CHAPTER TWO

1203 Words
Tahimik na nagmamaneho si Lovelyn ng umilaw ang kanyang phone. "Hoy! Bruha nasaan kana ba ang tagal mo naman?" message ng kaibigan niyang nag-aantay sa club. Napailing siya sa kaingayan nito kahit sa cellphone ang daldal nito. Nireplyan niya ito. "Gaga! On the way na ako kaya 'wag kang atat," sagot niya sa message nito. Basta niyang hinagis sa katabing upuan ang phone at mabilis na pinatakbo ang kanyang kotse kaya wala pang 20 minutes mabilis siyang nakarating sa Sky disco bar. Mga anak mayaman ang pumapasok dito mga katulad niyang medyo rebelde sa magulang. "Hey, Lovely girl. Ang akala ko hindi ka na darating?" wika nito na panay ang inom ng wine ng lapitan niya ito sa kinauupuang table. Napailing siya kahit kailan lasingga talaga ito. "Hindi ka naman bitter diba?" Tanong niyang nakataas ang kaliwang kilay. "Nope, it's just a little bit. Pangtanggal badtrip sa Mommy kong sunga," wika nito na mapungay na ang mata. "Ilang drum na ang natunga mo at mukhang may tama kana girl?" tanong niya rito. Hindi siya inantay na mag laklak ang pangit nitong ka-bonding a-ayain siya lasing na pala ito. Anak ng veterans actress ang kaibigan niya. Hindi nga lang mailantad sa public at ayaw ng Mama nito na masira ang image sapagkat bunga ito ng kapusukan noong teenager ang Ina. Ahead ito sa kanya ng tatlong taon dahil labis na pasaway at gustong ipakita sa Ina ang pagrerebelde kaya inabot niya ito sa college at marahil ay same sila na kulang ng pansin sa magulang kaya magkasundo sa gimikan. Ito rin ang naka-impluwesya sa course na kinuha niya ang Culinary arts. Business Management ang kinuha niya upang kaluguran siya ng Ama ngunit nag ship siya sa cooking course dahil sa kaibigan niyang ito. Halos itakwil siya ng Daddy niya noong malaman na nag dropped siya sa gusto nitong korso. Totoo nga naman at walang magmamana sa mga negosyo nila pag nag retired ito. Ngunit ano ang magagawa niya masaya siya sa napiling course. "So, kamusta naman ang lovelife ng bestfriend ko? Naku bakla baka hindi kana tatanggapin sa langit at hindi mo pa natitikman ang Cloud Nine," wika nito sabay hagikhik. "So? Wala akong matipuhan mga pangit ang manliligaw ko ano ang magagawa ko.?" nakairap na sagot niya. "Ay wow iba rin ang taste mo bakla! As in pangit 'yon sa 'yo? E, papasa na artista ang manliligaw mo Inday, ang laki ng sinasayang mo mukha pa naman gifted ang mga 'yon," nakangisi na wika pa nito. "Tingnan mo naman ako sagana sa vitamins sarap kaya lalo na pag nasa kainan kami masasabi mo na isa pa baby please," hagalpak nitong tawa. Sinamaan niya ito ng tingin kahit kailan talaga balahura ang bunganga nito. "Trust me bakla, nakaka wala ng stress." sabi pa nito na akala mo baliw at umaalog ang balikat sa kakatawa. "Baliw ka talaga kahit kailan," tanging naisagot niya sa kaibigan. Tinawag niya ang waiter at nag order ng ladies drink. Naka tatlo na siyang shot ng niyaya siyang pumunta sa dance floor ng kaibigan niya. "Bakla sayaw tayo bilis." Wika nito sa'kin. Hinila siya nito sa gitna ng dance floor kaya wala siyang nagawa. "Woohoo," sigaw nito na patuloy sa pagindak. May mga lalaki na lumapit sa kanila at nakisayaw. Ang lukaret niyang kaibigan aba'y game na game. Hinayaan niya na lang at nang may lumapit na lalaki sa kanila. "Hi miss, can I dance with you?" wika nitong nang aakit. Alam niya sa hilatsa ng mukha nito na manyakis. "Sure, diba nagsasayaw na tayo?" sagot niya rito na pigil ang inis. Mahina itong ngumisi. "I like you mukhang kang palaban," mayabang pa na sagot nito sakanya. Patuloy lang siya sa pagsayaw hinayaan niya kahit nasa harapan niya 'to. Hindi siya interesado rito at lalong walang appeal ito sa kanya. Habang umiindak siya ay palapit ito ng palapit sa kanya. May lumapit din na kasamahan nito bale naging tatlo na sila. Hinayaan niya lamang ang mga ito at patuloy siya sa pag-indak. Hindi nagtagal ay feeling niya binabastos na siya nito at dahil masikip at sa dami nang nagsasayawan ay kinikiskis nito ang likod niya sa alaga nito. Dahil doon ay nag-init ang bunbunan niya. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa pangahas na lalaki sa kanyang likuran. "Ang bastos mo din ano?!" sigaw niya rito. Narinig niyang nagmura ito lalo pa at tinawanan ng mga kasama. "Damn! How dare you to slap me, do you know who I am!" galit na wika nito. "Tss! Pake ko ba kung sino ka!" nakataas ang kilay na sabi niya sa lalaki. Ngunit lalong namula ang mukha ng bastos na lalaki dahil sa kantiyaw ng mga kabarkadang kasama. Wel I don't care even he is son of president basta ang bastos nito para ikiskis ang kargada sa likuran niya. "Alam mo ba na ikaw pa lang ang nakasampal sa 'kin," madilim ang mukha na wika nito. Kahit hindi masyadong maliwanag kita niya ang galit sa mukha nito. She smirk, "Hindi pa, pero... Ngayon alam ko na, So ano naman?" sagot naman niya. Ang akala nito ay masisindak siya nito. Siya pa, "I'm not Lovelyn Canoy for nothing," anang isipan niya. Akmang sasampalin siya nito ng mayroon pumigil sa kamay nito. Dahil sa disco lights ay hindi niya masyadong kita ang mukha nito. "Pare hindi dapat sinasaktan ang babae.," wika nito. Sh*t, ang sexy nang boses nito, sayang at medyo madilim at tanging disco light ang ilaw pero sigurado siya na guwapo at matipuno ang katawan nito dahil umabot lamang siya sa balikat nito ang hula n'ya ay nasa Anim na talampakan ito. Narinig niya ang sagot ng manyak na lalaki. "Mind your own damn business! Pakipot lang ang babae na ito!" katwiran niya nito sa lalaki na umawat. "Aba't magaling gusto yata na masampolan," anang kanyang isip. kinalabit niya ito para lingunin siya at sabay tinuhod ang alaga nitong manyakis. Narinig niyang tinawanan ito ng mga kasama lalo na ang lalaki kanina. Kaagad niyang pinuntahan ang bestfriend na hindi niya napansin na malayo na sa kanya at nakikipagharutan sa kasayaw. Hinila niyang paalis sa dance floor. Nilapitan niya ang table na ginamit nila at kumuha ng pera sa bulsa ng suot niyang maiksing palda at iniwan sa table na ginamit nila. "Hoy, babae ano ba at makahila ka parang may humahabol sa'yo," reklamo nito ng bitawan niya ang kamay nito. "Sorry na frenny. May nambastos kasi sa 'kin at tinuhod ko natakot ako at baka pagtulungan ako ng mga kasama niya kaya hinila na kita habang nag kakasayahan sila sa kakatawa sa ginawa ko," mahabang paliwanag niya sa bestfriend. "Bakit hindi mo agad sinabi tinulungan sana kita," sagot nito. "Gaga sapol na ang kaligayahan no'n ang angas kala mo kung sino na masisindak ako," nakairap na sagot niya sa kaibigan. Hindi niya binanggit ang isang lalaki na umawat at hindi siya nito tatantanan at gusto nito na magka jowa na siya. Sabay silang nagkatawanan at sa condo nito sila tumuloy. Doon siya inabutan ng madaling araw dahil sa dami ng nainom. Nagpahinga lang siya sandali at 'tsaka naisipang umuwi sa kanilang bahay. Ayaw niyang abutan ng umaga at tiyak gising na ang kan'yang Daddy panigurado na sermon ulit ang aabutin niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD