Chapter Two

1214 Words
Chapter Two Nangingintab ang labi ni Ara o mas kilala sa club na Angel. Makapal ang make up na ginamit n'ya upang iterno sa labi n'yang kulay dugo. Madalas sabihin ng mga costumer n'ya na mukha raw masarap ang mga labi n'ya kaya lagi iyon ang ginagamit niya. Isinuot niya ang itim na sumbrelo na may tatak na Star Club. Bahagyang inayos ang kulay puting tube na suot na halos kapusin sa tela dahil sa malusog niyang dibdib. Ang paldang maiksi na naghantad lalo ng makinis niyang mga hita. Ayaw man niyang isuot ngunit ito ang uniporme nila sa club. Tinernuhan ng mataas na heels. "Angel, dalian mo dumadami na ang costumer!" ani ni Cloe 'di n'ya tunay na pangalan. Tulad n'ya maganda rin ito, may isang anak na si Cloe sa isang costumer nito pero hindi pinanagutan dahil ayon sa lalaki, isa lang itong puta't bayaran. "Sige Cloe, sunod na ako!" aniya. Muli niyang tinignan ang itsura sa salamin bago malalim na bumuntonghininga. Bali-balita na may bigating VIP ngayong gabi. Maraming datong kaya aligaga ang karamihan sa mga babae ng club. Umaasang maka jockpot ngayong gabi. Lumabas si Angel dala ang papel na listahan/sulatan nila ng orders ng mga costumer. Sa stage nagsisimula ng magsayaw ang mga star ng club na ito. Ilang ulit na siyang in-offer-an na magsayaw ng manager ng club ngunit tumangi siya. Malaki ang sinasahod niya at pati ang tip na galing sa mga costumer niya ay malaki rin kapag pinagsasama-sama niya. Agad siyang lumapit sa mga bagong dating na kalalakihan na automatic na napangisi ng makita ang magandang dalaga. Akmang hahaplos sa hita niya ang lalaking pinakamalapit sa kanya ng mabilis siyang umatras. "Good evening boys, ano ang order nyo?" aniya na waring nagpapa-cute. "Pwede bang ikaw?" ani ng isa na titig na titig sa kanyang dibdib. "Pasensya na, hindi kasi ako kasama sa menu! Iba na lang!" Nagkanya-kanya order ang mga ito. Mabilis namang inilista ng dalaga ang order na alak ng mga ito pati pulutan ng mga ito. Iniabot niya ang listahan kay Cloe na siyang tumatanggap ng order ngayon. "Sandali lang, Angel! Ipapahanda ko!" tumango siya at naupo sa silya sa kanyang tabi. Umugong ang ingay sa paligid dahil sa mga dancer na halos hubad na sa stage. May mga nagbabato pa nga ng paper bills sa entablado. Nakabantay naman ang mga bouncer in case na may magulong costumer. Bukod sa pagsasayaw ng mga ito kumuha pa ang isa sa katrabaho niya ng lalaki at sa harap ng lahat blinow job nito. Napailing na lang siya, halos lahat ng katrabaho niya rito ay kapit sa patalim kumita lang ng malaki. Kahit pa babuyin ang mga ito ay ayos lang. Nagmamasid-masid lang si Angel. Napansin niya ang manager ng club na tarantang tinungo ang entrace ng club. Dumating na marahil ang mga VIP kaya ang mga katrabaho niyang babae ay agad nataranta. "Ako ang nakatoka tsaka si Hope." Ani ni Martha. Sikat sa club ang dalawa at dinadayo ng mga parokyano ng mga ito dahil sila ang madalas pumapayag na ilabas sila. Usap-usapan na willing itong mga ito kahit benteng lalaki pa ang gumamit sa mga ito basta tama ang presyo. "Okay, ingat!" bilin niya. Tumango naman ang dalawa. Normal na sa dalaga ang ganitong sitwasyon. Sa ilang buwan niya na pagtratrabaho sa lugar na ito, gabi-gabi iisang sistema ang nangyayari sa lugar na ito. Karamihan sa mga costumer nila ay mga negosyante at politiko. Mahigpit ang club sa pagpapapasok ng mga costumer. Pero kapag naka pasok sila, ano man ang gawin nila sa loob hinding-hindi iyon pwedeng lumabas at kumalat. Kaya mabenta ang Star Club sa mga mayayamang may prinoprotektahang image sa lipunan. Tumutok ang tingin ni Angel sa lalaking mag-isang nakaupo sa isang couch. May mga nakatayo sa likuran nito na mukhang mga bodyguards. Mag-isang umiinom. Gwapo ang lalaki, hindi naitago kahit pa medyo madilim ang paligid. Matikas ang pangangatawan kahit nakaupo ay halata. Napansin niya ang ilang katrabaho na mukhang in-o-offer ang sarili ngunit tinataboy ng mga bantay nito. Hindi naman nagpumilit ang mga babae dahil isa sa rules ng club iyon. Kung gusto naman kasi ng costumer tatawag lang ito at magsasabi. "Ito na!" ani ni Cloe. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang tray na punong-puno ng orders. Dalawa iyon kaya sumama si Cloe para ihatid sa table ang orders nila. "May kailangan pa po ba kayo?" aniya. "Ikaw na lang ang kulang!" nagtawanan ang mga ito sa banat ng isa. Lahat nakatitig sa kanilang mga dibdib at hita. "Pasensya na, hindi pwede!" ani ni Cloe. Ito na ang nag-excuse sa kanilang dalawa. Bumalik sila sa pwesto nila. "Napansin mo ba 'yong nasa couch, gwapo 'no!" kinikilig na sabi ni Cloe na nangalumbaba pa. Sinulyapan niya ang lalaking tinutukoy nito. Ito rin ang tinitignan niya kanina. Saktong Nag-angat ito ng tingin. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Maya-maya lang na pansin nilang bumulong ito sa isang bantay. Tinawag naman ng lalaki ang manager nila at nakipag-usap. Sumulyap sa gawi nila si Manager Boy. Halata sa mukha nito ang pag-aalangan. Pero dahil VIP nakita nilang tumango ito at nag excuse. Nagkatinginan sila ni Cloe. "Mukhang bet ka?" bulong nito sa kanya. "Ako?" kabadong sabi niya."Server lang ako!" aniya na biglang kinabahan. Madalas siyang nagkakaproblema sa mga VIP na makukulit at nagpipilit na i-table siya. Pinipili lang kasi niya ang tinatanguan na costumer para i-table siya. "Manager!" sabay nilang sabi ni Cloe. "Angel, gusto kang itable!" problemadong sabi nito. "Naku manager, alam mong server lang si Angel!" depensa ni Cloe. "Kausapin mo lang, malaki ang ibabayad sayo!" "Pero---" "Dali na, VIP 'yan madatong dalian mo na!" hinila pa siya nito patungo sa lalaking tinitignan niya kanina. "Pero--- Manager!" patulak siyang pinaupo nito saka tumalikod. "Angel right?" ani ng lalaki. Sa pwesto nito hindi gaanong malakas ang tugtog na nagmumula sa entablado. Kaya naiintindihan niya ang tinanong nito. "Y-es!" tinap nito ang pwesto sa tabi nito. Sinunod na lang niya. "Relax, nasabi na ng manager mo na server ka lang dito!" nakahinga naman ng maluwag si Angel. "Anong pangalan mo?" tanong niya. Para makapagsimula ng conversation. "Zander!" tipid na sabi nito saka dinampot ang baso ng alak. May isinerve na ladies drink sa kanya si Cloe. Sumenyas ito, alam niyang juice lang iyon kaya dinampot niya. "Bakit mag-isa ka?" aniya na komportable ng naka upo. Napansin niyang hinuhubad nito ang suot na jacket. Tinulungan pa niya itong tanggalin iyon. "Cover yourself!" ani nito saka iniabot sa kanya ang hinubad nitong jacket. Gulat na tinignan niya ang lalaki. "Gusto ko lang ng kausap!" agad nitong sagot. Agad na ngumiti si Angel. Tinaggap niya iyon saka nagpasalamat dito. Bahagyang gumawi ang tingin ni Angel sa isang matandang lalaki na papasok ng club. May mga kasama itong tulad nito naka business suit pa. "Regular ba 'yang mga 'yan dito?" tanong ni Zander. "H--indi, ngayon ko lang sila nakita. Kilala mo ba?" Hindi kumibo si Zander. Tumahimik na lang si Angel sa tabi nito habang umiinom ang lalaki. Nanatili ang tingin ni Angel sa mga businessman na costumer ng club. May mga babae na ang mga ito sa kanilang tabi. "Boss! Myembro ng Black King!" natigilan si Angel ng aksidenteng marinig ang sinabi ng bodyguard ni Zander. Lihim na napangiti si Angel. "Finally!" Sigaw ng isip niya. Black King Organization.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD