Kabanata Isa

1244 Words
Isang malakas na sampal ang pumailanlang sa loob ng bahay ng mga Montecarlo. "Wala kang kwenta, pinag-aral kita sa Maynila para magkaroon ka ng magandang buhay Kara. Pero ano'ng ginawa mo? Nakatapos ka nga ng kurso mo sa college pero nagpabuntis ka. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na pabaya akong Ama? Na nagkaroon ako ng disgrasyadang anak?" puno ng hinanakit na sambit ng ama niya. Galit na galit ang ama ni Kara na si Armando Montecarlo ang Barangay Kapitan sa kanilang barangay. Hindi niya gustong magkaganito ang anak at lalong malaki ang pananaw niya para sa hinaharap ng mga anak niya kaya masakit sa kaniya na pinagtapos niya ng pag-aaral nagpabuntis naman agad. Grumadweyt ito bilang isang Magna c*m laude sa kursong Busineness-Ad sa isang kilalang unibersidad. Kaya't ganoon na lamang ang pagkalugmok nito nang sabihin niyang buntis siya at magta-tatlong buwan na iyon. Halos hindi na makahinga si Kara sa pag-iyak niya habang lumuluhod sa harapan ng kaniyang ama. "Ano ba, Armando? Mas inaalala mo pa ang kapakanan mo kesa sa iyong anak? Anong klaseng ama ka?" umiiyak na sabat ng kaniyang ina habang pilit siyang pinapatayo. Nanatili pa rin siyang nakaluhod at umiiyak na nakahawak sa paa ng ama niya. "Tumahimik ka riyan, Loreta! Kaya lalong hindi nagtatanda 'yang mga anak mo dahil sa pangungunsumi mo,” galit na anito at sinipa pa ang kamay niyang nakahawak sa paa nito. "Kahit na, anak mo pa rin si Kara, Armando. Nandito na, nangyari na wala na tayong magagawa," pilit na pagpapaintindi ng ina niya. Lalo lamang nawalan nang lakas ang dalaga nang makita ang panlilisik ng mata ng Ama niya. Napahawak siya sa tiyan niya nang sumigid ang munting kirot. Hindi niya iyon pinansin bagkus tiniis niya. Wala ng mas sasakit pa sa nangyayari ngayon. "Wala na talaga at dahil 'yan sa kalandian ng anak mo," singhal nito sa ina niya at masama ang tingin na tiningnan siya t'saka umalis. "Armando," Mas lalong napahagulhol ang dalaga sa narinig. Para siyang binugbog ng ilang libong katao sa sinabi ng ama. Masakit sobra, parang unti-unting pinapatay ang pagkatao niya. Nakatatak sa puso't isipan niya ang pagkasuklam ng ama niya sa kaniya. Ang batang nasa sinapupunan niya ay siyang nananatiling mahalaga sa kaniya at wala siyang pinagsisisihan. Ang dinanas niya ngayon ay maaaring nagbigay ng sobrang sakit sa puso niya pero alam niyang balang araw sasaya siya kasama ang magiging anak niya. Ayaw man niyang mangyari 'to subalit hindi niya kayang pagsisihan ang nangyari. "Anak ko! Diyos ko, Kara ano ba 'tong pinasukan mo?" malungkot na sambit ng ina niya. Umiiyak na niyakap siya ng kaniyang ina. Humagulhol na naman siya at napaigik nang maramdamang kumikirot na naman ang tiyan niya. "M-mama, Mama sorry po patawarin niyo ako," nagmamakaawang aniya sa ina habang nakayakap dito. Hinaplos nito ang buhok niya. "Tahan na anak tahan na, pumunta ka na sa kwarto mo’t magpahinga ka. Baka mapaano pa ang apo ko. Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo magiging okay rin iyon. Nagulat lang siya sa nangyayari. Alam mo kung gaano siya ka-protective sa inyong magkapatid," sambit ng ina niya habang inaayos ang buhok niya. Mas lalo tuloy siyang naiyak. "S-salamat po Ma," nanginginig na aniya . Umiiyak na pumanhik si Kara papunta sa kwarto niya. Nakita niyang umiiyak din si Carl--ang kapatid niya habang nakatanaw at nakatitig sa bandang tiyan niya. Kiming ngiti na lamang ang itinugon niya rito. Batid niyang maging ang kapatid ay naaawa sa kalagayan niya. Isa lang ang nasa isip niya 'yun ay ang palakihin at mamahalin nang buo ang kaniyang magiging anak kahit na wala ang ama nito. Kahit na nabuo ito sa isang tawag ng laman at bunga lamang ng kalasingan. Ipakikilala rin naman niya ito sa takdang panahon. Isa pa sa ikinagagalit ng ama nito ay ayaw niyang sabihin kung sino ang nakabuntis sa kaniya. Ayaw niya dahil natatakot siya, noon lang niya nalaman na masyadong maimpluwensya ang lalaking iyon kung kaya't ayaw na niyang malaman pa nito na dala-dala niya ang anak nito. **** Ilang buwan ang matuling lumipas hindi pa rin pinapansin si Kara ng kaniyang ama. Kapag nasa hapag pa sila palagi siyang iniinsulto at pinapahiya. Nanliliit man siya sa sarili ay nilunok niya ito maging ang kanilang mga kapit-bahay ay siya ang laman ng mga usap-usapan . Buti na lang at nanalo ang ama niya sa eleksiyon. Batid niyang mas lalong magagalit ang ama niya kung nagkataong natalo ito. Kabuwanan na rin ni Kara ngayon. Kasalukuyan siyang umaakyat sa hagdan nang maramdaman ang sakit sa balakang. Kanina pang madaling araw humihilab ang tiyan niya. "C-carl," tawag niya sa kapatid. Agad na napahawak ang dalaga sa tiyan niya nang maramdaman ang sumisigid na kirot. "Oh, Ate bakit?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng kapatid,. Halos mapaupo sa sakit si, Kara at 'di mapigilang huwag tumulo ang luha. "Carl, ahh! Tawagin mo si Mama, manganganak na yata ako," umiiyak na aniya habang nakahawak sa tiyan niya. Umiiyak at para bang hapong-hapo si Kara sa sitwasyon niya. Sobrang sakit ng balakang niya at halos hindi siya makahakbang wasak na rin ang water bag niya. Kaya gumayak nang mabilisan ang kapatid nito at agad naman na binuhat siya ng kanilang katiwala papunta sa sasakyan nila at dumiretso sa hospital. ***** 2:30 pm hindi magkandaugaga ang Ama't Ina niya habang nakamasid sa kaniya sa labas ng delivery room. Naiiyak at puno nang pag-aalala na tinitingnan ang kanilang anak na hirap na hirap sa pagpapalabas ng munting sangol sa sinapupunan. Naririnig din ng mga magulang niya ang impit na sigaw at may busal ito sa bibig para lahat ng lakas niya ay maipon doon. Ilang minuto ang matuling lumipas at napaiyak sa saya at tuwa ang papa niya nang marinig ang iyak ng isang sanggol. “Congratulations, it’s a baby boy," masayang ani doktor na nagpaanak kay Kara. Napaiyak siya sa labis na tuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan na niya ang anak niyang iningatan niya sa loob ng siyam na buwan. “Baby ko!” she exclaimed in so much happiness. Tears are now pooling on her eyes. Ibinigay ng nurse ang anak niya at ipinatong sa dibdib. Naghalo ang pawis at ang luha niya habang nakatingin sa anak niya. Napakaliit ng mga kamay nito. ******* "Anak ko, proud na proud si Mama sa 'yo ang gwapo ng apo ko," masayang sambit ng Ina niya. Naiiyak na hinalikan ng mama niya ang kamay niya habang nakatitig naman ang ama niya sa kaniyang anak na natutulog sa gilid. "Ano'ng pangalan niya, Kara?" tanong ng kaniyang ama. Nagitla naman siya sa tanong nito dahil sa loob ng anim na buwan ay wala siyang narinig na salita mula rito nang hindi siya iniinsulto. Hindi niya namalayang umagos na ang kaniyang luhang kanina pa nagbabadya sa magagandang mata niya. "K-kier Leighton Montecarlo po, Papa," alanganing aniya. Baka kasi’y magalit ito kapag nagsalita siya. "Kier, napakagandang pangalan ng apo ko ang gwapo-gwapo ng apo ko. Manang-mana sa lolo ah," umiiyak na sambit ng papa niya mas lalo pa tuloy siyang umiyak nang humingi ng tawad ang papa niya. Labis na kasiyahan ang nararamdamn niya habang nakangiti sa ama niya. Ngayon na kasama na niya ang anghel niya she will do everything para maging maganda ang buhay nito. Because now, she has a companion. Ang baby niya na kailanma’y hinding hindi niya pababayaan at mamahalin niya nang buong-buo. Kahit na wala itong ama pupunan niya ang pangangailangan ng anak niya sisiguraduhin niya iyon. TBC zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD