PROLOGUE

484 Words
“NAOMI, did you get your pillow?” Mrs. Silvestre asked an eight-year-old girl.  Nakahanda ang buong pamilya nila na magbakasyon sa bahay ng kanyang abuelo sa Calauag, Quezon. Doon sila nagpupunta tuwing bakasyon; pasko, bagong taon, at buong panahon ng summer tulad na lang sa araw na iyon. It’s mid-month of April, alas-otso pa lang ngunit mainit na agad sa pakiramdam ang panahon. Dalawang buwan silang mamamalagi ni Niko, ang kuya niya  sa bahay ng Lolo Isko nila. Babalik sila ng Makati bago ang parating na pasukan.  “Here it is, Princess.” Iniabot ni Niko kay Naomi ang kanyang unan, kalalabas lang nito mula sa loob ng may tatlong palapag na tahanan. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya.  Sumilay ang matamis at inosenteng ngiti sa kanyang labi bago siya sumunod dito sa naghihintay na van. Dalawa sila ni Niko ang nakaupo sa gitnang bahagi ng van na iyon, sa unahan ang mag-asawang Silvestre.  “Are you all ready?” nakangiti pang tanong ng ama bago nagsimula na paandarin ang sasakyan. She slept for hours. Nang magising ay wala na sila sa lugar na maraming building at ma-traffic na daan.  Pinagmamasdan niya lang ang daan patungong probinsiya. Gustong-gusto niya ang view ng maaliwalas na kalangitan, mga baka o kambing na ngumunguya sa damuhan, mga puno at bulaklak na nadadaanan ng kanilang sasakyan.  “Look, Kuya! It’s a cow!” she said. Idinikit ni Niko ang pisngi nito sa kanya na nasa tabi ng bintana para makita ang tinuturo ng kanyang daliri.  “Hindi ‘yan cow, kalabaw ‘yan. Have you seen his horns? Saka, it’s darker than a cow.” Sinimangutan niya ito. Nagsimula na siyang magtampo kaya pinisil nito ang magkabila niyang pisngi para siya paamuhin ngunit lalo lang niyang ikinabuwisit ang ginawa nito. Hindi nila alam na may problema na pala ang magulang nila.  “Honey! What is happening? Bakit parang hindi tayo nagmemenor?” tanong ni Mrs. Silvestre. “I… I don’t know either!” Nagsimula nang mataranta ang may-edad na lalaki na nagmamaneho ng sasakyan. Hindi bumabagal ang van nila, it was on its 100-kilometers per hour speed allowable on Maharlika Highway. Nag-overtake sila sa nasa unahang sasakyan dahil mas mabagal ang pag-andar niyon. “Honey, Oh my god! May truck! May truck!” nahihintakutan na saad ng ina ni Naomi.  Dahil sa takot ay humigpit ang yakap ni Naomi sa kanyang unan at umalis siya sa tabi ng bintana. Ikinulong din siya sa bisig ng kanyang kuya. She didn’t see anything and didn’t know what happened next. Tanging hiyaw, malakas na busina mula sa truck ang naaalala niya at ang pagkahilo niya habang gumugulong ang van. She just woke up 48 hours after that tragedy. Tanging ang Lolo Isko lang niya ang nasa tabi niya ng mga panahon na iyon na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Her head was aching, her body was full of bruises.  “Naomi, I will promise you that you will not be alone,” Lolo Isko said. Ito ang nagpaalam sa kanya paunti-unti na siya lang ang tanging nakaligtas sa trahedyang dinanas ng pamilya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD