bc

Makasariling Pag-ibig

book_age18+
333
FOLLOW
1.2K
READ
second chance
manipulative
drama
tragedy
bxg
heavy
betrayal
selfish
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Mamahalin niya kaya ako kung inumpisahan ko ang lahat sa isang pagkakamali?

Mamahalin niya kaya ako kung ang mga taong iningatan at minahal niya ay sinaktan ko?

Ako si Alea, ang taong..

Kamumuhian mo..

Isusumpa mo..

Pero bago mo ako husgaan...

Basahin mo muna ang kuwento ng buhay ko..

Kung bakit naging MAKASARILI ang pag-ibig na meron ako..

chap-preview
Free preview
Prologue
Magandang bahay. Masaganang buhay. Isang buhay na pinangarap ng iba ang na kay Alea.  Nagbuhay prinsesa si Alea sa poder ng ng mga Benitez. Ang pamilyang kumupkop sa kanya. Hindi man niya tunay na mga magulang ang mga ito ay itinuring siyang tunay na anak. Mas pinapanigan pa nga siya kesa sa tunay na Benitez at kaisa-isang unico hijo ng mga ito. Ngunit, ngayon nga, heto siya sa harap ng mga ito tila isang kriminal na nakaharap. Bakas ang galit sa mukha ng don. Samantalang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang kinilalang ina. "Isa kang walang kuwentang babae!" sigaw ng ama niya. "Armando..." rinig niyang tawag ng kanyang ina. Humawak ito sa braso ng Don para pigilan. "Pakinggan muna natin si Alea..." "Impokrita! Kitang-kita naman ng mata mo kung ano ang kasalanan niya!" Putol nito sa sinasabi ng ina. Halos malamukos ang nasa kamay nng Don sa higpit ng pagkakahawak nito roon. Taas noo at lakas loob na sinalubong ni Alea ang galit na mga mata ng kanyang ama. Gustuhin man niyang tumiklop lalo na sa itsura ng kanyang inang nag-aalala. Hindi niya magagawa iyon. Hindi niya gagawin iyon. Buong buo na ang kanyang desisyon. Masakit man makita ang pagkabigo ng mga ito sa kanya. Hindi siya titiklop upang magmakaawa. Paninindigan niya ang lahat.  "Ikaw pa talaga ang may ganang magloko! Kababae mong tao pero ikaw pa ang may ganang ibaba ang sarili mo sa putikan!" galit na galit na sigaw ni don Armando sa kanya.  Nanginig ang pang-ibabang labi ni Alea. Pilit din pinipigilan ang pagpatak ng luha. Kailangan niyang magpakatapang. Gaya ulit ng dati. Gay ng ipinapakita niyang siya. Kahit pa sobrang nadudurog na siya sa sakit. Lalo na sa pagmamahal sa anak ng mga ito. Pagod na siya. At iyon lang ang tanging paraan para makalaya siya. Sila ni Jacob. Hindi nga tuminag si Alea. Gamit ang pinatapang na mukha at mga mata, muli niyang sinalubong ang mga mata ng Don. Kahit na nagmamakaawa ang tingin ng kanyang ina sa kanya.  "Hindi kita pinalaki para gawing kahihiyan ang pamilyang ito. Hindi ka naging asawa ng anak ko para iputan lang siya sa ulo at lokohin!" galit na galit na ibinato nito sa kanya ang kanina pang hawak sa kanang kamay.  Tumama iyon sa kanyang mukha bago sumambulat sa sahig. Bumaba ang tingin niya roon. Mapait siyang napangiti nang matitigan ang mga litrato. "At may gana ka pa talagang ngumiti! May gana ka pang ipagmayabang ang puny€tang kagagahan na ginawa mo!" "Armando tama na!" palahaw na ng kanyang ina. Hindi niya napigilang lumuha ngunit agad rin naman niyang pinahid iyon. Kahinaan...isang kahinaan ang pagluha sa harapan ng mga ito. Muling nag-angat ng tingin si Alea sa mga magulang. Kitang kita niya ang luha sa mga mata ng kanyang ina at ang pagmamakaawa sa mga mata nito. Na itanggi niya ang lahat. Magsinungaling siya. Humingi ng tawad. Umiling siya bilang kasagutan. Hindi niya gagawin iyon. Hindi niya magagawa iyon dahil nasa harapan na ang mga ebidensiya. Ebidensiya ng pagtataksil na ginawa niya.  Muling sumulyap si Alea sa mga larawan na nasa sahig. Larawan niya iyon kasama ang isang lalaki sa kama. Parehong hubad. Magulo ang buhok niya dala ng kalasingan at ang pangyayaring ginusto niya kasama ang estrangherong iyon. Kuha iyon ng bodyguard ng ama niya na naghanap sa kanya noong bigla siyang mawala ng isang gabi. "Wala akong pinalaking ahas para tuklawin lamang pala ako. Hindi ako nag-aruga para lamang gawing katawa-tawa ang pamilyang ito. Nangati ka na nga! Ipinakamot mo pa sa iba. May asawa ka naman na tao!" Natawa siya. Natawa siya kahit na galit na galit na ang kanyang ama. Natawa siya at natanong ang sarili. May asawa nga ba talaga siya? May maituturing ba siyang asawa? Alam ng mga ito ang sitwasyon nila ni Jacob. Alam ng mga ito kung anong buhay nila ni Jacob kapag walang taong nakakakita. Mag-asawa lamang sila para magbigay aliw sa mga nakasubaybay sa kanilang pamilya. Mag-asawa lamang sila bilang isang show. Inaabangan ng karamihan kung ano ang mga susunod na pangyayari.  Bumaba siya para sana pulutin ang mga iyon. Ngunit isang tila bakal na kamay ang biglang humaklit sa kanya patayo. "Jacob!" Dinig niyang sigaw ng kanilang ina. Gusto siyang daluhan ngunit pinigilan ito ng kanilang ama.   Napangisi siyang hinarap ang kanyang asawa. Gaya ng dati, wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng isip nito. Hindi niya alam kung galit ba ito o natutuwa dahil sa wakas, may matindi ng alas ito para tuluyan siyang hiwalayan. May dahilan na para siya ay iwanan.  Mali... Dahil uunahan na niya ito. Siya na ang makikipaghiwalay rito. Kahit doon lang ay magmukha naman siyang panalo. Kahit sa loob niya, siya ang pinakamalaking talunan. Dahil ngayon, nakikita ni Alea. Itatakwil na siya ng tuluyan ng kinilalang ama. Ng kinilalang pamilya.  "Let us talk! Kami muna ang mag-uusap na mag-asawa!" saad ni Jacob sa mga magulang. Gaya ng dati, kasing lamig ng yelo ang boses nito at pakikitungo sa kanya.  Ipiniksi niya ang hawak nitong braso niya at matalim na tinitigan. "May pag-uusapan pa ba tayo?" Mataray niyang saad. "Malinaw naman ang lahat." Umarte siyang matatag. Iyon naman siya. Doon naman niya kilala ang sarili. Ang umarte na parang wala lang.sa harap nito. Kahit harap-harapan na siyang nasasaktan. "Lets talk!" madiing ika nito at muli siyang hinawakan sa braso at hinila papunta sa kuwarto nila.  Padarag siya nitong binitiwan pagkatapos padabog na sinara ang pinto. Matapang niyang hinarap si Jacob. May nang-uuyam na ngiti sa kanyang labi. Mariin na nakatitig lamang naman ito sa kanya. Binabasa kung anong iniisip niya. Gaya ng dati. Hindi niya ipinapakitang nasasaktan siya. Alam niyang balewala lang siya rito. Kaya bakit niya ipagsisiksikan na muli ang kanyang sarili rito. Tatanggapin niyang kailaan ay hindi siya mamahalin. "Hindi ka na talaga tumigil. Kung gagawa ka ng kagagahan, marunong kang magtago na hindi nahuhuli!" Mula sa katahimikan ay sabi nito. Madilim ang mukha at nakapinid ang bibig. Halatang pinipigilan ang sariling sumabog sa galit. Wala naman dapat siyang pakialam. Ngunit talagang sumobra na si Alea. Pagak na tumawa si Alea kaya lalong dumilim ang mukha ni Jacob. "Gaya ba kung paano ka magtago sa pakikipagkita sa Ex mo?" kaswal na ika nito. Mas dumilim ang mukha ni Jacob nang marinig ang sinabi ni Alea. Nakuyom niya ang kamao at marahas na inalis ang distansiyang namamagitan sa kanila ng asawa. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila nitong braso. "Huwag mong idamay rito si Genelyn, Alea. Wala siyang ginagawang masama. Mas malaki ang kasalanan na ginawa mo sa kanya. Sa amin!" sumbat ni Jacob sa babaeng hindi man lamang natinag sa sinabi niya. Mas naging matapang pa ito.  Kilala niya si Alea mula pa noong bata ito. Alam niya na noon pa man ay mahal na siya nito. Hindi siya nito nakikita bilang kapatid kundi, bilang isang lalaking mamahalin at gugustuhin na makuha kahit sa anong paraan pa. Kaya nga nagawa nitong pikutin siya. Nagawang ipagduldulan ang sarili sa kanya kahit hindi niya ito mahal.  Lahat ng gusto nito ay binibigay ng mga magulang nila. Maging noong siya ang hilingin nito. Kahit na alam nito na may mahal siyang iba.  Ngayon nga, tila nagsawa na ito na gaya sa ibang bagay na ginusto nito. Gumawa pa ng malaking eskandalo na sisira hindi lang sa kanilang mag-asawa kundi isang eskandalo na sisira sa reputasyon ng kanilang pamilya.  Buti na lamang at may mga galamay ang kanyang ama. Nabayaran na ang sinumang nakakita sa asawa niya na pumasok sa isang hotel kasama ang isang lalaki. Hindi alam iyon ni Alea dahil sa kagustuhan ng ama na bigyan ito ng leksyon.  Gustong matawa ni Jacob sa sarili. Nagawa nang manlalaki ni Alea ngunit, mas nararamdaman pa rin niya na mas matimbang pa rin ito sa kanya sa mga magulang.  Aminado naman siya na hindi niya mahal si Alea. May nagmamay-ari ng kanyang puso. Kung hindi lamang sa makasariling pag-ibig ni Alea. Masaya sila ngayon ni Genelyn.  "Sumosobra ka na! Hindi lang sarili mo nilagay mo sa alanganin. Maging ako, maging sina Mama at Papa..." nagngingitngit niyang saad. "Are you happy now, ha? Masaya ka na ba na miserable ang buhay natin dahil sa mga kasinungalingan mo!" Mas dumiin pa ang pagkakahawak niya sa braso ni Alea kahit napapiksi na ito.  "Huwag kang umaktong parang masakit sa iyo ang ginawa ko. I know! Masayang masaya ka ngayon," piksi nito ngunit hindi niya ito binitiwan. Pinakatitigan niya ito ng galit niyang mga mata.  Galit siya kay Alea. Aminado siya roon. Sa tatlong taon na pagsasama nila, galit lang ang meron siya. Maliban na lamang sa kama. Ginagamit niya ito at pinupunan ang pangangailangan. Dahil kusa naman nitong binibigay ang sarili. Lalaki siya. Hindi niya tatanggihan ang pagpapakababa nito sa sarili.  "Makakalaya ka na. Isa pa...pagod na ako. Tama na ang pananakit natin sa isa't isa." Pinilit nitong kumawala sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang namumulang braso nito mula sa hawak niya. Tumalikod ito. Pumunta sa side table at binuksan ang drawer. May inilabas doon na papel si Alea at humarap sa kanya. Nakangiti. Ngunit hindi siya madadala sa ngiting iyon. Dahil nagsusumigaw ang mga mata nito ng sakit at pait. Ng kalungkutan.  Lumapit ito sa kanya at itinaas ang papel na hawak. "Our divorce paper. Pirmado ko na ito. You are a free man, Jacob!" Ngumisi ito sa kanya habang mariin ang titig niya rito. "Malaya ka na at liligaya...ako? Makalalaya na rin sa sakit na dulot ng pagmamahal ko sa iyo..." anas nito. Nagtagis bagang si Jacob habang binabasa niya ang mukha ni Alea, kung totoo ba ang kagustuhan nitong magdiborsiyo na sila. Ilang beses na niyang hiningi iyon kay Alea sa tatlong taong pagsasama nila. Pero madiin itong tumanggi. Hinawakan siya nito at hindi pinakawalan.  Kaya nagulat siya at hindi inaasahan talaga ang kagustuhan nitong maghiwalay sila. Nagising na ba ito sa katotohanan na kailanman ay hindi niya kaya itong mahalin? Muli siyang tinalikuran ni Alea. Inilapag ang papel sa side table. Nanatiling nakatalikod sa kanya. Kitang kita niya ang kilos nito noong hugutin nito ang singsing na halos ayaw nitong alisin noon.  "Alam kong hindi ako naging mabuting asawa. Pero at least, masasabi kong naging maligaya ka as your f^ck buddy. Napaligaya kita kahit sa kama lang hindi ba?" Nagtagis bagang si Jacob at nakuyom ng mariin ang kamao. Hindi dahil sa sinabi ni Alea kundi dahil sa paggaralgal ng boses nito na parang maiiyak.  Umiiyak si Alea sa harapan niya ngunit kailanman ay hindi nagmakaawa. Mas nangibabaw rito ang pride. At ang pagbabanta. His parents adore her. Pinaniniwalaan. Mahal na mahal. Alea is a witch. Kayang kaya nitong paikutin ang mga tao sa paligid sa pagkukunwaring inosente. Kawawa. Mahina.  Akala niya ay tuluyan na itong bibigay at iiyakan siya. Ngunit pagharap nito ay may matapang na namang awra sa mukha. May pilit na namang ngiti sa mga labi. Itinatago na naman ang sakit.  She was a b***h. Pero naniniwala siyang may kainosentihan ang kalooban nito. Naniniwala siyang busilak ang pagmamahal nito. Ngunit nagkamali ito ng minahal. Nagkamali ito ng inangkin. Nagkamali ito na maging makasarili para mahalin siya.  "Malayang malaya ka na..." usal nito ng mahina.  Muling naglakad si Alea at nilagpasan siya papunta sa kabilang side ng kanilang kama. Napakunot noo siya nang yumuko ito saglit at may inabot. Nagulat na lamang si Jacob nang hilain ni Alea ang isang malaking maleta.  Pagak siyang natawa sa sarili. She was ready. Ganoon ba nito kamahal ngayon ang lalaking ipinalit sa kanya para talagang lumayas na at hiwalayan siya? Para salungatin ang kanilang ama. Mapait siyang napangiti. Bakit tila may kurot sa puso niya na malaman na may iba na itong kinahuhumalingan. "I-send mo na lang sa akin ang kopya ng divorce paper natin. And maybe, send me your wedding invitation too. Alam mo naman kung saan ako hahagilapin!" sabi nitong humakbang paalis.  Hindi nakahuma si Jacob. Parang ang bilis ng pangyayari. Now, he was alone in that room. Pinanood niya lamang si Alea na umalis. Mawala ang likuran nito sa paningin niya. Muli siyang natawa ng pagak. Pinaglaruan na naman sila ni Alea. Mabilis siyang lumabas para habulin ito. Para sumbatan. Ipamukha na masaya siyang mawawala na ito sa buhay niya. Pero ang malakas na boses ng ama niya ang nagpatigil sa kanya sa itaas ng hagdan.  "Kapag umalis ka sa pamamahay na ito, Alea. I will cut everything! Wala kang makukuha ni isang sentimo. Maghihirap kang parang daga!" banta ng kanilang ama. Galit na galit ang tono nito. Halos kapusin pa ng hininga sa pagsigaw. Rinig na rinig niya rin ang palahaw ng kanilang ina. Kumuyom ang kanyang kamao. Tama. Hindi hahayaan ng kanyang mga magulang na mawala ang minahal nilang parang anak. Hindi nila hahayaang umalis ito. Even Alea. Hindi nito kayang mamuhay na wala ang kanilang pera. Namuhay itong prinsesa. Hindi nito kakayanin na mawala ang karangyaang tinatamasa. Hindi ito marunong sa hamon ng buhay.  "Alea!"  Nalaglag ang panga niya at mabilis na napababa sa hagdan dahil sa sigaw ng kanyang ama. Nang makababa ay saglit na lamang niyang nakita si Alea. Nakasakay na ito sa sasakyan at walang lingon na pinaharurut iyon. Ni hindi pinakinggan ang pakiusap ng humahabol na ina. "Jacob! Sundan mo ang asawa mo..." umiiyak na pakiusap ng kanyang ina nang makita siya. Nalilito na siya kung ano ang kanyang nararamdaman. "Jacob, anak. Baka kung anong mangyari kay, Alea." Naipinid niya ang bibig dahil sa galit habang tanaw pa rin ang papawalang sasakyan ng asawa. "Pinili niyang umalis. Hayaan natin siya. Hindi na siya bata na kapag nagtampo kailangan amuin...babalik siya kapag nahirapan na siya," sabi niyang tumalikod na. Hindi pinakinggan ang pakiusap at pagmamakaawa ng ina. Hindi na rin siya titiklop sa mga magulang at sa kahilingan ng mga ito. Hindi na siya matatakot pa sa pananakot ng ama na mawawalan siya ng mana. Hindi na siya kailanman magiging sunud-sunuran. Wala na silang ipananakot sa kanya dahil si Alea na mismo ang gumawa ng kasalanan para mapawalang bisa ang lahat. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook