Chapter 3

1683 Words
BAGSAK ang balikat nang umuwi ako sa inuupahan kong apartment malapit sa publishing house kung saan ako nagtatrabaho. Wala akong sariling bahay dahil hindi naman talaga ako taga-Maynila. Namumuhay lang akong mag-isa rito dahil kailangan kong buhayin ang mga taong mahal ko sa probinsya, lalo na ang nanay ko na may sakit. Laking probinsya ako sa Visayas pero ilang taon na rin akong naninirahan dito sa Maynila upang makipagsapalaran. Tutal ay pwede ko namang gamitin ang talento ko sa pagsusulat, bakit hindi ko pagkakitaan. Taliwas sa trabaho ko ngayon ang kursong tinapos ko. Business Administration iyon at talaga namang malayo sa pinagkakakitaan ko ngayon. Sa panahon ngayon, napakahirap maghanap ng trabaho. Kung may mahanap ka man, hindi ka makatagal dahil iba pa rin 'yong gusto mo ang ginagawa mo. Kaya nga nandito ako sa larangan ng pagsusulat. Dahil bukod sa kumikita ako ng malaki kaysa sa minimum wage na makukuha ko sa pagtatrabaho gamit ang kursong tinapos ko, mahal ko talaga ang pagsusulat. Kumbaga, dito ako masaya. Pero dito rin ako nakakaramdam ng lungkot. Tulad ngayon, isang malaking problema ang sumusubok sa pagiging isang manunulat ko. Muli akong bumuntong hininga. Paanong halos naubos ang mga mambabasang tumatangkilik sa teen fiction? Bilang isang teen fiction author, hindi ko matanggap iyon. Para bang may mali. Para bang may kailangan akong baguhin. Para bang hindi tama na basta ko na lang iwan ang genre na nakagisnan ko na. At oo, hindi pa ako susuko. Hindi pa ito ang panahon para isuko ko ang nakagawian ko. Hindi pa huli ang lahat para baguhin ang isip ng mambabasa. Hindi pa huli para ipa-realize sa kanila na teen fiction romance pa rin ang pinakamagandang genre na pwede nilang mabasa. Dali-dali kong hinubad ang sapatos ko at agad na sumampa sa higaan. Doon ay kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone para tawagan ang matalik kong kaibigan sa probinsya at siyang una kong taga-suporta. Huminga ako nang malalim bago ko d-in-ial ang number niya. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. "Problema?" Iyon agad ang binungad sa akin ni Ana nang sumagot ito. Bumuntong hininga ako. Ana really knows me well. Alam na niyang may problema ako. "Sa work lang," sagot ko. Wala namang rason para itago ko pa sa kaniya. Tanging siya na lang ang mayroon ako. Kahit gusto kong magpunta siya rito sa Manila para magkasama na kaming dalawa at dito na lang maghanap ng trabaho, nagtitiis siyang mag-ani ng palay sa probinsya. Hindi dahil sa hindi niya maiwan ang pamilya niya, kundi hindi niya maiwan ang pamilya ko. Parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa kaya naman, mahalaga na rin daw para sa kaniya ang pamilya ko. Siya ang nagiging mata ko sa bahay dahil wala ako roon. Lalo na ngayon na mayroon akong sugarol na ama at may sakit na ina. Ang tatlo kong kapatid ay nag-aaral pa. Tanging ang sahod ko lang sa pagsusulat ang bumubuhay sa kanila at paminsan-minsang pagsa-sideline ng kapatid ko. Minsan din, kapag may extra si Ana, pinaggo-grocery at binibigyan niya rin ng pera ang pamilya ko kahit hindi naman na kailangan dahil kahit papaano ay sumasapat naman ang kita ko. Masyado lang talagang naaawa si Ana sa pamilya ko at sa akin. Palibhasa, medyo nakakaangat ang buhay nila at kaya lang siya umaani ng palay ay dahil kanila ang palayan na iyon. Imbes na mag-hire ng taong gagawa niyon para sa kanila, pamilya na nila ang nag-aani. Ngunit hindi rin naman magarbo ang pamilya nila. Sapat lang upang makaipon sila kahit papaano. Iyon nga lang, hindi ko pa rin nakakalimutan na mataas ang pangarap ni Ana para sa sarili at sa pamilya nila. "Hoy, nawala ka na?" Bumalik sa reyalidad ang isip ko nang marinig ko ang boses ni Ana sa kabilang linya. Muli akong bumuntong hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ana…" pagdadrama ko sa kaniya. "Ano bang nangyari?" Naroon ang pag-aalala sa kaniyang boses. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may tumulong luha sa aking mata nang marinig ang pag-aalala ni Ana para sa akin. She is my comfort person. Marinig ko lang na nag-aalala siya sa akin, nararamdaman ko nang may kakampi ako. "Alam mo na ba ang nangyayari?" tanong ko sa pagitan ng mga tahimik na hikbi. "Saan ba? Sa iyo o sa career mo?" seryosong tanong niya. I sighed once again. "Parehas…" "Oo, alam ko," diretsong sagot nito. Hindi na ako nagtataka kung alam ni Ana ang nangyayari sa akin. Kahit kasi abala ito sa ginagawa, nagkakaroon pa rin ito ng oras para i-check ang updates ko. In any social media na nandoon ako. Kaya alam niya rin ang nangyayari sa akin. Gaya nga ng sabi ko, she is my number one supporter. Mas kilala niya pa nga ako kaysa sa sarili ko. Nasapo ko ang ulo ko. Tila nanakit iyon sa sobrang pag-iisip. Ni hindi na kasi nawala sa isip ko ang problema. Mas nadaragdagan pa nga sa paglipas ng oras. "Anong gagawin ko?" Hindi ko namalayan na naisatinig ko pala iyon dahilan para sumagot si Ana sa kabilang linya. "Anong payo sa iyo? Humingi ka na ba ng tulong sa mga katulad mong writer?" malumanay na tanong niya. "Miss Diana talked to me." "What? The CEO? Anong sabi niya?" Hindi na ako nagtaka nang magulat siya. Hindi naman kasi dapat CEO ang kakausap sa akin. Mayroong mga Ambassadors at Ambassadress ang kumpanya. Sila ang mga maaaring lapitan at maaaring lumapit sa amin sakaling may problema sa stories. Kaya talagang nakakagulat na si Miss Diana pa ang tumawag at kumausap sa akin. Ibig sabihin lang niyon, malaking problema ang mayroon ako. "Hindi na raw effective ang teen fiction para sa mambabasa. Iba na raw ang gusto nila ngayon. Dahil na rin sa nag-iiba ang henerasyon." Sa pang-ilang beses ay muli akong bumuntong hininga. "That's absolutely true. Pero, ano ang sinabi niyang gawin mo? I'm sure bibigyan ka niya ng instructions." "I need to write erotic romance genre. Pero hindi ko alam kung paano." At totoo iyon. "Ha? Anong hindi mo alam kung papaano? Malawak ang imagination mo, 'di ba?" Gaano man kalawak ang imahinasyon ng isang manunulat, may hangganan din. May mga genre kami na hindi kayang isulat na para sa iba, madali lang. Pero para sa akin, napakahirap na niyon. Parang kaya ko pa ngang magsulat ng fantasy novel kaysa ang erotic. Lumaki kasi akong mataas ang prinsipyo at may dignidad kaya sobrang ekis para sa akin ang may temang sekswal. Lalo na at wala akong ideya sa ganoon. Iniiwasan kong magkaroon ng ideya dahil ayokong mamulat sa ganoong uri ng henerasyon. Pinahid ko ang luhang tumakas sa mga mata ko. "Pero hindi sa ganoong genre, Ana. Diyan ako mahina. Lalo na at hindi ko pa naman nararanasan." "Gusto mo bang maranasan—" Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa gulat. "Ana!" saway ko sa kaniya. Pero imbes na tawa ng nagbibirong si Ana ang marinig ko sa kabilang linya, mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kumunot tuloy ang noo ko. "Akala mo ba ay nagbibiro ako?" Bumuntong hininga siya ulit. "I'm just trying to help you since I know you. Alam kong hindi ka nagsusulat lalo na kung wala kang experience sa ganoon." Tumango-tango ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita. "Exactly. Ayoko namang mawala ang reades ko. Ilang taon ko silang iningatan. Ilang taon ko silang minahal. Kahit mas marami ang pamba-bash, nananatili akong nagsusulat kasi alam kong marami din ang naghihintay ng kwento ko," pagda-drama ko pa sa kaniya. "Marami naman pala, eh. Eh, bakit bumababa ang engagements?" tanong niya. "Dahil hindi iyon sapat sa dami ng readers na ang gustong basahin ay erotika." Totoo naman iyon. Gaya ng mga artista sa telebisyon, hindi rin biro ang hirap na nararamdaman at pinagdadaanan ng isang manunulat. Hindi rin madaling makarating sa kung nasaan man ako. It takes a lot of hardships, pain, tears and courage. Nandyan iyon insecurities. Nandiyan 'yong inggit. Na sana, kung gaano ka-stable ang readers ng isang manunulat ay ganoon din ako. Na sana, kung gaano karami ang mambabasa nila ay ganoon din ako. Sa totoo lang, hindi ko na maramdaman ang titulo kong "Queen of Literature" dahil bumababa na ang reads ko. "Mas gusto nila ang matured content. You know why?" "Bakit?" "Kasi mas maraming aral doon. Mas makatotohanan iyon. Mas nakaka-relate sila sa buhay dahil hindi na panahon ng mga magulang o ng mga lolo at lola natin ang panahon ngayon. Kaya sana, huwag ka nang tumira sa nakaraan at yakapin mo na ang kasalukuyan." Natapos ang pag-uusap namin ni Ana nang may tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung nakadagdag lang ba sa mga iniisip ko ang sinabi niya pero pakiramdam ko, kahit paano ay nakatulong iyon sa akin. Hindi ako dapat pumapayag na napupundi na ang ilaw na dati ay malakas ang liwanag. Hindi dapat ako pumapayag na dahil sa katotohanang iyon ay bigla akong babagsak. Sabi nga nila, kung gusto, may paraan. Kaya naman, gagawin ko ang lahat para maisulat kung ano ang makakapagpabalik sa akin sa industriyang ito. Sa tagal kong nagsusulat, hindi na ito ang panahon para sumuko. Hindi na ito ang panahon para bumitaw. Sa dami ng problemang kinahaharap ko sa pamilya, hindi na ito ang panahon para talikuran ko ang isang bagay na bukod sa nakakapagpasaya sa akin, siyang nakakatulong sa pamilya ko. Dahil sa pagiging determinado. Bigla tuloy pumasok mula sa isipan ko ang sinabi ni Miss Diana. She said that I need to do something about my problem. If I can just pull a guy to teach me how to do something like that, I should do it. For me to learn how to write that kind of genre. And that hit me hard. Pero, pwede nga kayang gawin iyon? Pakiramdam ko kasi, iyon na lang ang tanging paraan. Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa at tanging pababa na lang ng dignidad ko, marami pa namang diskarte ang pwede kong gawin. Pero ang sinabing iyon ni Miss Diana ang pinakatumatak sa akin. Do I need to do that? If yes, then I am willing to do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD