Chapter 1

661 Words
Hope's PoV Sa panahon ngayon, kung hindi ka lalandi, hindi ka na rin magkakaboyfriend o girlfriend. Kaya ako? Nandito ngayon sa mall para mag-star-hunt. Charot! Siyempre gagala lang ako, ano pa nga ba? Paano naman 'yung mga hindi marunong lumandi, 'diba? Edi single na forever? "Miss, p'wede pahawak ako nito?" tanong ng isang babae sa akin sabay lahad ng isang itim na notebook. Ano 'to? Death notebook? Listahan ng mga papatayin o ng mga walang jowa? Siguro kung gano'n edi nangunguna na ako sa listahan? My gosh! "May bayad, gipit ako ngayon eh," sabi ko sabay lahad ng palad ko sa harap niya habang nakapameywang at nakataas ang isang kilay. Dahil sa ikinilos ko ay nalukot ang kanyang mukha. "Joke lang naman, Ate. Ikaw naman hindi ka mabiro. Kukunin na nga eh. Oh ayan," sabi ko sabay hablot na mula sa kanya ng notebook, ipinatong ko iyon sa dibdib ko. "Mag-C-CR lang ako," aniya bago siya pumasok sa CR ng mga babae syempre, alangan namang sa lalaki? Duh? Sa dinami-rami ba naman kasi ng maaaring tambayan, Hope. Bakit sa labas ng CR pa? Sobrang cheap mo na ba talaga? Tsk! "Baka naman may droga 'to sa loob ah?" bulong ko sa sarili ko habang tinititign ang katakot-takot na itim na notebook. Bakit sa lahat ng pangit sa mundo ako pa ang napiling paghawakin ng notebook na 'to? Does that mean maganda na ako? Tss. Why so humble, self? Ilang minuto pa ang duman at hindi pa lumalabas si ate. Kaya siguro iniwan sa akin 'tong notebook niya kasi tatae. Ang arte naman ni ate, ayaw maka-amoy ang notebook niya ng sarili niyang tae. Nakatulog na ako at lahat-lahat pero wala parin si ate. Ano na? Magsasarado na yata 'tong mall, wala pa siya. Ilang toniladang tae ba ang nilabas niya at bakit wala pa siya? "Ma'am magco-close na po ang mall, " anang babaeng may hawak ng map. Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko na may laway pa yata. Tsaka ako tumayo at pinagpag ang sarili. "Ate, wala na bang tao diyan sa loob? Kanina pa kasi ako may hinihintay diyan eh. Di na lumabas," tanong ko sa kanya. "Wala na, Ma'am. Kanina pa ako naglinis diyan, wala ng tao," sagot naman niya. Napakunot ng aking noo at napatingin sa notebook. Sa huli ay tumango nalang ako sa kanya. Iuuwi ko na muna 'tong notebook dahil baka may address naman ng may ari. Isasauli ko rin naman. Nang makauwi ako sa bahay ay ginawa ko na ang mga ritwal ko bilang isang babae. You know, skin-care kahit di naman kaala-alaga ang balat ko. Feelingera lang talaga ako. When I finished all my rituals, I jumped on the bed and started browsing on my ** feed. "Welcome home baby," iyon ang caption ng isa sa mga paborito kong artista na nanganak na. Ang cute naman ng baby niya. Dahil diyan, heart ka sa'kin! "She just turned, I year old today," iyon naman ang sunod na caption ng isa pang paborito kong artista. Talaga bang ipinapamukha na sa akin na kailangan ko ng maghanap ng lalaki at magpabuntis para magkaanak na? Jusme! Anak lang po! "Look who's walki―" pinindot ko na ang back button. "Tama na! Masyado na akong naiinggit sa inyo. Ganyan kayo? edi sana all, 'diba?" pagkausap ko sa sarili ko sa salamin. I even faked a cry. Parang may future pa yata ako sa pag-aartista nito. Halos ihagis ko na lahat ng unan kaya naman pati ang notebook na nakapatong sa gilid ng kama ko ay natamaan. Bumagsak iyon sa sahig kaya lumikha iyon ng ingay. "Hope, ano na naman 'yan?" dinig kong tanong ni Mama mula sa baba na nanonood pa yata ng teleserye. "Wala 'to, Ma!" sagot ko naman sabay ngiwi. Dahan-dahan akong tumayo para pulutin ang nahulog na notebook. Dahil sa pagkakahulog nito ay nakabuka ito ng damputin ko. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakalagay doon. "8 Ways on How To Make a Baby..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD