Chapter 1

1538 Words
Chapter 1 : Ang huling hiling ni Lolo Tobin Boris' POV “Pinapatawag po kayo ng lolo niyo,” sabi sa akin ng housemaid namin nang pumasok ito sa kuwarto ko. Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga dahil ayaw kong pinaghihintay ang mahal kong lolo. Pinuntahan ko siya sa terrace ng mansyon namin. Nakaupo siya roon habang nakatingin sa manggahan namin. “Pinapatawag niyo raw po ako, lolo?” Sinalubong niya ako nang magandang ngiti. May hawak-hawak siyang tasa na may lamang manggo tea na paboritong-paborito niya. “Kumusta ang negosyo mo, apo?” tanong niya agad sa akin. Tumabi ako sa kaniya at saka tumingin na rin sa manggahan namin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya. Ang putla ng mukha niya ngayon. Parang may sakit siya ngayon. “Maayos naman po. Hindi bumababa sa limang milyon ang kita kada buwan,” sagot ko. Habang inuusap niya ako ay tinititigan kong mabuti ang mukha niya. “Teka nga po, ayos lang po ba kayo, lolo? Bakit parang ang pale po ng istura niyo?” tanong ko n sa kanya. Nag-aalala ako. Baka kasi may malubha na siyang sakit. “Apo, gusto ko sana bago ako mawala sa mundong ‘to ay makita ko manlang na ikasal ka sa magandang binibini,” sabi niya sa akin. Ni hindi manlang niya sinagot ang tanong ko. “Lolo, hindi ko po gusto ang tono nang pananalita niyo,” sagot ko at saka ko hinawakan ang kamay niya. “Boris, apo, nanghihina na ako. Iyon ang totoo,” diretsyo niyang sabi sa akin kaya nalungkot na agad ako. Bigla ko tuloy siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit. “Ayoko, lolo. Hindi niyo po ako puwedeng iwan.” Hagod-hagod niya ang likod ko. Humihikbi na kasi ako. Kung sa iba OA ang mga ganitong eksena, puwes, sa akin ay hindi. Mahal na mahal ko ang lolo ko. The best lolo siya para sa akin. Lahat ng gusto ko noong bata pa ako magpa-hanggang ngayon ay binibigay niya. Sobrang spoiled ako sa kanya. Kailanman ay hindi niya ako pinagsalitaan ng masama o pinagbuhatan manlang ng kamay. Siya ang palaging tagapagtanggol ko sa tuwing may nang-aaway at bumu-bully sa akin. Lahat yata nang nanakit sa akin noong highschool ako ay napatalsik niya sa school namin. Binabayaran niya ang principal namin para lang ma-kick-out ang mga mayayabang kong kaklase. “Apo, hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag namatay ako na hindi ko manlang nasilayan na ikasal ka sa isang babae. Kailangan, habang buhay pa ako, ipakilala mo na sa amin ang girlfriend mo. Pakasalan mo na agad at marami namang tayong pera. Kayang-kaya mo naman na siyang buhayin,” sabi niya. Masakit man para sa akin ang humiling na siya bago siya mamatay ay wala naman akong magagawa kung ‘di ang tanggapin na lang at ang pagbigyan siya. Kaya naman matapos kong kausapin si Lolo Tobin ay sunod ko namang pinuntahan sina mama at papa sa kuwarto nila. Saktong pagpunta ko roon ay parehas silang umiinom ng tea. “Oh, ano’t napunta ka rito? May kailangan ka ba?” tanong ni Mama Feronia. Pumunta ako sa maliit nilang table at saka na rin ako nagsalin ng tea para makainom na rin ako. “Oo nga, nakakapagtaka na bigla kang napunta sa kuwarto namin na hindi mo naman madalas gawin. Siguro ay may importante kang sasabihin. Sige na, sabihin mo na kung ano ang pinunta mo rito?” tanong naman ni Papa Hagar. “Baka may problema sa work,” singit agad ni mama. Naupo ako sa kama nila. Seryoso ko silang tinignan. Alam kong may alam na rin sila. Bago ako ay sila muna ang unang makakaalam na may malubhang sakit na si lolo. Ang kinakainis ko lang ay bakit wala manlang nagsabi sa akin? “Nais na raw akong makitang ikasal ni lolo sa isang magadang binibini,” sabi ko kaya nakita kong nangiti pa sila. “Ako’y payag. Nasa tamang edad ka naman na kaya dapat lang,” sagot agad ni papa. “Tama, gusto ko na rin kasing magka-apo,” sabi naman ni mama.   ”Mahina na raw si lolo at malapit nang mamatay kaya ‘yon na ang huling hiling niya sa ‘kin,” sabi ko kaya agad silang napatayo nang sabay. Muntik pa nga nilang maibuga ang iniinom nilang tea, e. “Teka, totoo ba ‘yan? Namamaalam na ba siya?” Hindi makapaniwalag tanong ni mama. “Anak, kung joke lang ‘yan, hindi magandang biro ‘yan. Masama ang ginagawan mo nang kuwento ang lolo mo,” sabi pa ni papa na hindi talaga naniniwala sa akin. “Maputla ang mukha niya nang kausapin niya ako kanina sa terrace. Halatang may malubha na siyang sakit. Kung ayaw niyong maniwala sa akin ay puntahan ninyo siya para maniwala kayo,” sabi ko. Sinunod naman nila ang sinabi ko. Dali-dali silang lumabas sa kuwarto nila at mag-isa akong iniwanan doon. Habang mag-isa na lang ako roon ay kinuha ko ang phone ko para tawagan ang isa sa bestfriend kong lalaki. “Oh? Bakit napatawag ka?” sagot niya sa kabilang linya. Dinig ko ang mga nilulutong pagkain sa background niya. Mukhang nasa work pa siya. “I need your help, Draven,” sabi ko agad sa kanya. “Sure, kahit ano, basta ikaw,” sagot naman agad niya kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Kailangan ko na agad magka-girlfriend, biglaan ito,” sabi ko sa kanya kaya bigla siyang natahimik. Hindi agad siya nakasagot sa akin. Pakiramdam ko ay tinawanan pa niya ako nang mahina. “Ah, eh, seryoso ka ba?”tanong niya kaya napailing ako. Sabagay, hindi naman kasi talaga kapani-paniwala dahil alam nilang walang akong hilig sa babae dahil tanggap ko nang hindi ako magkaka-jowa dahil sa itsura ng katawan ko. Sobrang taba ko kasi. Ang size ng katawan ko ay halos katumbas ng tatlong katawan ng lalaki. Bata pa lang ako ay ganito na ako. Maaga akong napabayaan sa kusina. Walang umaawat, kaya hanggang sa paglaki ko ay patuloy pa ring lumulobo ang katawan ko. Minsan nga, hindi na maiwasan ng mga tao ang pagtawanan na lang ako bigla. Lapitin na ako ng mga panunukso. Kahit nang highschool ako ay madalas akong ma-bully. Karamihan pa sa mga ‘yon ay kababaihan. Kaya naman, hindi na ako naglalakas ng loob na manligaw ng mga babae dahil alam ko na agad ang mangyayari sa akin. Tanggap ko ng tatanda akong binata. “Oo, seryoso ako. Huling hiling ito ng lolo ko kaya hindi puwede na hindi ko ‘to matutupad para sa kanya,” sagot ko kaya nakuha ko na ang atensyon niya. “Okay. Mukhang si Kennedy ang kailangan natin diyan. Siya lang naman ang matinik sa babae e,” sagot niya. Alam kong mahirap ang hinihiling ni lolo sa akin. Pero para sa kaniya ay gagawin ko ang lahat para mapasaya siya kahit sa huling hininga niya. Nang bumalik na sa kuwarto sina mama at papa ay nagpaalam na muna ako kay Draven. “Draven, mamaya na lang ulit tayo mag-usap at kakausapin ko pa muna ang parents ko,” paalam ko sa kaniya at saka ko pinatay ang linya ko. Nakita kong nanlumo rin ang mga mukha nila nang bumalik na sila sa kuwarto nila. “Tama ka nga, may malubha na nga siyang sakit,” sabi ni mama habang hindi maipinta ang mukha. “Inilihim pala sa atin ng lolo mo na may cancer siya. Stage 4 na kaya talagang manghihina na siya ngayon,” sabi ni papa na namumula ang mata. Mukhang nag-iyakan pa sila sa kuwarto ni lolo nang pumunta sila kanina. “Kaya gusto kong matupad ang huling hiling niya para mapasaya ko siya habang buhay pa ito. Kailangan kong makahanap agad ng babaeng mapapakasalan ko. Ang problema lang ay paano kaya ‘yon kung alam kong walang magkakagusto sa ganitong dambuhala ang katawan?” Napaiwas tuloy ako nang tingin sa kanila. Ayokong nakikita ang mga mukha nila kapag kinakaawaan ako. Masyado kasing obvious. “Don''t worry, tutulungan ka namin, anak,” sabi ni mama. “Napag-usapan na namin ng mama mo na kung wala ka mang totoong iniibig na babae sa ngayon ay magbabayad na lang tayo ng babae na magpapanggap na asawa mo sa harap ng lolo mo para malutas na agad ang problema mo,” sabi ni papa kaya nanlaki ang mata ko. Hindi ko naisip ang naisip nila. Dahil doon ay mukhang matutupad ko na ang huling hiling ni lolo. Peke man ay at least, mapapasaya ko na siya. “Maghahanda ako ng kahit gaanong kalaking pera, makahanap lang ng babaeng handang magpakasal sa akin,” sabi ko sa kanila kaya nginitian naman nila ako. Ito ang gusto sa mga magulang ko. Hindi nila ako hinahayaang sarilihin ang problema ko. Tutulong at tutulong sila sa akin hangga’t kaya nila.  Kasado na tuloy ang lahat. Ang paghahanap na lang namin nila Kennedy at Draven ng babae ang susunod na hakbang. Sana lang ay magtagumpay kami. Para kay lolo ay gagawin ko ang lahat makabawi manlang ako sa kanya sa pagpapasaya niya sa akin sa buong buhay ko. Sisiguraduhin ko na bago siya malagutan ng hininga ay makakasal na ako sa isang magandang babae.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD