bc

The Only Man Book 2: Venomous Lust

book_age18+
1.5K
FOLLOW
8.6K
READ
love-triangle
drama
bxb
heavy
serious
city
betrayal
cheating
secrets
mxm
like
intro-logo
Blurb

Love is a loneliness of one, happiness of two and a quarrel of three. This is how ironic love can be. This will also pave way for Ryan’s peaceful life to change when he suddenly finds himself into one complicated situation that will put him into unending chaos.

chap-preview
Free preview
Part 1
The Only Man 2: Venomous Lust Part 1 "Birthday mo na bukas ah, anong balak mo?" tanong sa akin ni Nick habang lumalabas kami ng campus. "Wala, kaunting ininuman lang tapos videoke. Wala namang ibang gagawin," ang sagot ko naman. "Hindi ka man lang ipaghahanda ng mama mo? Akala ko ba okay na kayong dalawa? Nakakatuwa nga e, masyadong cool si Tita Roxanne," tugon ni Nick habang nakangiti. "Kaya nga ayokong mag celebrate kasama siya, dahil masyado siya cool at ayoko ng ganoon," masungit kong sagot dahilan para matawa siya at tapikin ako sa balikat. "Hala, mainit talaga ang ulo kapag si Tita Roxanne na ang topic?" "Oo, kagabi ay umalis na naman siya suot yung red slutty dress niya at madaling araw na sila umuwi ng mga kaibigan niyang ngayon pa lang nagdadalaga. Mga tumatandang paurong," ang naiinis kong sagot. "Oy, sobra ka naman sa tumatandang paurong, hindi ba pwedeng nalulungkot lang siya dahil single na siya? O naisip mo bang magkakaroon ka ulit ng bagong ama?" tanong nito sa akin. "Wala akong pakialam sa mga bagay na gusto niyang gawin. Kahit magdala pa siya ng mga lalaki sa bahay ay hindi ko siya pinapakialaman, si Philip ang ama ko at wala ng iba pa," ang masungit kong sagot. "Hala, beast mode talaga? Pwede relax ka lang, wish ko magkaayos na kayo ng mama mo para happy na happy na ang lahat." "Kung titigil siya sa mga ginagawa niya, siguro ay mababago ang lahat sa aming dalawa. Pero ngayon? Never!" ang tugon ko naman sabay sakay sa taxi at dito ay napatingin na lamang ako sa labas ng bintana. Ang mga ala-ala ng kahapon ay unti unting nag babalik sa isipan, noong mga panahong maayos pa ang lahat. Grade school pa lamang ako ay tila ramdam ko na talaga na may kakaiba sa akin. Parang bang kahit ano ang gawin ko ay hindi ako nagkakagusto o humahanga sa mga kaklase kong babae. Karaniwan ay mas nagkakainterest ako sa mga schoolmate kong lalaki na mas matanda kaysa akin ngunit siyempre ay observation ko lang naman ito sa aking sarili. Hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dahil masyado pa akong bata noon para isipin ang mga bagay na ganito. Sa paglipas ng panahon ay mas tila nakilala ko ang aking sarili hanggang sa matanggap ko na isa nga akong bakla. Pero gayon pa man ay wala akong pinagsabihan, itinago ko ito at pilit na kinalimutan. Kumilos ako ng matigas, walang bahid ng kahit anong kabadingan, nakikipagsabayan ako sa mga kaklase kong lalaki at nagpapakaastig katulad nila. May isang punto pa nga sa aking buhay noong grade 4 kami ay pumila kaming magkakaibigang lalaki sa oplan tulian doon sa project ng barangay at sumalang kami sa pagpapatuli kahit walang paalam sa aming mga magulang. Ginawa ko ito para maging kasing astig nila. Kailangan kong magtago, kailangan walang makaalam kung ano talaga ako dahil baka iwasan ako ng mga kaibigan ko o ang masama ay pagtampulan pa nila ako ng tuwa at tukso. Grade 5 kami noong sabay sabay kaming naligo sa ilog ng hubo't hubad, siyempre lahat kaming magkakaibigan ay tuli na kaya naman ang yayabang namin noon. Ang hindi ko lang maunawaan ay bigla akong tinigasan noong makita ko ang kanilang mga kahubaran. At dito ay pinagtawanan nila ako kaya naman sa hiya ay agad akong lumubog sa tubig at sumigaw ng "malamig kasi eh!" "Eh bakit ako di naman tinitigasan kahit malamig, siguro bakla ka Ryan," ang biro ng isa. "Bakla? Hindi ah! Tangina pala, gusto ko nga ligawan si Christine e," ang hirit ko naman. "Wow, pare ayos ka. Maganda si Christine malay mo siya maging first girl friend mo, ligawan mo siya. Susuportahan ka namin," ang hirit nila sabay tapik sa aking balikat. Simula noong araw na iyon ay hindi na ako sumama sa kanila maligo. Kahit inaaya nila ako ay hindi na ako pumapayag, nagdadahilan ako dahil ayoko ng mapahiya. Ewan ko ba naman, alam ko naman sa sarili ko na isang akong bakla pero bakit kaya masakit kapag tinatawag nila akong ganoon? Marahil ay hindi ko pa lubos na niyayakap ang sarili ko kaya't masakit para sa akin ang tawaging ganoon. Hindi ko maunawaan ngunit pakiwari ko noon ay wala akong matatakbuhan. Sa school natatakot ako na baka pagtawanan ako, sa bahay naman ay naririndi na ako sa pag aaway nina mama at papa. Ewan, madalas silang hindi magkasundo kaya kadalasan ay nasa kwarto na lamang ako at gumagawa ng aking mga takdang aralin. Maayos ang aming buhay, sina mama at papa ay galing sa mamayang pamilya kaya hindi naman kami na momroblema sa pera. Iyon ang lang ay sinubok kami ng kaliwa't kanang pagsubok lalo na noong si papa ay maaksidente at naging sanhi ito ng kanyang pagkakalumpo. Mula beywang paibaba ay baldado na si papa at naka wheel chair na lamang ako. Ako ang madalas nag aalaga sa kanya kapag wala si kuya Dino na kanyang private nurse. Napakabait ni papa, sa kanya lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin ang totoo tungkol sa aking mga nararanasan. Noong mga sandaling iyon ay nakikinig lang sa akin si papa at inuunawa ang aking mga sinasabi. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin ngunit ginusot lang niya ang aking buhok at sinabing, "walang ibang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw lang rin. Kaya matuto kang yakapin ito at ipagmalaki. Walang masama sa pagiging isang bakla hijo, hangga't wala kang tinatapakang ibang tao. Wala kang sinasaktan, wala kang niloloko at hindi nanlalamang ng kapwa." Noong mga sandaling iyon ay yumakap lang ako kay papa at mas lalo pang lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Habang abala naman kami sa pag uusap ay nakatingin lang siya sa gate ng aming bahay kung saan naroon si mama suot ang kanyang magandang damit at sumakay ito sa kotse ng kanyang kaibigan. Hindi ko maunawaan ngunit noong mga sandaling iyon ay bumakas sa mukha ni papa ang lungkot hindi mo maunawaan. "Dino, saan daw pupunta ang mam mo?" tanong ni Papa sa kanyang private nurse. "Sumama po sa mga kaibigan niya sir Philip, mukhang katulad dati ay sa bar na naman ang punta nila," ang tugon ni kuya Dino. Noong mabaldado si papa ay hindi na niya naibibigay ang pangangailangan ni mama. Kaya magbuhat noong araw na iyon ay tila naghanap ito ng ibang magpapaligaya sa kanya. At ito rin ang naging major reason kung bakit lagi silang nag aaway at nagtatalo sa kanilang silid. Lalo na noong mahuli ni papa ang aking ina na mayroong ibang lalaki katext at laging kasama nito sa bar. Kung minsan ay nakikita ko na lang si papa na umiiyak at nalulungkot sa isang sulok ngunit wala siyang magawa kundi ang hayaang bumagsak ang kanilang relasyon. Hindi nakatulong sa maagang paggaling ni papa ang mga ginagawa ng aking ina bagkus ay mas lumala pa ang kanyang pakiramdam. Bukod sa sakit na iniinda nito ay nalunod pa si papa sa sobrang depresyon at kalungkutan, mga bagay na labis nagpahina sa kanyang kalagayan. Basta isang hapon na umuwi ako ay nakita kong nakahandusay na si papa sa sahig at wala na itong buhay. Pumanaw siya ng mayroong matinding sama ng loob sa aking ina. Iyak ako ng iyak noon, hindi ko matanggap na wala na ang nag-iisang taong nakakaunawa nagmamahal sa akin. Wala na ang aking ama at hindi na ako makakarinig ng payo mula sa kanya. Noong mga sandaling iyon ay halo halong emosyon na ang aking naramdaman, umusbong rin ang galit ko kay mama. Halos siya ang sinisisi ko sa pagkamatay ng aking ama. "Ikaw ang may kasalanan nito! Hindi mo minahal si papa at naghanap ka ng ibang lalaki!! Kaya nadepres si papa at hindi kinaya ng kanyang katawan! Paano mo ito nagawa sa kanya?! Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na siya ngayon!!" ang sigaw ko sa kanyang harapan. "Tumigil ka Ryan! Huwag mo sa akin isisi ang lahat! May kasalanan rin ang papa mo sa akin!" ang sigaw niya sabay sampal sa aking mukha. "Kung may kasalanan man si papa sa iyo ay iyon ang pagiging baldado niya at hindi niya maibigay ang pangangailangan mo! Yun lang iyon mama! Masama ka pala talagaaaaa!" ang sigaw ko rin at dito ay pinagsasampal niya ako, sinabutan at pinagbabalibag ng kung ano ano. Magbuhat noong araw na iyon ay lumamig na ang pakikitungo ko kay mama. Pinipilit niyang bumawi sa akin, nanghihingi ito ng tawad ngunit tila nagsara na rin ang puso ko para sa kanya. Hanggang sa makatungtong ako ng highschool at magsimulang magbinata ay ganoon pa rin ang aking nakagawian. Dahil mayaman ang angkan ni mama ay paganda ito ng paganda. Talagang ginagastusan ni mama ang kanyang itsura kaya hindi halatang mayroon na siyang anak. Maraming naging boyfriend si papa, hindi na siya nag asawa muli. Hinayaan ko lang siya, nasa wastong edad na siya at alam na niya ang kanyang ginagawa. Wala rin akong inamin kay mama, hindi niya alam na isa akong bakla, kung sabagay wala naman talagang nakakaalam dahil no trace ako at astig ring kumilos katulad ng isang astig na lalaki. Naging hingahan ko na ang dumalaw sa puntod ni papa, uupo ako sa tabi ng kanyang nitso at saka mag kukwento ang kung ano ano. Sa kanya rin ako nagsusumbong o naglalabas ng sama ng loob. May pagkakataon rin na para akong tanga, iiyak o kaya ay tatawa habang nagbibida sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay patuloy pa rin ang buhay ko. Habang nagbibinata ako ay mas nakikilala ko ang aking sarili. 3rd year high school ako noong unang mamulat sa makamundong gawain. Dito ko nakilala si Kian na isang graduating student. Siya ang kauna unang tao na nagparanas sa akin ng s*x o pakikipagniig sa kapwa lalaki. Wala pa akong alam noon sa ganitong bagay, siya ang nagmulat sa akin, siya ang pumindot ng confirm button upang yakapin ko ng tuluyan ang aking pagkatao. Si Kian ang unang lalaking naisubo ko at siya rin ang unang lalaking gumamit sa aking likuran upang makaraos. Ngunit ang tungkol sa kanya ay ibang kwento. Maaaring balikan ko ito sa ibang pagkakataon ngunit dahil sa kanya ay namulat ako sa makamundong gawain. Halos ilang beses kaming nagpakasasa sa makamundong gawain bago siya grumaduate ng high school at magpasyang mag aral ng kolehiyo sa malayong siyudad. Ang mga pangyayaring iyon sa aking buhay ay nagbigay ng aral sa akin. Tinapos ko ang high school at pumasok ako sa isang pribadong paaralan sa kolehiyo. Dito ay kumuha ako ng kursong BS Tourism dahil sa tingin ko ay swak ito sa aking physical appreance, lalo na ang aking height na 5'8, maputing balat at maayos na pangangatawan. Noong tumuntong ako sa college ay inimprove ang aking sarili, nagwork out ako at nahilig sa sports kaya gumanda ang kaunti ang hubog at tabas ng aking katawan bagamat medyo payat pa rin akong tingnan. Ang ikalawang yugto ang aking kwento ay magbubukas sa kolehiyo, dito magbabago ng husto ang takbo ng aking tahimik na buhay. Itutuloy..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.8K
bc

NINONG II

read
618.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.3K
bc

NINONG III

read
363.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook