bc

Last s*x

book_age18+
2.6K
FOLLOW
8.8K
READ
sensitive
independent
drama
tragedy
bxg
feminism
first love
illness
lies
like
intro-logo
Blurb

Scythe Medialdia was a famous band vocalist before, and now, she is suffering from a disease called— lung cancer.

She doesn't want her life to be more dramatic. Tinanggap na niyang anomang oras ay puwede siyang mawala, kaya naman, hindi na siya nagsayang pa ng sandali upang makapiling ang nag-iisang lalaking minahal niya nang lubos.

That's Marcus Zion Magcawas. Isang drummer sa kanilang banda kung saan sila nagkakilala. Ang kaniyang limang taon na naging boyfriend at naging ex-boyfriend ng tatlong taon. Isa lang ang nais niya bago siya tuluyang mawala— ang magkaroon ng anak mula sa dating kasintahan. Isang gabi sa piling ni Marcus.

Mangyayari pa kaya iyon kahit na alam niyang mayroon ng kasintahan ang lalaking kaniyang minimithing makuha? Matupad kaya ang kaniyang kahilingan? O hanggang sa huling hininga, alaala nilang dalawa lang ang tanging kaniyang tangan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HINDI LAHAT NG NANG-IIWAN, masama na. Minsan, kahit alam nilang sila ang may kasalanan, sila pa rin ang lubos na nasasaktan. "Are you breaking up with me?" Lakas-loob na tanong sa akin ni Marcus— ang aking una at huling minamahal. Nasa isang parke kami sa aming village kung saan wala nang taong dumaraan dahil sa dilim ng paligid. Inabot na kami ng gabi sa pag-uusap at hanggang ngayon ay hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan. Ayaw niya akong paalisin. Ayaw niya akong bitiwan. Ayaw niya akong pakawalan. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay ang mabilis na pagpatak ng aking luha. Naging mabilis din ang naging pagyuko ko upang hindi niya ito makita. Ilang beses pa akong suminghap nang palihim upang hindi niya mahalata na apektado ako sa nangyayari sa amin ngayon. Nanatili akong nakayuko at paminsan-minsang tumitingin sa kanan. Iyon ang paraan ko para hindi salubungin ang mga titig niya. Kailangan kong gawin 'to. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga peste na nagtatakbuhan sa aking dibdib na naging dahilan ng pagsikip nito. Tila pinupukpok ng malalaking martilyo ang puso ko sa tuwing maririnig ng aking saradong tainga ang kaniyang mga hikbi. 'Hindi ko ito gusto, Bam. Nasasaktan din ako pero kailangan kong saktan ka.' "Ma—May g-ginawa ba akong mali, Bam? Sa—sabihin mo naman sa akin. Baguhin ko naman. H-hindi 'yong ganito. Ayoko ng ganito, Bam," paos na ang kaniyang tinig at pumipiyok-piyok pa dahil sa naging pag-iyak nito.  Ayokong makita niyang naapektuhan ako sa kaniyang ginagawa kaya naman kahit gusto ko siyang tingnan ay nanatili ang aking paningin sa kung saan.  "Bam naman…" bulong niya kasabay ng paghigit ng aking kamay ngunit agad ko iyong binawi. "Tama na, Zy!" Lumakas ang aking boses na naging dahilan upang tumahimik siya. "Ayoko na, e." Malakas ang pakiramdam kong nakatingin siya sa akin kaya sinubukan kong pigilan ang pagsalubong sa kaniyang mga mata. "Tanggapin na lang natin... tanggapin mo na lang na siguro nga, hindi tayo para sa isa't-isa... na dadating ang panahon na magkakasawaan tayong dalawa at ito na iyong panahon na 'yon, Bam! Ito na 'yon. Tanggapin mo na..." buong puwersang saad ko habang nilalabanan ang kaniyang mga titig.  Sinikap kong maging kalmado kahit sa loob-loob ko'y nais ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa lahat ng aking sinabi. Gusto kong bawiin kung ano man ang lumabas sa aking bibig at sabihing nagkakamali lang ako. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit dahil kaunti na lang, bibigay na ako. Gusto ko siyang halikan dahil hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong sabihin. Nauubusan na ako ng dahilan.  Pero gusto ko na rin na matapos na ito. Hindi dahil sa ayaw ko na, kungdi dahil sa kailangan ko itong gawin. "Nagsasawa ka na ba sa akin?" Diretsong tanong niya. Muling bumaba ang aking paningin ngunit hinawakan niya ang baba ko upang i-angat ito. "Sabihin mo sa akin kung nagsasawa ka na, Bam," malumanay na aniya na tila napapagod na. Sa tono ng pananalita niya ay tila napagod na rin siyang habulin ako. Na kung sasagutin ko siya ng 'oo' ay tatalikuran na niya ako. Gusto kong gawin niya iyon pero ayaw ng puso ko. "Sabihin mo sa akin na nagsasawa ka na... titigil na ako," Tila sinagasaan ng sampong ten wheeler truck ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Malumanay lang iyon at mahina ngunit dinig na dinig ng aking tainga. Ito naman ang gusto ko, 'di ba? Bakit parang mas ako pa ang nasasaktan? "Sabihin mo sa akin na napapagod ka na... dahil hahayaan na kitang magpahinga. Sabihin mo sa akin na aalis ka na para palayain na kita. Sabihin mo sa akin na ayaw mo na para hindi na ako aasa. Sabihin mo sa akin na tigilan ko na ito..." Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin nang diretso. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya nasasaktan ngayon. At mas nasasaktan ang puso ko dahil ako mismo ang dahilan kung bakit niya nararamdaman 'yon. Ako mismo ang sumira sa pangako na kahit kailan, hindi ko siya sasaktan. Ako mismo ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Ako 'yon at wala man lang akong magawa upang pawiin ang lahat ng sakit na ako mismo ang nagdulot. "Sabihin mo sa akin na tigilan na kita... dahil pangako, sa ating dalawa, ikaw ulit panalo, hindi na ako makikipag-jack en poy. Dating gawi, hindi na ako kokontra..." 'Bam....' "BAM!" Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga. Sumikip ang aking pahinga na tila hinahabol ako ng mga asong gutom. Mariin akong napapikit nang mapagtanto kung ano ang nangyari sa akin. 'Napanaginipan na naman kita, Bam...' 'Napanaginipan ko na naman ang mga sandaling pinagsisisihan ko mula noon hanggang ngayon.' "Sa kaiisip mo sa kaniya, pati pagtulog mo, inaabala na niya." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Bruno na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Kami lang ang nandirito sa kuwarto nang mabilis kong pasadahan ang kabuohan nito kaya imposibleng hindi siya ang nagsalita. Nang hindi ko pansinin ang kaniyang sinabi ay inilapag niya sa side table ang hawak na diyaryo at umayos ng upo sa single couch. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Naging sarkastiko ang aking tinig sa tanong na iyon. Sa totoo lang, ayaw ko siyang nandito. "Nasaan si Sceena? Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin?"  "Lumabas siya sandali dahil paparating na ang boyfriend niya. Tinatanong mo kung bakit ako ang nagbabantay sa iyo? Hindi ba dapat ay magpasalamat ka na lang?" mayabang na aniya saka dahan-dahan na tumayo at lumakad papunta sa gawi ko. "Bakit ba sa tuwing kaharap mo ako, nagagalit ka?" "E, ano bang paki-alam mo? Hinahayaan ka na ngang pumasok sa kuwarto ko, kung ano-ano pa sinasabi mo." Si Bruno ang kaisa-isang kaibigang lalaki ng kuya ko. Balita ni Kuya ay may gusto ang mokong na ito sa akin ngunit hindi ko iyon siniseryoso. Pakiramdam ko nga, sila ang mag-syota dahil sa dalas nilang magkasama. Kung hindi lang brusko ang katawan nilang pareho ay napagkamalan kong bakla ang isa sa kanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook