CHAPTER THREE

1751 Words
Dahil hindi masyadong traffic kaya naman mabilis na pinaharorot ni Lovelyn ang kan'yang minamanehong sasakyan. Kampante siyang hindi maabutan ng Ama na gising, at panigurado na word war ang aabutin niya rito lalo pa at medyo halata siyang uminom. Pakanta kanta siya habang nagpapatakbo ng kan'yang sasakyan habang nakasalampak ang headset sa kanyang tainga at sabay na umiindak sa tugtugin. Hindi niya napansin ang signal ng stoplight sa intersection at tinuloy ang pagmamaneho. At dahil go signal na ang kanang bahagi ng intersection ay nagpang -abot sila ng isang latest model na Toyota Fortuner at huli na upang iwasan niya ito. "s**t! Patay kang bata ka Lovelyn mukhang napuruhan ang sasakyan na nabangga mo," mahina niyang bulong. Malakas na katok sa pinto ng kanyang kotse ang nagpalingon sa kan'ya. Wala sana siyang balak buksan at hindi naman kita kung sino ang nasa loob dahil tinted ang salamin ngunit kinalampag na siya ng lalaki. "Hey, you! Lumabas ka diyan kung ayaw mo na sirain ko ang pinto ng sasakyan mo!" Galit na wika ng lalaki. Napahilot siya sa noo at dahan-dahan na binaba ang bintana ng sasakyan. Lihim siyang napangiwi sa lakas ng hampas nito sa bubong ng kanyang kotse. Hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa lalaking nakahawak ang kanang kamay sa baywang at ang kaliwa ay napahilot sa batok nito. "Holy s**t! God kahit ang malas niya sa araw na ito may nilalang naman na ubod ng kakisigan 'wag nang idagdag ang mukha nito na daig pa ang crush niyang Korean actor na si Lee Min-ho sa guwapo ng mukha nito," piping sambit niya. "I know I'm handsome so, are you done checking me?!" he said. Inirapan niya ito mukhang may pagkamahangin ang loko. "Kapal mo mister walang appeal 'yang pangit mong pagmumukha sa 'kin," depensa niya sa pagkapahiya. "Tsk! Women," napailing na sagot nito ngunit nasa mukha niya ang tingin nito. Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay. "At bakit?" mataray niyang tanong. "Give me your driver's license! Mukhang hindi ka marunong magmaneho," wika nito na seryoso at salubong ang kilay. "Bakit ko ibibigay?! Malinaw na naabutan mo ako ro'n sa gitna ng mag-go ang signal kaya nagkasalubong tayo!" pangangatwiran niya rito. "Pero anong ginawa mo?! Dapat alam mo, na hindi ka aabot tumuloy ka pa rin sa pagpapatakbo!" ani nito na hindi maipinta ang mukha "Alam mo ba kung magkano ang halaga nitong nasira mo?! Ilabas mo na ang license mo at nakakaabala kana sa 'kin!" mariin na sabi nito. "Alam mo 'di uubra 'yang brat mong ugali sa 'kin," mahinang nitong sabi at yumuko sa kan'ya. Sandaling napalunok ito nang gadangkal na lang ang pagitan ng mukha nila. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong hininga na tumama sa mukha niya. "s**t, pakiramdam niya gusto niya ng halik galing dito," Napamulat siya ng mata nang marinig niya 'to na mahinang tumawa. "Damn!" narinig niyang mahinang mura nito. Sa tingin niya ang pula ng mukha niya sa oras na 'yon. Ano ba kasi ang naisipan niya at tila gusto mahalikan ng hindi pa kilalang lalaki. "Tasked! Hmm... mukhang lasing ka pa 'ata sweetheart, doble ang atraso mo sa 'kin," in his husky voice. "Pasimple ka rin mister lumayo layo ka nga sa 'kin mukhang pinagnanasaan mo na ako," pairap na wika niya. Umayos siya ng upo at umayos naman ng tayo ito ng may dumating ng traffic officer. "Boss mawalang galang na po, 'wag naman sa kalsada ang harutan at nakaka gawa kayo ng traffic papasok pa sa office ang mga 'yon," wika ng police. Napahimas ang lalaki sa kanyang panga na tila nainis. "Sir, wala po akong ginagawa d'yan sa babae! At lalong hindi ko kilala 'yan! May atraso na malaki ayaw mag paareglo," sabi nito sa traffic officer. "Ganoon ba? Paano 'yan miss ayusin n'yo na 'yan at nakakaabala kayo," "Boss police, wala po akong kasalanan sa katunayan po gusto niya akong pagsamantalahan mabuti na lang po at dumating kayo," paawa niyang sabi sa police. Masama tingin ang binato ng lalaki sa kanya, siguro kung nakakapaso ay nagliyab na siya sa oras na 'yon. "Siya po ang dalhin n'yo boss police naabutan n'yo kanina? Pinipilit niya po ako na papasukin siya sa loob ng sasakyan upang isagawa ang balak niya," muling wika niya. "Hala! Paandarin n'yo na ang sasakyan at kanina pa ang mga motorista naaabala," Lihim siyang napangiwi patay siya paano niya lulusutan ang trouble na ito. Nakita pa niya na nagbabaga ang tingin ng lalaki sa kanya na ginantihan lang niya ng irap. Tinawagan niya ang mahaderang kaibigan. "Hello bakla i need your help now na," sabi niya sa kaibigan sa kabilang linya. "Ano naman ulit ang kalokohan mo lovely girl! Antok pa ako bakla kaya mo na 'yan,". sagot nito. "Bakla please...Sige na?" ani niya dito. Isang high rank official ang Tito nito kaya pag oras ng trouble nabubulabog nila 'to pero katakot takot naman na sermon ang aabutin nila dito. Sinabi niya sa kaibigan ang buong nangyari kasali na ang lalaking kasing pogi ng crush niya. "Sayang naman bakla pinalampas mo. Sana nakatikim kana ng first kiss," ani nito. "Sunga hindi nga itinuloy binitin ako ang akala siguro maghahabol ako sa kanya," pabiro niyang sagot sa kaibigan. "Bakla baba ko na 'to at andito na ako sa presinto. Balitaan na lang kita ha!" ani niya at binabaan ito ng tawag. Pagpasok sa presinto ay may katawagan ang lalaki. Tila nakikipagtalo sa kabilang linya pinakinggan niya ang sinasabi nito sa 'di kalayuan. "What!? Ayusin n'yo yan? Hindi ko palalampasin pagnapatunayan ko kung sino ang nasa likod nito. Okay just wait in a minutes," sabi nito sa kabilang linya at napahilot sa noo. "Fvck! What a lucky day?!" matigas na bulong nito. Huli na para umiwas sa pagkukunwaring hindi nakikinig sa usapan. "Hindi lang kaskasera, tsismosa rin," umiiling na wika nito sa kanya. Napanguso na lang siya sa kinatatayuan, "Panigurado gising na ang Daddy niya ngayon sigurado sasabunin ulit siya at inumaga sa labas," Lumapit ito sa desk officer at nakipag usap. "Boss sa sunod ko na lang sisingilin ang babaeng 'to may emergency sa kompanya ko at kailangan ko nang makaalis ngayon," wika nito at matiim siyang tinitigan. Bumaling ito sa kanya at lumakad sa kinatatayuan niya upang halos magkadikit na ang pagitan nila "Prepare your self next time at may parusa na nag-aantay sa 'yo! Kung hindi lang ako nagmamadali ay baka ngayon pa lang sinisigaw mo na ang pangalan ko sa ibabaw ng kama ko." Bulong nito sa kan'yang tainga. Napatda siya sa tama ng init ng hininga nito. Tila nakuryente siya sa simpleng bulong ng boses nito. "Sh*t Lovelyn hininga pa lang 'yan mukhang na nganganib ang masikip na garter ng 'yong panty," Kantiyaw ng kanyang isipan. "As if naman na sasama ako sa 'yo mister! Mukha mo pa lang parang minamanyak na ako," irap niya rito. Narinig niyang ngumisi ito, "Ikaw naman ay lihim na pinagnanasaan ako, feel ko nga nag day-dreaming ka ngayon tama ba ako sweetheart?" tukso nito. "Lakas din ng trip natin ano? Uso din magpa-humble manong," balik asar niya rito. "Tsk! Soon, mark my word sweetheart you scream my name with so much pleasure," sagot nito. Hindi na siya binigyan nito ng pagkakataon na makasagot ang walanghiyang 'yon, well sure naman siya na hindi na muling mag k-krus ang landas nilang dalawa kaya pinagbigyan niya ang kayabangan nito. Alas-ostso pasado ng siya ay makaalis ng presinto. Mabilis niya muling pinatakbo ang sasakyan. Kaagad siyang nakarating sa kanilang bahay. Nagbusina siya upang pagbukas ng malaking gate. Pagkaparada ng sasakyan ay namataaan niya ang Yaya Nora niya na pabalik-balik ng lakad sa sala. Dahan-dahan niya ito nilapitan at plano sanang gulatin ng maramdaman nito ang presensya niya. "Jusko naman bata ka! Hindi nakaisip na magreply sa text at tawag ko, pinag-alala mo ako ng husto at anong oras na ay wala ka pa?!" sunod-sunod na salita ni Yaya Nora na may pag-a-alala sa mukha. "Ang sweet talaga ng Yaya ko, kaya love na love kita alam mo ba 'yon," wika niyang nakangiti. "Hmp..nambola pa!" wika nito na maaliwalas na ang mukha kaysa kanina. Sandali niyang nilibot ang tingin sa loob ng mansyon. "Wala na si Daddy mo kaya pasalamat ka at pahinga ka ngayon sa sermon," natatawang wika ni Yaya na tinawanan niya rin. Hinila siya nito patungo sa komedor at pinaghanda ng almusal. "Maiba ako hija! Saan ka inabutan ng gabi at ang text mo sa 'kin ay sa club kayo- 'wag mo sabihin na inumaga kayo sa club ng 'yong kaibigan?" tanong nito. "Sa condo po ni Crissa Yaya, napasarap ang kwentuhan at napadami ng inom kaya nag pahupa ako ng kalasingan," "Naku hija! minsan bawasan mo naman ang paglalabas ng gabi at labis ako na nag-aalala sa'yo, alam mo maraming loko sa panahon ngayon paano kung matsambahan kayo ng kaibigan mo? Kahit na nga ba alam ko na kaya mo naman ipagtanggol ang sarili ay hindi maalis ang pag-a-alala sa 'kin." Malumanay na pangaral ni Yaya. Pagkatapos mag-almusal ay kaagad siyang umakyat sa kwarto. Papasok pa lamang sa pinto ay may tumatawag sa kan'ya. "Bakla...!" sigaw nito sa kabilang linya. "Anong nangyari sa'yo bruha at kung makatilli ay dinaig pa ng tumama ng billion sa lotto," wika niya dito. "Woii best ang swerte mo pero pinalampas mo pa," sagot nito kung nakikita niya panigurado nakairap ito. "Bakit anong swerte wala naman akong tinayaan na raffle?" wika niya. "Gaga kanina ang nabangga mo ay walang iba kun'di si Wyatt Santillan best..., the famous engineer s***h sobrang fafable," At ito pa beshy ha! Magaling daw 'yon sa kama kaya maraming gusto na masilo ng mga maharot na katulad ko," nakatawa na wika nito. "Parang mali ang nabalitaan mo wala naman appeal ang mukha no'n," wika niya. "Talaga ba beshy? Peksman hindi nabasa ang baba mo sa titig niya?" tukso nito sa kanya. "Ikaw talaga kahit kailan ang bastos ng bunganga. Wait kanino mo naman nalaman 'yan mga balita mo at mukhang gising na gising ka?" kaswal na tanong niya rito. "Diba nga tumawag ka at nanghingi ng tulong so tinawagan ko si Tito nalaman niya sa presinto na si fafa Wyatt Santillan pala ang nabangga mo," mahabang paliwanag nito. "Ayon lang ba ang itinawag mo beshy? Matulog na ako at may catering ako bukas ng maaga sa pinsan kong si Henry," paalam niya rito at agad niyang binabaan ng phone alam niya na kapag ito may chika walang tigil sa daldal baka hindi siya nito patulugin kapag hindi niya pinigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD