Chapter 4

1823 Words
"Ah, angels, can you go out first. Dun muna kayo sa terrace. Magpapalit lang ako ng damit." Awkward talaga. Kahit angels pa tong mga ito, awkward pa ring humarap na naka-nighties siya. Lalake pa rin sila. Naalala na naman niya yung Incubus. Paano na lang kung hindi dumating tong mga 'to, baka kung ano na ang ginawa sa kanya ng pangit na 'yon. Kinilabutan siya sa naisip niya. Tumikhim muna si Duncan saka nagpa-unang lumabas. Sumunod naman si Mikael na parang wala lang sa kanya kung ano man ang suot ni Lexi. Kumuha si Lexi ng jogging pants at fitted blouse saka nagsuot ng hoodie jacket bago ito lumabas ng terrace. Siguradong tulog na ang parents niya pati mga kasambahay nila dahil 10pm na. Ganitong oras sila nagpapahinga. "So, ano na ang pag-uusapan natin?" "Paano mo nakita 'yong mga nilalang na 'yon?" Si Duncan. "Hindi ko alam? It's not my first time seeing ghosts anyway. I've been seeing them since I was a kid pero dinededma ko lang. Wala naman akong mapagsasabihan dahil ayokong matawag na baliw." "But those 2 creatures you saw are not just simple ghosts. They're evil spirits, the deadly ones. At marami pa ang nakawala sa Kulungan ng Spirit World." Paliwanag ni Mikael. "Teka, madami pa sila? Yung pangit na 'yon?" Nandidilat na sabi ni Lexi. "Paano naman nakawala ang mga gano'n sa inyo? At saka sino kayo? Ano ang role n'yo sa Spirit world?" "Isa-isang tanong lang. Oo, madami sila. At may ilan na nakatakas. Nakawala sila dahil may isang traydor sa Spirit World na nag-alis ng seal ng kulungan nila. We do not know yet kung sino ang taksil na iyon. Ako si Duncan, ang guardian ng silangang bahagi ng Spirit World, siya si Mikael, ang guardian sa Timog. Mayroon pa kaming dalawang kasamahang guardians, susunod na rin sila dito. We need additional forces to find them and bring them back... or kill those evil spirits." "Teka, guardians? Same ba 'yon ng angels? Oh well, may wings kayo. I bet you are real angels." "Hmm... Yes, we are angels, some sort of. Pero hindi kami anghel from the beginning. We were once humans from our past lives, then were turned into angels and given tasks as guardians. There are angels around you, nang 'di mo namamalayan. Earth guardians, nature guardians, messenger, dark angels, madami pa. Kami namang apat ang naatasang maging pinunong guardians sa apat na bahagi ng Spirit World and the dimensions to other worlds. We make sure that the other side is peaceful. Pagala-gala lang sila sa dimension namin, like what normal people do here on earth, pero may mga spirits na rowdy, harmful, dangerous. Sila ang mga kinukulong sa Kulungang may seal, and someone broke the seal to let those spirits escape." Paliwanag ni Mikael. "So we're angels but not so angels. We do not live in heaven. We live in Spirit World. We were made to become guardians to guard that world, to protect humans and not to become holy and stuff. No other functions. Basta iyon na 'yon." Ang gaan ng loob niya sa isang ito, parang napakabait. Di gaya nitong Duncan, ang sungit, bossy, masyadong seryoso. "Hopefully, wala kang ibang pagsasabihan ng mga nalalaman mo, or else," banta ni Duncan. "Or else what? You'll erase my memories? Heck, no. First of, no one will believe me. Second, hindi ako chismosa, third, your mission here is for a good cause so hindi ako mag-iinterfere whatsoever. Besides, you saved me earlier. I owe you one." "Good to hear. There's one more thing I'd like to ask, may third eye ka hindi ba? I think that is your special ability." Tanong ni Duncan. "Yeah, I guess. You may call it my third eye. I could see them eh." "Can you help us? It's not really a task, but, if it's possible, pakitalasan mo ang pakiramdam mo, and try to look around if you see spirits around then call me by telepathy to let me know? We're connected now." Pakiusap ni Duncan. "No problem, if there's a way I could help, why not. Teka, ilan ba ang nakatakas sa kulungan nyo, at may listahan kayo kung sino-sino o anong klase yung mga yun?" "We're still gathering information about who are the escaped prisoners, pero the last count na nakita ng mga kawal na guardian was showing 24. Hindi pa sure 'yon. Marami pang hindi nasama sa bilang." "Whaaaat?! 24 plus ugly spirits like that thing earlier, roaming around here?!" Napamulagat si Lexi. "Yes, ugly, deadly spirits. So inform us pag may nakita ka. We need to stop them, bring them back to the Spirit World or eliminate them." Sinenyas pa ni Duncan ang hintuturo sa leeg pahalang. "Ooookay, I get it." "How come you do not know who let them go? Wala bang CCTV camera don?" "Hindi uso iyon do'n." "I think kailangan n'yo ng pausuhin don? Laid back technology kayo kaya ayan, 'di n'yo kilala ang culprit." Umiiling pa si Lexi. "May point ka." Natatawang sabi ni Mikael. "Ahm... pwedeng magtanong? Ilang taon na kayo? Yung totoong age? As angels ha." Curious na tanong ni Lexi. "150." Si Mikael. "525..." Si Duncan, "and counting." Shocking. Dapat di na ko nagtanong. Bulong ni Lexi sa sarili. "Okay. So are we done with our talks? Can I go back to sleep now? I'm quite tired." Tiring talaga ang mapagtangkaan ng panget na Spirit. Ew. "Okay. See you tomorrow, Lexi." Paalam ni Mikael. Lumingon lang si Duncan. Hmp, suplado talaga. "Okay, see yah. Goodnight." Sa Campus "We are going to have our annual beauty contest, Miss Pious Spirit Campus Queen. Please nominate your representative per course. Thank you." Announcement ng radio and news department nila. "Ok, so may contest ulit. Last year 'di ka naka-akyat ng stage dahil sa LBM mo. Wrong timing 'yang tiyan mo eh. Ang takaw kasi." Biro ni Kim kay Lexi. "Nagsalita ang hindi matakaw e ikaw nga itong nag-aya sa akin sa Eat All You Can nung tanghali bago ang pageant e, kaya ako nagtae dahil sa katakawan mo rin. Ako pa ba?" "O p'wes, dapag sumali ka na ulit ngayon at please lang, huwag ka ng kumain bago ang pageant. Paniniguro lang." "Hala, papatayin mo ba ko sa gutom?" "Ah basta, sasali ka. Classmates! Payag ba kayo na si Lexi ang representative natin ulit?" "Yes!" "Naman!" "Pak!" "Oh, paano, it's a deal! Sealed." Tumayo si Kim. "Oh, saan ka pupunta?" "E ano pa, eh 'di ireregister kita." "Wow, supportive bff ha. Bakit kaya hindi ikaw sumali do'n?" "Ay ayoko, kulang ako sa height eh, saka 'di ko bet rumampa sa stage. Ikaw na lang hehe." "Nakakaloka 'to, ayaw mo tapos ako isasabak mo sa contest." "Sayang ang beauty mo Lexi kung itatago mo 'yan. Flaunt it." "Why not flaunt your beauty then?" Panunukso ni Lexi. "Ay huwag na, sa'yo na ang limelight. Besides, hindi modeling at beauty contest ang trip ko, 'di ba? Painting. Arts." "Okay, fine. Kailan ba ako nanalo sa'yo? Spoiled ka sa akin eh." "Nevah!" Sumenyas pa ng kiss si Kim bago umalis. ☆ Miss Pious Spirit Beauty Queen Night of Coronation "Good evening ladies and gentlemen. Tonight, we are going to crown the most beautiful and intelligent woman of Pious Spirit University. We are going to see our lovely ladies in their evening gown, our first category for tonight." Umalis sa gitna ang MC, ang prof nila sa English na si Mr. Diego. Gumilid para magbigay-daan sa mga lalabas na contestants from back stage. Rumampa ang 18 contestants, 1 representative per course, including associate courses at masteral degree. Pang-number 8 si Lexi na lumabas, suot ang strapless blue gown, punung-puno ng swarovski crystals ang buong damit nito na lalong nagpalutang sa kanyang ganda. Nakapusod ng messy type ang buhok, may kaunting hibla na nakalawit sa gilid, may suot na 1 carat diamond earrings, kwintas at naka-gloves ito. Para siyang prinsesa sa puti at ganda. Nanonood sa gilid sina Duncan at Mikael, sinisigurong walang aatake na spirits ngayong gabi. Madaming tao kaya madaming pagkakataon na makapanggulo o makapanakit ang mga takas na spirits, subalit nawala sa focus si Duncan ng lumabas ang number 8. Oo, guardian siya, pero alam pa rin niyang mag-appreciate ng ganda. Para siyang dyosa sa ganda. Maganda pa kay Cyrie na kilalang dyosa ng Spirit World. "Ang ganda niya, ano?" Kalabit ni Mikael kay Duncan. "Tumigil ka. 'Di tayo pwedeng humanga sa tao." "Sino naman ang may sabi? Eh 'di ba si Master Rapier nagkaanak sa tao? Wala namang issue noon." Sagot ni Mikael. "Earth guardian si Master Rapier. Nakakasalamuha ang mga tao dahil sa pamamalagi niya sa mundo nila kaya 'di naiwasang magkagusto siya sa tao. Saka kahit na, may malaki tayong kinakaharap ngayon. Duon ka magfocus." Saway ni Duncan. "Plastic. Nakanganga naman." Bulong ni Mikael. "Ano'ng sabi mo?" Literal na hindi narinig ni Duncan ang sinabi ni Mikael dahil nakatitig ito kay Lexi. "Wala, kako upo muna ako sa bangkong plastic. Nakakangawit tumayo." Umiling-iling na lang si Mikael. Nakapasok si Lexi sa Top 5. Umangat siya sa category ng long gown at swim wear. Naka takip sila ng sarong dahil bawal ang bikini sa school. Natapos na rin ang final category which is yung Q&A. Final walk na ng top 5. "May we call on our special guest tonight, to serenade our top 5 finalist, Mr. Gian Cortez!" Introduction ng MC. Nagpalakpakan ang mga tao, nagtilian naman ang mga babae. Sinisigaw ang pangalan ni Gian. "Everybody wanna steal my girl, Everybody wanna take her heart away, Couple billion in the whole wide world, Find another one 'cause she belongs to me..." Naglakad si Gian at isa-isang inabutan ang mga babae ng tig-iisang long-stemmed rose. Tumigil siya sa tapat ni Lexi at may binulong. "Maganda ka pala, ngayon ko lang napansin." At nagpatuloy ito sa paglakad at pagkanta. Inirapan naman ito ni Lexi. "Pakelam ko naman kung napansin mo o hindi?" Natapos ang serenading. Iaannounce na ang winners. "Our second runner up is, Mary Rose Uy of BSIT. Congratulations." Lumakad ang 2nd runner up papunta sa harap para masuotan ng sash at maliit na crown. "Our first runner up is, Bianca Masinag of BS Accountancy. Congrats!" Gumitna din ito. Medyo matamlay ang babae, malungkot siguro dahil runner up lang. "And our Miss Pious Spirit University Queen 2017 is," pambibitin ng MC, "Miss Maria Alexia Salvacion, BS Management. Congratulations." Nagpalakpakan ang lahat ng tao, nagtilian ang nagsipulan. Nagtatatalon naman sa tuwa ang proud bff niya. Supportive talaga. Ito pa ang nag-ayos sa kanya. Sinabitan siya ng sash at sinuotan ng korona ng biglang, Blaaag!!! Natumba ang first runner up at walang nakasalo dito. Nagtakbuhan ang medic na naka-stand by sa gilid ng stage. Lumapit si Lexi at nakita niya ang itim na parang usok na lumalabas mula sa dibdib nito. Ano yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD