PROLOGUE

1195 Words
"ANO 'YANG ginagawa mo?" magiliw na tanong sa akin ng kaibigan ko si Ana nang makita niya ako rito sa likod ng eskuwelahan, nagsusulat sa notebook. "Ito ba?" tanong ko at pinakita sa kaniya ng notebook ko. "Oo. Assignment ba natin 'yan?"  Umiling ako. "Hindi. Story ko 'to." "Ano?" Natawa ako nang makita ang pagtataka sa kaniyang mata. Ngayon niya lang kasi ako nakitang hindi gumagawa ng assignment, bagkus, isang istorya na bigla na lang pumasok sa isipan ko at para bang nais kong isulat iyon. Parang hindi ako patutulugin ng mga senaryong umiikot sa isipan ko kapag hindi ko nailapat iyon sa mga salita. "Tara, basahin mo," anyaya ko sa kaniya. Kunot man ang noo niya dahil sa pagtataka ay kinuha niya ang notebook ko at binasa ang mga sinulat ko. Hindi pa iyon tapos. Isang senaryo pa lang iyon sa isip ko ma inilabat ko sa mga salita.  Pinagmasdan ko si Ana, nakangiti siya habang binabasa ang gawa ko. Paano kasi, medyo comedy iyon dahil tungkol iyon sa dalawang tao na bigla na lang nagkabanggan sa school cafeteria. Ang cafeteria sa istoryang sinusulat ko ay inilalarawan ko sa cafeteria na mayroon ang school namin. Ang napili ko pa nga ay ang main cafeteria kung saan, mas maraming estudyante ang nagpupunta roon. "Teka. Parang cafeteria natin 'to, ah? Nandito rin si Aling Ising?" Natawa ako nang mapansin niya iyon.  Upang mas maging detalyado at makulay ang istoryang sinusulat ko ay maging ang mga tauhan doon ay kinuha ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Ang iba sa kanila ay iniba ko ang ugali, personalidad at posisyon sa paaralan na ito. At ang iba naman ay nananatili lang sa kung sino at ano sila. "Oo, si Aling Ising 'yan. Iyong masungit na tindera," pagkaklaro ko pa. Kita ko ang pagtawa niya pagkatapos niyon at muling tinuon ang atensyon sa pagbabasa. Hinayaan ko siyang magbasa. Mayamaya ay bigla siyang nagsalita muli at nagtanong, "Eh, bakit mabait siya rito?" Humagikgik ako nang mapansin niya iyon. "Para kahit sa kwento man lang, maging mabait siya." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Totoong masungit si Aling Ising. Kapag hindi malinaw ang pagkakasabi mo ng bibilhin mo, hindi ka niya pagbibilhan. Palibhasa'y hindi naman siya ang namumuhunan ng paninda niya at taga-tinda lang siya roon. Wala siyang pakialam kung marami o kaunti ang bumili sa kaniya. Ang mahalaga sa kaniya ay may maisweldo siya sa isang araw niyang pagtatrabaho. Kung minsan pa nga ay natutulog siya. Palibhasa, hindi naman siya naisusumbong sa amo niya dahil nasa malayong lugar iyon. Tanging siya ang pinagkakatiwalaan sa negosyo pero heto ang ginagawa niya. Kung sabagay, maganda kasi ang mga paninda ni Aling Ising. Mga pagkain iyon na suwak sa budget at masarap kaya naman, kahit masungit ito, talagang nabibilhan pa rin siya. Nakakaubos pa nga ng paninda kaya talagang may karapatan siyang magsungit. Ngunit sa istoryang inilagay ko, mabait siya. Tapos hindi siya nabibilhan ang mga paninda niya dahilan para gumawa siya ng panibagong paninda. Iyon ang tinatangkilik ng mga estudyante sa kaniya. Iyong malagkit na kulay brown na pinapaikot sa stick. Sundot-kulangot ang tawag namin doon kaya naman, iyon din ang inilagay ko sa istorya. Iyon nga lang, sa totoong buhay ay hindi naman iyon paninda ni Aling Ising, kundi paninda ng mabait na babae sa cafeteria na hindi ko na isinama sa istorya kasi hindi naman kailangan. Tanging paninda lang niyon ang ginaya ko. Pinagmasdan ko pa si Ana habang nagbabasa siya. Hindi naman iyon ganoon kahaba pero natutuwa ako dahil talagang natutuwa siya sa binabasa niya. Nang matapos siya ay isinauli na niya sa akin ang notebook ko. "Ano ang masasabi mo?" tanong ko sa kaniya. Saglit siyang nag-isip. Ang hintuturo ay nasa pisngi niya habang nakatingin naman sa kalangitan ang mga mata niya. Sa ganoong posisyon, pinararamdam niya talaga sa akin na nag-iisip siya. "Alam mo, Spicey, pwede kang magsulat sa mga online writing platform." Kumunot ang noo ko. "Ano iyon?" "Hoy, ano ka ba? Hindi ba't hilig mo ang pagbabasa? Ano at hindi mo alam ang ganoong application sa google play store?"  Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ana. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga siya o nagpapanggap lang na kaibigan ko para may maipagmalaki siyang may kaibigan siyang napakaganda. Alam naman niyang sa libro talaga ako nagbabasa.  Books are my collection. Gustong-gusto ko ang amoy ng mga bagong buklat na libro. Halos mapuno na nga ang kwarto ko ng libro. Ginawan din ako ng papa ko ng maliit na book shelf at halos hindi na magkasya roon ang mga librong ibinibili nila para sa akin. My parents supported me. Tulad ko ay iniingatan nila ang mga librong mayroon ako. Katulong ko si papa sa pagbabalot ng plastic cover doon para hindi masira o hindi mangatngat ng mga mababait na bubwit.  Sa tuwing bubuksan ko ang mga libro ko upang basahin, halos hindi ko binubuklat iyon upang hindi magkaroon ng maski kaunting lukot. Ganoon ko iniingatan ang mga librong iyon. Dahil bukod sa minsan lang talaga ako magkaroon ng libro, mahal ko talaga ang mga ito. Tuwing sahod ni papa sa pagko-construction ay ibinibili niya ako ng isa hanggang tatlong libro. Depende iyon sa kung gaano kalaki ang swineldo niya sa isang linggo. Bagay na ayos lang naman sa akin kung mayroon o wala. Ang mahalaga, naibibili niya ako sa oras na mayroon siyang pambili. At naiintindihan ko kapag wala. Si mama naman ay isang taga-tanim ng palay. Kapag may ani, doon lang siya nakakabili ng libro ko. Bagay na pinipigilan ko dahil kalimitan, iyong kita ni mama ang pinanggagastos namin sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. Hindi naman salat ang buhay namin ngunit hindi rin marangya. Sapat na upang makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Minsan namomroblema sa pera ngunit minsan, may sobra pa. "Nakikinig ka ba sa akin, Spicey?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Ana. Tumawa ako sa kaniya dahil hindi ko na nasundan ang sinasabi niya. Nagkamot ako ng batok at muli siyang tinanong. "Ano nga iyong sinasabi mo?" "Readream!" "Ano iyon?" Huminga siya nang malalim. Tila nawawalan ng pasensya. "Iyon ang application na sinasabi ko sa iyo. Isang online writing platform kung saan pwede kang magbasa at magsulat." "Talaga? Mayroon pa lang ganoon?" "Sasabihin ko ba kung wala?" biro niya pagkatapos ay tumawa. Readream? Masubukan nga mamaya. "IT WAS already twelve years ago since I wrote my first novel on that application I downloaded. My friend, Ana, suggested that to me and so I did. And now, I am really grateful that I have my Spices who genuinely love my books and also me." Ngumiti ako sa harap ng camera upang ipakita ang taos-puso kong pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking kasikatan. Ang Spices— tawag ko sa aking mga mambabasa, ang siyang dahilan kung bakit mas pinag-iigihan ko pa ang aking pagsusulat. "Miss Spicey, sa tingin ninyo po, ano pa ang maaari naming abangan sa mga susunod ninyong nobela?" Napaisip ako. Ano pa ba ang kaya kong gawin? Ano pa ba ang kaya kong isulat? At ano pa ba ang hindi ko pa naisusulat sa loob ng labindalawang taon? And that question really confused me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD