Chapter 3

1507 Words
Nararamdaman ko ngayon ang pagtibok ng puso ko at tila napupuno pa ng init ang buong katawan ko. Bakit nararamdaman ko ang lahat ng 'to? Sa buong buhay ko, ngayon ko pa lamang naranasan ang ganitong klase ng pakiramdam. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko, at doon narinig ko ang lakas ng pagdaing na ginawa ko. Pumasok sa akin lahat-lahat ng nangyari. Anong nangyayari?! Namatay ako hindi ba?! Napadilat ako ng mga mata at doom bumungad sa akin ang mga mukhang ngayon ko lang nakita. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila nag-aabang ng gagawin at sasabihin ko. Bakit sila nakatingin sa akin? Bakit sila andito? Bakit ganiyan ang suot nila? Ito na ba ang sinasabi nilang kabilang buhay? "The soul has entered her body. Who are you?" bigkas ng isa sa kanila. Ano raw? Ano pinagsasabi ng mga 'to? Hindi ko sila masyadong maintindihan. Napansin kong nakaupo ako sa sahig, nakasuot ng magarang damit. Magarang damit?! Bumaling ang buong atensyon ko sa katawan ko, hindi ito ang suot kong damit bago ako mamatay. Isang buwan kaming hindi kakain para lang mabili ko 'tong damit na 'to! Bakit suot-suot ko ang ganitong klase ng damit? Napaatras ako, tinignan ko ang mukha ng bawat isa sa kanila. Hindi ko pa talaga sila nakita sa buong buhay ko. "Sino ka?" tanong pa ng isa sa kanila. Kumunot ang buong noo ko sa tanong niya. Nagsasalita naman pala sila ng lenggwaheng naiintindihan ko. "Kayo, sino kayo?!" "She talks," "Of course she talks, and why are we referring it as she? We're not sure yet," Hindi parin nawawala ang bahid ng takot at pangamba sa mukha ko. Nasaan ako? Napatigil ako nang biglang may isang babaeng buntis ang dahang-dahan lumapit sa akin. Napakaganda niya. Napatingin naman ako sa likod kung saan nakita ko ang ibang mga mukha nila na tila nag aalinlangan sa ginawa ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Natatakot ba sila sa akin na baka may gawin akong masama sa kaniya? "Kumusta, huwag kang matakot. Anong pangalan mo? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?" tanong sa akin ng babae na tila nagpagaan ng loob ko. Parang kung anong mayroon sa boses niya na nagpakalma sa akin. Tumango ako sa kaniya at pagkatapos kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinagkan iyon nang mahigpit. Bumaling naman siyang muli sa kaniyang likod at nagsalita na naman ng mga salitang hindi ko maintindihan. "It doesn't speak our other language," "Anong pangalan mo?" pag-uulit niya ng tanong sa akin. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa kaniya. Para bang matagal ko na siyang kilala. "M-mayari." Ngumiti siya sa akin. "Isa kang babae. Nanggaling ka sa paanan ng mga bayan banda sa timog, hindi ba?" Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Bakit niya alam saan ako nanggaling? Bakit sinasabi niya na isa akong babae? Oo, babae ako, ano naman? Anong nangyayari? Halatang ang mga kasama ko ngayon ay Lucems pero hindi pangkaraniwang Lucems. Ang mga ganitong klase ng tao ay makikita mo lang sa pinakamataas na siyudad ng Lucem Realm. Teka. Andoon ba ako ngayon? Nasa pinakataas na siyudad ba ako ngayon? Pero paano? Namatay ako, 'di ba? Bakit? Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na 'to. Hindi ako sumagot, tumingin ako sa gawi ng isang malaking bintana. Ang hula ko, nasa isa kaming tore ngayon na hindi kalayuan sa siyudad. Kitang kita ko ang mga naglalakihang mga bundok mula rito. Sa likod ng mga 'yan ay ang mga taong napupuno ng takot at walang kasiguraduhan. Nasaan na kaya si mama? Nagawa niya kayang iligtas ang sarili niya? Panaginip lang ba ang lahat ng 'to? Sana nga. Napatingin muli ako sa babaeng kaharap ko nang bigla siyang tumayo at huminga nang malalim. "She's from the lower part of the Realm. Lower Lucems don't speak our other language. I think we can work with this one." binabangit niya habang naglalakad pabalik sa mga kasamahan niya. Ha, wala akong maintindihan. May isa namang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Nakasuot sila ng mga itim na mahahabang damit. Sa tingin ko, siya ang pinakatamaas sa kanilang lahat. "Humayo ka, Mayari. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat," Nilahad niya ang kaniyang palad at dahil sa hindi ko alam na kadahilanan, tinanggap ko iyon at tinulungan niya akong tumayo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pangamba ngayon, eh dapat lang matakot at kabahan ako dahil hindi ko naman sila kilala. Pero iba talaga ang ibinibigay nilang enerhiya sa akin. Itinapat niya ako sa isang malaking salamin at doon gumulantang ang buong pagkatao ko nang makita ko isang mukhang hindi pamilyar sa akin. Sino 'to?! Bakit ganito ang mukha ko?! Anong nangyayari?! "Nasa katawan ka ngayon ng isang Naturalist, Mayari. Ang taong nagtataglay ng kapangyarihan ng dilim at liwanag. Ang katawan ni Adelad . Mapapa saiyo ang kapangyarihan, alaala, abilidad at lakas ni niya dahil sa ritwal na aming ginawa." Napatingin ako sa kaniya. Bakit ako? Hindi ko 'to ginusto! Hindi ako pumasok sa ganitong klase ng buhay! Atsaka anong buhay?! Patay na nga ako dapat, diba?! Anong pinaggagawa nila sa akin?! "A-ayoko! Namatay na ako! I-ibalik niyo ako sa katawan ko!" pagmamakaawa ko sa kanila. Napatakip na lamang ako ng bibig sa gulat. Nilapat niya ang kaniyang dalawang kamay sa braso ko para pakalmahin ako. Tinignan niya ako sa mata. "Huminahon ka, Mayari. Hindi ka mapapahamak. Nasa mabuting mga kamay ka. Ipaliwanag mo kung ano ang huli mong natatandaan bago ka dumating dito," Inilayo ko ang tingin ko sa kaniya at ginawa iyon muli sa malaking salamin. "Pauwi na kami ng pinsan ko nang may marinig kaming mga sigawan. Tumakbo kami pauwi sa bayan namin at doon nadatnan namin na natutupok ng kung ano mang malakas na puti 'yon ang buong lugar. Nagkahiwalay kami ng pinsan ko. Gumapang ako mula sa kinatatayuan ko papunta sa bahay namin nang nakapikit. Ang sakit sakit sa mata. Parang kinakain ng buong puti na 'yon ang lugar namin, wala akong masilayan na kung ano. Wala akong magawa," Habang binabanggit ko ang mga salitang iyon, tila bumabalik nang malinaw sa akin ang lahat-lahat. Lahat ng natunghayan at naramdaman ko ng panahon na 'yon. "Nakauwi ako, nag aasam ako na makikita ko sila mama pero wala akong nadatnan at ang tanging nakita ko lamang ay kung paano nila pinatay ang tiya at pinsan ko. Wala akong magawa, galit na galit ako sa sarili ko at sa kanila. Bakit... bakit kasi ganito lang ako? Pinanood ko silang mawalan ng hinanga at manawakan ng dugo. Pinatay sila para sa dugo?! Anong klaseng tao ang gagawa no'n?! Bakit sila ganoon? Wala kaming kasalanan sa kanila.." At doon na nga bumuhos ang luha ko ma kanina ko pa pinipigilan. Halu-halo ang nararamdam ko ngayon. Galit, sakit, pighati, poot at takot ang bumabalot sa akin ngayon. Wala na akong maramdamang iba. Wala na. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng taong nasa harapan ko. Hinaplos niya ang buhok ko at sinbukan niya akong patahanin. "Kung iisipin mo, kapag sinubukan mong hasain ang ibinigay sa iyo na kapangyarihan ni Adelad, maipaghihiganti mo ang nangyari sa pamilya mo. Ang nangyari sa iyo." Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Kapangyarihan na ibinigay? Ako may kapangyarihan? Magagawa ko na ang inaasam ko. "Paano ko sila mapapatay?" "Ituturo namin sayo lahat-lahat, wag kang mag-alala. Gagabayan ka namin," at ngumiti siya sa akin. Iniwan niya ako sa harap ng salamin para pagmasdan ang sarili ko, ang bagong katawan ko. "What are you doing, Maester Eprio? You're manipulating her," "I did what I have to do." Tinanggal ko ang kulay itim na damit na nakatakip sa katawan ko. Pinagmasdan ko ang natirang damit. Kulay puti ito. Naramdaman ko na naman ang galit at poot ko para sa mga Umbra Guerillas na pumatay sa amin. Ngayong may kapangyarihan na ako, gagawin at gagawin ko ang lahat para maranasan nila ang narasanan ko. Ipaparanas ko sa kanila ang ginawa nila sa amin, at doble pa ang bigat na gagawin ko. Hindi ako magpapakumbaba, walang magpapakumbaba sa katulad nilang mga hayop. Kung sino ka man, Adelad, maraming salamat. Isusuot ko na sana muli ang ang tinanggal kong damit nang biglang umalog ang buong paligid namin. Napatingin ako sa ibang kasama ko ngayon at kitang kita na nagulat din sila sa nangyari. Biglang may pumasok na isang may katandaang lalaki na hingal na hingal at may dugo na dunadaloy sa noo. "Sinasalakay tayo ng mga Umbras. It's not just a group, these are Raiders, Highjackers, and Guerillas. They're all attacking us!" Kumakabog nang sobrang bilis ang dibdib ko. Napatingin ako sa taong biglang humawak ng kamay ko at nakita ko ang babaeng buntis na lumapit sa akin kanina. "Hindi mo pa alam kung paano gamitin ang kapangyarihan mo. Sa ngayon, sasama ka muna sa akin." Naghiwalay hiwalay ang iba sa amin. Ang iba ay sumunod sa lalaking sumigaw at kami naman ay iba ng dinaanan. Tatakas ba kami? "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. "Malayo sa gulo." Sinundan ko na lamang siya nang tahimik at hindi na muling nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD