Outbreak

1423 Words
Unknown Disease 02 | Outbreak _______________________________________ Astrid Magkahalong pagtataka at kaba ang mababakas sa mukha ni Minna habang hila-hila ko siya pero pilit niya akong iniintindi. Isa lang ang iniisip ko sa mga oras na ito at iyon ay ang makalayo sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Kung kanina naghihinala lang ako ngayon alam ko sa sarili kong tama ang hinala ko. Hindi ito pangkaraniwang ubo. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano kabilis nahawa ang dalawa mula sa babae. Ilang minuto lang ang lumipas bago sila nagsimulang umubo ng dugo katulad niya. Gulong-g**o na ako at tuliro. Hindi ko na alam pa ang iisipin at gagawin sa dami ng isipang naglalaro sa utak ko ngayon. "Okay ka lang ba Ash? Mukhang kanina ka pa balisa ah?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Minna na nagpahinto sa akin sa paghila sa kanya. "I'm fine. It's just that I don't feel going out today," Sabi ko na lang sa kanya bago pumara ng F301 na napadaan. Hindi na umangal pa si Minna at nang makasakay kami sa loob ay ako na ang nagdikit ng aking I.D sa detector upang malaman ng driver ang daan at makapagbayad na rin. "Ano ba 'yan sayang 'yong gala natin. Nagugutom pa man din na ako," Nakabusangot na sabi ni Minna na ngayo'y tinanggal na ang kaniyang mask na siyang aking ginawa rin. It's safe here. Fully ventilated ang F301 at nahihiwalay ang kinaroroonan ng driver mula sa amin dahil sa malaking glass na nakaharang sa pagitan. "Don't worry. I'll cook for you na lang," I said assuring her. "Ayon oh! Bait talaga ng friendship 'ko!" Nakangiting sabi niya habang ni yakap-yakap pa ang braso ko. Mukhang hindi niya napansin ang nangyari kanina dahil sa sobrang pagkaabala niya sa paglalaro. Binaling ko na lang ang aking atensyon sa labas matapos matanggal ang pagkakakapit ni Minna sa braso ko. Napahinga 'ko nang maluwag nang makitang ayos lang ang lugar. No one has a flu, but I'm still wondering about what happened earlier. Tama ba ang naiisip ko ang sadyang masyado lang akong nag-ooverthink? I don't really know what to think anymore. For now, I need to clear all the stress and negative thoughts running through my mind. Maybe I'm just overreacting, because seeing people outside happy with their love ones. Family, lovers, friends or just themselves. Don't want my theory to happen. • • • "Ansarap mo talaga magluto sis. Dalas-dalasan mo akong lutuan nga," Nakangiting sabi niya habang naglalakad kami palabas ng condo unit na tinutuluyan ko. "Mukhang ikaw dapat ang nilulutuan ako," Ang sagot ko sa kanya. She's a culinary student kasi. "Kahit gusto ko man magstay rito para matikman ang sunod na luto mo ay hindi puwede. Nakapag-promise na kasi ako kay Dash na magmamall kami today eh. You know brother time. So, bye bye na," Kumakaway-kaway na paalam niya sa akin. "Take care," Tanging na sabi ko na lang sa kanya as she enters her family car. I waited bago umalis 'yong kotse but to my surprise bigla niyang binuksan 'yong window ng kotse and tell me "Diyan ako magbe-breakfast bukas," She said bago tuluyang umandar papalayo 'yong sasakayan na sinasakyan niya. Napairap na lang ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga. Inantay ko lang na makalayo 'yong sasakyan nila at ng hindi ko na matanaw ay napagpasiyahan ko nang bumalik na sa aking condo unit. Dash is her older brother and I've got this condo as a gift from my dad on my 18th birthday. Our house is too far from my current school that's why my dad decided to buy me a condo unit near my school. He said he doesn't want me to be tired from riding far from home to school. But of course, I'm still going home every weekend. I've received a text kanina from one of my friend sa next subject ko at sinabi niya na wala raw kaming teacher sa dalawang sunod na subject na natitira. Kaya free ako ngayong hapon. I don't ask anymore questions pa baka humaba lang ang usapan. Until now, I'm still wondering about what we encountered a while ago, that's why I've decided to call my big brother and ask about it. Hindi ako mapakali sa nakita ko. I can't sleep without knowing what the hell just happened back there. Curiosity killed the cat. Calling Kuya Cyrus.. "Oh, why did my little sister call her kuya? Did you miss me already lil sis?" He asks sweetly to me. "Really Kuya Cyrus," I unbelievably said as I rolled my eyes, as if he will see. "So you don't miss your kuya?" Tanong niya na mapapansin ang tampo sa boses. "I miss, I miss Hilla big time," Mapanlokong sagot ko at alam kong sa mga oras na ito nakakunot na ang noo niya. "Why you're so unfair sis? You miss that shitzu dog of yours than me your kuya. I hate you!" Pagmamaktol niya na nagpatawa ng kaunti sa akin. Kahit kailan talaga si Kuya Cyrus. Minsan napapaisip ako kung bakit ko ba siya naging kuya. "Sometimes I wonder if who's the oldest among us," Iling-iling na sabi ko sa kanya. "Still, I hate you Astrid. You're hurting my feelings," He said. Paano ba ako nagkaroon ng childish na kuya na kagaya niya? "C'mon. How can I miss you? Last time I checked we saw each other yesterday," Ismid na sagot ko. "Really? My bad, I forgot lil sis," Sabi niya na medyo tumatawa pa. "By the way, bakit ka nga pala napatawag?" Tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa talagang dahilan ng pagtawag ko sa kanya. "I just want to ask about something," Panimulang sabi ko habang naglalakad ako papunta sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. "About what? I know it's important. You won't call me for nothing lil sis." This is what I like from him. He knows me well. "Flu, I don't know much about the flu, but a while ago..." I cut what I'm going to say to drink water. "Kanina napansin kong may kakaiba. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Minna ng gump nagsisiubuhan na 'yong mga tao hanggang sa lahat na sila nagsiubuhan na ikinataka ko. Until I saw blood." I stop for a bit when I remember the scenario. "What? What did you saw Astrid?" Nabalik ako sa wisyo nang tawagin niya na ako sa pangalan ko. I know this time, he's damn serious. He calls me by my name. "I saw two person in the middle of the crowd na sumusuka ng dugo sa sobrang pag-ubo. Then there's a passenger sa gump na katabi ko na uumubo na rin ng dugo. That's why kinabahan na ako at tumigil kami ni Minna kahit na bawal bumaba roon. The whole place is a mess. I don't know what happened pero halos lahat nang madaanan namin umuubo. Hindi man gano'n kalawak ang aking kaalaman patungkol sa flu ay alam kong hindi normal ang dami ng tao na umuubo ng dugo sa parehas na oras at lugar," Pagkukwento ko kay kuya. I don't know what to do, I'm damn frustrated for what is in my mind right now. Ayoko ng iniisip ko ngayon. Ayoko. "So what are you trying to say Astrid?" He seriously asks. I bit my lower lip at huminga ng malalim bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "I really don't know kuya. A sudden theory came to my mind and god knows how I don't want that s**t to happen, but I confirmed it myself for pete's sake. Nakita ko 'yong babaeng biglang umubo ng dugo. Tapos may dalawang lalaking nagmagandang loob na tulungan at dalhin ang babae sa kaharap naming ospital, pero nang bumalik sila ay bigla na lamang silang nagsimulang umubo na may kasamang dugo." Halos mabasag na 'yong basong hawak ko sa sobrang higpit nang hawak ko habang sinasabi ko kay kuya ang nakita ko kanina. "So, are you telling me that it is an epidemic Astrid?" Alam kong kinakabahan na rin si kuya sa mga oras na 'to, but we need to confirm it as soon as possible, to prevent it from happening. Hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko when someone's voice appears on the line. "Sir Cyrus, kailangan po kayo ro'n. Maraming sinusugod na pasiyente na sumusuka ng dugo kakaubo!" Halos manlambot ang tuhod ko sa narinig kong iyon. No. This can't be happening. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD