Chapter 5

1624 Words
"Angel Duncan, yoo hoo! Angel Duncan, can you hear me?" Tawag ni Lexi kay Duncan sa sa isip niya. "Just Duncan. What do you want?" "Get here. The girl who passsed out is weird. I saw a black smoke on her chest. Not a typical smoke, I think ako lang ang nakakakita nun." "We'll be there." Then Duncan cut her out. Sungit talaga. May regla yata yun for 525 years na. Hihi. Weird ng naisip ko. ☆ Patakbong lumapit sina Duncan at Mikael sa hinimatay na babae. Nagmulat na ito ng mata, pero tulala. Hindi makausap, hindi sumasagot sa mga tanong ng mga taong nasa paligid. "Miss, alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong ni Mikael sa babae. Umangat ang ulo nito patingin sa kanya pero lutang ang mga mata nito. Tila lumalagos lang ang tingin sa kanya. "Lexi, itim na usok ba kamo ang nakita mo sa dibdib niya?" "Yup, pataas. Tapos nawala rin." Nagkatinginan sina Mikael at Duncan. "It was Blud, I think." Hinala ni Mikael. "Blood? Dugo?" Tanong ni Lexi. "BLUD, B-L-U-D. Illness-causing evil spirit that can make you disoriented. Parang siya." Itinuro ni Duncan ang babaeng tulala na inalalayan ng medic pababa ng stage. "Tulala, lutang ang isip. Permanente na yan." "OMG. No! Kawawa naman yung babae. Wala ba tayong magagawa to help her out?" Naluluhang sabi ni Lexi. Naaawa siya talaga sa babae. Walang kamalay-malay sa ginawa sa kanya ng evil spirit na yon. "Meron pa. We have to catch the culprit and make it disappear. Mababalik sa normal ang lahat ng nabiktima niya, from the past up to the present." Solusyon ni Mikael. "Then we will find that thing." Madiing tugon ni Lexi. "I will help. Ano bang itsura niya?" "Babaeng maganda, deceiving ang itsura, maputi." Sabay tingin ni Duncan kay Lexi. "Oh, shut up, Duncan! Be serious, akala ko ba seryoso kang ta.. I mean Angel? Anyare?" Pagtataka ni Lexi. "W-wala." Sagot ni Duncan. I got disoriented earlier, by your beauty. Tsk! Duncan, umayos ka nga. Saway ni Duncan sa sarili. "Halika na. Baka makapambiktima pa yon ng iba." Naglakad-lakad ang dalawa sa campus at inikot ang paligid. Nag-uuwian na ang mga nanonood. "Lexi pot!" Tawag ni Kim. "Congrats bff!" "Thank you Kim pot! Ikaw ang make-up artist ko eh. Galing talaga." "Saan ka pupunta? Bakit mo sila kasama?" Sabay turo kina Mikael at Duncan. "Ah, eh, wala. They just congratulated me and offered for a hitch going home. I told them I can't. Sasabay na ko sa'yo pauwi." Nilingon nito ang dalawa. "Bukas na lang. Sorry ." Tumango naman si Duncan at umalis na. Kumaway si Mikael kay Kim, "Una na kami." Lumakad ang dalawa palayo. "Tara na." Ikinawit ni Lexi ang kamay sa braso ng kaibigan at inakay papunta sa parking lot. Mahirap na at baka pati sila mapagtripan ng Blud na yon. ☆ Sunday sa Hacienda Salvacion "Senyorita Lexi, may mga bisita po kayo." Pukaw ni manang Lina. Nasa pool si Lexi that time to dip and get refreshed. Napakainit ng panahon. Hilig din niya ang swimming. She's wearing 2 piece red swimsuit. Kitang kita ang hubog ng katawan ng dalaga. Normal lang sa kanya ang magsuot nun pag nagsu-swimming. She was also a former regional swimmer child athlete bago siya totally pinagswitch ng tatay niya from swimming to Martial Arts. "Sino daw po?" "Classmates mo daw sila, hija." "Sige po papasukin nyo na lang dito. Di pa ko tapos maglublob e." "Oo nga napakinit ng panahon." "E di halika dito samahan nyo ako lumangoy haha!" "Bata ka, baka rayumahin pa ako. Teka balikan ko muna ang mga bisita mo. Patuluyin ko na muna dito." Umalis si manang Lina pabalik sa main gate. Nag-dive naman ulit si Lexi at nag back stroke papunta sa kabilang bahagi ng pool. "Senyorita, nandito na po sila." "Ok po, sige. Salamat." Nilingon ni Lexi ang mga bisita, at nakita niya ang dalawang angels na kaklase. May kasama itong dalawang magandang babae na hindi niya kilala. Lumangoy pabalik si Lexi at umahon sa mababaw na parte gamit ang hangdan ng pool. Napanganga naman ang dalawang guardian sa nakita nila. Para silang nananaginip sa nakikita nilang kagandahan sa harap nila. Tamang laki ng dibdib, maliit na baywang na may abs pa, mabilog na balakang, long legs na makinis. Tinernuhan pa ng magandang mukha. Lumakad si Lexi papunta sa beach bed at kinuha ang robe. Sinuot ito saka hinarap ang mga bisita. "O, why? Napaaga ang punta nyo. And...?" Tiningnan ni Lexi ang dalawang magagandang babae na kasama nito. "They are... also like the both of you?" Para namang natauhan ang dalawang lalakeng guardian. "Y-yes they are. Ehem. Si Cyrie at si Elisse." "Hello!" Bati ni Cyrie. Naglahad ng palad ito. Ang ganda niya, parang dyosa. Tingin niya dito parang kumikinang pa. Tumango naman ang isa pang babae na Elisse ang pangalan. Mukhang lady version ito ni Duncan. "What brought you here?" "We'd like to introduce to you our fellow guardians. Tutulugan nila tayo na mahanap ang iba pang nakatakas na evil spirits na nandito. Even the lurking ones na matagal ng pagala-gala, we will capture them." Sagot ni Mikael. "Teka, it's better to dicscuss these things in private. Medyo sensitive at baka may makarinig pa. Let's go to my room." Aya ni Lexi. Nagpatiuna na ito, kasunod ang dalawang lalake at kasunod nila ang dalawang babae. Napapatingin sina Duncan at Mikael sa hubog ng likuran ni Lexi. Kahit naka-robe na ito ay kita pa rin ang ganda ng katawan ng dalaga. Sumasabay ang galaw ng basang robe sa indayog ng balakang ni Lexi sa bawat hakbang nito. Umakyat ng hagdan si Lexi at lalong bumilog ang balakang sa kada akyat ng hagdan. Napa-iling ng ulo ang dalawa sa nakikita nila. Sin. Sin. Sin. Walang kamalay-malay na sabay nilang binubulong yon sa isip nila. "Come in." Second time na nilang nakapasok sa silid nito pero ngayon lang nila napansin ang loob. Napakalaki nito, may receiving area at mini sala. May TV doon, mini ref, round table at four chairs na nakapalibot sa mesa. Then naka-separate ang king-sized bed ng dalaga na feminine ang kulay, pink, match sa buong kwarto na halos puro light pink ang makikita mo. Nasa kaliwa ng mini sala ang CR at sa dulo ng kwarto ang terrace. "Saan nyo gusto? Dito o dun sa terrace? May table and chairs din doon." "I think mas okay kung duon na lang." Sagot ni Duncan. Ayaw niyang matanaw ang kama, may iba siyang naiisip. Napailing ulit ito at nauna ng nagtungo sa terrace. "I'll take a quick shower first then." Lumakad si Lexi papunta sa headboard ng kama niya. Pinindot ang button ng intercom. "Manang Lina, pakihatid po ng 5 snacks and 5 juice dito sa room ko. Thanks po." "Sandali lang guys ha." Kumuha si Fin ng ilang damit sa cabinet bago dumirecho sa CR. Sa terrace "Hindi nyo pa rin pinapaliwanag kung bakit tayo nandito, bakit kilala kayo, as in kayo as guardian ng isang tao, bakit parang kabisado mo na itong kwarto, Duncan, at ano ang iniisip nyo? Kanina pa kayo tulala." Tanong ni Elisse. Tila guilty ang dalawa sa huling tanong ni Elisse. Napa-tikhim si Duncan. "Ehem. Ah... Hindi siya pangkaraniwang tao. She can see ghosts and spirits. Nagkataong naka-enkwentro niya ang mga target natin. She was able to see even an invisible spirit like Pukwudgie, and touch an incubus." "Seriously? How come?" Tanong ni Cyrie. "Yes, and we do not know yet. There's something special in her." Well, she looks special. Napailing na naman si Mikael. I'm hopeless. "So, are we going to count her in? I mean, she could help. She can mingle with humans normally while she's looking for spirits. Spirits won't doubt her. Di siya pag tataguan ng mga yon. Di kagaya natin. Alam nilang nandito tayo at hinahanap natin sila." Sagot ni Cyrie. "Right. Yan din ang naisip namin ni Mikael. Although we have to protect her. Bak mabiktima rin siya." "I'll watch out for her, while she's looking for evil spirits." Volunteer ni Mikael. "Okay, sige. While you, ladies. You have to enroll. Act like students, too. At least para makagala din kayo sa campus to look around." Suggestion ni Duncan. "What? No way!" Tutol ni Elisse. "I like that! Wow! Namiss ko ang buhay student ha. It's been a while." Tuwang-tuwa naman si Cyrie. "Geez. Nag-isip bata na naman ang isa diyan." Sabay irap ni Elisse. "Inaasar mo ba ako?" Nagliwanag ang mga mata ni Cyrie. "Stop it, ladies. Wala tayo sa Spirit World." Awat ni Duncan. "Hi guys, sorry natagalan ako. So what now?" Bungad ni Lexi. Bagong ligo ito, amoy pa ang shower bath na ginamit nito. Ambango niya. Puri ni Duncan. "We have decided na papasok sila Cyrie as students, too. Then you will look around to see spirits. Hanapin din natin yung Blud na umatake kagabi. Then Mikael will watch over you, just to make sure you'll be safe." Paliwanag ni Duncan. "That's nice. Thanks Mikael. Sige, I'll do what I can to help you out. Hindi ko rin gusto na may evil spirits na pagala-gala para manggulo sa mga tao. No way." Nag-cross arms pa si Lexi. Dumating si Manang Lina kasama ang isa pang kitchen helper dala ang 5 slices ng cake at fresh orange juice. Inilapag nila iyon sa table bago lumabas ng silid. "Teka, kumakain ba kayo? I mean..." "Oo naman, we can still chew your normal food." Sabay dukwang ni Cyrie sa cake. Ang tagal na kaya niyang hindi nakakakain non. Aliw na aliw naman siyang tinitingnan ni Lexi. An angel eating the cake I baked? Cute.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD