Simula
"Love is unpredictable."
Fayre
Dahil birthday ngayon ni Asher ay napagdesisyunan kong isurpresa siya. Kaya naandito ako sa condominium niya at naghahanda na.
Gusto ko, ako naman ngayon ang gumawa ng ganitong mga bagay sa kaniya. Ako naman ang gumawa ng effort. Dahil kada sasapit ang birthday ko ay siya ang gumagawa sa akin no'n. Siya lagi ang may pasabog, siyempre para fair, ako naman ang meron ngayon.
Quits lang dapat.
At nang matapos na ako sa pagde-design ay tiningnan ko ang kabuuan ng paghahanda ko. Napangiti na lamang ako dahil ayos na ang lahat, kaya nagpunta na ako sa kusina upang ihanda naman ang mga pagkain.
Habang inaayos ko ang mga pagkain ay bigla na lamang akong napakapit sa gilid ng lamesa dahil sa biglaang pandilim ng paningin ko. Napahawak na rin ako sa dibdib dahil bigla akong kinapos sa paghinga, kaya ilang beses akong huminga nang malalim para umayos ang nararamdaman ko.
Not now, please.
Pasalamat ko na lamang dahil bumalik na sa normal ang paghinga ko. Kaya nagpatuloy na ako sa paghahanda. Nang matapos na ako ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.
Kaya lumapit ako sa lamesita at napangiti na lamang dahil si Asher ang dahilan ng pagtunog nito.
Love
"Love, nasa elevator na ako."
Nang mabasa ko ito ay halos mataranta ako. Kaya dali-dali akong nag-ayos at pinatay ang ilaw. Ilang minuto ang lumipas ay narinig kong bumukas ang pinto.
"Akala ko ba, naandito siya? Nasaan 'yon?" Rinig kong saad niya kaya natawa na lamang ako nang mahina.
"Love?"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay hinintay kong buksan niya ang ilaw at nang magbukas na ay saka ako sumigaw sa harap niya habang hawak ang banner na ginawa ko.
"Happy birthday, Love," bati ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.
Noong una ay napangiti siya pero nagulat na lamang ako ng tumalikod siya sa akin. Kaya lumapit ako at sinilip ang mukha niya, hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak rin.
Umiiyak si Asher.
"Hey, bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" Nagaalala kong tanong pero umiling lamang siya at niyakap ako.
"I love you, Fayre," sinserong saad niya kaya napangiti na lamang ako. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong muli na naninikip ang dibdib ko.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi mahalata ni Asher ang nararamdaman ko. Pero mas lalo lamang bumilis ang t***k ng puso ko, mas lalo lamang akong kinakapos ang paghinga ko.
"I-i love you too, Asher," mahina kong saad at pagkatapos no'n ay biglang nandilim ang paningin ko.