Chapter 3 (Cleyeol)

1035 Words
Gusto kong mag-ikot, nagsimula na akong gumala muna sa loob ng Mansion. May mga bantay naman at wala akong balak tumakas kung may kasalanan man ako. Napatigil ako sa isang kwarto na naka-awang ang pintuan. Sinubukan kong pumasok. Hinayaan naman ako ng mga bantay. "Wow! Ang ganda naman dito," bulong ko sa aking sarili. Kita ko ang tanawin sa labas. Glass ang nagsisilbing pader nito. Sinadya siguro para makita ang magandang tanawin. Napansin ko na panay art materials ang mga nasa paligid. Panay paintings ang nakakabit sa dingding. Napahawak ako sa isang painting na hindi pa tapos. Nakaramdam ako ng sakit. Sobrang saya ng painting na ito, pero halatang matagal na inihinto ng artist ang paggawa nito. Kung titignang mabuti, malalaman mong matagal na itong nasimulan. Bakit kaya hindi ito tinapos? Umupo ako sa sofa na nakaharap sa tanawin. Napansin ko na may mga sketchpad sa may ilalim ng lamesa. Kumuha ako ng isa na wala pang drawing. Kumuha din ako ng lapis. Sinimulan kong gayahin ang tanawing nakikita ko. Napangiti ako nang mapansin na may talento rin pala ako sa ganitong larangan. Hindi naman pala ganoon kasama ang pag-sketch ko. Pinatong ko ang nagawa kong drawing sa lamesa. Tumitig lang ulit ako sa tanawin. Medyo mataas pala ang lugar na ito dahil bundok at ilog ang nakikita ko. Nasa matarik din pala ang lugar ng Mansion na ito. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin, kaya napalinga ako sa paligid. Napansin ko ang lalaking anak ng mag-asawa. Nakaupo siya sa may sulok, at halatang may ginagawa. Kaya ba mayroong ganitong kwarto ay dahil sa kaniya? Siya kaya ang gumawa ng painting na hindi tapos? Pinili ko na lang umupo. Natatakot ako na baka makita niya ako kapag gumalaw ako. Hindi dapat ako gumawa ng ingay na mapapansin niya. Sakto namang nakapatong kanina ang ulo ko sa gilid ng sofa, kaya baka hindi niya ako napansin. Maya-maya ay may narinig akong sunud-sunod na hakbang. "I am back, Babe," wika ng isang bababe. Pinilit kong sumilip. Napansin ko ang isang babaeng halos kasing edad ko. Sobrang sopistikada niyang tingnan. Tindig pa lang ay alam mong galing siya sa mayamang angkan. Aminado akong maganda siya. Hindi nag-abalang lumingon ang lalaking iyon. Nagtaka ako na tinawag siyang 'babe' ng babae na iyon. Hindi ko akalain na mayroon pala siyang kasintahan. "C'mon. What are you doing? Ngayon ka lang ulit ata napadpad sa kwarto na ito. O dahil matagal lang akong nawala kaya hindi ko alam na pumupunta ka na ulit dito?" malambing na saad ng babae. Tinignan lang ng lalaki ang babae, sabay lingon nito sa akin. Napatago naman ako sa takot na baka makita ako ng babae o kasintahan niya. "Hindi ka na naman nagsasalita," boses pagtatampo ng babae. "Nakarating sa akin ang balita. Is that true?" Nakikinig lang ako. Nakarinig ako na parang may tumayo. Baka ang lalaki na iyon. "Please, speak. Totoo bang buhay pa ang malandi mong asawa?" singhal ng babae. Nagawa niyang pagtaasan ng boses ang lalaki na iyon. Hindi ba siya natatakot? Palihim na sumilip ako para makita ang nangyayari. Sino naman ang asawang binabanggit ng babae? Asawa ng lalaking iyon? Buong akala ko pa naman ay siya ang kasintahan nito. Napatakip ako ng aking tenga nang malakas na binagsak ng lalaki ang hawak niyang sketchpad. Hindi ko nakita pero alam kong yun ang binagsak niya sa table. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Galit ka pa rin ba?" tanong niya. Ibubuka niya pa sana ang kaniyang bibig nang biglang itinuro ng lalaki ang pintuan. "Leave," mariin na pagkakasabi ng lalaki. Hindi na pinatapos ang pagsasalita ng babae. "I'm sorry, Cleyeol," paghingi ng paumanhin ng babae. "Just leave," inis na sabi ng lalaki. Cleyeol pala ang kaniyang pangalan? Ngayon ko lang iyon nalaman. Padabog na nagmartsa palabas ang babae. Nakita kaya ako ng Cleyeol na ito na sumisilip sa pag-uusap nila? May asawa na pala siya. Bakit naman kaya malandi ang pagkakasabi ng babaeng iyon sa asawa ni Cleyeol? Sino kaya iyon? I felt bad for him. Masakit mawalan ng asawa. Kung buhay man siya, nasaan naman kaya ang babae na iyon? Nanigas ako nang mapansin ko ang katawan sa gilid ng sofa. Inangat ko ang tingin sa kaniya. Napansin ko na diretso lang ang tingin niya sa tanawin. Agad kong inayos ang sarili ko. Tumayo na ako, kaso sa sobrang pagmamadali at kaba ko ay muntik na ako madulas. Nakahawak siya sa magkabilang braso ko, at itinayo ako. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat sa pag-alalay sa akin. Tumakbo ako palabas. Ayokong maabutan pa ako ni Cleyeol. Maya-maya ay napansin ko ang babae kanina, ngayon ay nasa living room na. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Gulat na gulat siya talaga siya. Halos ma-estatwa na siya sa kaniyang kinatatayuan. Lalo akong kinabahan. Dinuro niya ako. Walang lumalabas na boses sa kaniyang bibig. Tila nakakita siya ng multo. Umiwas ako sa kaniya at nagsimula na ring maglakad papuntang ibang direksiyon. Napansin ko naman si Cleyeol na lumabas ng kwarto na pinanggalingan namin kanina. Nakatatak na sa isipan ko ang pangalan niya. Wala naman sigurong masama kung iyon na rin ang itatawag ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa babae. Napalingon tuloy ako roon. Agad namang binaba ng babae ang kamay niyang nakaturo sa akin. Nakitaan ko siya ng galit sa akin. Anong ginawa ko sa kaniya? Sa kaniya ba ako may kasalanan? Umalis ako at nagmadaling pumasok ng kwarto. Sobra-sobra na ang kaba ko ngayong araw. Napansin ko naman na nag-aayos ng pagkain si Manang. Umupo ako sa upuan sa may lamesa. Malaki na rin ang pasasalamat ko na sobrang laki ng kwarto ko. Kung tutuusin ay parang isang bahay na rin ito. Makakapaglakad-lakad naman ako rito. Kumain ako ng prutas na nakalagay lang sa lamesa. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Bumuntong hininga na lamang ako. "May problema ba?" tanong sa akin ni Manang. "Naka-idlip po ako sa may sofa, sa may room po na puno ng art materials. Nagising po ako na naroon na pala si Cleyeol," kuwento ko. Kumunot ang noo niya. May kakaiba ba naman ba akong sinabi? Tila lahat ng mga sinasabi ko ay kagulat-gulat sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD