bc

Dark Prince (Hybrid Series 1) ALUCARD

book_age18+
122
FOLLOW
1K
READ
dark
sex
reincarnation/transmigration
mate
bxg
evil
werewolves
vampire
chubby
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Alucard was in New Orleans to meet his best friend when he senses the familiar scent of a woman. And when he followed her scent he saw the young lady inside the coffee shop. She was enjoying sipping her hot cappuccino, as well as eating her chocolate beignets, like it was the most delicious pastry in the world. She really looks like her—the woman he loved the most over a hundred years ago.

However, he knew that it wasn’t her, yet she has the same scent, the same looks and everything about her. Alucard couldn’t read what’s on her mind, too just like her—his first love, but when she smiled at him—Alucard felt the sudden jolts of his heart inside his chest that had have been already stopped the day she died.

chap-preview
Free preview
Chapter ONE
SHE admired the Spanish architecture of the town of New Orleans. She didn't miss the chance to visit all the tourist spot places of the city, from the famous shotgun houses, garden district, National WWII Museum, Jackson Square and etc. She was lucky that she had the chance to explore the city. Thanks to her aunt Cora for giving her this chance. Ang bunsong kapatid ng papa niya. Pinadalhan kasi siya nito ng invitation letter para dumalo sa kasal nito sa amerikanong kasintahan, na ngayon ay asawa na ng tiyahin niya, sapagkat kinasal na ang mga ito kahapon. Ngayong araw din ay tutulak ang tita at tito George niya papuntang Bahamas para sa honeymoon ng mga ito. At bago bumalik sa Pilipinas ay nais muna niyang maglibang at mamasyal sa buong siyudad. Gusto pa nga ng tita Cora at tito George niya na magpunta siya sa New York, California, Washington at sa ibat–ibang parte ng America, sasagutin ng mga ito ang ticket and hotels na tutuluyan niya, as an early present for her, dahil magtatapos na siya ng pag–aaral. But she declined the offer, It was so tempting though, pero gustohin man niya ay hindi maaari dahil kailangan na rin niyang bumalik ng Pilipinas bukas ng gabi. Eva was half curious about the history of the city, so she decided to visit the most popular house of well known voodoo practitioner Marie Catherine Laveau. The place was creepy and it gives her unpleasant feelings. Kaya naman kaagad din siyang umalis sa lugar na iyon. She was still enjoying her sightseeing while walking and strolling along French Quarter street, nang mapansin niya ang tindahan mula sa kaliwang bahagi niya. Marahil ay souvenir store iyon dahil maraming mga tao ang pumapasok doon. Baka mga turista rin ang mga ito sa lugar na iyon katulad niya. Naengganyo siyang pumasok roon. And she was right, it was a souvenir store called Marie Laveau. The same name of the house, she has been a while ago. They are selling different kinds of stuff such as voodoo dolls, talismans and charms, oil, statues, jewelry and books. Napailing–iling si Eva. She never thought that locals in New Orleans still believe in these things She took the eye bracelet at sinipat–sipat iyon. Her Aunt Cora told her a little about New Orleans history, buong akala niya ay nagbibiro lamang ang tiyahin nang ikuwento nito sa kanya ang history ng lugar at napatunayan na niya ito ngayon. The voodoo was still practiced by some locals, but oh well, there’s nothing wrong with it. Marami rin naman ganitong mga paninda sa Pilipinas. Sa katunayan ay naglipana ang ganitong uri ng paraparnaliya sa tiyangi, idagdag na rin na ang dumaraming mga maghuhula sa bansa. Besides, it was a business and she was so sure that there were still lots of people in the world who believes in this practice, lalo na kung may kinalaman sa love —love spell. Napangiti siya. Ibinalik niya ang hugis matang pulseras kung saan niya iyon kinuha, pagkatapos ay tumalikod. Akmang lalabas na siya ng tindahan nang biglang humarang sa daraanan niya ang isang matandang babae. She greeted her as she plastered the sweetest smile on her lips. She was just trying to be polite and friendly, but the old woman didn’t answer. She made to passed her, but the stranger reached for her arms . Napatingin siya sa kamay ng matanda na ngayon ay kasalukuyang nakahawak sa isang braso niya. Pagkuwan ay ipinikit nito ang mga mata. Frightened registered on her face as she opened her eyes. She looked at her in the eyes as if she could see something behind it. Si Eva ay nakaramdam ng pagkailang sa pagkakatitig ng matandang babae. “What is it, ma’am?” aniya nang hindi nakatiis. “I can see the danger coming on your way. They’re back and they’re coming for you,” “Back from where? And who’s coming?” “But you don’t have to worry, he’ll protect you, ” wika ng matanda na kinalas ang kamay sa pagkakahawak sa braso niya. “Protect me from what?” “You have to be careful,” Gusto pa sana niyang magtanong rito pero tumalikod na ito sa kanya. She wanted to go after her, but for what? Maybe the old lady were just one of those fortune teller around. Sino naman ang nag–balik? At kanino naman siya mag–iingat, aber? Wala naman siyang kaaway o nakasamaan ng loob. Sino ang tinutukoy nitong magpro–protekta sa kanya? At para saan? She could take good care of herself. Creepy indeed! Dapat ba siyang maniwala rito? But it was just a fortune teller maaring hindi totoo, and besides, she never believe sa mga hula na ‘yan. She shrugged her shoulder and got out from the shop. Nakaramdam siya ng biglang pagkalam ng sikmura. The last time she ate was toast bread and coffee and that was eight in the morning. She looked at her wrist watch. It was already half past four in the afternoon, no wonder why she felt famished. May nakita siyang coffee shop sa malapit kaya nagtungo siya roon upang makapag–kape bago bumalik sa hotel niya. She was enjoying sipping her hot cappuccino as well as eating her chocolate beignets, like it was the most delicious pastry from the earth, it was her second time having this delicious bread and she likes it so much. The first time she had it, was when she had a breakfast with her aunt and her husband in a french restaurant. She closed her eyes as she had one more bite. Gutom na gutom siya kaya marahil sarap na sarap siya sa kinakain. “It’s delicious,” aniya na muling kumagat ng hawak–hawak niyang tinapay. May pakiramdam si Eva na may mga matang nakatitig sa kanya. She looked at her left side and saw the man wearing a black full zipper hoodie jumper and she was right. He was staring at her as he sips his own coffee. And the way he looked at her makes her heart pounding inside her chest all of a sudden. The man got the most beautiful emerald eyes on earth. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang kulay ng mga mata, as if he could see her very soul. Malakas ang pakiramdam ni Eva na sa kanya lamang nakatutok ang matingkad na kulay luntiang mga matang iyon. He has a thick dark brows as if, as black as a raven, has a sharp pointed shape of the nose as if God, molded it perfectly and red kissable and sensual lips that every women would die to taste. Sa kabuuan ay guwapo ang lalaki—super duper guwapo! A friendly smiled escaped from her lips. Pero mukhang suplado ang lalaki at sa halip na ngitian siya ay tumayo ito buhat sa pagkakaupo pagkatapos ay kumuha ito ng dolyar sa wallet nito saka tumayo at lumabas ng coffee shop. Dismayadong nasundan niya ito ng tingin. Saktong natutok ang mga mata niya sa pang–upong bahagi ng katawan ng masungit na lalaki. My...oh my... that guy got the most sexiest butt she had ever seen. Naramdaman ni Eva ang pag–iinit ng magkabila niyang pisngi. Naakit ba siya sa estrangherong lalaking iyon? Napakagat siya ng ibabang mga labi. She deliberately shook her head upang itaboy ang agiw sa isip niya. Jeez! Ini–snobbed na nga siya ng lalaking iyon ay kinikilig pa siya. Nang maubos niya ang kape at tinapay ay kaagad siyang nagbayad at lumabas ng coffee shop. She was waiting for a cab to get back to the hotel where she was staying. Pero lahat ng mga taxi na dumaraan sa harapan niya ay may mga pasahero. Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nag–aabang pero ‘di pa rin siya makasakay. Malapit nang kumalat ang kadiliman sa paligid at nagsisialisan na ang nga tao kaya marahil hindi siya makapara ng available na taxi. Nagkikislapan na rin ang ibat–ibang uri ng mga ilaw sa French Quarter Street. Naisip niya na maglakad–lakad na lang muna at baka makakuha siya ng taxi sa kabilang kalye. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga architecture design ng bawat establismento ng naturang lugar. Pagkuway bigla siyang natauhan at nagpalinga–linga sa paligid, mukhang naliligaw pa yata siya. Hindi na matao sa kalyeng tinatahak niya. Marahas siyang napabuntong–hininga. Paano siya nakarating dito? Nasa gano’n siyangnpag–iisip nang biglang may tumulan na malaking hayop sa harapan niya. Tumigil iyon sa pagtakbo at tumingin sa gawi niya? It was huge and hairy creature...like a dog! Napakurap–kurap siya. Nagmamadaling inabot ang canon digital camera na nakasabit sa leeg niya upang kuhanan ng larawan ang higanteng hayop na iyon. Pero bago pa man niya ma–click ang camera ay naka–takbo ang hayop! There’s something about the creature at gusto niya iyon kuhanan ng larawan. Hindi iyon pangkaraniwang aso lamang na nakikita niya sa Pilipinas. Katulad rin ba ng mga amerikano ay malalaki rin ang mga aso sa banyagang lugar na ito? Napangiti siya, sinundan niya ang puting aso hangang sa magawi siya sa isang makitid na pasilyo pero biglang nawala sa paningin niya ang aso, saan ito nagpunta? Hindi kaya bumalik na sa owner nito? Dismayadong napatingin siya sa hawak–hawak na camera. She lost her master piece. Kung bakit kasi ang bagal–bagal niyang kumilos. Paninising aniya sa sarili. Pinagala ang paningin sa paligid niya. Natampal ni Eva ang noo kapagkuwan, anong lugar ito? Saan nga siya nanggaling? Alin sa magkabilang kalye ang pinanggalingan niya bago siya nakarating sa makitid na pasilyong ito? Napalunok siya. She was really lost. Pagkuwan ay napatingin siya sa makapal na kulay itim na mga ulap sa kalangitan. Naging dahilan iyon upang tuluyang kumalat ang kadiliman sa buong kapaligiran. Napapitlag pa siya nang biglang kumulog mg malakas na sinabayan ng pagragasa ng kidlat. May bagyo bang paparating? Kailangan na niyang bumalik sa hotel kung saan siya nanunuluyan pero paano naman? Hindi niya matandaan kung alin sa dalawa ang pinanggalingan niya. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tahakin alin man sa dalawa. Pinili niya ang kaliwang bahagi. Hindi pa man siya nakakalayo ay may mga anino na siyang natatanaw. Lakad takbo ang ginawa niya, kailangan niyang makahingi ng tulong. Kahit malaman man lang niya kung paano makarating sa main street ay labis niyang ipagpapasalamat. Tatlong nakaitim na mga lalaki ang naabutan niya at mukhang abala ang mga ito sa ginagawa. Pero hindi naman siguro mamasamahin ng mga lalaking ito kung magtatanong siya. “E–excuse me, would you guys mind if I ask for a little help?” aniya. Ngunit mukhang walang balak ang isa man sa mga ito na sagutin siya. Abala ang mga ito sa ginagawa. O baka hindi lamang siya narinig ng mga lalaki. Bahagya siyang lumapit sa mga ito upang muling magtanong. Hindi niya rin pinansin ang kakaibang ingay ng hayop na nagmunula roon. Apat ang mga lalaki, ang isa ay nakahiga at napapalibutan ng tatlo. And they are—natuptop ni Eva ang sariling bibig. Tila siya itinulos sa pagkakatayo. Hindi niya magawang umatras o ihakbang man lang ang sariling mga paa. The shock registered on her face as she couln’t even blink her eyes. Nakamata lamang siya sa ginagawang pagsugapa ng tatlong lalaki sa walang buhay na katawan sa harapan ng mga ito. Tila ito mga hayop na gutom na gutom at sabik na sabik. Lumilikha rin ng nakakapangilabot na ingay ang bawat pagnguya ng mga ito. The fear ran all over her system. Namalayan na lamang ni Eva ang paglalandas ng nga luha sa magkabilang sulok ng kanyang nga mata. Nanlalamig ang buong katawan niya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon bago pa mapansin ng mga ito ang presensiya niya . Pero hindi pa rin niya magawang igalaw ang mga paa niya. Isa pa’y nanginginig ang mga iyon. One of those guys stopped upon consuming the flesh of their victim. He raised his head and sniff in the air. And then he turned his head on her way and hissed as he saw her. Her eyes widened as her heart pounding so fast in side her chest. She was trembling and horrified as she couldn’t even move her own body. Sa pamamagitan ng mapaslaw na ilaw sa paligid ay nakita ni Eva ang nakakapangilabot na kulay pula nitong mga mata at ang pagkislap ng mga pangil nito. Katulad nito ay tumigil din sa ginagawa ang dalawang kasama nito at tumingin din sa gawi niya. Halos magkapanabay na tumayo ang tatlong nakakatakot at nakakapangilabot na nilalang na iyon at humarap sa kanya. “Delicious desert,” wika ng isang lalaki. “Smell so good,” the other guy said, as he sniffed in the air. “I never thought that I could have the chance to smell this kind of scent again.” Dagdag pa ng isa na pinahid ang dugo sa mga labi. Sa mabilis na pagkilos ng mga ito namalayan na lamang ni Eva na halos isang dipa na lamang ang pagitan niya sa mga ito. She panicked, what she’ll do? Are they going to devour her like what they did to that poor guy on the ground? Never in her wildest imagination to end up like this. She never thought that vampire exists, they were just in her dreams. Or maybe she was just dreaming? Oh yes, she was just dreaming like what always happened to her, but this dream of her was so unusual, vampires never had the chance to be so close to her like this time and they seemed so real and she was scared like hell. Oh god, please wake me up already. Takot, matinding pagkatakot ang bumabalot ngayon sa kanya. Katapusan na ba niya? Ito na ba ang wakas niya? Uubusin ba ng mga nilalang na ito ang dugo niya? Hindi niya magawamg sumigaw upang makatawag ng tulong sapagkat sa pakiwari ni Eva ay nawalan siya ng kakayahan upang gawin iyon. Walang salitang gustomg mamutawi mula sa kanya. Binabangungot siya! And this is the very first time na hindi niya magawang magising sa panaginip niya. What’s wrong? Why can’t she wake up already? The vampires hissed simultaneously and tried to grab her, pero bago pa man siya maabot ng matutulis na kuko ng mga daliri sa kamay ng mga ito ay biglang tumilapon ang tatlong bampira nang sumulpot sa harapan niya ang isang matangkad na lalaki kasunod nito ang malaking puting aso na sinundan niya kanina. The massive dog snarled that echoed around the darkness of the night as the man growled and hissed in rage. Nakikipagbuno ang aso at ang lalaki sa tatlong bampira. Sa subrang bilis ng pagkilos ng mga ito ay hindi mansundan ng mga mata ni Eva ang bawat galaw ng mga nilalang na ito. At nang mahawakan ng lalaking tagapaligtas niya ang isang bampira ay walang patawad na binali nito ang leeg ng halimaw. Nakita niya ang paglalaho nito sa kadiliman. Naging mabilis pa ang pag–kilos ng estrangherong lalaki na sinundan at dinakma nito ang akmang pagtakas ng isang bampira, sinapit din nito ang nangyari sa kasamahan. Sinakmal naman ng higanteng aso ang natitirang pambira dahilan upang magkahiwalay ang ulo at katawan nito. Katulad din ng dalawang napatay na pambira ay naglaro rin ito at tanging abo ang natira. Napuksa ng lalaki at ng higanteng aso ang tatlong bambira ng walang kahirap–hirap. Pagkuwan ay lumapit ang estrangherong lalaki sa walang buhay na katawan na kanina ay nakita niyang kinakain ng tatlong bampira. The man ripped off his neck at kagaya ng tatlong nasawing bampira ay unti–unting naging abo ang katawan. Shocked consumed her whole being, kailanman ay hindi pa ito nangyayari sa mga panaginip niya. Marahil sa pagod at matinding pagkasindak ay unti–unting nagdilim ang paningin ni Eva pero bago pa man bumagsak ang katawan niya ay mabilis siyang nasalo ng lalaki. “GOOD EVENING, Ms. Dizon, I’m glad you’re awake.” Nakangiting wika ng babaeng may blond na buhok using her American accent. “How are you feeling?” She added Namumukhaan niya ito. Mabilis siyang napaupo buhat sa pagkakahiga sa gitna ng kama. “Where am I?” Kaagad na tanong niya rito. “You’re in your suite, Ms. Dizon.” Pinagala niya ang mga paningin. Nasa loob nga siya ng silid ng hotel kung saan siya naka–check–in. At ang babaeng nasa harapan niya ay ang receptionist ng hotel. Ang huling tatatandaan niya ay naglalakad siya along French Square street. “How did I come back here?” The lady in uniform smiled, halatang kinikilig ito. “ A handsome guy, brought you back here, Ms. Dizon. He found you unconscious on the French Square street.” “A guy?” “Yep! A very handsome, hunk and hot guy with the perfect butt,” lumapad ang pagkakangiti nito. A perfect butt? Isa lang naman ang natatandaan niyang lalaking guwapo, hunk at hot na may magandang pang upong bahagi ng katawan. Ang supladong lalaking iyon nakita niya sa may coffee shop. “Do you know who he is?” Gumuhit ang pagkadismaya sa magandang mukha ng Americana. “He left after he talked to the manager,” “I see,” “Is there anything I can do for you, Ms?” Nagugutom siya. Iyon ang nararamdaman niya sa ngayon. Ang huling kain niya ay sa coffee shop. “What time is it?” “It’s half past eight in the evening,” “Would you mind if you could bring me some foods?” “Certainly not!” “Your food will be serve soon, Ms. Dizon. ” saad nito pagkatapos nitong makipag–usap sa kabilang linya. “Is there anything else?” “Nothing, thank you so much and I really appreciate your kindness,” “You’re most welcome, Ms. Dizon. If there is something you need, please don’t hesitate to use the phone and give us a call,” “I will, thank you.” Nginitian siya nito bago ito lumabas ng kanyang silid. Naiwang siyang nahulog sa malalim na pag–iisip kung bakit siya nawalan ng malay. Wala siyang matandaan. There are blurred images in her thoughts, the massive dog and the unknown man who protected her from vampires. Was it just a dream at all? Yeah, perhaps, those maybe were just a dream. Hindi siya mahilig manood ng mga horror, suspense, paranormal at kung anu–ano pang may kinalaman sa mga nakakatakot na nilalang, pero mula nang mag–pitong anyos siya ay madalas na siyang nananaginip ng tungkol sa mga vampira, lobo at kung anu–ano pang nakakatakot na nilalang. Maybe what happened to the French Square Street were just part of her dream. Ugh! She already used to it, but that dream was so peculiar than before. It was like real and she was so terrified and so scared, oh dear, when would be this bad dream will end? Habang tumatagal ay lalong nagiging malala ang mga panaginip niya. Pero sabi ng receptionist ay natagpuan daw siya ng lalaking iyon ng walang malay pero hindi naman niya matandaan kung bakit bigla na lang siyang nawalan ng ulirat. Maybe she lost her consciousness while walking? Sa subrang pagod malamang. She was stretching out her arms as she noticed the white envelope and a jewelry box on the top of a side table by her bed. Inabot niya ang sobre at kahon. Nangislap ang nga mata niya nang makita niya ang nilalaman n’yon. Napangiti siya at kaagad na inilabas ang laman n’yon pagkatapos ay isinuot sa kanyang leeg. It was a white gold necklace with red diamond pendant. She thought she lost it at the wedding yesterday. Thank god, she found it. Napakaimportante ng kuwentas sa kanya dahil bigay ito ng kanyang namayapang lola noong ipagdiwang niya ang ika–pitong taong gulang niya. Her grand mother told her that the necklace will protect her from evil and to never take it off. Unfortunately, she did for the very first time mula nang ipamana iyon sa kanya ng lola niya. It was a heirloom necklace dahil galing pa raw ito sa kanunu–nunuan ng lola Catarina niya na ipinapamana raw sa bawat panganay na anak ng kanilang angkan. Luckily, she was the eldest and only daughter of her parents. Her parents got divorced when she was fifteen, and during that time she lived with her mom, but then Eva decided to live on her own when she turned eighteen. Nag–asawa na rin kasi uli ang mama niya and she doesn’t want to be a burden sa bagong pamilya nito. And so her dad, nauna pa itong mag–asawa dahil pagkatapos mawalan ng bisa ang kasal nito sa mama niya ay pinakasalan nito ang girlfriend na kung hindi siya nagkakamali ay isa sa dahilan kung bakit nanghiwalay ang mga magulang niya. But oh well, her parents are both happily married now at may mga kapatid na nga siya both sides. And she was happy for both of them. Kailan man ay hindi niya tinanggal ang kuwentas niyang iyon pero ginawa niya kahapon sa araw ng kasal ng tiyahin. Pinahiram kasi siya nito ng kuwentas na mas akma sa suot niyang gown bilang maid of honor nito. Malapad ang mga ngiting hinawakan niya ang pendant ng kanyang kuwentas. Isang araw lang niya hindi naisuot ang kuwentas pero pakiramdam niya ay napakahabang panahon na. Pagkuwa’y binuksan niya ang laman ng sobre, it was a letter from her aunt. Bago ito magtungo sa Bahamas kasama ang asawa ay idinaan muna nito ang kuwentas niya sa hotel. Hindi nakapagtataka kung bakit nakapasok ang tiyahin niya sa hotel dahil pag–aari ng napangasawa nito ang hotel na tinutuluyan niya. At bilang may–bahay nito ay may karapatan na ang tiyahin niya. Tatawagan na sana niya ang tita niya para magpasalamat, but she had a second thought nasa honeymoon state ito kasama ang asawa at hindi niya gustong maisturbo ang mga ito. Bagkos ay nagpadala na lamang siya ng message rito. After she sent her gratitude, Eva stood up from bed and walked towards the toilet. She need to take a shower before anything else.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook