko kaya napatingin sila sa plato ko. Hindi naman sila nag-abalang magsalita. Nakita ko naman si Manang at ang mapag-alala niyang ekspresyon. Ngumiti na lang ako sa kaniya para mabawasan ang pag-aalala niya. Parang tatlong subo lang ng kanin ang ginawa ko. Kaunti lang din naman ang nilagay ko sa plato. Hinintay ko silang matapos. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Ang lalaki sa tabi ko ay hindi pa tumatayo. Tumayo na ako at tumango sa kaniya, pero hindi niya ako pinansin. Sinalubong ako ni Manang. Pag-aalalang tanong niya, "Bakit ang unti ng kinain mo, Klej? Ang payat payat mo na. Tignan mo ang sarili mo, para kang kalansay. Simula noong umuwi ka rito, hindi ka na masyadong kumakain." Tumingin siya sa ibang kasambahay. Pinalapit niya ang isang nakatingin sa amin. "Sandali nga," ika niya sa akin. Nilingon ko si Manang. Inuutusan niya ata ang ibang kasambahay. Naglagay sila ng mga pagkain at mga prutas sa isang tray. Halos mapa-atras ako sa gulat nang mapansin na nakatingin na pala sa akin ang lalaking parang yelo kung makatitig. May hindi ako maipaliwanag na nararamdaman tungkol sa kaniya. Umiwas na lang ako sa kaniya. "Manang, una na po ako." Sa kaba ko ay nagawa ko na tuloy makapagsalita. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Nagsimula akong maglakad palayo sa dining area. "Sige, Klej. Ikukuha lang kita ng pagkain, sa ayaw at sa gusto mo. May ref naman sa kwarto mo," sigaw ni Manang. Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado na nakita nila. Ayokong-ayoko talagang tinititigan ang lalaking 'yon. Akala mo ay laging handang manakit. Tama ba ang pamilya na kinakasama ko ngayon? May kakaiba talaga sa kanila. Alam ko sa puso ko na hindi ko sila kamag-anak. Kung ano man ang purpose ko sa buhay nila, aalamin ko iyon sa lalong madaling panahon. Gusto kong malaman kung anong mayroon sa amin ng lalaking palagi kong nakikita. Bakit parang ang laki ng parte niya sa buhay ko? Pero bakit pakiramdam ko ay may itinatago siyang galit sa puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD