Nagpagulong-gulong ako sa kama, habang sumisigaw dahil sa inis. Ang tanga mo, Reigna!
Bakit sa kaniya mo s-in-end? s**t! Kanina pa kasi siya naglalaro sa isipan ko, dahil sa nasaksihan ko.
Hindi ako maka-move on sa nangyari. Sino ba naman ang makaka-move on sa bagay na iyon? Sa dami-dami ng message na puwedeng mamali siya ng sent, iyong mahalay na text pa talaga na iyon.
Dali-dali kong bl-in-ocked si Bjorn, bago pa niya ako maisipan na reply-an. Tiyak na hindi niya palalampasin iyon. Aasarin niya ako o kaya ay lalaitin. Ang sama pa man din ng ugali ng lalakeng iyon.
Think, Reigna, think. Ilang minuto akong nag-isip hanggang sa may bright idea na pumasok sa aking isipan.
Alam ko na!
Sasabihin ko na lang na nawala ang phone ko. Nahulog o kaya nanakaw.
In-off ko ang aking phone bago ko kinuha ang simcard. Itatapon ko na sana ito nang maalala ko na naka-save dito ang mga importanteng contacts ko.
Tapos iyong mga pictures at videos ko na narito ay kailangan ko din. Hindi ko pa napo-post ang karamihan sa mga 'to.
Binuksan ko ang aking laptop. Muling in-open ang aking phone upang i-transfer ang mga pictures, videos at mga files na naka-save dito. Sinunod ko namang kinopya ang mga importanteng contacts ko.
Done!
Hinalikan ko ang aking celphone. Kabibili ko lang 'to three months ago at hindi ko pa nga gaanong nasusulit.
I'm sorry but I have to let you go. I need to.
Should I break it? Kailangan ko ba 'tong durugin kasama ang sim card? Hmmm...
Kailangan ko ng hammer. Bumaba ako ng kama at lumabas ng aking kuwarto.
Pababa na ako ng hagdanan, nang makita ko ang mga lalake na nasa aming sala. Nandito ang mga kaibigan ni Kuya. Nandito ang crush kong si Lance!
Bumalik ako sa aking kuwarto upang magpalit ng damit. Nakasuot lang kasi ako ng hello kitty na oversized tshirt.
Hindi ako puwedeng makita ni Lance, na ganito ang suot dahil baka ma-turn off siya sa akin. Baka sabihin pa niya na isip bata ako at immature.
Nagsuot ako ng sando at saka mini skirt. Nagsuklay na din ako at naglagay ng lipgloss para maakit si Lance sa aking lips.
Napansin ko ang matalim na mga tingin ni Kuya, habang pababa ako ng hagdanan. Samantalang ang mga kaibigan naman niya ay saglit lang akong tiningnan, bago muling nagpatuloy sa kanilang mga ginagawa sa kanilang computer.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin ko na wala si Bjorn. Ayaw ko siyang makita. Sana gumawa ng paraan ang universe para mawala na siya.
Dito lang sa lugar namin. Hindi naman mawala na as in deads ang ibig kong sabihin.
"Hi, La— Kuya..." Napansin ko kasi na mas matalas na ang tingin ni Kuya sa akin. Baka mabatukan pa niya ako, kapag tinawag ko sa pangalan ang kaniyang kaibigan. Kailangan ko siyang tawaging kuya.
"Hi!" Ngumiti si Lance. Pakiramdam ko nalaglag ang aking panty. Pinulot ko ang imaginary panty ko na nahulog. Ginagawa kasi namin 'to ng mga kaibigan ko kapag pinag-uusapan namin ang mga crush namin.
"Loreigna!" gigil na sigaw ni Kuya dahil alam niya ang ginawa ko.
Wala naman siyang paki kapag naririnig o nakikita niya kami ng mga kaibigan ko na nag-uusap ng kalandian. Ibang usapan talaga kapag mga kaibigan na niya ang involve. Nasa bro code daw nilang magkakaibigan iyon, bawal ma-involve sa mga kamag-anak nila.
Ngumuso ako. Sinenyasan naman niya ako na umalis na. Naiirita siya kapag lumalapit ako sa kanila, lalo kapag nandito si Lance. Kapag wala naman si Lance ay ayos lang na nasa malapit ako.
Paalis na sana ako nang maalala ko iyong tungkol sa celphone ko.
"By the way pala, Kuya. Nawala ang celphone ko," nakanguso kong sabi sa kaniya.
"Paano'ng nawala?" kunot noo naman niyang tanong at sinimulang himasin ang kaniyang noo.
"I don't know. Maybe nahulog o kaya nadukutan ako."
"Kailan?"
"Kagabi?" Hindi puwedeng kanina dahil hindi naman ako gumala kanina. Doon lang naman ako nagpunta sa apartment ni Lance. Sinulyapan ko si Lance pero busy pa din 'to. Kailan ba niya ako titingnan na para bang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?
Tumikhim si Kuya kaya binalik ko ang atensyon ko sa kaniya.
"Bilhan mo ako bago, Kuya..." Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.
"I'll call our shopper."
"Yey! Salamat!" Lumapit ako at akmang yayakapin siya, pero tinulak niya ako sa aking noo. Ang KJ talaga ng kapatid ko, pero love na love ako niyan.
Bago ko pa makalimutan ang dahilan ng pagbaba ko ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Hinanap ko ang all around boy helper namin na si Mang Edu, para hiramin ang kaniyang hammer.
"Aanhin mo ba, hija?"
"Ah... kailangan ko lang pong magpukpok sa may cabinet ko. Oo iyon nga!"
"Magpapako ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Mang Edu. Syempre magtataka talaga siya dahil isa akong disney princess dito sa mansion na 'to.
Napakamot ako. "Opo."
"Tulungan na kita kung ganoon. Teka lang at kukuha lang ako ng pako."
"Hindi na po, ako na po ang gagawa!"
"Baka mapaano ka pa. Baka mamaya mapukpok mo ang kamay mo."
"Hindi po. I can do it on my own."
Ngumiti ako. "Kaya ko na po."
"Ikaw ang bahala, hija. Basta ingatan mo lang ang paggamit, okay?"
"Yes, Mang Edu!"
Bitbit ang martilyo at ilang piraso ng pako, habang pabalik ako sa loob ng buhay. Kumakanta pa ako ng sa isang sulyap mo, habang nakangiti para mapansin ako ni Lance.
Kaso napatigil ako sa paghakbang at pagkanta, nang makita ko ang lalakeng hiniling ko na sana mawala na sa lugar namin.
Huli na para bumalik o umatras pa, dahil nakita na niya ako. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin, pero nang maalala ko na hindi ako kailanman umiwas ng tingin sa kaniya, muli ko binalik ang mga mata ko rito. Mataray ko siyang tiningnan na gaya ng lagi kong ginagawa.
But this jerk suddenly smirk. Pakiramdam ko dahil iyon sa wrong sent na message ko sa kaniya.
Damn! Relax, Reigna. Huwag kang magpahalata. Nawala ang phone mo. Nahulog. Nanakaw. Yeah! Tama!
Naglakad na ako ng diretso. Wala na akong planong pansinin si Lance, dahil nandito ang kinaiinisan kong lalake sa balat ng lupa.
"What are you gonna do with the hammer?" tanong ni Kuya kaya natigil ako sa paghakbang sa may hagdanan.
"May pupukpukin lang ako."
"Ano?"
"Iyong cabinet ko. Magpapako ako."
"Why?"
"Basta!"
"Bakit hindi mo pa ipagawa kay Mang Edu?" Ang dami namang tanong ni Kuya, nakakaasar!
"I want to do it myself. May napanood akong DIY sa YT."
Nagdududang nakatingin sa akin si Kuya. Ganoon din si Bjorn. Si Lance ay saglit lang akong tinapunan ng tingin. Siya dapat ang pumapansin sa akin hindi 'tong pangit na 'to e.
"Sige na, Kuya. May gagawin ako!"
"Nandito na iyong shopper na bumili ng phone mo." Ang bilis naman?
Napatingin kami sa may pintuan. Pumasok ang aming shopper. May bitbit itong paper bag na may logo na nakagat na apple.
"Iwala mo ulit ang phone mo, ha," sabi ni Kuya.
"Hindi ko naman iyon naiwala, e. Baka nahulog nga o kaya nadukot." Medyo diniin ko ang mga bigkas ko ng salita para marinig ng klaro ni Bjorn. Kaso napataas ang kaniyang kilay. Malapit ng umabot sa kaniyang hairline.
"Nawala?" mapagduda nitong tanong. May gumuhit na nakakainis na ngisi sa kaniyang labi, pero hindi ko na lang siya pinansin.
Kinuha ko ang paper bag sa shopper.
"Thank you, Kuya!"
Paakyat na ulit ako nang tawagin ako ni Bjorn.
"Iyong martilyo. Akala ko ba pupukpukin mo ang phone mo?"
Nanlaki ang aking mga mata at ilang segundo akong nanigas sa aking kinatatayuan. Mabuti na lang at nakatalikod na ako sa kanila, kaya hindi nila nakita ang reaksyon ko.
"Phone?" tanong naman ni Kuya.
"Wrong. Magpupukpok pala sa room," bawi ni Bjorn.
Damn you, Bjorn!