Kabanata 2 - Hipnotismo

1953 Words
"Miss Marga! Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po namin kayo hinahanap! Sana po ay nagsabi kayo, para hindi po kami nag-aalala ng ganito." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Nikolai nang makalapit siya sa akin. Kararating ko lang sa hotel na tutuluyan ko at hindi ko pa nga naipapasok sa mismong pintuan ang kahit isa man lang sa dalawa kong paa ay sinalubong na agad ako ni Nikolai at pinaulanan ng tanong. "Nagpahangin lang ako. I'm okay," tipid na sagot ko at iniabot na sa kaniya ang susi ng sasakyan. Tinanggap niya iyon at agad na sumunod sa akin nang maglakad ako papasok ng hotel. Nang pumasok ako sa elevator ay pumasok rin siya. "Kanina pa tumatawag ang tita mo. Naubusan na ako ng pwedeng palusot kung saan ka nagpunta. Saan ka ba talaga nanggaling? Hindi mo pa naman gamay ang Manila. Buti na lamang at hindi niyo naiwala ang sarili niyo. Maraming nagbago sa loob ng seven years, Miss Marga." Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. Pinanatili kong tikom ang aking bibig. Yes! Maraming nagbago sa loob ng seven years. Pero 'yong pagiging overprotective ni Auntie Tonette sa akin ay gano'n pa rin. My goodness! I'm already twenty two years old. Hindi na ako fifteen years old! I'm no longer that 15-year-old-girl who needs the guidance and her overprotectiveness! Nanguna si Nikolai sa paglabas sa elevator at agad niyang binuksan ang unit ko. Pumasok ako sa loob. Hinubad ko agad ang suot kong makapal na jacket at tanging manipis at itim na racerback na lamang ang natira. Hinubad ko rin iyon pero hindi ko pa nga iyon tuluyang nahuhubad ay narinig ko na ang malakas na pagmumura ni Nikolai sa likod ko. "s**t!" Napangisi agad ako nang marinig ang malakas na pagsarado ng pinto. Liberated naman ang mga tao sa US. Hindi na big deal roon kung may maghubad man sa harapan mo. Seven years kaming nanatili roon. Pero itong si Nikolai ay pinoy na pinoy. Napaka-conservative. He should've extend his stay in the US. Kailangan niya pang matuto. Ipinagpatuloy ko ang paghuhubad. Maging ang undergarments ay hinubad ko at idiniretso iyon sa lagayan ng maruruming damit na nakita. I decided to take a shower. Kailangan ko 'yon. Kailangan kong mahimasmasan mula sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Habang ninanamnam ko ang bawat pagtulo ng mainit-init na tubig ay biglang sumagi sa isipan ko ang nakangising mukha ng lalakeng kamuntikan ko nang mabangga kanina. He's got beautiful but cold eyes. Ramdam kong hindi palangiti ang mga matang iyon. Mga matang halatang hindi masaya sa buhay niya. Naipilig ko ang ulo ko. "Stop it, Marga! Clear your thoughts! Hindi na kayo muli pang magkikita ng lalakeng 'yon kaya tigilan mo na ang kaiisip sa kan'ya!" Minadali ko na lamang ang pagligo upang makapagpahinga na. Tapos na akong magbihis at naglalagay na lamang ng night cream sa mukha habang nakaharap sa tukador nang makarinig ako ng katok sa pinto. Lumabas ako ng kwarto at agad na sinalubong ang kapapasok lang na si Nikolai. "Miss Marga, tumatawag ang tita mo," anunsiyo niya sabay abot sa akin ng ipad. Humugot pa ako ng malalim na hininga bago ko nagawang iharap ang screen sa mukha ko. Malaki agad ang ngiti ko. "Hi, auntie!' "Marga! Kanina pa akong tumatawag. Ang sabi ni Nikolai ay may inaasikaso ka daw. Ano namang pinagkakaabalahan mo at kararating mo pa lang naman?" "Personal matters, auntie." Nakita ko kung paanong nangunot ang kan'yang noo kasabay ng pagpilig niya sa kan'yang ulo. Napabuntonghininga ako. Alam kong pinagdududahan niya ako. "Auntie, I'm totally fine. I landed safe and you have nothing to worry about. Besides, kasama ko naman si Nikolai." "Just make sure na hindi ka sasabak sa gulo, Margarita," paalala niya. Gulo. Gulo nga 'yong nag welcome sa akin dito. Tss! Ilang sandali ring nagtagal ang usapan namin ni Auntie Tonette. Sa dami ba naman ng mga bilin niya. Sinong hindi matatagalan? Isang linggo lamang akong nanatili sa hotel na kinuha ni Nikolai para sa akin at agad na akong lumipat sa bago kong biling bahay. Kakabili ko lang nito no'ng Miyerkules at kahapon ay agad kong pinalinisan. Kaya heto ngayon at nagpapa diskarga na ako ng mga gamit upang mailagay sa loob. "Sigurado ka bang ayos lang sa iyong tumira dito mag isa?" tanong ni Nikolai sa akin nang tabihan niya ako mula sa pagkakatayo sa harap ng main gate ng bahay. "I'm sure about living alone, Nikolai. Pwera na lang kung gusto mong tumira kasama ko, ay siyempre mas okay 'yon for me." May ngising nakaplaster sa labi ko nang sabihin ko 'yon sa kan'ya. Wala akong narinig na tugon mula sa kan'ya kaya nagdesisyon akong lingunin siya. Nakita ko kung paanong nalukot ang mukha niya. Damn it! Kahit nakabusangot ang mukha ay gwapo pa rin. "Wala ka talagang balak ligawan ako no?" natatawang sabi ko. Kinse anyos ako no'ng una kong makilala si Nikolai. Nagtatrabaho siya kay daddy bilang kanang kamay nito. He's way way older than me. Pero keri lang. Age doesn't matter. Nilingon niya ako at tinitigan. Nakita ko kung paanong kumislap ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin. Alam ko. Nararamdaman kong tulad ko ay may nararamdaman rin siya para sa akin. "Miss Marga, alam niyo naman po kung paano ko kayong nire-respero lalong lalo na ang daddy niyo." Napanguso ako at agad na pinigilan ang sarili kong huwag siyang mairapan. Heto na naman kasi tayo sa respeto niya. Sa tuwing nagpaparamdam ako sa kan'ya ay laging ito ang sagot niya. "Ito naman! Hindi ka talaga mabiro. Ang seryoso mo lagi sa buhay," sabay tawa ko. Tawang pilit. Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon niya sa akin at agad na akong naglakad papasok ng bahay. "Miss Marga, saan po ba dapat 'to nakapwesto?" tanong ng isa sa mga tauhan ko. Hawak hawak niya ang painting na malaki at mas mataas pa sa height ko. Nababalutan pa iyon ng dyaryo. Lumapit ako sa kan'ya at agad na pinunit ang dyaryong nakabalot sa painting. Nakagat ko ang labi ko matapos ko iyong makita. It was a picture of me, my mom, and my dad. We never had a family picture together. My mom died right after she gave birth to me. Kaya ko ito ipinagawa upang kahit sa painting man lang na ito ay maalala ko palagi na kahit papaano ay nagkaroon pa rin ako ng kumpletong pamilya kahit pa hindi ko na sila kasama ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga at agad na ngumiti sa tauhang naka hawak sa painting. "Pakilagay 'to sa bakanteng wall na 'yon," sabay turo ko sa malaking dingding kung saan maha-highlight siya. "Opo." Sinundan ko siya ng tingin nang magtungo siya sa puting dingding na itinuro ko. Pinanood ko siyang ikabit iyon ng dahan-dahan. Ilang minuto ko iyong tinitigan bago ko inilibot ang paningin ko sa napakagandang bahay na ito. "Dad... I wish you were here," mahinang bulong ko. Living together with Auntie Tonette wasn't hard actually. Pero iba pa rin 'yong comfort kung 'yong mga magulang mo mismo ang kasama mo at gumagabay sa 'yo. Too bad. They gone too soon. "Tapos na sa pagdi-diskarga ng mga gamit na pinagbibili mo, Miss Marga. May dadating pa bang pahabol?" Nilingon ko si Nikolai nang tumabi ito sa akin. "Iyong sofa, Nikolai. Hindi pa dumarating," masungit na tugon ko. Hindi ko alam kung bakit bigla ay iritado na naman ako. Marahil ay dahil ito sa naging tugon niya sa akin kanina. Damn it! Para na rin kasi niya akong binasted sa lagay na 'yon. "Right. Should I call them?" "What do you think?" His dark and thick eyebrows furrowed. "What's with the attitude, Miss Marga?" Nagtaas ako ng kilay. "What's wrong with my attitude?" Matagal siyang tumitig sa akin. At gano'n rin ang ginawa ko. Hindi ako nag iwas ng tingin. I see no reason to look away. He sighed and shook his head. Pagkatapos ay iniwan niya ako sa sala habang nagtitipa siya sa cellphone niya at mukhang tatawagan na nga ang furniture shop na pinag-order-an ko ng sofa set. I spent the whole afternoon doing the chores. Nang sumapit ang alas otso ng gabi, pagkatapos kong mag dinner at nang napag-isa ako ay nagdesisyon akong tumambay sa gazebo na naroroon sa malawak na garden. Ang hirap pala ng nag iisa ka sa buhay. Walang pamilya, walang kahit kaibigan man lang na pwede kong makasama. I only have Nikolai, Auntie Tonette and the rest of the members of the Darkest Shadow—ang grupong binuo ni dad. Ang grupong binabalak kong buwagin. Wala na akong nakikita pang rason para panatilihin sila sa tabi ko. Alam kong kailangan kong sundan ang yapak ni daddy. Pero ayokong matulad sa kan'ya. Ayaw ko na kapag dumating man 'yong panahon na magkapamilya ako ay gulo ang maipapamana ko sa mga magiging anak ko. Tama na 'yong trauma na naidulot sa akin ng grupong ito. "Tao po! Tao po!" Kumunot ang noo ko at agad na lumingon sa labas ng gate. Alas otso na ng gabi pero mukhang may kapitbahay na hindi matahimik. Tamad akong tumayo at naglakad palabas ng gate. I crossed my arms as I watched that kapitbahay na nanggugulo sa bahay na nasa harapan mismo nitong bahay ko. "Ate, mukhang wala naman pong tao d'yan." sabi ko. Nakaapatay naman kasi ang mga ilaw. Nilingon niya ako at pinagkunutan ng noo. "May tao sa bahay na 'to. Wala nga lang nagbubukas. Iyong hose kasi nila sa garden nila, e nakabukas 'yong tubig. Napakalakas pa naman ng agos kapag gabi. Kaya ayon at napupunta na sa amin. Lunod na lunod na 'yong mga bulaklak kong nakadikit sa boundary!" Napakamot ako sa likod ng tainga ko at nagtungo na lamang sa tabi ni ate na sumisigaw. "Tao po! Tao po! Iyong tubig niyo po!" sigaw ko rin. Nakikisabay ako sa sigaw ni ate. Ilang minuto rin kaming naghintay at nagsisisigaw dito sa labas bago bumukas ang ilaw ng buong bahay at bumukas ang main door. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa lalakeng palabas. Mukhang natutulog na siya at nagising pa yata namin dahil sa sigaw namin. "Aling Rowena, ano na naman pong problema this time?" magaspang ang boses na tanong niya nang makalapit sa amin habang kusot-kusot pa ang mga mata. Naiwan akong nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Damn it! Sinong mag aakalang magkikita pa kami ulit ng lalakeng 'to? "Iyong hose ng tubig, hijo. Lagi mong nakakalimutan at naiiwang bukas!" "Pasensya na po." "Pasensya! Pasensya, puro ka pasensya, wala namang nangyayaring pagbabago. Hay naku! Isarado mo na 'yon, namatayan na ako ng isang agloemena dahil sa hose mong 'yan. Palibahasa ay mayaman kaya walang pakealam sa bayarin ng tubig." panay pa rin ang pag kuda ni ate kahit na naglalakad na siya paalis. Naiwan akong nakatulala sa lalakeng nasa harapan ko. Napatalon lang ako sa gulat nang lumingon siya sa akin at pinagtaasan niya ako ng isang kilay. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang puting sando. Bakat na bakat ang abs niyang naroroon. Ang muscles niya sa magkabilang braso ay halatang alagang-alaga ng gym. Kapares ng suot niyang puting sando ay stripe blue na boxer shorts na bakat na bakat ang nakatayong... "Holy s**t!" naibulalas ko. "Hey, nurse!" tawag niya sa akin sa matigas na ingles. Mula sa bakat niyang nasa ilalim ng suot na boxer shorts ay nagtaas ako ng tingin sa mukha niya. Doon ay sumalubong sa akin ang pilyo niyang ngisi. Nalukot ang mukha ko at walang sali-salitang nagtatatakbo ako pabalik sa bahay ko. Nakakahiya! Bakit ko ba nagawa 'yon? Pakiwari ko'y nahipnotismo ako at nawala ako sa sarili. Bakit kasi nakatayo? Hindi ba dapat tulog na 'yon? Nagising din ba dahil sa ingay namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD