CHAPTER 2

1310 Words
"GOOD MORNING, Miss Diana," bati ko matapos makipagkamay at umupo sa kaniyang harapan. Bagaman kabado dahil sa natanggap kong mensahe galing sa kaniya ay hindi ko iyon pinahalata nang magkaharap na kami. Nangatog talaga ang kalamnan ko. Sino bang nanaisin makausap ang CEO sa ganito kaseryosong paraan?"Ano po bang pag-uusapan natin?" dagdag tanong ko pa. Ilang araw na simula nang sabihan niya ako na kailangan naming mag-usap. At sa ilang araw na iyon, nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit niya ako gustong kausapin. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Dahil iyon pa ang magiging topic namin sa usapang ito. Hindi ko rin naman ginusto pero parang kasalanan ko. Ganoon talaga. Wala akong pwedeng gawin kundi ang tanggapin. Ito ang pinili kong trabaho, eh. Ito kasi ang ginusto ko. "Alam mo naman na siguro ang issue ngayon, hindi ba?" Maawtoridad nitong tanong sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang pinaglalaro ang mga daliri sa ilalim ng lamesa. "Pansin ko ang pagbaba ng reads at votes mo, Spicey. At hindi ko 'yon nagugustuhan. Bawat post mo, iilan na lang ang tumatangkilik, iilan na lang ang pumapansin, iilan na lang ang nagkakainteres," mahabang aniya pa. Huminga ako nang malalim. Alam ko naman iyon. Sadyang wala lang akong magawa kung iyon ang nangyayari ngayon. Isinalaysay niya pa sa akin kung gaano bumaba ang mga reads maging votes ko sa isang online writing platform na libreng nakapagsusulat at nakapagbabasa ang mga may hilig sa literatura. Pansin ko rin ang kawalan ng spotlight sa akin nitong mga nagdaang buwan. Bagaman may mga solid readers pa rin ako, hindi na sila singdami ng noon. Pansin ko na iyon, hindi ko lang masyadong dinidibdib dahil tumitingin pa rin ako sa brighter side ng pagiging writer ko. And it really happens. Mawawalan at magkakaroon ng readers. Tulad ng pag-aartista. May nalalaos, may sumisikat. But it still bothers me. Hindi kasi pwede na mawalan ako ng fans. I have my pride too. Tinagurian akong 'Queen of Literature' pero heto at bumababa ang engagements ko. Bagay na hindi maaaring mangyari. Kung noon ay inaabot ng limampung milyon ang bilang ng mga bumabasa, ngayon ay halos wala pa sa isang milyon. Malaki ang naging kabawasan niyon sa akin. At hindi ko rin naman ginusto iyon pero kailangan kong pataasin ulit ang engagements ko. Dito ako kumikita. Ito ang trabaho ko. I need to save my name and my future with this. "Ano po ang gusto ninyong gawin ko, Miss Diana?" malumanay ang aking tinig habang sinasabi 'yon. Direkta akong nakatingin sa matalim niyang mata. Seryoso ito't kunot na kunot pa ang noo. Tila isang leon na hindi mo nanaising galitin pa. "Nagsusulat pa rin naman po ako. Hindi naman po ako tumitigil." Totoo naman iyon. Paano ako titigil? Eh, ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko? Paano ako titigil? Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang frustrations ni Miss Diana. Ramdam kong naiinis siya pero wala siyang magawa at wala kaming maisip na solusyon sa ngayon. "Kahit magsulat ka nang magsulat, kung hindi ka na sikat, walang kuwenta ang mga gawa mo!" singhal niya sa akin. Napapikit ako nang mariin nang sa kauna-unang beses ay nasigawan niya ako. "Kapag nagkataon na hindi ka pa rin sumikat sa buwan na ito at hindi mo nasungkit muli ang iyong korona, mapipilitan akong bitawan ka. Alam mo naman na ako at ang publishing ko na lang ang natitira sa iyo, Spicey." Tila sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Miss Diana. Oo nga't sila na lang ang natitira sa akin. Hindi naman sa malaki silang kawalan sa buhay ko. Kung tutuusin, marami namang publishing houses ang kumukuha sa akin. Sadyang exclusive lang ako rito. Hindi ko basta-basta pwedeng i-breech ang kontrata. At lalong hindi ko rin pwedeng iwanan 'to. Lalo na sa panahon ngayon na humihina ang ilaw ko. Samu't-saring pakiramdam ang naramdaman ko matapos sabihin 'yon sa akin ni Miss Diana. Siya kasi CEO ng pinakasikat publishing sa buong Pilipinas. Bagaman may pagka-istrikta ay hindi siya nawawalan ng mga sikat na writer na eksklusibo lamang sa kaniya. Magaganda kasi ang offer niya sa amin. Kung sikat na ako at sikat pa ang publishing house na kinabibilangan ko, siguradong hindi na ako mamumulubi sa readers. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lang bumaba ang reads and votes ko na importanteng batayan para ma-isalibro ang aking mga akda. Mataas din kasi ang standard nila pagdating sa pamimili ng writer. At aaminin kong sa publishing house lang na ito gustong manatili. Inayawan ko ang iba't ibang publishing na kumuha sa akin hindi dahil sa maliliit lang ito't hindi mataas ang royalties na makukuha ko. Hindi rin gano'n kalaki ang sakop nilang atensyon kumpara sa napasukan ko ngayon, kundi dahil siya iba nasa mataas na akong kumpanya, bababa pa ba ako? Lalo't kailangan ko ng pagkakakitaan? Sa panahon ngayon, mahirap makatagpo ng trabaho na kikita ka na, gumagawa ka pa ng mga hilig mo. At masaya ako rito. Kahit minsan, nakaka-stress. "Alam ninyo po ba ang dahilan kung bakit hindi na pumapatok ang mga gawa ko?" nag-aalalang tanong ko. Lungkot, pag-aalala, takot at habag sa sarili ang nararamdaman ko. Oo, alam ko ang dahilan ng aming magiging usapin ngayon ngunit ang dahilan kung bakit kailangan namin mag-usap tungkol dito ay hindi ko alam. Nalulungkot ako dahil sa biglaang pangyayari. Natatakot naman ako sa posibleng kahantungan kung mawawala sa listahan ang aking pangalan. "Hindi na nila gusto ang teen fiction na genre mo. Iba na ang gusto ng readers," direktang aniya. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang kumunot. Iba na ang gusto nila? Sa halos sampung taon kong pagsusulat ng genre na iyon, kakatwang nabago ang gusto ng mga mambabasa? "Ano ho ba 'yon?" tanong ko na lang. "Erotic. Sekswal. Naglalaman ng mga maseselang senaryo. Iyon ang patok ngayon, Spicey! Iyon ang kailangan mong gawin." Ang tono ng pananalita nito ay tila nag-uutos. Magkaharap lang kami ngunit parang ilang kilometro ang layo namin sa isa't isa kung taasan niya ako ng boses. Pero wala lang iyon sa akin. Nais kong maging sikat simula noong ginusto ko ang pagsusulat.  Dahil aminin man natin o hindi. Kaakibat ng career ang kasikatan.  At ngayong nakamtan ko na ito, hindi ko na maaaring pakawalan ang pagkakataon na ito. Pero… isang bagay ang pinoproblema ko. Hindi ako nagsusulat ng ganoong genre dahil wala akong alam sa ganoon. Sa edad kong ito, ni manood ng maseselang palabas ay ayaw ko. Anong ilalagay ko sa istorya kung maski ako, walang alam sa ganoon? Huminga ako nang malalim. "Pero hindi ko po alam kung papaano gumawa ng ganoong genre. Hindi ko pa po nararanasan. Paano ko po mapaparamdam sa mambabasa na parang tunay na nagaganap ang kanilang binabasa?" Nakita kong hinilot ni Miss Diana ang sentido niya dahilan para muli akong bumuntong-hininga. Am I causing a lot of trouble? Am I really causing her a headache?  "Then do something about it! Humila ka ng lalaki at magpaturo ka kung papaano gawin 'yon nang may maisulat ka." Tumayo na siya pagkatapos sabihin 'yon ngunit nanatiling nakatingin sa akin. "Remember, Spicey. Gusto mong sumikat. Huwag mong hahayaan na mawala ang kasikatan na iyon sa iyo," dagdag niya bago ako tuluyang iwanan sa lamesa. Hindi man lang namin nagalaw ang in-order niyang pagkain. Mayamaya pa'y nilisan ko na rin ang lugar na iyon nang naguguluhan pa ang isip. Anong gagawin ko? Paano ko gagawin 'yon? Paano ako susulat ng isang akda na kailangan man, hindi ko pa naranasan gawin at wala akong ideya sa genre'ng iyon? Paano ko mapapanindigan ang isang istoryang wala akong kaalam-alam kung saan sisimulan? Kahit sa panaginip, hindi ko naisip na balang-araw, makapagsusulat ako ng ganoong genre. Gawin pa kaya? Huminga ako nang malalim. Muli namang sumagi sa isipan ko ang kakasabi lang ni Miss Diana. Humanap ng lalaki upang gawin ang bagay na iyon? Is that even possible?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD