bc

One Night Stand

book_age16+
86.6K
FOLLOW
748.0K
READ
escape while being pregnant
bitch
sweet
bxg
ambitious
city
office/work place
disappearance
seductive
like
intro-logo
Blurb

Isang gabi ng pagkakamali. Tumakas si Cassandra Madrigal sa kanila para sumama sa mga kaibigan niya sa bar. Pero nagising na lang siya kinabukasan na may katabing isang estrangherong lalaki.

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
        "Wow, anak! Bagay na bagay sa iyo yang gown na yan!" excited na komento ni Mommy.         "Ito nga din ang type ko, Mommy." sabi ko, at saka umikot-ikot pa ako sa harap ng full-size mirror dito sa shop na kakilala ni Ninang Hannah.         "True, inaanak! May konting pagka-daring pero carry mo naman. May dalaga ka na talaga, Clover! Look at Cassandra! Ilang taon pa, mag-aasawa na yan." sabi naman ni Ninang Hannah.         "Yun eh kung makakalusot ang manliligaw niya sa Daddy niya. Eh daig pa si Jaworski kung magbantay kay Cassandra." sagot dito ni Mommy.         Napasimangot ako sa narinig ko. Humarap ako kina Mommy at Ninang Hannah.         "Mommy, hindi ba talaga pwede mag-invite ng ibang boys sa debut ko? Di ba sabi ko nga sa iyo I want to invite Sean. Yung crush ko sa school?"          "Kung ako lang ang masusunod, okay lang sa akin." sagot ni Mommy.         "Pero, Mommy! Lagi namang ikaw ang nasusunod sa inyo ni Daddy, di ba?" nakanguso kong sagot.         "Cassandra, alam mo namang kapag tungkol sa iyo, ipinapaubaya ko na ang decisions sa Daddy mo. Agreement namin iyun nung magpakasal kami uli. Alam mo namang malaki ang kasalanan ko dun nung itago kita sa kanya." paliwanag ni Mommy.         Hindi kasi maganda ang umpisa ng love story nila Mommy at Daddy. Biktima sila ng arranged marriage pero beside that, totoo naman silang may pagtingin sa isa't isa. Iyun nga lang, since napangunahan ng arranged marriage, hindi ganun katibay ang pundasyon ng love nila. Mabuway. Kulang sa trust. Maraming issues.          Lalo pa at si Daddy ay isang certified playboy. Kaya hindi maalis ni Mommy na magduda sa sincerity ni Daddy sa kanya. Ito namang si Daddy may trust issue din kay Mommy, lalo na nung umalis si Mommy at pumunta ng ibang bansa. Ang matindi pa, hindi niya alam na buntis na si Mommy noon. Nagulat na lang siya nang bumalik si Mommy sa Pilipinas na may kasamang bata, ako nga yun.         Pero mas nagulat siya nang may sumunod sa amin ni Mommy dito sa Pilipinas at tinatawag kong Daddy.           Ang tagal din bago naka-move on si Daddy kay Ninong Harvey, kahit pa nagpakasal uli sa kanya si Mommy. Pero mula naman noon ay okay na uli sila. O sadyang macho-nurin lang talaga si Daddy kay Mommy kaya going strong pa din sila hanggang ngayon.          Minsan nga, para pa rin silang mga teenagers na nagliligawan. I hope someday, makatagpo din ako ng katulad ni Daddy. Iyong lalaking mamahalin ako ng buong-buo. Iyong hindi siya magsasawang mahalin ako. Kahit pa tumaba ako. O tumanda ako.          Pero paano naman ako makakahanap ng ganung lalaki? Eh bantay sarado sa akin si Daddy! Sa edad ko ngang ito hindi ko pa naranasang may umakyat ng ligaw sa bahay namin. Paano, sa gate pa lang ng subdivision nahaharang na sila ni Daddy kaya hindi na nakakapasok.          "Princess, ayoko niyang suot mo!"          Napalingon kaming tatlo nila Mommy at Ninang Hannah sa gawi ng pintuan ng fitting room.         "Palitan mo yan. Masyadong malaswa iyang suot mo. Humanap ka na lang ng ibang style." dagdag pa nito.         Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Mommy,          "Sige na, anak. Humanap ka na lang ng ibang stye. Hindi din naman tayo mananalo sa Daddy mo," sabi sa akin ni Mommy.         Malungkot na nagtungo ako sa hanay ng mga gowns na naroroon at saka tumingin-tingin. Minsan tuloy, hindi ko maalis na mainggit sa mga kapatid ko. Sila Josh at Jett. Malaya nilang nagagawa ang gusto nila.          HINDI ko napigilan ang mapangiti nang makita ko ang itsura ko sa salamin sa fitting room ng mall. Ngayon lang ako makakapagsuot ng ganito kaigsing palda. Lalo tuloy na-emphasize ang mahaba at slim kong legs.           Ang ganda din ng fitting sa akin ng deep neckline blouse na napili ko. Malalim talaga ang neckline nito dahil halos tanaw na iyong umpisa ng cleavage ko. Pati sa likod ay ganun kababa ang tabas. Napili ko ito dahil sa baba ng tabas nito ay magiging litaw iyong tattoo na ipapalagay ko mayamaya.         "Ano? Okay ka na diyan sa napili mo? Kung okay ka na, tara na. Baka abutan ka pa ng curfew ng Daddy mo. Dumadami ang tao dun sa Dutdutan ni Tan kapag sa hapon." sabi ni Aly na biglang isinungaw ang ulo sa kurtina ng fitting room.         "Yup! Okay na ko. Sige na. Huhubarin ko na ito para makapagbayad na." sagot ko.         "Wow! Ang sexy mo pala! Grabe! Saka ang flawless ng binti mo! Pati yata mga lamok bantay sarado ni Daddy mo." sabi ni Aly, habang matamang pinapasadahan ng tingin ang mga binti at hita ko.          "Ikaw ang mag-uwi nito ha. Katulad ng plano, dadalhin mo ito sa araw ng debut ko. Ito na ang isusuot ko sa pagpunta natin sa bar."         "Bahala ka. Basta, friend...walang laglagan ha? Takot pa naman ako sa Daddy mo." sabi niya.         "Hindi yan! Akong bahala. Makakapuslit ako nun. Nai-ready ko na din iyong dadaanan ko sa likod-bahay. Basta, siguraduhin mo lang na andun na kayo pag lumabas na ko," sabi ko.         "Oo na! Oo na!" napipilitang sang-ayon nito.         "Kung hindi mo lang ako pinapakopya sa Algebra...."         KINAGABIHAN, hindi ako makahiga nang patihaya. Nasasagi kasi iyong bago kong tattoo. Hindi man ako sanay matulog nang nakadapa pero kailangan kong sanayin ang sarili ko.Masakit man ang ginawa kong pagpapa-tattoo pero walang pagsidlan ang kaligayahan ko!          Pakiramdam ko ngayon ay nanalo ako sa isang paligsahan. Nagawa kong makapagpa-tattoo nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Isang imahe ng paru-paro ang pinalagay ko.          Para kasi akong uod na kumikilos kung ano ang gusto ng magulang. At habang palapit nang palapit ang ika-labingwalong kaarawan ko, isinumpa ko sa sarili ko na magiging isang ganap na paru-paro na ako sa mismong araw ng birthday ko. Malaya. Pwedeng lumipad kung saan ko mang gustong pumunta.            NATIGILAN ako habang nakatayo sa may entrance pagkapasok sa bar. HIndi ko naalis na hindi mapangiti.         Ganito pala ang itsura ng bar?         Bahagya pa akong napapikit nang tumama sa mga mata ko ang tila naglalakad na mga ilaw. Bahagya akong natawa. Parang bata na ngayon lang ipinasyal ng magulang niya.         "Cass, tatayo ka na lang ba diyan? Tara na sa loob!" aya ni Ayra, classmate namin ni Aly.         Nauna na itong naglakad papasok kaya sumunod na ako dito. Inokupa nito ang isang mesa. Kasunod namin ang dalawa pa naming classmate. Sayang nga at hindi nakasama si Aly sa lakad naming ito. Bigla kasing isinugod ang Nanay niya kanina. Buti na lang at patapos na ang program ng Debut ko nakauwi agad si Aly.               "Cass, masama ang tingin sa iyo nung nasa tapat na table." sabi ni Julia.          Tumingin ako sa sinabi niyang mesa. May tatlong lalaki na nakaupo doon. Base sa tindig at itsura ng mga ito, halata mong may kaya ang mga ito. Nang mapansin nung nasa gitna na nakatingin ako sa kanila ay ngumiti ito at itinaas pa ang basong hawak.          Ngumiti din ako. baka naman sabihin nila suplada ako. Nagulat na lang ako nang mayamaya ay lumapit sila sa mesa namin at saka nakipagkilala.         "Pwede bang mag-join kami sa inyo? Mas masaya siguro kung mas marami, di ba?" sabi nung naka-puti.         "Sure! Why not." sagot ni Ayra sa kanila.         Iyong naka-upo kanina sa gitna nila ay tumabi sa akin ng upo.          "Parang bago ka sa paningin ko dito sa bar na to..." sabi niya sa akin.         Kimi akong ngumiti.         "Ah, oo. First time ko lang makapasok ng bar." sagot ko sa kanya.         Namilog ang mga mata nito.         "Really??" sabi pa nito.         "Oo. Strict kasi ang parents ko." nakangiting sagot ko sa kanya.         Bahagya itong tumawa.         "Joke mo ba yan?" natatawang tanong nito.         "Hindi. Strict talaga ang parents ko." sagot ko sa kanya.         "Ooohhhh......" sagot nito na may patangu-tango pa.         "So, dahil first timer ka pala....let me buy you a drink." nakangiting sabi nito.         Napangiti ako. Very friendly naman pala iyong mga nagpupunta sa mga bar.         "By the way, ano nga palang pangalan mo?" tanong niya sa akin.         "Ca-- Xandra. Xandra ang pangalan ko. With a capital X." sabi ko.         Tumango-tango uli ito.         "Xandra....what a sexy name. Kasing-sexy ng may-ari." sabi niya.         HIndi ko napigil ang pagngiti. Ngayon lang may pumuri sa akin ng ganun. ~CJ1016          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

That Night

read
1.1M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.1K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook