Part 3: Halik

2544 Words
Ace AiTenshi Jan 11, 2017   Part 3: Halik   Lumipas ang mga ordinaryong araw sa aking buhay. Maraming ring nag bago mag buhat noong lumabas ako sa publiko upang labanan ang isang depektong robot na aamok sa buong bayan. Mag buhat noon ay marami nang nag nanais na suriin ako at pag aralan, kakaiba raw kasi ang pag kakagawa sa akin, may emosyon at hindi naiiba sa mga ordinaryong binatilyo. Marami rin ang media na gustong i cover ako sa mga pahayagan o kaya ay sa mga magasin lalo na sa mga technology at appliciances sa mga katalogo. Iyon ang dahilan kaya mas lalo pang naging overprotective sa akin si kuya Sam, ngayon ay inilipat na nya ako sa kanyang kwarto upang mas mabantayan daw niya ako, bumili rin siya ng mas malaking higaan dahil malikot raw akong matulog at madalas nalalaglag sa kama.   Isang gabi, pag pasok ko sa aming silid ay naabutan ko si kuya Sam na nakahiga sa kama habang nanonood ng telebisyon. Syempre tulad ng dati ay agad akong lumundag sa kanyang tabi at saka yumakap dito. "Bakit aber?" ang tanong nito habang inililipat ang chanel.   "Bakit agad? Masama bang mag lambing?" ang tanong ko naman habang naka subsob sa kanyang tiyan. "Eh kasi pag ganyan parang may kalokohan kana namang ginawa eh. Katulad na lamang kagabi, kaya ka pala yakap ng yakap sa akin ay natapunan mo ng orange juice yung notebook ko. Noong isang araw naman ay napatay mo yung mga gold fish doon sa aquarium. Hmmm, eh ngayon kaya anong kasalanan mo aber?" ang tanong ni kuya habang naka taas ang kilay.   "Wala naman po kuya eh. Para nag lalambing lang ako." ang sagot ko naman. "Sigurado ka?" ang tanong ulit niya.   "Oo naman kuya. Ako pa.. Honest yata ito!" pag mamalaki ko sabay halik sa kanyang labi. "Ummm tsuppp!"   Parang ikinagulat ni kuya ang aking ginawa kaya medyo lumayo ito sa akin. Nag karoon ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. Pakiwari ko tuloy ay may malaking pag kakamali akong nagawa. "Bakit kuya may problema ba?" pag tataka ko naman.   Tahimik..   Tumingin sa akin si kuya Sam at napa buntong hininga ito. "Tol, hindi dapat nag hahalikan ang mag kapatid sa labi. Lalo na ang dalawang lalaki. Bawal iyon." ang paliwanag niya.   "Eh bakit doon sa tv? Nakita kong nag kikiss yung dalawa sa lips at sinasabing mahal nila ang isa't isa. Eh love din kasi kita kuya kaya hinalikan kita sa labi. Saka sabi sa books ay ang pag halik sa labi ang pinaka mahusay na pag papakita ng pag mamahal sa isang tao. Kaya iyon ang ginawa ko." ang katwiran ko.   "Tol, ibang pag mamahal ang sinasabi doon sa telebisyon at sa libro. Ang pag mamahal na iyon ay sa pagitan ng lalaki at babae lamang. Nag hahalikan sila sa labi para ipakita ang pag mamahal nila sa isa't isa bilang mag kasintahan. Bata ka pa kasi tol kaya't hindi mo ito agad mauunawaan. Maraming uri ng pag halik, ang pag halik sa pisngi ay para sa mag kaibigan at mag kakapatid, ang pag halik naman sa noo ay tanda ng pag mamalasakit at pag galang sa isang tao. Ang halik sa labi naman ay pag papakita apeksyon ng dalawang taong mag kasintahan. Sana ay naunawaan mo tol." ang paliwanag ni kuya dahilan para matahimik ako at makaramdam ng kalungkutan.   "M-mali ba ang ginawa ko?" ang tanong ko naman.   "Mag kapatid tayo tol, dapat ay sa pisngi mo lang ako hahalikan at hindi sa labi. Hindi naman ako galit, nais ko lang malaman mo ang ganoon mga bagay na naka gisnan naming mga tao." ang naka ngiting wika ni Kuya sabay gusot sa aking buhok.   "Pasensya na kuya, hindi kasi ako tao katulad niyo kaya hindi ko alam." ang sagot ko sabay tayo at mabilis na tinumbok ang daan palabas ng silid. Tila ba nakaramdam ako ng kakaibang pag kahiya noong mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay may kung ano bagay na sasabog sa aking dibdib at hindi ko maunawaan kung ano ba ito.   "Sandali tol, eeyyy.. Saan ka pupunta?" ang pag habol ni kuya Sam pero hindi ko na siya pinansin. At dahil nga mabilis akong tumakbo ay hindi na nya ako naabutan. Lumabas ako ng gate at nag tungo kung saan man ako dahil ng aking mga paa.   Tila suntok sa aking dibdib ang mga bagay na hindi ko alam dahil hindi ako tao. Yung mga bagay na ginagawa ng nila na hindi ko naman nakagisnan. Pakiwari ko tuloy ay para akong isang sanggol na kapapanganak pa lamang. Salat sa lahat ng bagay at walang alam kundi ang mag saya at malungkot sa iba't ibang kadahilanan.   Halos ilang minuto rin ako sa ganoong  pag takbo hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa isang parkeng madalas naming pasyalan nila papa. Naupo ako sa ilalim ng puno at dito ay pinag masdan ang mga taong nag lalakad, nag lalaro at nag sasaya sa ilalim ng sikat ng araw. May mga pamilya rin na nag pipicnic habang upo sa munting banig na inilatag sa lupa.   Isang malalim na buntong hininga na lamang ang aking nagawa habang nakatanaw kung saan. Patuloy pa rin ang pag kabog ng aking dibdib kaya naman napahawak na lamang ako dito. Kakaiba ang pakiramdam ng ginawa kong pag halik sa labi ni kuya Sam, para bang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking buong katawan habang naka sugpong ang aking labi sa kanyang labi. Sandaling segundo lamang iyon ngunit hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sarap. Pilit kong inuunawa ang kakaibang kabog ng aking dibdib ngunit patuloy pa  rin akong naguguluhan kapag nararamdaman ko ito.   Tahimik..   "Ace? Anong ginagawa mo dito sa parke?" ang tanong ni kuya Mark. Kaibigan at kaklase siya ni kuya Sam. Mag kasing edad lamang sila at madalas mag kapareha sa mga projects sa school. 5'8 ang taas niya, may maayos na pangangatawan at medyo maputi ang kulay ng balat. Matagal ko nang kakilala si kuya Mark, kung tutuusin ay parang tunay na kapatid na rin ang turing namin sa kanya.   "Alam ba ng kuya Samuel mo na nandito ka? Baka naman tumakas ka lang sa kanya ha." tanong ni kuya Mark habang lumalapit sa aking tabi.   Hindi naman ako kumibo, ibinaling ko nalang ang aking tingin sa ibang direksyon habang naka yakap sa aking sariling tuhod.   "Aba, mukhang may isang batang nag tatampo ah. May problema ba tol? Pwede mo sa akin sabihin ang nararamdaman mo." ang wika niya sabay upo sa aking tabi.   "Masarap bang maging isang tunay na tao?" ang tanong ko.   "Oh bakit naman ganyan ang tanong mo tol? Para sagutin ko iyan, masarap din ang maging isang tao pero minsan ay hinihiling ko na sana ay maging katulad mo ako na malakas at parating naka handang tumulong sa kapwa." naka ngiting tugon ni kuya Mark   Muli akong napabuntong hininga sa kanyang sagot. "Iyan ang nakakatuwa sa pagiging malakas, hindi nila iniisip na minsan ay nasasaktan ka rin." ang sagot ko habang naka pako ang tingin sa kalayuan.   "Aba humuhugot ah. Tell me bro, anong problema mo? Trust me.. Hindi kita isusumbong sa kuya mo." ang naka ngiting tugon ni kuya Mark.   At dahil nga makulit ito ay sinabi ko na  rin ang aking kompletong nararamdaman. Kasama rin sa ikinuwento ko ay iyong ginawa kong pag halik sa labi ni kuya Sam, batay na rin sa napapanood ko sa telebisyon. Mag kahalong lungkot at pangamba ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Samantalang si Kuya Mark naman ay naka tahimik lang at nakikinig sa lahat ng aking sinasabi. "Basta, tumitibok ng mabilis ang dibdib ko. Para bang sasabog ito na hindi ko maunawaan." wika ko naman.   "Hahaha, wala namang mali sa pag halik tol. Natawa lamang ako noong sinabi mong sa labi mo hinalikan ang kuya Sam mo. At sa tingin ko ang nararamdaman mo ay tinatawag na pag kakilig. Yung tipong parang may kuryenteng dumaloy sa iyong katawan at biglang uminit ang iyong pakiramdam. Nag bibinata ka nga bro." ang wika ni Kuya Mark sabay gulo sa aking buhok.   "Hindi naman ako tumatanda eh. Ang tagal ko na sa ganitong taas at anyo." sagot ko habang naka nguso.   "Maaaring di nga nag babago ang iyong pisikal na anyo ngunit ang iyong panloob na aspeto katulad ng iyong  emosyon ay nag mamature. Ang ibig kong sabihin ay natututunan mong maramdaman ang nararamdaman ng mga binatilyong umiibig." ang tugon niya.   "Nararamdaman? Umiibig? Ano ang ibig mong sabihin kuya?"   "Maaaring handa kanang umibig o kaya ay mag mahal. At noong hinalikan mo si Samuel ay mas lalo pang nabuhay ang pakiramdam na iyon sa iyong kaibuturan. Ito ang patunay na malaki ang kaibihan mo sa mga robot na nasa paligid natin. Ang iyong emosyon at nararamdaman ang siyang nag bubukod sa iyo sa kanilang lahat. Napaka espeyal mo at talaga namang katangi tangi sa lahat ." ang wika ni kuya Mark sabay akbay sa akin.   “Kaya ba malaki ang kaibahan ko ay dahil ako lang sa buong mundo ang tanging robot na nang hahalik sa labi ng isang lalaking mas matanda sa akin at kuya ko pa?” ang tanong ko.   Natawa si kuya Mark. “Bukod sa pag halik mo sa kuya mo, marami pang bagay tol, katulad ng kakulitan mo, pagiging cute, pag giging matulungin at mapag mahal. Kita mo na? Maraming bagay sa mundo na bumubuo sa pag katao ng isang nabubuhay na nilalang. Hindi dahil sa iba ang arkitekto ng iyong katawan ay kakaiba na rin ang dapat mong maramdaman. Minsan ay mas tao pa ang robot kaysa sa tunay na tao dahil marunong silang mag lingkod sa kapwa ng walang angal at hinihintay na kapalit.” Paliwanag ni kuya Mark at ito ang mga bagay na gustong gusto ko sa kanya, masyadong matalino at malaman ang kanyang mga salita sa paraan nalilinawan ako at natututo.   Halos tumagal din ng ilang minuto ang pag uusap namin ni kuya Mark. Ipinaliwanag niya sa akin ang tungkol sa mga mag kakasintahan, mga kahulugan ng halik at pati na rin ang aking eksaktong nararamdaman. Tila nalibang naman ako sa kanyang mag sinasabi kaya't hindi ko na namalayan na dumating na pala si kuya Sam sa paligid. "Tol, kanina pa kita hinahanap ah, nandito ka lang pala." ang bungad nito.   Hindi naman ako sumagot. Tumalikod ako sa kanya at iniiwas ang aking mukha dahilan para matawa si kuya Mark. "Nag tatampo iyan tol. Cute no? Alam ko na, tutal naman ay pupunta ako sa inyo para kumuha ng lecture mainam pa siguro kung ako nalang mag sasabay dito kay Ace pauwi. Ayos lang ba iyon Sam?" ang tanong nito   Tango lang isinagot ni kuya Sam, ako naman ay lumakad kasabay ni kuya Mark papunta sa kanyang sasakyan. "Hindi ko maipaliwanag ngunit tila may kakaiba akong kabang naramdam noong makita ko si kuya Samuel, pinag halong hiya at kabog ng dibdib ang lumukob sa aking pag katao. Nakapag tataka dahil hindi naman ako ganito dati." ang malungkot kong wika habang naka tanaw sa labas ng bintana ng sasakyan.   "Ang lahat ng bagay sa mundo ay nag babago tol. May buhay man o wala ang mga ito. Kalakip ng pag babago ng panahon ang siya ring pag iiba ng lahat ng bagay sa ating paligid. Ito ang natatanging sumpa na hindi natin maaaring takasan. Ang ibig kong sabihin ay nadedevelop ang emosyon mo at nagiging isa ka nang binata na marunong humanga. Pag ibig iyan tol. Inlove ka sa kuya Samuel mo." ang natatawang wika nito bagamat ako naman ay sobrang seryoso.   "Umiibig? Inlove? Ako?" ang pag tataka ko naman.   "Oo tol, ang inyong sinasabing nararamdaman ay sintomas ng pag ibig. Naranasan ko rin iyan noong nag kagusto ako sa isang kaklase kong babae. Kumakabog ang aking dibdib kapag nandyan siya. Kapag nag didikit ang aming balat ay parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan at kapag naman nag uusap kami ay nauutal ako na hindi mo malaman. Ngunit sa kabilang banda ay gustong gusto ko siyang nasisilayan o kaya ay nakakasama kahit sandali lang. Iyon ang mga bagay na nag papasaya sa akin ng lubos." ang sagot ni kuya Mark.   Samantala, hindi ko naman maiwasang itanong sa aking sarili kung totoo nga bang umiibig ako kay Kuya Samuel. Ang mga sintomas ng pag ibig na sinabi ni kuya Mark ay paminsan minsan kong nararamdaman lalo na kapag mag kasama kami dalawa sa kwarto. Kapag nakayakap ako sa kanya ay para bang nilulukuban ako ng ibayong tuwa at pag kakilig na hindi ko basta basta maipaliwanag. Basta walang kasing saya ang mga oras na iyon.   Pag dating sa bahay agad akong dumiretso sa aking kwarto para doon ay mahiga, samantalang si kuya Mark naman at kuya Sam ay nag uusap sa sala at naririnig kong nag tatawanan ang mga ito. Marahil ay sinasabi na ni kuya Mark yung mga bagay na pag usapan namin kanina sa parke at sa loob ng kanyang sasakyan. "Arrgghhh! Bakit sasabihin niya iyon?!" ang galit kong sigaw sa aking sarili sabay balikwas ng bangon sa kama at mabilis kong tinumbok ang palabas ng aking silid.   "Maaaring hindi nga tumatanda o lumalaki iyang si Ace ngunit batid kong nag mamature ang emosyon nito. Napaka espesyal ng pag kakagawa sa kanya dahil para siya isang tao na umiibig." ang narinig kong wika ni kuya Mark.   "Umiibig? Si Ace? Umiibig na?" gulat na tanong ni kuya Sam.   "Oo tol, iyon ay batay sa mga nararamdaman niya. Nag bibinata na ang baby bro mo." ang natatawang tugon ni kuya Mark.   "Inlove? Eh kanino naman?" ang tanong ni kuya Sam.   Nangiti si kuya Mark sa katanungang iyon samantalang ako naman ay napakapit nalang sa bakal na haligi ng hagdan kung saan ako naka kubli.   "Oyy Tol, kanino umiibig si Ace?" tanong ulit ni kuya dahilan para mas lalo pang mapahigpit ang kapit ko sa bakal.   Lalong kumabog ang aking dibdib at pakiwari ko ba ay lalabas ang makina sa aking tiyan dahil bimibilis ang pag ikot nito.   Tahimik..   "Inlove siya sa iyo tol." ang wika ni kuya Mark.   BASAG!!!!!   Halos masigaw ako sa matinding galit!!   At naulit pa ito sa aking isipan na parang isang sumpa “Inlove siya sa iyo tol.”   “Inlove siya sa iyo tol.”   “INLOVE SIYA SA IYO TOL!!!”   “INLOVE SIYA!!”   Lalong humigpit ang hawak ko sa haligi at  doon ay nagulat nalang ako ng biglang masira ang hagdan dahil na nayupi ko na ito. Nagiba ang mga baitang na nag kokonekta patungo sa 2nd floor at ako naman ay nahulog mula sa itaas at bumagsak sa kanilang harapan.   Napatingin ako kay Kuya Sam noong mga sandaling iyon. Tila panandalian huminto ang mundo noong mag tama ang aming mga mata at kasabay nito ang isang katanungang bumasag sa lahat. "Umiibig ka sa akin tol?" ang seryosing tanong ni kuya Samuel dahilan para matahimik nalang ako at mapako ang tingin sa sahig kung saan ako naka salampak.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD