CHAPTER 1 - BEACH

1300 Words
        "Mommy, wake up! Wake up!"         Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko dahil sa pakiramdam kong umaalon-alon. Nakita ko ang tatlong taong gulang kong anak na tumatalon talon sa kama habang sigaw ng sigaw. Sinilip ko ang digital wall clock at nakita kong alas-sais pa lang ng umaga.         "Xander...bakit ang aga mong nagising? It's Sunday today. Rest day ni Mama today, di ba?" grogeng sabi ko dito.         Antok na antok pa ko. Pag Sunday lang ako nakakabawi ng tulog dahil hanggang Saturday ang pasok ko sa opisina.         "Yup! But Ninang Aly promised to bring me to the beach!"         "Beach??" manghang tanong ko.         "Yup! Beach!" ulit nito, habang walang tigil pa din ito sa pagtalon sa ibabaw ng kama namin.         "Xander! Stop! Nahihilo na si Mommy..."         "Let's go na sa beach. Let's go!" pangungulit nito.         Ano ba kasi naisipan ni Aly at pinangakuan ng beach ang batang ito?         Hindi din naman ako titigilan ng batang ito kaya bumangon na ako.         "Let's go to Ninang Aly, anak. Gusto ko, gisingin mo din siya katulad ng ginawa mong panggigising sa akin kanina. Okay?" sabi ko dito,          Bumaba na ako sa kama at saka hinila si Xander papunta sa kuwarto ng Ninang Aly niya.         Aly or Alison is my best friend. She was with me from my day one of pregnancy. Kaklase ko siya simula first year college kami. At siya na rin ang tumatayong Ninang ni Xander. Magkasama kami dito sa bahay dahil pinalayas siya ng nanay niya nang mag-asawa uli ito sa pangalawang asawa..         "Ninang Aly! Wake up! Wake up!" sabay talon ni  Xander sa kama nito.         Biglang bangon si Aly.         "Sunog? Saan ang sunog?!"         Napalingon ito sa akin nang hindi ko napigilang matawa. At saka tumingin kay Xander na panay pa rin ang talon sa kama niya.         "Xander???"kunot noong tawag niya sa anak ko.         "Wake up, Ninang! Let's go to the beach!"         "Beach??"         "Yup. Pinangakuan mo daw siyang mag-beach ngayon." nakahalukipkip na sabi ko dito.         Natapik nito ang noo niya.         "Oo I promised him but not this early!"         "Dapat hindi mo muna sinabi sa kanya. Alam mo naman kung gaano ka-hyper iyang inaanak mo. Sa palagay mo, titigilan tayo niyan?" sagot ko sa kanya.         "Ninang! Beach! Beach! Beach!"         "Xander, stop. Parang hindi maganda sa pandinig ko. Feeling ko you're calling me..." nakasimangot na sabi ni Aly.         "Huh?" nagtatakang sagot ni Xander, at saka tumigil sa pagtalon sa kama.         Mahina akong natawa. Muli namang nahiga si Aly.         "Ninang, beach!" sigaw uli ni Xander nang makita niyang humiga uli ang Ninang niya.         Napabangon uli si Aly.         "Anak, masagwa talaga sa pandinig..." sabay sabunot nito sa sarili niya.         Natawa uli ako.         "Ano? Babangon ka na ba o hindi ka titigilan niyan ng kakasabi ng---"         "Oo na! Babangon na! Naku! Kayo talagang mag-ina, oo..." at saka ito nagmamadaling tumayo.         "Go ahead. Mag ready ka na, pogi. Maliligo na si Ninang." sabi ni Aly kay Xander, sabay kurot nito sa pisngi ni Xander.         "Yehey! Yehey!" nagtatalon na naman uli si Xander.         Nauna na itong lumabas sa kuwarto ni Aly at dumerecho sa kuwarto namin. Binalingan ko si Aly.         "I told you, huwag mo ini-spoil yang inaanak mong yan. Kita mo..."         "Hayaan mo na. Kawawa naman. Nakakulong lang lagi dito sa bahay."         "Pwede namang mag-mall na lang later."         "Minsan-minsan lang naman..."         Napailing ako.         "Ikaw din naman..."         "Anong ako din?" nagtatakang tanong ni Aly sa kin.         "Kadalaga mong tao kaming mag-ina lagi ang kasama mo pag Linggo. Dapat boyfriend ang kasama mong lumalabas pag Linggo." nakangiti kong sabi dito.         "Hmp! E sa walang magkamali eh."         "Walang magkamali o hindi ka pa nakaka-move on?" nanunuksong tanong ko dito.         "Puntahan mo na nga yung anak mo, Xandra para maaga tayo makaalis at maaga din tayo makauwi." pagtataboy nito sa akin.         Mahina akong natawa.         "Pikon!" sabi ko sa kanya bago ako tumalikod at naglakad na papunta sa kuwarto naming mag ina.         TAMANG tama lang ang init ng panahon. Hindi pa naman summer kaya hindi pa kainitan ng araw. Pero ganunpaman nagbaon pa din ako ng sunblock para maprotektahan ang balat ni Xander.          "Ang kinis talaga ng balat ng batang yan noh?" pansin ni Aly habang nilalagyan ko ng sunblock ang likod ni Xander.          "Bakit? Makinis naman ako ah!" sagot ko s kanya.          "Oo naman, beshie. Hindi naman maipagkakaila. Pero ibang klase ang pagkakinis niyan." sabi nito, sabay nguso pa kay Xander.           Hindi na ako kumibo at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Parang alam ko na ang tumatakbo sa isip ni Aly at ayokong i-entertain yun.          "Pihado paglaki niyang inaanak ko maraming paiiyaking babae yan!"           Napangiti na lang ako. Nabura ang ngiti ko nang may maalala ako.           "Aray!" sabay hawak ko sa ulo ko.           "Mag-uumpisa ka na namang mag-emote, eh!" singhal ni Aly sa akin.           "Hindi ah!"pagde-deny ko.           "Naku, Cassandra Jewel Madrigal...ako pa ang lolokohin mo? E kabisadong- kabisado na kita mula ulo hanggang paa."with confidence na sabi ni Aly.            "Ninang, niaaway mo ba si Mommy?" tanong naman bigla ni Xander.            "Naku, pogi...ako nga ang inaaway ng Mommy mo." sagot naman ni Aly na binigyang diin pa yung ako.             Napalingon ako dito.             "Kapal ng mukha mo!" natatawa kong sabi kay Aly.             Tumayo si Aly at saka inaya na si Xander.              "Tara na, inaanak kong pogi. Mag-swimming na tayo. Iwan natin dito ang Nanay mo. At mage-MTV pa yan."              "Bruha!" sabi ko dito.              "Ninang.. anong ntb?" narinig ko pang pahabol na tanong ni Xander nang nag-umpisa na silang maglakad palayo.               "Mamaya makikita mo din ang ibig kong sabihin." nakangiting sagot dito ni Aly.               Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Tanaw-tanaw ko sila habang naglalakad sila papunta sa tubig. Patalon-talon pa si Xander habang nakahawak sa Ninang niya.                Maya-maya ay may naghahabulang dalawang batang lalaki na dumaan sa harapan ko. Paroon at parito silang naghabulan. Magkamukhang-magkamukha sila kaya unang tingin ay iisipin mo agad na kambal sila. Siguro ay nasa thirteen or fourteen ang edad ng mga ito.                Ganito rin ang edad nila nang umalis ako...                Nawili ako sa kakanood sa kambal kaya nagulat pa ako nang marinig ko si Xander na tinatawag na pala ako.               "Mommy! Mommy! Hungry na Xander..."               "Yan ang sinasabi ko sa iyo inaanak na MTV!"               Napukaw ako sa iniisip ko nang maramdaman ko na may kasama na ako sa cottage.              "Ano yun?" wala sa loob kong tanong kay Aly.              "Wala....sabi ng anak mo gutom na daw siya..."              Hindi ko na lang pinansin si Aly. Alam kong inaasar ako nito.Tumayo ako at saka inilabas ang mga gamit mula sa paper bag na dala-dala namin. Tinabihan naman ako ni Aly at saka pasimpleng bumulong.               "Bakit di mo subukang magpakita sa kanila? Malay mo naman ikaw lang ang nag-iisip na hindi ka nila tanggap."               "Ikakahiya nila ako. Panigurado." mahina kong sagot para hindi marinig ni Xander.               "Hindi mo pa nga sinusubukan...." sagot ni Aly.               "Sigurado ako."               "Eh, beshie....kawawa naman ang bata. Kung iuuwi mo siya sa inyo mas gaganda ang buhay niya. At saka mas maraming magmamahal sa kanya." sulsol pa ni Aly.                "Bakit? Sobra-sobrang pagmamahal naman ang ibinibigay ko, ah. Nating dalawa sa kanya."                 "At least sa inyo, kahit papaano, may father figure siya dun. Andun ang Daddy mo. Saka mga kapatid mo."                "Ang importante, Aly... mahal natin siya."                Nagkibit balikat ito.                "Ikaw ang bahala..." pagsuko ni Aly sa pangungumbinsi sa akin.                "Ako nga ang nahihiya sa iyo. Pati ikaw nagagastusan kay Xander."                "Sus! Ano ka ba? Para ano pa at naging Ninang ako?" mataray na sabi ni Aly.                "Bakit hindi ka pa makipagbati sa Nanay mo?"tanong ko dito. "Hala! Ayaw mo na ba ako sa buhay nio ni Xander?" "Hindi naman sa ganun. Ayaw mo bang maayos kayo ng Nanay mo?" "Ay sus! Nagsalita...Ayusin mo muna kayo ng pamilya mo bago mo ko sabihan." "Matagal pa ba yan? Hungry na ko..." Sabay kaming napalingon ni Aly kay Xander at hindi nagkandatuto sa pag aasikaso nito.         ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD