bc

Noted, Attorney (Rated 18)

book_age18+
461
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
dark
possessive
dominant
powerful
bxg
city
weak to strong
lawyer
substitute
like
intro-logo
Blurb

Knox is a multi-billionaire Attorney who is known to be the most cruel Attorney with his powerful pair of skills and manipulation. The court room is his territory where he can make the wrong right and make a suspect innocent. Behind all of the success, he is a demon from the dark shade. Knox is a mafia leader looking for his wife that left him for another man. He accidentally met Triana who looked like his lost wife. Knox didn't believe that she is a different person so he caged her in their mansion. He punished her for having the same face that wrecked his life. With the trauma of being left Knox will make sure that Triana will never leave him again. Even if it costs everything.

chap-preview
Free preview
Simula
Nakatingin ako mga nagtatayugang gusali habang hawak ang kapeng kanina ko pa hindi maubos-ubos. Hindi nakapagtataka na halos karamihan sa probinsya ay gustong marating ang syudad dahil sa dami ng kamangha-manghang makikita sa paligid. Kahit nakatira ako ngayon sa isang squatter area, kita pa rin naman ang malayong syudad na nagliliwanagan dahil alas syete na ng gabi. Nasa pangalawang palapag ako ng inuupahan kong apartment ng mag-isa. Simula naman nang makatungtong ako rito ay hindi na akong nagkaroon ng kasama. Nilalayo ko ang sarili sa potential na kaibigan dahil ayoko lang at mas gusto kong ituon ang atensyon sa pagtatrabaho para makabalik ako agad sa isla. Mas gusto ko ang buhay ko ro'n kahit mahirap ang buhay. Kasama ko ang mga magulang ko at naroon ang nobyo kong balak pakasalan. Pumasok ako sa loob ng maliit kong kwarto. Pangit at masikip pero mahal ang upa. Nakakainis lang na kung kelan paubos na ang ipon ko ay doon pa ako natanggal sa trabaho. Bumili kasi ako ng kutson at maliit na second hand ref para guminhawa naman kahit papaano ang pagtira ko rito. Hindi ko naman inaasahan na sisiraan ako ng kasama ko sa boss ko na yamot din sa akin dahil hindi ko pinayagang manligaw. Hindi tuloy ako nakapaghanda at nalustay ko pa ang naipon. Ngayon ay pang isang buwang pagkain nalang ang hawak ko kaya kailangan ko na talagang maghanap ng panibagong trabaho. Binuksan ko ang dyaryong nabili ko kanina sa kanto. Umupo ako sa monoblock na upuan para maggalugad ng trabaho sa work page ng dyaryo. May hawak pa akong red na ballpen para bilugan ang mga trabahong aangkop sa pinag-aralan ko at iyon ay ang mabababang posisyon lang gaya ng janitress, serbidora at kung ano-ano pang trabaho na hindi kailangang college graduate ka. Walang kolehiyo sa isla namin at kailangan pang tumawid ng dagat para lang makarating sa paaralan kaya hanggang senior high school lang ang natapos ko. Hindi na ako naghangad na makapagkolehiyo dahil wala rin namang pangtustos. Saka ko na siguro iisipin na mag-aral ulit kapag wala na akong iniisip na problemang pangpinansyal. Mas importante kasi na makabigay ako ng panggamot ng Nanay kahit papaano. Nakapagbigay na ako noong nakaraan lang pero kailangan dire-diretso ang pagsuporta. Kinagat ko ang ibabang labi nang makakita ng magandang oportunidad. May naghahanap ng tagalinis sa isang hukuman at maganda rin ang pasahod. Libre pa ang tanghalian at meryenda. Hindi na masama kumpara sa dati kong trabaho na mahina na ngang magpasweldo palagi pang may kaltas. Bininulagan ko ito ng malaki para gawing main goal ko. Naghanap pa rin ako ng ibang maa-apply-an para maraming options. Pagtapos kong maghanap ay nagbukas ako ng instant noodle para iyon na ang gawing hapunan. Inayos ko ang damit na gagamitin para bukas para mabawasan ang lukot nito. Wala akong plantsa para unatin iyon. Nang mapawi na ang sobrang init ng noodles ay sinumulan ko na itong kainin. Ginawa ko na ring tubig ang kape ko para maubos na. Bago ako matulog ay naghilamos ako ng muka. Saglit kong minasahe ang balat sa muka para bukas ay hindi ako mukang mugto. Ito kasi ang turo ng Lola ko noon. Epektibo naman kaya hindi na ito nawala sa mga gawain ko tuwing matutulog. Sinigurado kong naka-lock ang pinto at mga bintana bago ako natulog dahil mahirap na sa panahon ngayon. Madaming masasamang loob na hindi mo aasahan. Hinayaan kong bukas ang ilaw dahil hindi ako nakakatulog nang madilim. Kinabukasan, agad akong naghanda ng sarili. Bumili lang ako ng pandesal sa bakery at sapat na iyon para sa almusal ko na pinarisan ng kape. Hawak ko ang isang kopya ng resume ko at balak na ipa-xerox iyon sa limang kopya para mabigyan ko ang lahat ng a-apply-an. Nagsuot lang ako ng simpleng pantalon at puting tshirt para kahit papaano ay presentable akong tignan. Tinali ko ng pa-pony tail ang mahaba at kulot kong buhok at siniguradong walang takas na buhok ang makakaabala sa akin. Pagtapos no'n ay tapos na. Wala na akong ibang kapritsuhan na nilagay sa katawan dahil wala naman ako no'n at hindi iyon ang hilig ko. Mabuti na nga lang ay pinanganak akong mapula ang pisngi at labi dahil sa mala nyebe kong balat. Maputi naman kasi ang Nanay ko dahil may lahi itong banyaga galing sa Lolo ko. Siguro ay doon ko nakuha ang kaputian. Inubos ko ang huling kagat ng pandesal bago lumabas ng apartment. Ni-lock ko ang pinto bago umalis. Napadaan pa ako sa mga lalaking ang aga-aga kung tumambay sa tindahan. Sa araw-araw na pagdaan ko ay palagi silang nariyan. Nagkakantyahan at nangpipikon sa akin tuwing tatawagin nila ako sa mga pangalan na hindi ko naman gusto. "Hindi ka ata papasok ngayon, baby? Sa'n punta mo? Hatid na kita sa kanto," ani ng lalaking si Pablo. Kilala ko na sila. Sila ba naman ang araw-araw kong nakikita at pinapatay sa isip. Kahit biro lang ang mga pinagsasabi nila, nakakabastos pa rin para sa isang tulad ko na lumaki sa konserbatibong nayon. Hindi ko sila pinansin kaya pilit nilang kinuha ang atensyon ko. May narinig pa akong nagsabi na masyado raw akong mataray. Hindi ako mataray, ayaw ko lang talaga ng mga ugali nila. Subukan nilang baguhin iyon, baka makausap nila ako ng maayos. Pagdating sa kanto lumihis ako ng daan para pumunta sa computer shop ni Aling Tote. Sa lahat ng tao rito, siya lang ang masasabi kong mabait at maayos na mamamayan. "Aling Tote, pa-xerox naman ako nito. Limang kopya po." Inabot ko sa kaniya ang dalawang page ng papel. Tinignan niya muna kung ano iyon bago nilagay sa xerox machine. Ngumiti ito na humarap sa akin. "Mag-a-apply ka na naman? Natanggal ka ba sa trabaho mo?" Tanong niya. Alanganin akong ngumiti at nagtaas baba ng balikat. "Nako, ayaw mo naman kasing magtrabaho rito sa shop ko. Libre na rin ang pagtira. Alam mo naman, nasa abroad ang mga anak ko at wala akong kasama." Kinagat ko ang ibaibang labi at nakaramdam ng hiya sa nais niyang i-offer. Palagi niyang sinasabi iyon, ako lang itong palaging tumatanggi dahil hindi gano'n kakapal ang muka ko para umasa sa ibang tao. Maliit lang din ang sahod ko sa kaniya kahit tumira ako sa bahay nito. Mas gusto kong pinaghihirapan ko ang ginagastos ko sa sarili ko kaya kahit mahirap hindi ako aasa sa iba. "Muka namang tatanggihan mo ako ulit kaya hindi na kita pipilitin. Basta dumaan ka lang dito tuwing hapon dahil magpapabaon ako ng hapunan mo. Baka nagtyatyaga ka na naman sa pa-noodles noodles mo. Hindi maganda sa katawan 'yon." Tumango ako at pumayag dahil kahit naman hindi ay pupuntahan niya pa rin ako sa bahay para ipahatid ang pagkain na sinasabi niya. Nang matapos ang pag xerox umalis na rin ako agad at kumuha ng tricycle para ihatid ako sa pinakamalapit na pagpapasahan ko ng resume. Una akong sumubok bilang waitress sa isang restaurant pero college graduate pala ang hanap nila. Magse-serve lang naman pero kailangan may pinag-aralan ka. Wala na talagang puwang ang mga taong walang pinag-aralan kung hindi sa ilalim ng mundo. Sinubukan ko pa rin naman kahit tagahugas lang ng mga plato. Balak kong kumuha ng tatlong trabaho at pagsasabay-sabayin ko iyon sa maayos na schedule. Mas mabilis akong makakaipon sa gano'ng paraan. Sunod-sunod akong nagbigay ng mga resume ko hanggang magtanghalian. Napakainit at nag-uumapaw na ang pawis ko kaya dumaan ako sa isang karinderya para kumain muna ng tanghalian at para na rin magpatanggal ng pawis dahil nakakahiyang pumasok sa huling pagpapasahan ko na para akong basang sisiw. Bumili lang ako ng daing na bangus at kanin dahil iyon ang pinakamura. Nanghingi na rin ako ng sabaw na hindi ko nagustuhan ang lasa dahil parang nilagyan lang ng suka ang lagay. Mabilis kong tinapos ang tanghalian para makahabol ako bago mag-lunch break ang bulwagan. Alas dyes pa lang naman at ang alam ko ay ala una ang break nila. Sampung minuto lang akong kumain bago inayos ang sarili. Nilakad ko na lang ang distansya ng bulwagan dahil wala na akong perang pamasahe. Medyo malapit lang naman, kalaban lang talaga ang init ng panahon. Nang makarating hindi muna ako pumasok dahil sumilong ako sa puno para magpatuyo ng pawis. Pinaypay ko ang brown envelope na hawak ko sa sarili. Pinagpag ko ang kwelyo ko para pandagdag hangin. Pinasadahan ko ang buhok para malaman kung maayos pa ba ito. "Dapat pala payong ang inuna kong bilhin kesa kutson. Para akong mahe-heat stroke," bulong ko sa sarili. May mga napapadaan sa harap ko na mukang may kayang tao dahil sa paraan ng pananamit nila at bumababa sila sa magagarang kotse. Ang iba ay tingin ko'y mga empleyado at mga abogado. Malamang, nasa lugar ako kung saan nililitis ang mga kaso. Kaya mga abugado at mga alagad ng batas ang makikita rito. Lumingon-lingon ako para maghanap ng taong mapagtatanungan. May nakita akong babaeng nagwawalis malapit sa landscape area kaya nilapitan ko siya. "Manang, pwede bang magtanong?" Inangat niya ang tingin sa akin at pinaningkitan pa ako ng mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa init o dahil ba kinikilala niya ako. "Manang?" Ulit ko pa dahil talagang tinitigan lang ako nito. Natauhan siya kaya nanghingi ng tawad. "Nako, pasensya ka na ha, kamukang-kamuka mo kasi iyong kakilala ko. Medyo iba lang sa pananamit at postura pero kamuka mo talaga siya. Anong pangalan mo?" Hilaw na tumawa ako. Madaming nagsasabi na may kamuka akong artista. Dapat nga raw ay pumasok ako sa showbiz dahil bebenta ako roon. Bukod kasi sa sobrang puti ng balat ko, maliit ang muka at maliit lang ako. Sa totoo lang madalas akong mapagkamalang manika. Minsan nga ay may babaeng nagulat sa akin. Akala isa akong mannequin kaya napatalon nang magsalita ako. "Triana po. Pwede po bang magtanong kung saan nagpapasa ng requirements para sa trabahong tagalinis? Nakita ko kasi sa dyaryo kagabi na naghahanap sila. Nagbabakasali lang." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bumulong ito pero hindi ko narinig. "Ano ho?" "Ha? Ah, wala iha. Pasok ka lang diyan sa loob makikita mo iyong staff office. Hanapin mo si Mr. Lacson. Siya iyong humahawak sa mga ganiyang bagay." Tipid akong ngumiti at nagpasalamat bago siya iniwan para pumasok na sa loob ng bulwagan. Pagpasok pa lang makikita na ang masagana at marangyang disenyo ng lugar. Ang alam ko, ito ang pinakamalaking Court of Justice sa buong syudad. Ang mga nililitis dito ay mga mayayaman at kilalang tao. Ang mga nagtatagol o nangtutugis na abogado ay magagaling. Mga topnotchers at talagang halimaw sa loob ng korte. "Parang hotel ang lugar na ito, hindi hukuman," komento ko habang hinahanap ang staff office. Ang ganda kasi talaga. May grupo ng mga lalaki akong nakasalubong na nagtatawanan. Nakaputing polo sila na naka-tuck in sa kanilang pants habang hawak sa isang braso ang coat. Napayuko ako dahil parang pakiramdam ko iba ang estado ko sa kanila. Muka silang mayayaman. Ang isa ay niluluwagan pa ang nakabutones na kwelyo. Nakita kong napasulyap sa akin ang lalaking nagkukwento.Tumingin ako sa ibang direksyon at nalampasan sila ng maayos. Dire-diretso ako hanggang sa makita ko ang pinto na nakapaskil ang salitang 'staff office'. Kita ko sa salamin ang mga lalaki sa likod ko na ngayon ay ako ang tinitignan. Ano? Mabaho ba ako, at naamoy nila nang magkasalubong kami? Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi sila nilingon dahil nahihiya ako. Sa hiya ay hindi ko na naisipan pang kumatok sa pinto. Diretso kong binuksan ang pinto at isang malakas na hiyaw ang napakawalan ko dahil sa nadatnan. Hindi naman napakaeskandaloso ng pagkakasigaw ko pero sapat na iyon para mapalingon ang mga taong malapit lang sa akin at mapatigil ang dalawang taong may ginagawang kababalaghan sa ibabaw ng mesa. Bakit nga naman kasi ako hindi kumatok? Nakakahiya, napaka bastos kong tignan. "Pasensya na!" Agad kong sinara ang pinto at tumalikod. Hawak ko ang dibdib ko dahil sa bilis ng t***k nito. Napapikit pa ako. Mukang iyong lalaki ang sinasabing Mr. Lacson. Hindi yata ako matatanggap sa kapangahasang nagawa ko. Naghintay ako saglit sa gilid pero naisipan kong badshot ako agad dahil sa nangyari. Nagsimula akong maglakad palabas ng hallway dahil sigurado namang wala na akong tyansa. Halos hindi na maipinta ang muka ko at gusto ng takpan dahil nakatingin pa rin sa akin ang ibang mga empleyado. Nang makarating ako pinaka lobby nila nagulat na naman ako dahil bigla na lang sumulpot ang isang lalaki. Nanlaki pa ang mata ko. Madali lang akong magulat kaya halos mapasigaw ako ulit. Buti ay napigilan ko ang sarili ko. Akala ko ay dadaan lang siya kaya gumilid ako pero ako ata ang sadya niya dahil hindi siya dumaan bagkus ay tumigil siya sa harap ko habang nakatitig sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Siya iyong isa sa grupo ng mga lalaki na nakasalubong ko kanina. "May kailangan ka?" Tanong ko bago umatras konti dahil ang lapit niyang pinagmamasdan ang muka ko. Nakakunot ang noo niya at hindi sinagot ang tanong ko. Ang reaksyon niya ay gaya lang sa matanda sa labas kanina. Kung makatingin sa akin ay parang kilala at pinag-aaralan ako. Gwapo ang lalaki. Mataas ang matangos na ilong at maputi. Tipikal na boyish type na artistang napapanood sa mga telebisyon ang itsura niya. "Trina?" aniya. Muntik na akong umoo pero napansin ko ang maling pagkakabigkas niya ng pangalan ko. "Triana ang pangalan ko. Kilala mo 'ko?" Napaawang ang labi niya. Parang madaming gustong sabihin. "What happened to you?" Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. "Hindi kita maintindihan, Sir." " Why are you acting strange? Are you looking for Knox?" Siya ulit kaya kumunot pa lalo ang noo ko. Siya ang umaarte ng kakaiba. Ni hindi ko nga siya kilala. "Pasensya ka na, hindi kita kilala-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko. Pumikit ako ng mariin dahil siguradong si Mr. Lacson iyan na galit sa ginawa ko. "Babae!" Tawag nito. Tinignan ko muna ang lalaking hindi nilulubay ang tingin sa akin bago humarap sa naghihimutok na Mr. Lacson. Handa ko ng tanggapin na hindi ako magkakaroon ng tyansa sa trabahong balak apply-an. Nakaayos na ang pantalon nito na kanina lang ay nakababa habang magkadikit sila ng babaeng nakaangat ang pulang skirt. Nakita ko sa likod niyang lumabas ang babaeng iyon mula sa office pero hindi ko na ito mas pinagtuunan ng pansin. Yumuko ako para manghingi ng tawad. "Pasensya na, Sir. Hindi ko naman po alam at wala akong balak ipagkalat ang nakita!" Nagtaas ako ng dalawang kamay at umiling-iling. "Nandito lang naman ako para mag-apply sana ng trabaho, maiintindihan ko kung hindi niyo tatanggapin at palalayasin na ako. Aalis na ho ako," sunod sunod kong sabi. "Aba dapat lang! Dahil wala namang bakanteng trabaho rito. Hala sige, umalis ka na!" Napalingon siya sa gilid ko at nanlaki ang mata. "Ay, Sir andyan po pala kayo. Pagpasensyahan mo na ang inasal ko dahil sa babaeng 'to. Walang pakundangang pumapasok sa kung saan-saan. Napakabastos!" Ang lupit naman ng taong ito. Dahil lang sa naistorbo ko sila sa ginagawa ay hindi na ako bibigyan ng tyansa. Umalis na lang ako sa pagitan nila. "Wait up. Miss Triana," pigil sa akin ng gwapong lalaki. Lumingon ako pabalik. "What job you were applying for? I'm sure Mr. Lacson here can do something about it." Natigilan ako sa gusto niyang iparating. Binibigyan ba ako ng tyansa ng lalaking ito? Maging si Mr Lacson ay nagulat kaya napaapela siya. "Attorney Yan, wala na po kasi talagang-" "I said what I said. This is just a simple favor to ask after everything my Dad did for you. Besides, you are the one who's at fault here, yet you point the blame on her." Parang tuta na nabahag ang buntot na tumango si Mr. Lacson bago bumaling sa akin. "Kulang kami sa janitress kaya ro'n na lang kita ilalagay." Natuwa ako sa narinig. Ibig bang sabihin na'n may trabaho na ako? "Is there nothing more higher than that job? A secretary or encoder perhaps?" Hindi kontentong tanong ng lalaki. Ang bait naman nito, gusto talagang sa maayos ako ipupwesto. "Meron naman, Sir. Miss, asan resume mo? Naka-graduate ka ba ng college?" "Hindi po ako nakapag-college pero heto ang resume ko." Inabot ko sa kaniya ang envelope. Tinignan niya iyon bago nanghahamak na natawa. "Janitress don't need give resume," sabi ni Mr. Lacson. "Kung hindi ka naka-graduate, walang ibang posisyon para sa'yo dito kung hindi sa janitor area. Pasensya ka na, Attorney pero iyon kasi ang nakalagay sa policy." Tanggap ko naman iyon. Masaya na nga ako sa pagiging janitress e. At least, may trabaho na ako. "Sir, Ok na po sa akin 'yon. Iyon naman talaga ang balak ko talagang apply-an. Salamat po." Ibabalik na sana sa akin ang resume ko nang inagaw ng Attorney iyon. Kinuha niya sa kamay ni Mr. Lacson ang resume ko at bumuntong hininga. Matalim na tinitigan ng Attorney ang resume ko. "I'll need this for a further background check-" "Sir, Hindi naman na kailangan 'yon sa posisyon niya tsaka hindi naman natin ginagawa ang gano-" "Mahirap magtiwala. Just instruct her everything she need to know. What's her minimum wage anyway?" Hindi niya ako nilubayan ng tingin kahit si Mr. Lacson ang kinakausap. "450 per day-" "That low?! Give her a raise." Nanlaki ang mata ko. Mataas na iyon kung tutuusin pero nagrereklamo pa itong Attorney. "Sir, hindi kasi ang ang may hawak ng mga pasweldo at iyon talaga ang-" "Nevermind." Tumango si Mr. Lacson at hinarap ako. "Bukas ka magsisimula sa trabaho. Bumalik ka rito ng alas syete ng umaga." "Make sure to come back," sabi ng Attorney kaya tumango-tango ako. Saglit akong ing-briefing bago natapos. Hanggang sa matapos ay nakaabang lang ang Attorney. Ilang pasasalamat pa ang nabigkas ko bago nagpaalam na aalis na. Tuwang-tuwa akong lumabas ng bulwagan. Iniwan ko na ang resume ko dahil baka kailanganin nila. Mas napadali ang pagkakapasok ko dahil sa lalaking iyon. Natanggap ako ura-urada dahil sa kaniya. Hindi ko na nga pinakaisip ang pagkawirdo niya na tanungin ako ng kung anong hindi ko maintindihan. Bago ako mawala sa paningin nila lumingon pa ako saglit sa banda nila. Hawak na ng Attorney ang kaniyang cellphone at may kausap habang nakamasid sa akin. Muli akong ngumiti hanggang sa makaliko ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook