Chapter 3

2198 Words
Naghaharutan pa rin sina Lexi at Kim papunta sa kotse nila sa parking lot. Nagtutulakan at nagkikilitian. Napalakas ang tulak ni Kim kay Lexi. "Ay! Naku sorry po, sorry po," paumanhin ni Lexi sa nabangga niya sa likuran ng hindi nakikita ang mukha ng estudyante. "s**t!" Nabitawan ni Gian ang phone niya. May ka-text ito sa phone kaya hindi rin niya napansing may nauuna sa kanyang naglalakad at naghaharutan ang mga ito. "Watch it, stupid lady. This is not the place to play around! Maghanap kayo ng play ground!" asik ng binata kay Lexi. "I already said sorry. 'Di ka rin naman tumitingin sa dinadaanan mo." Tiningnan ang phone na nahulog na naka-on pa ang screen at kita ang keyboard sa message app. "Whatever." Pinulot ni Gian ang phone saka padabog na naglakad papunta sa kotse nito sa tabi ng kotse ni Kim. Naglabas ng phone si kim vinideohan ang eksena. Hindi naman ito napansin ng binata. "Nagpapapansin ka lang yata sa akin. Successful naman, napansin na kita. Satisfied?" Ngumisa pa ng nakakaloko si Gian. "Alam mo kahit tumuwad-tuwad ka pa d'yan, hindi kita papansinin dahil hindi kita type." "What?! Ang kapal naman ng face mo, 'no! Excuse me, oo aaminin ko super fan mo ako noon pero hindi na ngayon. Mega nakaka-turn off ka to the highest level lalo na 'yung ginawa mo sa akin sa CR. As in abot hanggang paliparan mo sa noo. Oo ang lapad ng noo mo. Yabang nito akala mo ang gwapo. P'wes nabawasan ka na ng fans. 1, 2," bilang ni Lexi na itinuro ang sarili at si Kim. "And I'm sure, hindi lang kami ang naka-experience ng sama ng ugali mo kaya asahan mong dadami pa ang aayaw sa 'yo. Ewan ko lang kung saan ka pulutin." Inirapan ito ni Lexi. "Hmp, buti nga sa 'yo. Belat. Lexipot, pasabay na sa 'yo. Pakuha ko na lang kay manong Jun 'yung car ko." Sumakay na ang dalawa sa kotse saka pinaharurot palayo sa parking lot. Iniwanan ng makapal na usok ang binata. "Uh hu, huh!" Naubo pa sa naiwang usok. "Stupid bitches! I don't need your support!" Binuksan ang kotse nito at pabalibag na isinara ang pinto. Hinampas-hampas ang manibela sa gigil. Why is she making me angry? Naiinis ako 'pag nakikita ko siya. Hinampas ulit ang maibela saka sumubsob doon. ☆ "Ang yabang akala mo naman ubod ng gwapo." Asik ni Lexi. Nasa 80 yata ang speed nila dahil galit na galit siya. Wala namang traffic sa lugar nila at madalang ang sasakyan kaya malaya kang makapagmamaneho ng mabilis. "Hoy, hinahon naman! Bagalan mo, lumilipad na tayo! Lexypot!" Kinakabahang napakapit sa seatbelt niya si Kim. "Kimmypot, that's the fun in riding a sports car." At pinaharurot pa nito hanggang sa mag-100 ang speed. "Eeeeeeeeeehhhhhh!" tili ni Kim. ☆ "I'll drop you off na." Inihinto sa tapat ng gate nila Kim ang kotse. "Nakakaloka ka talagang magmaneho." Kumakabog pa ang dibdib ni Kim. Inalis ang seatbelt at bumaba na ito. "You don't wanna come in?" aya ni Kim. "Sa weekend na lang ako tatambay sa inyo, Kimmypot. I have a schedule for my kick boxing, sword at Taekwondo sessions. Magagalit na naman ang trainier ko n'yan, lalo na si Papa." "Okay. I'll go ahead. See you tomorrow sa school." Dumukwang sa window ng car at bumeso kay Lexi. "See you." Lexi drove away going to the gym. ☆ "Good afternoon, Sir Penn," nakangising bati ni Lexi. Late na siya for her schedule. "Good evening na 'ka mo. 6 o' clock na oh. 4 o'clock ang schedule mo." Naiiling pang tumingin sa wall clock si Sir Penn. "Sorry Sir, may school project pang tinapos." Kamo-kamot pa sa ulo si Lexi. "Okay, we'll extend until 9pm." "Sir naman, masyado nang gabi 'yon. Pwedeng until 7?" tawad ni Lexi. "8." habang naka-cross arm si Sir Penn. "Deal." Naghanda na si Lexi sa locker niya. Nagpalit itong skinny leggins at tank top. Itinali ang mahaba nitong mala-brown-gray charcoal na buhok gamit ang hair pin, isinuot ang shoes at boxing gloves. Oo, may weird siyang kulay na buhok. Akala naman ng iba ay nagpakulay lang siya, at ok lang sa kanya iyon kesa naman sabihan siyang weirdo. Hindi niya alam kung bakit pero 'pag natatamaan ng araw ang buhok niya ay nagkukulay alanganing brown-gray charcoal ito. Baka dahil American daw ang ninuno nila. Isinuot ni Lexi ang head gear at mouth piece. Kick boxing ang first training. "Fight!" sigaw ni Luke, ang nag-referee na assistant ni Sir Penn. Umikot-ikot si Lexi habang nagfu-foot work. Hindi rin nagpahuli si Sir Penn. Nakasunod ang tingin nito kay Lexi at sinusundan ang bawat galaw. Umatake si Lexi gamit ang kanang kamay at nagpakawala ng straight jab. Naiwasan ito si Sir Penn at gumanti ito ng jab. Nasalag ito ng kaliwang kamao ni Lexi at mabilis na binigyan ng right upper cut si Sir Penn. Napaatras ang trainer at napapilig ng ulo. Naghanda ulit ang dalawa, nagpaikot-ikot sa ring habang nagfu-foot work. Sumugod si Lexi at nagbigay ulit ng dalawang sunod na jab, left and right. Nakaiwas si Sir Penn sa atake nito at gumanti ng left sitraight. Tinamaan si Lexi pero hindi ito nagpatinag. Gumanti ng side kick gamit ang kanang paa at mabilis na sinunod ang isang malakas na front kick gamit ang kaliwang paa. Tumumba si Sir Penn. Tumunog ang bell. "Nice one, Lexi," puri ni Luke. Inabot nito ang kamay kay Sir Penn para alalayang tumayo. Nagtanggal naman ng head gear ni Lexi. "Wala na nga yata akong ituturo sa 'yo sa kick boxing. Mas angat na ang level mo sa akin. Kaya siguro matigas na ang ulo mo at nagpapa-late ka." "Hindi naman, Sir Penn. Busy lang talaga sa school." "Huwag na rin tayong mag-Taekwondo. Matatalo mo na rin ako do'n. Grabe kang sumipa. Ang lakas parang sa kabayo." "Nasipa na kayo ng kabayo, Sir Penn?" nagtatakang tanong ni Lexi. "Sira!" Natatawang ginulo ni Sir Penn ang buhok ng dalaga. "Halika, do'n tayo sa sword training room," aya ni Sir Penn. Sumunod naman si Lexi. Kumuha ng dalawang kahoy na katana si Sir Penn, inihagis nito ang isa kay Lexi. Nasalo naman ito ng dalaga. "Kailangan mo pa ng head gear?" tanong ni Sir Penn. "Tsk. No need, Sir Penn." Nag-bow silang dalawa bilang pagbigay paggalang sa kalaban. Inihanda ni Lexi ang kahoy na katana. Humanda na rin ang trainer at iniumang sa harap ang katana niya. Sumugod si Lexi at iniwasiwas ang katana, nasasalag ang mga tira niya ni Sir Penn at malakas na itinulak ng katana niya ang katana ni Lexi. Napaatras ang dalaga pero hindi ito natigilan, sumugod ito ulit ang winasiwas mula sa taas ang katana. Nasalag ulit ito ni Sir Penn ngunit hinawakan ng dalawang kamay ang katana dahil sa lakas ng paghataw ni Lexi. Grabe talaga ang lakas ng babaeng ito. Umikot si Sir Penn para makaiwas at makalayo kay Lexi. Humihingal na pumorma ulit. Nag-abang ng pagsugod ni Lexi. Hindi kumilos si Lexi, inaabangan din ang pagsugod ng trainer. "Hindi ka ba susugod?" tanong ni Sir Penn. "Why not you do it first?" Napangisi si Lexi. Sumugod si Sir Penn. Nagbigay ng dalawang hataw ng katana pero nasalag lang iyon ni Lexi. Umikot si Lexi ng mabilis papunta sa tagiliran ni Sir Penn paluhod at iwinasiwas ito sa gilid ng trainer. Tinamaan ito sa tagiliran, umikot ulit si Lexi patayo ng mabilis saka inumang ang katana sa leeg ng trainer. Pumalakpak si Luke. "Great job, Lexi." "Very good, Lexi. Wala na talaga akong ituturo sa'yo. Nalagpasan mo na ang skills ko." "Thank you, Sir Penn. Mahusay ka rin kasing trainer. Halos sampung taon mo na akong tinuturuan. Matutuwa na si Papa sa akin nito." Nag-bow si Lexi bilang pasasalamat sa trainer niya. Ang Papa niya ang nag-enroll sa kanya nung 8 years old pa lang siya para mag-aral ng martial arts skills. Ginusto rin naman niya dahil magagamit niya sa self-defense ang mga natutunan niya. "Sige, dismiss ka na ngayon. Be back next week, may bago akong ituturo. Agahan mo, okay?" sabi ni Sir Penn. "Roger, Sir Penn." Sumaludo pa ito. Tumalikod na si Lexi patungo sa locker para mag-prepare umalis. Tumingin si sir Penn sa wall clock. Wala pang 7 o'clock. Napangiti ito. ☆ Nakarating na si Lexi sa bahay. Nasa sala ang mga magulang. "Hi 'Pa, hi 'Ma." Nagmano ang dalaga. "Tumawag sa akin si Sir Penn. Late ka daw." Tanong ng papa niya. Strikto talaga ito sa oras. "Yes 'Pa, may project kami kasi sa school eh. Tinapos ko pa." "Pero sabi naman niya you did a great job. Tinalo mo raw siya sa sparring." "Medyo 'Pa, ako pa?" may pagmamalaking papuri ni Lexi sa sarili. "Ay naku hija, nagmana ka talaga dito sa Papa mo, mahangin," pang-aasar ng Mama niya. "'Di naman, 'Ma! Confident lang ako when it comes to self-defense." Inakbayan ang ina. "Akyat na ko 'Ma, 'Pa, napagod ako sa mga pinaggagagawa ko maghapon." Tumayo na si Lexi at umakyat ng hagdan. "'Di ka ba maghahapunan?" "'Di na po, 'Ma, matutulog na lang ako." "Dalaga na talaga ang bunso natin." Masayang tinitingnan siya ng Mama niya habang paakyat ito ng hagdan. ☆ Inilapag ni Lexi ang bag sa kama at lumakad papuntang CR. Maliligo muna siya bago matulog. Nagbabad si Lexi sa bath tub ng 30 minutes bago umahon at nagbihis ng underwear at mahabang puting nighties. Nahiga ito sa kama, saglit na nagbasa ng messages bago napapikit sa antok ng nakatihaya at medyo nakabukaka pa dahil sa sobrang pagod. Maya-maya ay may lumagos na isang nilalang sa dingding ng kwarto ni Lexi. Sinusundan nito ang dalaga mula kanina pa galing sa school. Nakita din niya kung gaano ka-astig ito sa pakikipaglaban. Nakita din niya ang h***d na katawan nito sa banyo habang nakasungaw siya sa dingding. "My kind of girl, hehe..." Lumuwang ang malaking bubig nito at inilabas ang dila, tumulo ang laway. Lumapit ng unti-unti ang nilalang hanggang sa makarating ito sa malaking kama ng dalaga. Naupo ito sa kama at pinagmasdan ang magandang mukha ni Lexi. Tumulo ulit ang laway ng nilalang. Unti-unting lumapit ang kamay nito sa laylayan ng damit ng dalaga. Dahan-dahan nitong itinaas ang laylayan. Paakyat ng paakyat hanggang sa makarating ito sa mapuputing hita ng dalaga. Tumigil ang nilalang sa ginagawa at pinagmasdan ang taas-babang dibdib dahil sa paghinga ni Lexi. Ang mabibilog nitong dibdib ay nakakatakam. Tumulo na naman ang laway ng nilalang at pinunasan iyon ng kamay. Inabot ng kamay ang strap ng pantulog at unti-unting inilislis iyon pababa ng balikat ng dalaga. Lumabas ang strapless b*a ng dalaga. Tatangkain nang hawakan ng nilalang ang dibdib ng dalaga nang kumilos ito at gumalaw patagilid. Nasagi ng dalaga ang kamay ng nilalang. Napadilat ang dalaga dahil may magaspang na dumikit sa braso niya samantalang alam niyang mag-isa lang siya dapat sa kwarto. Paglingon niya ay nakita niya ang isang pangit na nilalang sa gilid ng kama na hindi niya mawari kung anong klaseng itsura meron ito. "Eeeeeeehhhhhhh!" tili ni Lexi. Hinawakan siya ng nilalang sa magkabilang pulso at ipinilit ihiga sa kama. Pinatungan siya nito at tinangkang halikan sa labi nang biglang magliwanag sa silid nito. "Hoy! Pangit na Incubus, ako ang harapin mo!" sigaw ni Duncan habang nakaturo ang espada nito sa nilalang. Napatayo ang Incubus. Tinangka nitong maglaho para tumakas pero sumulpot si Mikael sa likod nito at hinawakan ang nilalang sa magkabilang braso. Hindi nagawang makaalpas nito. Pumitik si Duncan sa ere at may tila maliit na black portal na lumabas, mula doon ay may lumitaw na sisidlang Kristal sa kamay nito at itinapat iyon sa Incubus. May hangin na tila humihigop sa nilalang na iyon. Binitawan ni Mikael ang nilalang at unti unti-itong naging usok papasok sa kristal na bote. Ibinalik ni Duncan ang Kristal na bote sa portal at nawala iyon. "Ayos ka lang?" tanong ni Mikael. "A-ayos lang ako. Anong nilalang 'yon?" Nahintatakutan pang tinutop ni Lexi ang nighties niya sa dibdib. "Incubus. Nangre-r**e ng babaeng tulog," malamig na sagot ni Duncan. "Tapos ganyan pa ang suot." Umiwas ito ng tingin. "Sorry naman. Kwarto ko 'to eh. Malay ko bang may papasok na Incubus at dalawang angels dito?" Nagtakip ng kumot si Lexi. "Buti na lang nasagi ko ang kamay niya, kaya namalayan kong may ibang tao... este nilalang dito. Kundi baka kung ano na ang nagawa sa akin no'n. Salamat nga pala sa pagligtas sa akin." "Teka... Nahawakan mo 'yung Incubus?" nagtatakang tanong ni Mikael. "Oo, nasagi ko 'yung kamay niya, may mga balahibo pa ngang makapal eh kaya ako nagising sa kilabot. Bakit? Hindi ba dapat?" nagtataka ring tanong ni Lexi. "Hindi mo dapat nahahawakan ang kahit anong espiritu, o kahit makita man lang kahit 'yung Pukwudgie kahapon na isang invisible spirit," paliwanag ni Mikael. "T-talaga? Well, I saw them, and I was able to touch that ugly Incubus." Nagkatinginan sina Mikael at Duncan. Ano ang mayroon sa taong ito at nagagawa niya ang mga imposible?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD