Isa si John sa mga sought after na bachelor sa kanilang lugar. Siya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking construction business.
Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, malapit na itong sumara dahil sa finances nito. Halos lahat ng projects na hinahawakan ni John ay successful pero dahil lang sa isang accidente sa isang work site ngayon millions ang utang niya sa mga na accidenteng tauhan.
Kinakailangan niya ng pera pambayad sa mga ito or di kaya ay bebenta niya ang mga gamit niya sa construction.
Dahil ayaw niyang sumuko na isip niyang gawin na lang ang hiling ng kanyang Lolo upang makuha niya ang kanyang mamanahin na pera.
Magagawa kaya niyang ipagpalit ang kanyang kalayaan para sa pera at negosyo? Sundan ang kwento ni John at kung ano ang kanyang gagawin.