Chapter 6

1722 Words
Sunday After lunch, Saavedra Mansion "Kim pot!" Bati ni Lexi sa kaibigan. Dito siya mago-overnight tulad ng nakagawian nila every Sunday mula noon pa. "Oh, Lexi pot, bakit ngayon ka lang? 3pm na." "May bisita lang kasi sa bahay, naglambing pa sila Mama. Magbabakasyon daw sila ni Papa." Pumasok sila sa sala. Tiningnan ulit ni Lexi ang paborito niyang painting sa wall doon. Si Kim ang subject, wearing black and blue gown. Maganda naman talaga ang kaibigan niya. Malungkot lang ang mukha niya sa painting. Maya-maya ay may dumaang matanda na naka-wheel chair at tulala lang ito. Mukhang inatake siguro. "Sino siya, Kimmy pot?" Ngayon lang niya ito nakita sa tagal nilang magkaibigan. "Lola ko, Mama ng Mama ko. Siya iyong kinukwento ko sa'yong Lola ko na dinadalaw namin pag summer kina Tito Fred sa Cebu. Matagal na siyang ganyan, may sampung taon na din. Inatake lang tapos ganyan na. Parang brain dead pero gising naman. Kinuha muna namin siya kasi pupunta sila Tito sa US para dalawin ang nga kamag-anak namin do#n." "Aw, kawawa naman... Lola, mano po, ako po si Lexi, kaibigang matalik ng apo n'yong si Kimmy pot." Hinawakan niya ang kamay nito saka nagmano. Gumalaw ang ulo nito at tumingin sa gawi niya pero walang reaksyon o emosyon kang makikita. Habang tinitingnan ni Lexi ang matanda ay napansin niya ang mahinang itim na usok sa bandang dibdib nito. Halos hindi mo na mapapansin sa sobrang labo. Napakunot noo si Lexi. Blud? "Ah, Kim. Pagamit ng CR." "Sige na, nagpapaalam pa ito eh extension na ng bahay mo itong bahay namin. Go. Mukhang ihing ihi ka na." Natatawang itinulak pa si Lexi. Nagmamadaling pumasok si Lexi. Kinabahan. Teka, kung Blud ang may gawa nun at 10 years nang ganun ang lola ni Kim, bakit may itim na usok pa rin? Posible kayang narito ang Blud? O binalikan siya ng espiritung yon? Teka nga. "Angel Duncan. Angel Duncan!" Tawag ni Lexi sa isip. "Sinabi ng Duncan lang eh!" "Ang sungit mo talaga pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Asik ng dalaga. "Wala ka na ro'n. Ano bang kailangan mo at nang-iistorbo ka?" "Kasi po Mr. Sungit, nakita ko ang Lola ni Kim. May itim na usok din siya sa dibdib. Tulala din siya. Andito kami sa bahay nila Kim." "Ano? Teka pupunta ako d'yan." Nag-POP! si Duncan sa loob ng CR. Nagulat di Lexi kaya titili sana siya ng tinakpan ni Dylan ang bibig niya. "Hoy, 'wag kang maingay!" Bulong na paasik ni Duncan. "Eh paano akong hindi magugulat, bigla ka na lang lumilitaw. Dito pa sa CR." Napalinga si Duncan sa paligid niya saka niya napansin ang awkward na posisyon nila. Nakakabig ang braso niya paikot sa bewang ng dalaga habang pigil naman ng dalaga ang kamay niyang ipinantakip sa bibig nito. Masyado silang malapit sa isa't isa na naaamoy na nila ang hininga nila. Dali-daling bumitaw si Duncan sa dalaga at lumayo. Nailang naman ang dalaga at hinanap ang self-confidence sa bulsa. Opo, namulsa siya para itago ang nanginginig niyang mga kamay sa nerbyos. "Paano mo nalaman 'tong location ko?" "I told you, we're connected. Linked na ang utak natin kaya everytime you will call me, I will know your location in a snap." "Ok." Bulong pa rin ng dalaga. "A-anyway, may problema eh. I can still see black smoke on her chest pero 10 years na daw ganun ang lola niya. It was just a faint smoke. Almost blurred na. She was recently moved from Cebu, so do'n siya nabiktima ng Blud. Pero iyong girl kagabi, nawala rin agad ang black smoke. How come?" "This is not good. Meaning, that Blud is about to take her life, or another Blud recently came to her and gave more poison." "Teka, maraming Blud?" Curious na tanong ni Lexi. "Maraming Blud, maraming Incubus, maraming Pukwudgie at kung ano-ano pang espiritu ang pagala-gala sa mundo. May harmless, may harmful. Pero ang mga nakawala at ibang pagala-gala na nananakit ng tao ay mga masasamang espiritu na kailangang ikulong para hindi na makapaminsala. Titingnan ko siya." Tangkang lalabas ng pinto si Duncan ng pigilan ito ni Lexi. "Wait, 'di ka pwedeng magpakita kay Kim dito, paano ka nakapasok sa CR NILA, nakalabas pa 'yang pakpak mo, hello?" Sumenyas pa ng telephone sign sa tenga si Lexi. Napakamot sa ulo si Duncan. Nawawala siya sa wisyo pag nakakasama niya itong babaeng ito, dito pa sa tight space ng CR. Malaki siyang tao, 6'2 siya, at bulky, may pakpak pa siya tapos matangkad din tong si Lexi kaya yung CR na halos 10 sqm ay mukhang masikip sa kanila. Tsk. "Mag-iinvisible ako." "Ah, okay. Mabuti na ang malinaw." Lumabas na si Kim kasunod ang Angel. "Invisible? Eh kita ko pa din siya eh!" "Ikaw lang ang nakakakita sa akin. Remember, special power?" "Right. Right. Follow me." "Oh, ang tagal mo naman sa CR Lexi pot. 'Di lang yata pagwiwi ang ginawa mo do'n eh. Nagdeposit ka, 'no? Hehe." "K-kilala mo talaga ako. Humilab ang tiyan ko eh." Palusot ni Lexi. Nag-ring ang phone ni Kim. "Teka lang ha... Hello? Teka choppy ka... Wait Lexi pot." Lumabas ito para kumuha ng signal. Umalis naman ang nurse ng lola ni Kim para kumuha ng medicine. Tiningnan niya si invisible Duncan na papalapit sa lola ni Kim. Naroon pa rin ang mahinang usok sa tapat ng dibdib nito. Inilapit ni Duncan ang kamay malapit sa dibdib ng lola. Nagliwanag ang kamay nito pero siya lang ang nakakakita. Ilang saglit pa ay inalis na ni Duncan ang kamay nito. Nawala ang itim na usok pero tulala pa rin ang matanda. "Binagalan ko lang ang oras ng pagsakop ng lason ng Blud sa katawan niya, pero hindi ibig sabihin non mapapagaling ko siya. Deadly na ito dahil dalawang beses na siyang nabiktima. Kailangan nating mahanap yung Blud na gumawa nito." "Oh my... Saan natin siya mahahanap?" May naramdaman si Lexi. Napatingin sa labas si Lexi. Kinabahan siya. "Kim...." "Why?" Tanong ni Duncan. Tumakbo palabas ng garden si Lexi at nakita niya ang isang pangit na babaeng may mahabang buhok at itim na balat, mahabang tenga at nakalutang ito sa ibabaw ni Kim habang nakakapit ang mga kamay sa magkabilang balikat ng bff niya. Wala ng malay ang bestfriend niya. "Hoy, panget! Ako ang harapin mo!" Napalingon ang Blud sa gawi ni Lexi. Ngumisi ito, at sa kanya naman papalapit ang Blud. Malapit na ito sa kanya ng bigyan niya ito ng isang flying kick sa mukha. Tumalsik ang Blud ng malayo at tumumba, napuruhan ito ni Lexi. Nahihilo pang napaupo ang Blud. Tumakbo si Lexi palapit dito at saka binigyan ito ng rotating kick. Tumba ulit ang Blud. "Walang pwedeng manakit sa bestfriend ko!" Galit na bulyaw ni Lexi dito. Sinipa ni Lexi sa sikmura ang Blud, sinuntok saka sinipa ulit. Kitang kita ni Duncan kung paano binugbog ni Lexi ang Blud. Kawawang espiritu. Now he knows, never mess up with her. Ibang magalit. Tsk. Teka, paano niyang nabugbog ang espiritu na 'yon? Nagliwanag sa paligid at dumating sina Mikael, Cyrie at Elisse na mga tinawag niya gamit ang telepathy. Nakita ng mga ito kung paano bugbugin ni Lexi ang Blud. Napanganga na lang sila sa ginagawa ng dalaga. Gigil na gigil si Lexi dahil sa ginawa ng halimaw na ito sa bestfriend niya. "No one has the right to hurt my bestfriend! You b***h!" Binigwasan pa ulit ni Lexi sa mukha ang espiritu, hinawakan sa buhok at baba, pinilipit ang leeg. Narinig nila Duncan ang tunog na "Crrrrk". Napahawak sila sa mga leeg nila. "Aw..." sabay-sabay na bulong nila sa isip nila. Kinuha ni Lexi ang Japanese hair pin niya na nasa buhok niya na gawa sa silver. Nalugay ang mahaba nitong buhok na hanggang baywang. Isinaksak nito ang hair pin sa leeg ng Blud. Lungayngay ang Blud ng bitawan ito ni Lexi, at unti-unti itong naglaho. "'Yan ang bagay sa'yo!" Hinihingal na napaluhod si Lexi. Nilingon ang bestfriend saka tumakbo palapit dito. "Kimmy pot." Nakita ni Lexi ang unti unting paglalaho ng itim na usok sa dibdib nito. Sinalat niya ang leeg nito at naramdaman niya ang normal na pulse beat ng kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag. "W-wow! Lexi! You killed that spirit with your own hands?" Bilib na napalapit si Mikael sa dalaga. "Hindi naman, ito ang pumatay sa kanya. Ginalit niya ako eh." Ipinakita ni Lexi ang hair pin na regalo ng kanyang papa nung birthday niya last year. Inabot ito ni Mikael. Minamasdan ito ni Mikael at inikot ikot nang mabasa niya ang nakaukit sa bandang hawakan nito. Erika, My Love  "Duncan...." Pinakita ni Mikael ang hair pin sa pinuno. Inabot naman nito iyon at nagulat sa nabasa sa hairpin. "Saan mo nakuha ito? Bakit nasa iyo ito?" Seryosong tanong ni Duncan sa dalaga. "It was my dad's birthday gift to me last year. He said it's an hairloom from my great, great grand mother, Erika Rapier." Nagkatinginan ang apat na guardian. So that explains everything. Nakarinig sila ng ungol galing kay Kim. "We'll talk later." Sabi ni Duncan, iniabot ang hair pin sa kanya at sabay-sabay na naglaho ang apat. "What happened?" Tanong ni Kim habang sapo nito ang ulo. "You collapsed. Are you feeling okay?" Paniniguro ni Lexi na okay na ang kaibigan. "Yes, I feel fine. Help me get up." Tumayo na ang dalawa ng biglang humahangos na tumatawag ang nurse ng lola ni Kim. "Ma'am Kim! Ma'am!" "Oh, bakit?" Nag-aalalang tanong ni Kim. "'Y-yong... iyong... Lola nyo po..." "Oh, ano'ng nangyari kay Lola?" Nag-aalalang tanong ni Kim. "Kimberly Anne!" Sigaw ng matandang tumatakbo pa papunta sa gawi nila. Napaawang ang bibig ni Kim. "L-lola?" "Oh, bakit para kang nakakita ng multo? Teka, bakit narito ako sa ancestral house? Kelan ako nagpunta dito? Saka bakit ganon, nakita ko sa kalendaryo nyo dun sa sala, 2017? Ako ba'y pinaglololoko ninyo?" Sermon ng matanda. Nagkatinginan ang magbestfriend. Nagtatanong ang mga mata ni Kim. Nagkibit-balikat na lang si Lexi. "Eh, Lola, ipapaliwanag po namin sa inyo. Halika po pasok tayo sa loob." Aya ni Kim sa Lola niya. ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD