bc

Their Desire (Super SPG)

book_age18+
145.6K
FOLLOW
961.3K
READ
forbidden
sex
family
billionairess
bxg
polygamy
passionate
like
intro-logo
Blurb

Bawal sa bata! Huwag makulit!

Lumaki si Lyza sa pangangalaga ng mga Carson. Simula nang ampunin siya ng mag-asawang Carson ay inalagaan at tinuring na siyang tunay na pamilya ng mga ito.

Wala na siyang mahihiling pa, may mapagmahal siyang mga magulang at dalawang naggugwapuhang kapatid na mahal na mahal din siya.

Paano kung malaman niyang hindi pala pangkapatid ang pagmamahal ng dalawa niyang Kuya sa kanya?

Handa ba siyang sumunod sa matagal nang tradisyon ng pamilya Carson? Ang tradisyon ng mga ito na magsasalo at magmamahal ng iisang babae.

Okay na sana ang lahat pero may mga hadlang na dumating at kasama na roon ang totoong pamilya niya na matagal na siyang hinahanap.

Paano niya ipaglaban ang pag-iibigang hindi tanggap sa lipunan? Mali ba ang magmahal ng dalawa? Hindi sapat hilinging sana dalawa ang puso niya dahil pati katawan niya ay sabay na sasambahin ng mga Kuya niya.

chap-preview
Free preview
chapter 1
LYZA'S POV: Oh, great! Nandito na naman ang slut na girlfriend ng Kuya Xander ko. Padabog akong lumabas sa sasakyan ko at naiinis na sinipa ang gulong ng kotse ni Marielle na malandi niyang girlfriend na nakaparada sa garahe namin. Naiinis akong pumasok sa malaking mansion na pag-aari ng pamilya ko. Pinakabunso akong anak ng mga Carson. May dalawa akong kuya, sina Kuya Xander at Kuya Zach. Sa edad na eighteen years old ay spoiled na spoiled pa rin ako sa mga magulang ko at dalawa kong kuya na kapwa na nagtatrabaho sa sari-sarili nilang mga kompanya. Nakasimangot akong umakyat sa silid ko at naiinis na malakas kong hinampas ng dalang bag ang pintuan ng silid ni Kuya Xander na nadadaanan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng silid ko. Agad kong hinubad ang mga damit ko dahil balak kong magbabad sa bathtub upang maibsan ang gigil ko sa Marielle na tiyak nasa loob ng silid ni Kuya Xander. "Lyza, baby-" Natigil ako sa akmang paghuhubad ng bra ko nang walang babalang pumasok sa loob ng silid ko si Kuya Xander. Saglit itong natigilan nang makitang naka-underwear lang ako pero inirapan ko lang siya. Sanay akong naghuhubad sa harap ng mga Kuya ko kasi noon namang maliit ako ay sila ang nagpapaligo sa akin at ni minsan ay wala akong naramdamang malisya. Isa pa mga Kuya ko sila kahit na adopted lang ako ng pamilya nila. Hindi pa naman ako legally adopted pero nagawan ng paraan upang madala ko iyong apelyido nila. Nabanggit ni Daddy minsan na on process pa raw iyong adoption papers ko. Hindi ko na naitanong kung bakit ang tagal naman yata ng processing dahil hindi naman ako nakaramdam ng pagkukulang mula sa kanila. Legal or not sa puso ko ay sina Mommy at Daddy ang mga magulang ko at hindi iyon mababago ng isang pirasong papel lang. Mahal naman ako nina Kuya kahit di nila ako totoong kapatid kaya nga spoiled ako masyado sa kanila. "Ano na namang problema ng baby ko? Bakit mo na naman hinampas ang pinto ng silid ko?" masuyong tanong ni Kuya at siya na mismo ang nagligpit ng mga hinubad kong damit na nagkalat. Inilagay niya ito sa laundry basket bago lumapit sa'kin at niyakap ako. Muli ay rumagasa sa'kin ang pamilyar na init tuwing nararamdaman ko ang mainit na katawan ng sinuman sa dalawa kong kuya. Pero binalewala ko lang iyon at mas nagsumiksik pa sa mga bisig niya. Nitong nakaraan ko lang napapansin ang kakaibang damdaming nabubuhay tuwing nalalapit ako sa sino man sa dalawa kong kapatid at gustong-gusto ang pakiramdam na iyon. " Nandito na naman iyong girlfriend mo!" naiinis kong sabi at bahagya siyang kinagat sa dibdib. Isang ungol ang lumabas mula sa bibig ni kuya pero imbes na itulak ako palayo ay mas kinabig niya pa ako payakap sa kanya. "Sabi ko naman sayo, wala na kami ni Marielle. Friends na lang kami," parang hinihingal nitong sabi. " Bakit nandito siya?" naiinis ko pa ring tanong. "May inihatid lang siyang invitation. Isa pa si Mommy ang kausap niya ngayon dahil ito ang pinunta niya rito at hindi ako," paliwanag nito habang naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ng isang kamay niya sa balakang ko. " Talaga?" nagdududa ko pa ring tanong at tiningala ang mukha niya. May kakaibang emosyon akong nakikita sa kulay asul niyang mga mata na naghatid sa'kin ng masarap na kilabot. "Talagang-talaga," seryoso niyang sabi na nagpangiti sa akin. Masaya akong nangumpayot sa kanya at dahil di niya napaghandaan ang ginawa ko ay nawalan siya nang balanse at bumagsak sa ibabaw ng kama ko habang nasa ibabaw naman niya ako. Napaungol at napamura si Kuya Xander kaya napahagikhik ako at naupo sa tiyan niya. " You, brat!" namumula nitong sigaw pero tawa lang ang sinagot ko. Mabilis siyang bumangon kaya sa kandungan niya ang bagsak ko. Tulad nang dati ay kiniliti niya ako sa tagiliran kaya nangingisay ako sa kakatili at tawa sa kandungan niya. Di naman ako makaalis dahil nasa magkabilang gilid niya ang dalawa kong binti. Panay ang pigil ko sa mga kamay niya habang lumiliyad-liyad akong umiiwas tuwing lumulusot ang mga ito papunta sa tagiliran ko. Napatili sabay singhap ako nang sa minsang pagliyad ko ay isang matigas na bagay ang sumundot sa bukana ng p********e ko na tanging manipis na panty lang ang nakatakip sa kasalukuyan. Mukhang di naman napansin ni Kuya dahil panay pa rin ang pagkiliti nito sa'kin kaya panay rin ang pagliyad-liyad ko at masarap na pagkiskis ng matigas na bagay na iyon. "What's going on in here?" "Kuyaaaa! Heeeelp!" tumitili kong tawag kay kuya Zach na kapapasok lang ng silid ko. " Come on Zach, tulungan mo akong kilitiin ang brat na ito," nakangising sabi ni Kuya Xander. "Noooo," agad kong piglas nang mapansing kumampi si Kuya Zach kay Kuya Xander. Tumatawang tumayo si Kuya Xander habang karga-karga ako pasaklang sa kanya at panay ang piglas ko. Napatigil lang ako nang maramdaman si Kuya Zach mula sa likod ko na hinawakan ang balakang ko at bahagya akong inilapit sa kanyang matigas na katawan. " I miss you, baby," malambing na usal ni Kuya Zach at bahagyang ibinaon ang mukha sa leeg ko. Napangiti naman akong bumaling sa kanya at itinaas ang mga braso upang sa kanya magpakarga. Maingat niya akong kinarga pasaklang sa kanya. Mahigpit kong iniyapos ang mga braso at binti sa katawan niya habang hinalik-halikan siya sa buong mukha. "I miss you too, Kuya! Nasaan ang pasalubong ko?" naka-pout kong tanong. Galing kasi si Kuya Zach sa Japan dahil sa business kaya isang linggo siyang nawala dito sa bahay. " Nasa kwarto ko. Mamaya ko na lang ibigay, gusto ko munang mayakap ang baby ko," malambing nitong sabi at kinintalan ako ng magaang halik sa labi. Nakasanayan na naming magkakapatid na palagi nila akong hinahalikan sa lips kaya normal na sa'kin ang ganito. Pero ang kaibahan lang ay noon inosenti at walang bahid ng kamunduhan ang bawat pagkakadampi ng mga labi nila sa mga labi ko pero ngayon ay may kiliting dulot na ito sa kaibuturan ng aking puso. Sanay na nga ako sa kakaibang kiliting hatid ng bawat paglapat ng mga labi nila sa mga labi ko at lihim ko nang inasam ang ganitong pagkakataon. Napasinghap ako at nabalik sa kasalukuyan nang maramdaman ang mga kamay ni Kuya Xander sa tagiliran ko habang lumapat naman ang likod ko sa dibdib niya. "Group hug," paos nitong pahayag na naghagikhik sa akin. Paano naman kasi, nakikiliti ako sa mga palad niyang nasa ilalim lang ng dibdib ko. Safe na safe ang pakiramdam ko habang napapagitnaan ng matitikas nilang mga katawan. "Bakit wala kang damit?" paungol na tanong ni Kuya Zach at bahagya pang pinisil ang pang-upo ko. " Maliligo kasi dapat ako," tinatamad kong sagot. "Sige, maligo ka na at sabay na tayong maghapunan dahil tonight you'll be sleeping with us," nakangiting sabi ni Kuya Zach. Excited naman akong napabitaw sa kanya dahil gustong-gusto ko talaga mag-sleepover kami sa napakalaking kama ni Kuya Zach na kasyang-kasya kaming tatlo. " Careful." Agad akong naalalayan ni kuya Xander mula sa likod nang agad akong bumitiw sa pagkakakarga ni Kuya Zach sa'kin. Natatawa lang akong tumakbo papasok sa banyo ko at iniwan silang napapailing sa'kin. Imbes na magbabad sa bathtub ay nagshower na lang ako. Matapos kong maligo ay agad akong nagpunas ng katawan bago isinuot ang bathrobe at ipinulupot sa basa kong buhok ang towel na pinampunas ko kanina. Paglabas ko ng banyo ay nakahiga sa kama ko ang dalawang kuya ko kaya dumiretso na ako sa walk-in closet ko. Nagsuot lang ako ng panty sa ilalim ng bathrobe at agad na lumabas at tinalunan ang dalawa kong kuya. Sabay silang napaungol kaya umayos ako ng higa sa gitna nila. "Ang bigat mo na, baby. Akala ko malaking bato ang nakadagan sa'kin," reklamo ni Kuya Xander habang pinanggigilan ang nakahantad kong hita. " Bato pala hah!" natatawa kong sabi at agad siyang dinaganan. Medyo napasubsob ang mukha niya sa dibdib ko at dahil nakabathrobe lang ako ay deretsong tumama sa balat ko ang mukha niya. Naramdaman ko pa nga saglit ang mainit niyang hininga sa tuktok ng isa kong dibdib bago niya ako pabirong kinagat sa ibabaw ng dibdib ko. Naramdaman ko na naman ulit ang pamilyar na nakakakiliting sensasyon pero binalewala ko ulit iyon at mas lalong idinagan ang sarili kay Kuya. "Nangangagat ka pang aswang ka hah!" nakatawa kong sabi at sinakyan siya sa tiyan. Nang gumapang ang mga kamay niya sa ilalim ng suot ko ay nagkukumahog akong lumipat kay kuya Zach dahil tiyak kikilitiin niya ako. " Kuya, oh!" agad kong sumbong at mabilis na umangkas kay kuya Zach. Dahil nataranta ako ay di ko napansing sa mukha niya pala ako napaangkas. Narinig kong umungol si Kuya Zach sa ilalim ko at noon ko lang napansing baka di siya makahinga dahil iyong ilong niya ay bahagyang lumubog sa suot kong panty. "Kuya, okay ka lang?" nataranta kong tanong nang umayos na ako ng upo sa gilid. Namumula ang mukha ni Kuya kaya napahawak ako sa matangos niyang ilong baka nabali ko. " I'm okay, baby," paos na sagot ni Kuya. Narinig kong tumawa si Kuya Xander kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kasalanan niya kung bakit muntik nang di makahinga si Kuya Zach kaya huwag siyang tumawa-tawa diyan dahil makakatikim talaga siya ng kagat mula sakin. "Baby, kumain na tayo. Nagutom ako bigla," aya ni Kuya Zach habang matamang nakatitig sa mukha ko. " Ako nga rin Zach, naglalaway na ako rito," seryoso namang sabat ni kuya Xander at pagigil na dinakma ang puwet ko bago tuluyang bumaba ng kama at tumayo. Agad akong sumunod sa kanya at sumakay sa likod niya. Di naman siya nagreklamo bagkus ay hinawakan niya pa ang dalawang hita ko upang di ako mahulog. Pabiro namang pinalo ni Kuya Zach ang puwet ko bago natatawang lumagpas sa amin at nagpasiunang bumaba sa kusina. Mukhang gutom na nga siyang talaga. Napuno ng tawanan namin ang buong lugar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CLOSER

read
140.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.1K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook