Chapter 2

1010 Words
Nang mag alas-sais na ng gabi ay minabuti niyang umalis na at maglakad papuntang ospital. Bitbit niya ang basket ng balut at isang plastik ng mga chicharon at ang baunan at tubig niya. Ayaw na kasi niyang gumastos pa para sa pagkain niya dahil ang gusto niya ay makaipon siya. Gusto kasi niyang makasakay ng jetplane at makapag-travel sa ibang bansa katulad ng mga palagi niyang nakikita sa social media. "Ana, ang aga mo ah," bati sa kan'ya ni Ria sa gabi, Romeo sa umaga. "Kailangan e. Alam mo na, gusto kong makasakay ng jetplane," seryosong sabi niya rito. "Baka airplane?" Kunot-noong sabi nito. "Parehas lang naman iyon," inis na sabi niya. "Hay nako Ana, kahit magpakalunod ka sa pagbebenta ng balut dito tuwing gabi ay hindi mangyayari iyon. Aba e, napakamahal sumakay ng eroplano." Daldal na sabi nito habang inaayos ang paninda nitong barbeque. "Eh bakit ba nakikialam ka? Baka gusto mong isumbong kita sa nanay mo at sabihin ko sa kan'yang lumiliit iyang short mo kapag gabi?" Taas kilay na sabi niya rito. Hindi kasi alam ng nanay nito na binabae ito. "Ikaw naman Ana, hindi ka na mabiro. Huwag kang mag-alala, may libre kang hotdog sa akin mamaya." Ngisi nito sa kan'ya. "Mabuti sana kung hotdog iyan nang doktor na pogi riyan sa may hospital," kinikilig na sabi niya. "Ibig mo bang sabihin ay si Dr. Fegerson? Iyong galing ibang bansa? Iyong macho, gwapo at mukhang masarap—" "Hoy! Huwag na huwag mong mapagnanasaan ni sa isip mo ang asawa ko ha?!" putol niya sa sinasabi nito. "Wow ha, asawa kaagad? Ana, alam ko naman na mataas ang pangarap mo pero kahit anong gawin mo ay nungka kang mapapansin ng doktor na iyon," mariing sabi pa nito sa kan'ya. "Hoy, bakla! Bakit ba siguradong-sigurado ka ha? Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi ako maganda para hindi niya ako mapansin at patulan?" inis na sabi niya rito. Sa halip na sumagot ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Eh kasi naman, mas lalaki ka pa sa akin e. Tsaka, huwag kang magagalit ha? Maganda ka naman, kaso ibang level nga lang," parang natatakot pa na sabi nito. "Hoy, don't judge the booklet by each cover!" "Hay nako Ana, magtinda na lang nga tayo." At mabilis na siya nitong tinalikuran habang siya naman ay wala sa mood na inayos ang paninda niya. Halos alas nuebe na nang gabi nang bigla siyang maihi kaya tinawag niya si Ria. "Pakibantayan naman itong pwesto ko, makikiihi lang ako sa may ospital." At mabilis na tumalikod pero ilang hakbang lang ay humarap ulit dito. "Huwag kang kukuha riyan sa balut ko dahil bilang na bilang ko iyan." Paalala niya rito at mabilis na tumalikod. "Makikiihi lang po, Bossing." Ngiting sabi niya sa guard na naka-duty doon. Tumango lang ito sa kan'ya at ngumiti. Akmang papasok na siya sa may banyo ng first floor nang mamataan niya iyong gwapong doktor na papasok sa loob ng escalator. Kaya feeling niya ay umurong ang ihi niya kaya mabilis siyang tumakbo at pinigilan ang pagsara nito. "Hep!" Bigla naman itong napakunot-noo at napatingin sa kan'ya. Bigla naman siyang napangiti at nag-beautiful eyes pagkatapos ay inipit ang ilang hibla ng mga buhok niya sa magkabila niyang mga tenga. "Good evening po, Dok," kinikilig na sabi niya. Bahagya lamang itong tumango pero hindi nagsalita. Isnabero ka ha? Taas kilay na sabi niya sa sarili. Teka nga lang. At nagkunwari siyang napahawak sa may gilid at napasapo sa may ulo niya. Mabilis naman siya nitong nawakan sa isang braso. "Hey, Miss? Are you okay?" "Mukhang nahihilo ata ako, dok." At mabilis na sinandal niya ang ulo niya sa may balikat nito at nagkunwaring natutumba. Nagulat siya nang bigla siya nitong pangkuin dahilan para mapakapit siya sa may leeg nito at masamyo niya ang amoy nito kaya pumikit na lamang siya at nagkunwaring walang malay. Shit! Gabi na pero amoy bagong ligo pa rin. Sarap mo dok! Kilig na sabi niya sa isip. Nagulat naman siya nang bigla siya nitong ibaba sa may wheelchair nang bumukas ang elevator at mukhang dadalhin siya nito sa may emergency room. "T-Teka, dok." Sabay hawak niya sa may gulong ng wheelchair para hindi ito umandar. "Okay na pala ako, nahilo lang ng konti." At mabilis na tumayo. "What? Are you kidding me?!" inis na sabi nito sa kan'ya. Pero bigla siyang natulala rito. Bakit ganoon? Pati pagsasalita nito ay pogi pa rin. "Hey?!" "Ha?" At mabilis niyang pinunasan ang laway niya sa may labi nang mahimasmasan. "Medyo nahilo lang talaga ako kanina dok kasi kumain ako ng crispy pata. Alam mo naman, medyo nakakaluwag-luwag," dahilan niya habang natutulala pa rin. "What?" Kunot-noong sabi nito. "Pero dok, hindi pa po ako maluwag ah. Masikip pa po ako," mabilis na sabi niya. "Enough. You're crazy." At mabilis na siya nitong tinalikuran at naglakad paalis. "Dok pogi!" tawag niya rito. Huminto naman ito pero hindi humarap. "Ang bango-bango mo! Amoy baby!" Ngising sabi niya sabay pasok ulit nang bumukas ang escalator. Hindi niya mapigilan at bigla siyang napatili dahilan para mapatingin sa kan'ya ang mga kasabay niya sa loob. "Hoy? Anong tinitingin-tingin niyo riyan? Mabango ang hininga ko ha! Mahal ang colgate na ginagamit ko!" At mabilis na siyang lumabas nang bilang bumukas ang pintuan. Habang naglalakad pabalik sana sa may pwesto niya ay bigla niyang naisip na hindi pala siya nakaihi. Di bale na, hindi na baleng magkasakit sa bato. Ang mahalaga, nakita niya si Dok. At hindi lang iyon. Hinawakan at binuhat pa siya nito. Grabe, dapat pala ay sinunggaban na niya ito at siya na ang gumawa ng first move. Ramdam na ramdam niya kanina ang tigas ng katawan at mga braso nito na nakapulupot sa may katawan niya. Humanda ka, Dok Pogi. Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa-akin. At masaya na siyang naglakad pabalik sa may pwesto niya. Nakangisi siya habang tinitignan si Ria. Ipapamukha niya ritong mali ito at mapapansin at papatulan siya ng poging doktor. Maghintay lang kayo, magiging asawa ko talaga iyon! Mariing pangako niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD