Kabanata 1 - Konsensya

1500 Words
7 years later... "Naihanda ko na po ang tutuluyan niyong hotel room, Miss Marga." Nagtanggal ako ng aviator at sinilip ko ang makinis na mukha ni Nikolai. Tipid akong napangisi nang nakita ang pagkunot ng kan'yang noo. Nagtaas ako ng kilay. "My car?" tanong ko sa kan'ya. Imbis na sagutin ako ay humarap siya sa kan'yang likuran. As if on cue ay biglang dumating ang pulang honda civic ko. Everything was well-prepared. Kahit kailan ay hindi talaga ako binibigo ni Nikolai. "Thanks, Nikolai mas lalo kang gumwapo sa paningin ko," I said. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at agad na akong nagdiretso sa sasakyan ko. Binuhay ko ang makina at agad 'yong pinaharurot. This is the life I expected bago pa man ako nagdecide na bumalik dito sa Pilipinas. Freedom, and a life away from the stress my auntie Tonette was giving me. Tumunog ang cellphone kong nasa dashboard ng sasakyan. Hindi ko na 'yon kinuha pa at sinagot ko na lang ang tawag using my earpods na naka-connect sa cellphone ko. "Yes?" I said. "Miss Marga, dahan-dahan po sa pagda-drive." It's Nikolai. "Oh, Nikolai! Mas'yado ka naman yatang concern sa akin," I laughed. "Miss Marga, baka po ma-disgrasya kayo." Parang umaalon ang puso ko sa isiping concern sa akin si Nikolai. Kaysarap lang isiping nag aalala siya dahil may nararamdaman siya para sa akin. Pero sinong niloko ko? Alam ko namang concern siya sa akin dahil iyon ang trabaho niya. Kailangan niya akong bantayan dahil iyon ang iniwang trabaho sa kan'ya ng daddy bago ito namaalam. Pinatay ko ang tawag at mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. Hanggang sa naiwala ko na ang tatlong itim na sasakyan na nakasunod sa akin kanina. Kahit sandali ay gusto kong maranasan 'yong walang nakaantabay na body guards. Iyon na ang naging buhay ko sa States sa loob ng pitong taon. I don't want to let it happen again here in this country. For pete's sake, I need a life! "s**t!" Napamura ako at natatarantang inapakan ang brake ng sasakyan. May biglang tumawid sa kalsada. Kamuntikan pa akong masubsob sa steering wheel. Mabuti na lang at naka-seat belt ako. Kunot-noo akong lumabas ng sasakyan at nag martsa papunta sa lalakeng nakahinto sa gitna ng kalsada. Muntik ko na pala talaga siyang masagasaan. "Kaskasera!" sabi ng lalake nang nagkaharap kami. Umawang ang labi ko nang nakitang may dugong lumalabas sa braso niya na hawak-hawak niya. May mga gasgas rin siya sa mukha niya. Puting long sleeve na tinupi hanggang siko ang suot niya kaya klarong-klaro ang mga mantsa ng dugo roon. "Omg!" Nanginginig na sabi ko. Sigurado akong hindi ko siya nasagasaan. Pero bakit may mga dugo at sugat siya sa katawan? "H-hindi kita nasagasaan. R-right?" Tiim ang mga bagang at nakakunot ang kan'yang noo habang nakatingin sa akin. "Hindi mo ba nakikitang nakatayo pa ako sa harapan mo?" Marahas akong napabuga ng hangin. Ang antipako naman pala ng lalakeng 'to. "Bakit ba kasi bigla bigla ka na lang tumatawid sa kalsada?" Nagpalinga-linga ako at napansing wala na mas'yadong sasakyang dumadaan dito. Wait? Nasaan na nga pala ako? "Can't you see it? I was chased by—f*****g s**t!" mura niya at agad akong itinulak papunta sa gilid ng sasakyan. Pagkatapos ay tinabihan niya ako. Nakarinig ako ng mga putok ng baril. Tuloy ay napakapit ako sa kan'ya. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa dulo ng long sleeve niya. Napansin kong binuksan niya ang pintuan ng driver's seat. "W-what are you doing?" Nilingon niya ako at halos magdikit ang tungki ng mga ilong namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. "I want you to go inside, at dumiretso ka sa passenger seat." "What!? Why?" Napapikit ako ng mariin nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. What the hell? Bakit ba ako napunta sa sitwasyong 'to? Sinunod ko ang sinabi niya, at mabilis akong umakyat sa sasakyan. Pumasok ako sa driver's seat at nag diretso sa passenger's seat. Pumasok rin siya kasunod ko at mabilis niyang binuhay ang makina ng kotse at agad na pinaharurot paalis sa lugar na 'yon. Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang ako sa kan'ya na minamaneho ang kotse ko. Gulat na gulat ako sa mga nangyayari, at tila nahihirapan ang utak ko na i-proseso ang lahat ng 'yon. Umuulan ng bala sa lugar na 'yon at ngayon naman ay hinahabol kami ng hindi ko mabilang na mga sasakyan. Mahigpit akong napakapit sa seat belt na suot ko. Now, this is not what I expected na pa-welcome back party sa akin ng Pilipinas. "Hold on tight, my dear." Napapikit na lamang ako ng mariin nang sunod-sunod na pinaputukan ang sasakyan ko. Nagpaekis-ekis na siya sa kalsada habang walang tigil ang kan'yang pag busina. Matagal pa bago ko naramdamang huminto ang kotse. "Pwede mo ng imulat ang mga mata mo," aniya. Sinunod ko siya at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nag diretso iyon sa harapan ng sasakyan at nakita kong nasa burol na kami. Lumabas agad ako ng sasakyan at marahas kong naibuga ang hanging kanina ko pa naipon. Malakas ang hangin sa burol na 'yon. Napahawak ako sa dibdib ko. Mukhang inaatake na naman ako ng nerbiyos ko. "Are you okay?" Narinig ko ang medyo paos niyang boses sa likuran ko. Sa nanlilisik na mga mata ay nilingon ko siya. "Mukha ba akong okay? Isinali mo lang naman ako sa giyera ninyo ng mga kalaban mo!" Hinihingal na sigaw ko sa kan'ya. Sumilay ang tipid ng ngisi sa kan'yang labi. Kumunot ang noo ko. Anong kangisi-ngisi sa sinabi ko? "You're not okay. Tss!" Nag iwas siya ng tingin sa akin at humarap siya sa magandang view na nasa harap namin. "Why did you bring me here anyway?" tanong ko. "Pwede ka ng bumalik," aniya. "What!?" naibulalas ko. Iyon na 'yon? Pagkatapos niya akong idamay sa gulo niya ay pababalikin na niya ako sa dapat na tungo ko? Seriously? He didn't even think about my safety. Paano kung balikan ako ng mga humahabol sa amin kanina? What if akala nila kasama niya akong talaga. Eh 'di ako naman ang hinabol at paulanan ng bala? "Are you serious? Paano kung makita nila ako?" "Nino?" Naningkit ang mga mata ko at nakapameywang na ako habang nakaharap ako sa kan'ya. "Those people. 'Yong mga humahabol sa atin. Haler!" "Hindi ka na nila hahabulin. You're safe now that I'm no longer beside you." "So you're saying, na ikaw lang 'yong dahilan ng ikapapahamak ko?" "Mismo," he said. I heave out a sigh. Napatingin ako sa mga sugat niya sa mukha. Naglakbay ang paningin ko papunta sa dumudugo niya pang braso. "Let me check your arm," saad ko. Nakita kong kumunot ang kan'yang noo bago niya ako nilingon at nagbaba ng tingin sa siko niya. "Daplis lang 'to." "No. It's bleeding! Wait, may first aid kit yata ako dito," sabi ko at nagmadali agad sa pagpunta sa loob ng kotse. Nang bumalik ako ay nasa ilalim na siya ng puno ng acacia. "Give me your arm." He looked at me. Halatang pinagdududahan niya pa ako. "Baka mas lalong lumala 'yong sugat ko kapag nahawakan mo." Hindi ko napigilan ang kamay ko at agad 'yong nag landing sa ulo niya. "Aw! Why the hell did you do that?" singhal niya sa akin. "Registered nurse ako sa US. Huwag mo ngang minamaliit ang kakayahan ko! Give me your arm," muling utos ko sa kan'ya. Hindi na siya sumagot pa at inilapit na lamang niya ang braso niya sa akin sabay nag iwas siya ng tingin. Sinimulan ko ang panggagamot sa sugat niya. Hindi naman malalim 'yon at tulad ng sinabi niya ay nadaplisan nga lang ng bala. Habang ginagawa ko 'yon ay hindi ko naiwasang balikan ang mga huling ala-ala ko dito sa Pilipinas bago ako nagpunta ng US. Nakakabinging putukan, kabi-kabilang pagsabog, sigawan, apoy, at dugo. At ang pinakahindi ko makakalimutan ay ang isang pares ng kayumangging mga mata na nakatingin sa akin. Mga matang kahit sa panaginip ay dinadalaw ako. "Aw! Can you at least be gentle?" Tila napapaso akong nag angat ng kamay mula sa pagkakahawak ko sa braso nitong lalakeng kasama ko nang narinig ko ang pagsigaw niya sa akin. Nalunod na naman ako sa sarili kong pag iisip at panandaliang nawala sa isipan ko ang panggagamot na ginagawa ko. "Sorry," saad ko. It was very traumatic for me. Halos hindi ako makatulog every night kaiisip sa gulong 'yon 7 years ago. Pagkatapos ng mga nangyari ay dinala ako ni Auntie Tonette sa US upang doon magpagamot. She thought I recovered kaya pumayag siyang bumalik ako ng Pilipinas. Little did she know na pilit ko lang nilalabanan ang trauma ko. For me, It was something na hinding-hindi ko makakalimutan kahit pa ilang beses nila akong ipa-therapy. Because that's the very first time I killed a friend. At ilang buwan na siyang buntis nang napatay ko siya. Kaya kahit anong gawin kong paglimot ay hindi ko magawa. Ang konsensyang bitbit ko kailanman ay hinding-hindi ako lulubayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD