Chapter 1

2007 Words
"Lexipot!" tawag ng humahangos na si Kim. Mag-bestfriend na sila mula elementarya. Sa iisang komunidad sila lumaki sa Poblacion. Naglalakad si Lexi papuntang silid-aklatan sa kabilang building. "O, bakit, Kimmypot?" "Nabalitaan mo na ba? May mga bagong transfer sa school, mga gwapo raw. Pamangkin daw ng school director natin ang dalawa. Iyong isa from Manila, ang isa ay balikbayan, at ang pinakaimportante," putol nito, "transfer student din ang super crush nating new teen heartthrob at pop singer na si Gian Cortez! Eeeehhhh!" sabay tili ni Kim. "S-si Gian?" Namilog ang mga mata ni Lexi. Wala siyang paki sa ibang transferee, at nag-iisa lang ang gwapo sa paningin niya. Ang pinag-uubusan niya ng allowance niya, magiging schoolmate nila? OMG! "Magwawala ang mga babae rito lalo na 'yong makikiri hahaha!" natatawa na kinikilig pa ang dalaga. "This is freakin' crazyyyy! Magpapa-picture ako, magpapa-authograph ako! Kailangang i-ready na 'to para 'pag nakasalubong natin, okay na!" Sabay hanap ng scrap book ni Lexi sa bag. Pious Spirit University. Ito ay isa sa pinaka-prestihiyosong na kolehiyo sa bayan nila. Lahat ng mayayamang angkan sa kanilang probinsya ay dito na nag-aral, mula noon hanggang ngayon. Isa ang angkan nila Lexi na old rich kung tawagin nila. Ang ama niya ang may pinakamalaking hacienda sa bayan, at ang ina ay may-ari ng jewelry shops. Ang kanyang Kuya Aristel naman ay car dealer at ang kanyang Ate Alliyah ay may three bank franchises. Si Kimmy naman ay solong anak, may-ari sila ng restaurant sa Poblacion at may malaking ospital sa katabing bayan ng San Roque, pero kahit may sinasabi sila sa buhay ay hindi sila pinalaking maluho at hindi naging matapobre. Isa lang naman ang bisyo nila—ang ubusin ang allowance sa concerts, movies, magazines, DVDs at product endorsements ng nag-iisang crush nila, ang new rising star na si Gian Cortez. Isang taon pa lamang ang pagsikat nito subalit napakarami nang achievements. Ubod ng gwapo kasi at ang dami ng talento. Mahusay kumanta, sumayaw at umakting lalo na sa fight scenes kahit 18 years old pa lang ito. Bukod doon ay matangkad at matipuno pa. Mukhang alaga ang katawan sa gym kahit teenager pa lang. 1st year college na sila ni Kim at parehong BS Management ang course, mga nasa honor list at Dean's lister. Kahit pareho silang galing sa angkan ng may kaya, alam nila kung ano pa rin ang priority nila, ang pag-aaral. Pero syempre, normal na teens pa rin sila kaya 'di maiwasang humanga paminsan-minsan. Kay Gian lang naman sila addicted. "Teka, mag-review na muna tayo. May long quiz pa pala tayo." Biglang naalala ni Lexi kaya nga pala siya pupunta sa library. "Mamaya na si Gian. Makikita rin natin siya." Sabay hatak ni Lexi kay Kim. PIOUS BUILDING LIBRARY "The Newton's Third Law is a force which is a push or a pull that acts upon an object as a result of its interaction with another object," basa ni Lexi nang pabulong habang nire-review si Kim. "Ah, so For every action, there is an equal and opposite reaction... Si Gian kaya, ano ang reaction 'pag nakita niya ako?" Nangalumbaba pa ito na parang nagde-day dreaming. "Hoy! Gumising ka nga! Tanghaling tapat nananaginip ka!" saway ni Lexi sabay tabig sa braso nitong nakatukod kaya muntik ng masubsob si Kim sa mesa. "Aray naman Lexipot! Masakit 'yon ha! Masama bang pangarapin ang prince charming natin?" At bumalik sa pangalumbaba. "'Pag ikaw bumagsak mamaya, yari ka na naman sa papa mo. 'Di ka bibigyan ng allowance no'n. Wala kang pampanood ng concert ni Gian sa katapusan. Ako lang ang manonood hehe." Nag-belat pa ito kay Kim. "Oo na, heto na, magre-review na." Nagmamadaling kinuha ni Kim ang mga libro at nataranta sa pagre-review. *** Pabalik na sa classroom ang dalawa nang naisipan ni Lexi na mag-CR muna. Pinauna na niya si Kim sa classroom. Ang hirap maging babae, sa loob-loob ni Lexi. Dumating na naman ang bisita ko. Haggard, ang init pa. Ew! 'Di pa yata ako nakakapagsuklay today. Sabay-sabay naman kasi ang long quiz, eh, kakasimula pa lang halos ng klase kaya wala na kong time mag-ayos. Nakasabog ang maraming hibla ng mahabang buhok na nakapusod sa kanyang magandang mukha, pawisan pa dahil sa init sa labas at tumakbo kasi sila at nagharutan ni Kimmypot habang pabalik sa extension building kung nasaan ang classroom nila. May period pa siya. Bad hair day kumbaga. "Girls do understand me, I suppose. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?" natatawang bulong ni Lexi. Kinuha ang suklay at powder sa backpack. Magfre-freshen up pa lang si Lexi nang makarinig siya ng ingay at tilian ng mga tumatakbong mga babae sa hallway. "Ano ba 'yon, ang iingay nila. Tsk." 'Di na lang niya pinansin at nagtangkang magpatuloy sa pag-aayos nang biglang kumalabog ang pinto ng CR. "Ano ba't..." May lalakeng biglang pumasok sa CR ng mga babae at pasalyang isinara pa nito ang pintuan. Nakatalikod ito sa kanya habang nakadiin sa pintuan ang mga kamay. "Eeeehhhh!" tili ni Lexi. Tumakbo naman ang lalake palapit sa kanya sabay takip ng bibig niya. "Pwede ba huwag kang maingay! Wala akong plano sa 'yo. Hindi kita type," malamig na saad ng lalake. Napadilat si Lexi nang malapitang makita ang mukha ng kaharap na lalake. Totoo ba itong nakikita niya? Si Gian ba ito? Inalis ng binata ang kamay nito. "Relax, okay? I have no intention to harm you. I don't think you are my type." Sabay tingin kay Lexi mula ulo hanggang paa na parang nanunuri. Nag-init ang ulo niya at ang pakiramdam niya ay umakyat lahat ang dugo niya. How dare this guy insult her! "A-ano kamo? Pakiulit?" Baka namali lang siya ng dinig. Ang alam niya ay mabait tong lalakeng ito. "Ang sabi ko, 'di kita type. Wala sa hinagap ko na pumatol sa kapre o higante," natatawa pa habang umiling-iling ito. Binalikan ulit siya ng tingin mula ulo pababa. "Aba't..." Akmang sasamplin nito ang lalake nang talikuran siya nito at lumabas ng CR habang palinga-linga ito. Sa edad na 17 years old ay 5'8 na ang height ni Lexi. Hindi niya alam kung saan niya namana ang height niya. Her Dad is just 5'6, her Mom is 5'2. Pati ang Kuya Aristel niya ay 5'5 lang ang height samantalang si Ate Alliyah niya ay 4'11 lang. Ang kapal ng mukha nitong lalaking 'to. How dare he! My Gian heart is now torn into pieces. Ayoko na sa kanya, ang sama ng ugali niya. Ang yabang! Nakakagigil siya! Bumalik sa pag-aayos ng sarili si Lexi at lumabas ng CR. Male-late na siya sa next class. Naupo na siya sa tabi ni Kim. Nagpupuyos ang kanyang loob sa inis pero hindi na niya kinwento kay Kim ang enkwentro nila ni Gian sa CR. Saka na lang. Naiinis pa siya. Siya, kapre, higante? "Eh ako nga ang muse ng section na 'to. Kainis talaga! Grr!" "Good afternoon class," bungad na bati ni Sir Santillan, Math teacher namin at after ng lunch break ang klase. "We have transfer students and they will join you starting this afternoon. Come in," tawag ni Sir sa bandang pintuan. Pumasok ang isa sa transfer students. Napanganga naman ang mga estudyante ng section 1. Parang Greek God ang isang ito. "Please, introduce yourselves." "Hi, I'm Duncan Rivero, 18," tipid na sabi nito. Nagtilian ang mga babae at bading na kakalase nila ni Kim. Pati si Kim ay lumaglag ang panga sa kilig. "Lexipot, iyo na si Gian. Sa akin na 'to! Ang gwapo shet! Laglag ang panty ko!" Kinikilig na 'di mapakali si Kim. "Gee. Iyo na din si Gian," bulong ni Lexi. Turn off, big time. "Ano 'ka mo?" "Wala. Sabi ko makinig na tayo sa kanila." Pumasok ang pangalawa, "Hi, my name is Mikael Rivero, Duncan is my cousin, 18. Nice to meet you guys." Sabay kaway ni Mikael. Lalong nagtilian ang mga babae. "Lexi! Pwede bang akin na lang silang dalawa? Ang hirap mamili! Ehhhh!" parang naiihing tili ni Kim. "Hoy umayos ka, nakakahiya ka." Siniko nito ang bestfriend niya. Maya-maya ay pumasok ang nambuwisit sa araw ni Lexi, "Gian here," maiksing introduction ni Gian. "Naglulundag sa tuwa si Kim at ang mga babaeng kaklase nila. Mga hindi mapakali at parang nakakita ng aparisyon. Samantalang si Lexi ay walang pakialam na tiningnan nang masama ang lalaki. Nagtama ang mga mata nila at parang nagmukhaan siya ng lalake dahil napakunot ng noo ito. Inirapan 'to ni Lexi sabay tingin sa projector. PSU Cafe "Oy, Lexi, parang 'di ka masaya na classmate natin si Gian?" pukaw ni Kim. Kanina pa ito kwento nang kwento kung gaano siya kinikilig at kung gaano kasaya dahil classmate nila si Gian, samantalang si Lexi ay mukhang hindi interesado. "Kasi Kimmypot, masama ang ugali niya. Ayoko na sa kanya." Sumimangot si Lexi nang maalala ang nangyari sa CR. "Bakit naman? Nagkaharap na kayo?" Curious na lumapit pa nang husto si Kim. Ikinwento ni Lexi ang nangyari sa CR. "Ano? Ang yabang naman pala ng lalakeng 'yon. Akala mo kung sinong gwapo. Eh 'di hamak naman na mas gwapo sina Duncan at Mikael sa kanya. Eeeehhh! 'Di ko pa rin makalimutan ang mukha at porma nila, baks, para silang Greek Gods na bumaba sa lupa!" 'di mapigilang kilig ni Kim. "Oo true, gwapo sila. Pero may something sa kanila. Ewan ko, 'di ko ma-explain." "Something palatable, you think?" Sabay wink ni Kim. "Heh! Bastos ka!" Natatawang hinampas ni Lexi ang braso ng bestfriend. "Ikaw 'tong green-minded eh, 'yung lips nila ang palatable na sinasabi ko," sabay halakhak ni Kim. Pilya talaga itong kaibigan niya. "Teka, maiwan muna kita, babalik lang ako sa library," paalam ni Lexi. Papunta na sa silid-aklatan sa 2nd floor si Lexi nang may marinig siyang yabag ng mabilis na takbuhan sa hagdan paakyat. Walang gaanong pumupunta sa building na 'yon dahil boring daw ang library, nasa 1st floor ang major offices ng school, stock room, guidance office; ang gym, control room at huge library para sa lahat ng courses ng school sa 2nd floor; 3 science laboratories sa 3rd floor na tuwing Friday lang nagagamit, 4 classrooms sa 4th floor na walang gumagamit sa hapon, at roof top. Sino ang mga 'yon? Ang bibilis tumakbo. Sumunod si Lexi sa taas. Nilinga niya ang 3rd floor kung may tao. Wala. Umakyat siya sa 4th floor at nakiramdam kung may mga tao sa classroom pero wala rin. Tumingala si Lexi sa gawi ng rooftop. "Mukhang may mga tao do'n. Away ba 'yon?" Dahan-dahang umakyat si Lexi sa rooftop, lumapit sa pintong naka-bukas ng konti, lumabas ng pintuan. Nilinga ang buong open rooftop nang biglang may tumama sa balikat niya na nagpabagsak sa kanya. Tumama nang malakas sa kanya ang isang tabla ng sirang arm chair. Napangiwi at sapo ang balakang at hindi maikilos ang balikat. Nilingon ang lalaking nasa harap niya sa 'di kalayuan na umilag kaya sa kanya tumama ang arm chair, naka-school uniform ito. "May hawak siyang espada! Nakikipag espadahan ito sa isang... a-ano 'yung nilalang na 'yon?" May kulubot itong mukha, na halos nasa 3 feet lang yata ang taas, may mahabang tenga, kulay gray ang buong katawan at mabilis itong kumilos. Maya-maya ay may isa pang estudyante ang lumabas sa pintuan ng rooftop at may dalawang hawak na maigsing espada sa mgkabilang kamay. Hindi niya mamukhaan ang dalawa na nakatalikod sa gawi niya. Nakanganga lang si Lexi habang pinapanood ang mga nageeskrimahan, dalawang estudyante laban sa mukhang engkanto, para siyang nanonood ng shooting. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang dalawang estudyante. Nagbago ang anyo ng mga suot nito at napalitan ng tila mga armor na goldi'yong sa unang lalake at silver naman doon sa pangalawa, at may lumabas na mga pakpak na nagliliwanag. Kinusut-kusot ni Lexi ang mga mata, hindi ba siya nananaginip lang? Ano ba itong nasasaksihan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD