SIMULA

1386 Words
"DADDY, saan ba tayo pupunta?" Pangungulit 'ko pa dito habang kumakain. My father shook his head, "Eat your food. Get this necklace." Tumaas ang kilay 'ko nang ibigay sa'kin ni Daddy ang isang kwintas. With a key as a pendant. What a lame necklace. "Wear it. All the time. That will save us," aniya at nagpatuloy kumain. Lame. Ano 'to? May powers? Tsk. I don't know why my father will left the place he spent his lifetime the most. Nakasakay kami ngayon sa isang yate. Madaling araw ng umaga. Madilim at malamig pa ang hangin. I felt excited because finally, makikita 'ko na ang itsura palabas ng Helem! Nang Triad! Akala 'ko ay disyerto ang bubungad sa kabilang banda ng ilog— ang lugar na Infierno. Pero... purong puno. Mga bundok. So the myth... is fake. Hindi 'ko pinansin ang mabigat na pakiramdam sa paligid habang umuusad ang yate. I was having fun at the back of yacht when I heard a gunshot. Napanganga ako at umatras. Ano 'yon? Natural na nagtago ako sa gilid. Sumiksik. Gaya ng ginagawa at bilin sa'kin ni Dad na gawin pag may mga lalaking lumalapit sa'min... At hindi 'ko kilala. I hid myself behind a container. "Nasaan na ang taksil na 'yon?!" Napahinto ako. Taksil? May taksil dito sa yate? "Hindi ako taksil..." My Dad stepped out. Nasa pangalawang palapag sila ng yate. Habang ako naman ay nasa baba. Si Dad? Taksil? Why are they accusing my Dad? He served the Triad and Dieu for years! Tapos taksil? "At bakit ka aalis ng bansa?" "Gusto ko ng bagong buhay—" "Hindi ako naniniwala! Alam mong pinagbabawal ang nais mo! Bumalik ka—" Napahinto ang opisyal ng maglabas ang ama 'ko ng baril. Napanganga ako... No... Dad. Why are you going to defy the government? "Paalisin niyo na lang ako. Tama na ang ilang taon 'kong pagiging aso sainyo." The official just laughed, "This is a defense. Huwag kang mag-alala, Mr. Lauron." Napahinto ako nang makarinig ng putok ng baril, kasabay noon ang pagkahulog ng katawan ng aking ama... sa harapan 'ko. The man laughed. "Huwag kang mag-alala, Lauron. You will die as a hero." Napaluha ako. No... No... "Kill everyone... Hanapin niyo ang anak niya." I bit my lip... No... My father... Gusto 'kong lumabas at sumigaw. But I am so scared. Wala akong nagawa... Why... why are they so cruel? That's my Dad... Bakit ganito? "Siguraduhing patay si Lauron. Hanapin niyo iyong papeles na dala niya." Tulala ako habang tinitignan ang katawan ng aking ama. He was moving a little. Nagsalubong ang aming mata. Tatayo na sana ako pero pumikit ito. That is his sign of no. "Nasaan ang anak niya?" Nasa harapan 'ko na ngayon ang mga opisyales. "Wala, Sir." "Sinasabi niyo ba'ng hindi niya sinama ang anak niya?!" Napanganga ako ng itutok na naman ng lalaki ang baril sa ama. "No..." I whispered. Pwede pa mabuhay si Daddy... Don't shoot him... Please. "Where's the files?" "Sa tingin mo, isasama ko 'yon sa'kin?" My father laughed. Lalo akong naluha... ngayon lang kita nakitang... tumawa ng ganyan, Dad... Please. "Hanapin niyo ang anak. Magsasalita 'to." My Dad... told me... to runaway at times like these. Pero paano ko siya iiwan ng ganito? Hindi ako pwede tumakbo... Mamamatay tao sila. I need to do something! "Dad!" I hurried to my father. Napapikit si Daddy nang makalapit ako sakanya. "Cielo," kahit nanghihina ay galit pa rin ang tono ni Dad. Napangiti ang mga opisyales. "Mabuti naman at nandito ka na," the one who shot my father grin. Please, wake me up from this nightmare. NAPAMULAT ako ng mata. I was baffled and surprised. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon 'ko sa paggising. Everything felt unfamiliar. I should feel a connection. Kahit kaunti lang sana. Pero wala. It felt foreign. Kahit ang sarili 'kong asawa ay hindi pamilyar! That's right, I have a husband! Iyon ang sinabi sa'kin nang lalaking ito! Hindi ako nagsalita. I just kept my mouth shut while trying to grasp everything. Pinipilit 'kong makaaalala. I want to feel a connection. Kahit kaunti. Pero wala. "Huwag mo pilitin ang sarili mo," a man with his white shirt, with tan skin and awfully beauty told me. Saglit akong natulala sa lalaki. I am trying to feel him. Ang mukha nito ay matapang. His features are sharp. From the fiercy eyes, proud nose, prominent jaw, and thin pinkish lips. Nang mag-angat ito ng tingin, I felt my heart jumped for a little. That's it. Sino ang lalaking 'to at mukhang galit sa'kin? "Anong... pangalan mo?" I paused for a little. Nahiya pa ako—pero bakit ako mahihiya sa sariling asawa? "Sage..." Napahinto ako. Sage? That's unfamiliar. I don't like his name. Everything feels unfamiliar. Iginala 'ko ang mata at nakita ang bahay na gawa sa kahoy. Sa gilid nito ay mga tambak na dayami. What the hell is this place? "Sai Gaven Avalon," he looked at me fiercely. Napalunok naman ako sa titig nito. "Tawagin mo lang akong Sage." Matalim at walang emosyon ang mukha niya. It was confusing. If I am his wife, he wouldn't look at me this way! May pumasok na isang matanda, she is wearing a dirty rug while holding a cup made of wood in her hands. Napahinto ako at tinignan ang paligid. Everything is shabby. Madumi ang paligid at nakahiga lang ako sa papag na may kumot. My forehead knotted when the old grandma reach the cup on me. Her hands are dirty! "Uminom ka muna, baka nanghihina ka pa..." "Are you expecting me to drink that?" I lowly growled. Tinignan 'ko ang aking balat na kanina 'ko pa kinakamot. It's all red! Thanks to the dirty clothes! Nagkatinginan ang dalawa. Tinignan ako ng lalaking nagpakilala sa'kin na 'asawa' ko. "Stop talking in english." I was disoriented. Hindi 'ko alam ang dahilan kung bakit niya ako pinapahinto sa pagsasalita ng ingles. Anong problema ng baliw na 'to? "Why? What's wrong in speaking in english?" "People will find you suspicious!" "Suspicious of what?" Tumaas ang kilay 'ko at tinignan ang matandang babae, "Who are you?" I asked her. Hindi ko maintindihan, pero ramdam ko ang galit sa'kin. I don't know why, but I feel very irritated! Hinawakan ng lalaki ang braso 'ko. "Huwag mo siyang kausapin ng ganyan," suway nito sa'kin. Tumaas naman ang kilay 'ko at tinabig ang kamay niya. Isa rin siyang nakakairita. "Kung asawa kita, hindi mo ako titignan ng ganyan," I lowly growled on him. Nagkatinginan kami nito. I don't know who I am. Yes, natatakot ako dahil hindi 'ko kilala ang sarili. Hindi 'ko alam ang nangyari—at may asawa talaga ako? This Sai... the way he looks at me—he is angry. Galit siya sa'kin. Napakunot ito ng noo at mabilis na tumayo. "Ayoko na gawin ito, Inang!" He shouted in frustration. Anong ayaw niyang gawin? Hinila naman siya ng matanda, kinakalma. "Hijo... Sage," tawag ng matanda sa lalaki. Inaalo. I snorted. Napatingin naman ang dalawa sa'kin. Galit pa rin ang asawa 'ko. Habang masama ang titig. "Anong tinitingin-tingin niyo sa'kin?" Banta 'ko sakanila. My dear husband glared at me, "Hindi ka ba nakakaramdam ng takot ngayon?" Tumaas ang kilay 'ko. Nakakaramdam! Pero bakit 'ko aaminin? Ano ako? At bakit ako makakaramdam noon? Asawa 'ko siya! Everything is confusing me—pero mas nakakairita dahil ang dumi ng suot 'ko! "Bakit naman ako makakaramdam noon?" I fired back. Inirapan 'ko ito bago bumalik sa pagkakahiga. "Asawa kita... Ikuha mo nga ako ng damit." Utos 'ko sakanya. The guy in front of me, sighed. "Inang..." Si Sage. Nagsusumbong. Ipinikit 'ko ang aking mata. Ito ba talaga ang buhay 'ko? Anong klaseng lugar 'to? Nasaan ako? Talaga bang may asawa ako? I wanted to ask them, pero ayoko malaman nila na may gusto akong itanong. Baka gamitin pa nila iyon para paamuhin ako. Napamulat ako ng mata ng may maramdaman sa ibabaw ko. I saw Sage on top of me. Kumunot ang noo ko. Kahit nasa taas ko siya, hindi manlang ako nakaramdam ng emosyon! "Hindi ka ba natatakot?" Napahinto ako sa tanong nito. There is something... really wrong here. Ngumisi ako sakanya, "Hindi. Asawa kaya kita." Nagtagis ang bagang nito bago umalis sa pagkaibabaw sa'kin. Ibinato niya ang damit at walang pasabing umalis! The nerve of that guy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD