bc

The Fuckboy's Personal Maid {COMPLETED}

book_age18+
2.6K
FOLLOW
17.0K
READ
love after marriage
fated
pregnant
curse
betrayal
cheating
childhood crush
first love
friendship
lonely
like
intro-logo
Blurb

SMITTEN BOYS SERIES #4

(Zoren Russell and Melissa Loyola)

Walang ibang nais si Melissa kung 'di ang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng kanyang nanay na nag che-chemotherapy sa sakit nito. Sapat naman na ang kanyang kinikita sa pagiging receptionist sa Bluestone Hotel.

Pero hindi niya akalaing isang gabi lang pala ang magiging dahilan para magbago bigla ang kanyang buhay. She met the fuckboy named Zoren Russell, the man who resides on one of their presidential suite.

Isang gabi, isang ngisi, isang sampal ang magiging dahilan ng lahat ng masasaya at masasakit na pangyayari sa buhay ni Melissa.

Ang tanging hiling niya?

Sana ay hindi na lang siya ang naghatid ng midnight snack ni Zoren sa gabing iyon.

chap-preview
Free preview
Simula | Nangungusap
“Finally!” mahinang sabi ko kasabay ng paghikab at ng aking pag inat ng mga braso. Quarter to twelve na at tapos na ang shift ko. Actually, dapat ay kaninang alas diyes pa dapat akong umuwi. Pero dahil matagal na pumasok si Cathy kaya nakapag-overtime ako. “Uuwi ka na?” tanong sa akin ni Cathy na ngayo’y naglalagay pa lamang ng make-up. “Oo. Bilisan mo d’yan baka may biglang dumating na customers.” Nagbuga siya ng hangin. “Pasensya na talaga Mel, ah? Pinatulog ko pa kasi ang mga anak ko.” “Ano ka ba, Cath! Naiintindihan ko naman iyon.” “Baka kasi may date ka tapos hindi natuloy dahil sa akin!” pabiro niyang sabi. Mahina akong natawa. “Gaga! Wala akong date. Single ako no!” “May pinsan iyong asawa ko. Seaman, gwapo, mabait, single, at naghahanap ng syosyotain. Gusto mo ireto kita?” Talagang napahalakhak ako dahil sa tinuran niya. Single nga ako pero hindi pa rin ako available. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Sa ngayon ay ang pagpapagamot kay nanay at pag aaral ng mga kapatid ko ang priorities ko. “Huwag na no! Baka hindi ko lang din mabigyan ng oras.” “Sus! Ikaw pa ba? Multi-tasking is the key.” Napailing na lamang ako habang natatawa. Lumabas na ako mula sa reception area. Nagpaalam ako kay Cathy na pupuntang locker area para sa mga gamit ko at didiretso na ako palabas ng hotel para makauwi. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko nang tinatawag ng kung sino ang pangalan ko. “Melissa! Melissa, sandali!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Ate Cherry iyon. Ang kitchen manager namin. “Oh, ate Cherry bakit?” Tinakbo niya ang pagitan namin at agad niyang hinawakan ang kaliwang balikat ko habang sapo sapo rin ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib. “Mabuti na lang... Naabutan kita,” aniya. “Bakit ho? Pauwi na nga po sana ako.” “Kasi… Ang daming guests ngayon. Tapos oras na ng midnight snack no’ng isang guest natin. Iyong nakatira sa isa sa mga presidential suite natin?” Tumango tango ako habang naghihintay ng kasunod sa mga sinasabi ni Ate Cherry. “Ayon na nga… Walang maghahatid ng pagkain niya.” “Tapos po?” pagmamaang-maangan ko. Alam ko na kasi ang kasunod nito. Ako na naman ang mauutusan para mag room service. Naku naman! Excited na sana akong matulog, e. Ngumuso si Ate Cherry. Naningkit agad ang mga mata ko habang naghihintay sa magiging favor niya. “Baka pwedeng pasuyo. Ikaw na muna maghatid.” Umangat ang isang gilid ng aking labi. Sabi ko na nga ba! “Hindi ba ang dami naman natin dito? Ate Cherry naman! Ang layo ng presidential suite!” pagmamaktol ko. “May elevator naman, Mel!” giit niya. “Ugh!” Marahas akong napakamot sa noo ko. Hindi na ito kasali sa trabaho ko pero dahil alangan namang hayaan ko silang maghirap. “Sige na nga!” Agad na napatalon talon sa tuwa si Ate Cherry sabay yakap pa sa akin. “Kaybuti mo talagang bata. Sobrang ganda pa!” “Sus! Binobola niyo na naman ako.” Inakbayan ko si Ate Cherry, at nakayakap naman sa likuran ko ang isang braso niya habang naglalakad kami papuntang kitchen. Mas matangkad ako kay Ate Cherry. Medyo pandak si ate at mataba kaya sisiw lang sa akin ang akbayan siya. “Nga pala, Mel. Iyong pamangkin kong si Jon. Iyong sinasabi ko sa iyong nagtatrabaho bilang bartender sa isang bar. Nanghihingi siya ng number mo. Ipinakita ko kasi sa kanya ang picture mo. Ayon at nagandahan sa iyo.” Napakamot ako ng ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit halos lahat ng katrabaho ko rito ay gusto ng magka-boyfriend ako. As-if naman magkakapera ako sa pagbo-boyfriend na iyan! “Pero siyempre hindi ko binigay ang number mo. Ang sabi ko sa kanya ay magpapaalam muna ako.” Umiling ako sabay hikab. Putcha! Inaantok na talaga ako. “Huwag mong ibigay. Hindi po ako interesadong mag boyfriend.” “Melissa, sige na.” Kinukulit ako ni Ate Cherry habang papasok kami ng kitchen. Kabilaang usok ang agad na bumungad sa akin pagkapasok namin. “Hindi pa ba tapos iyong party?” tanong ko. May engagement party kasing nagaganap dito sa hotel ngayon kaya siguro aligaga ang lahat dito sa kusina. “Hoy, Mel… Narinig mo na ba? Iba raw ang naging bride to be!” bungad sa akin ni Shyrah, isa sa mga waitresses ng Bluestone Hotel. “Naku ka, Shyrah! Napaka-chismosa mo talagang bata ka!” reklamo ni Ate Cherry sa kanya. “Bakit daw?” interesado ko rin namang tanong. “Ayon na nga raw, iba iyong sumipot sa kasal!” “Shyrah! Pakihatid mo na ito!” tawag sa kanya ng sous chef namin. Iniwan agad ako ni Shyrah at agad niyang inatupag ang trabaho niya. Eksakto rin namang pagbabalik ni Ate Cherry sa akin habang tulak-tulak ang food cart. “Ito na ba iyon?” tanong ko. Tumango siya at nginitian ako. Tipid na ngiti rin ang pinakawalan ko. “Sige po.” Hinawakan ko na ang handle ng cart at saka iyon itinulak palabas ng kitchen. Nagdiretso ako sa elevator at saka pinindot ang 20th floor. Nandoon kasi ang mga presidential suite. Ang nasa 21st floor ay ang penthouse na sa pagkakaalam ko’y tinitirhan ng kakambal ng may ari ng hotel. Pero mag i-isang taon na ako dito sa trabaho kong ito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Siguro ay wala siya dito sa Pilipinas. Huminto ako sa isang pintuan. Makailang ulit ko pang siniguro kung ito na ba iyon bago ako kumatok. Ilang katok ang iginawad ko sa pintuan bago ako nagdesisyong buksan na lamang ang pintuan. Ipapasok ko lang ang cart at aalis na ako agad. Pagkabukas ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko’t napatakip ako sa aking bibig. “Ohhh! Ohh! f**k!” “Ahh… Faster! Malapit na! I’m almost there…” “s**t! Ahh… Ahh… Zoren… Sige pa…” Halinghing at nakakabinging mga ungol ang pumuno sa aking tainga. Naku naman! Bakit ako pa iyong nautusan? E, may nagtatalik naman pala dito. At saka nanghihingi na ba ng midnight snack ang guest dito? Dahan-dahan kong ipinasok ang food cart. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang huwag makagawa ng ingay. Ayaw kong maka-istorbo! Aalis na sana ako pero agad akong napalingon sa likuran ko nang may biglang tumikhim. Agad akong sinalubong ng mga asul na mga mata at ngising aso. Napalunok ako. Lalo pa nang pagkababa ng aking mga mata ay nakita kong nakatayo at nangungusap sa aking ang kanyang alaga. “My goodness! A-ang laki!” wala sa sariling naibulalas ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook