Chapter 3

1491 Words
Chapter 3 : Sino si Malcolm at ano siya?  Lori’s POV  Nagising ako dahil sa ingay ng isang motor. Napabalikwas ako nang bangon nang makitang hindi sa amin ang bahay na tinulugan ko. Nasa isang kuwarto ako na walang bintana. Pulang-pula ang buong kulay ng dinding. Ang weird at nakakatakot. Doon na unti-unting pumasok sa utak ko na may nilalang nga pa lang dumukot sa akin kagabi. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakita kong may tali ako sa dalawa kong paa kaya hindi ko na ninais pang tumayo. Natakot ako dahil hindi ko alam kung anong dahilan nang pagdukot sa akin ng nilalang na ‘yon. Sa dinamirami ng tao na nagkalat kagabi ay bakit ako pa? Mayamaya ay may isang tao na pumasok sa kuwarto ko. Lalaki ito at may itsura. May dala-dala siyang tray na may nakalagay na mga pagkain. “Oh, kumain ka na, babae.” Malamig ang boses nito at mukhang seryoso. Tinititigan ko siya. Sinusubukan kong kilalanin siya pero sadyang ngayon ko lang nakita ang mukha niya. “Kuya, please, pakawalan mo na ako. Wala kayong mapapala sa ‘kin. Mahirap lang kami. Walang tutubos sa akin dito,” pagmamakaawa ko sa kaniya pero hindi ito kumibo. Basta na lang niya iniwan sa kama ang pagkain ko at pagkatapos ay lumabas na ito sa silid ko. Narinig ko pa na tila kinandado niyang mabuti ang kuwarto ko para hindi ako makatakas. Tinignan ko ang tray. Maraming pagkain na naroon kaya natakam na rin akong kumain. Dahil sa pagdukot sa akin kagabi ay hindi ako nakakain ng hapunan kaya ramdam na ramdam ko ngayon ang gutom ko. Nakita kong may tatlong ulam ang tray. Mainit-init din ang kanin kaya kinain ko na rin. Kabado man ako dahil mukhang hindi nila ako pakakawalan ay pinili ko pa ring kumain para sakaling makatakas ako mamaya ay may lakas ako. Saglit ko lang kinain ang mga pagkain dahil sa gutom ko. Pagkatapos ay nag-isip na ako ng paraan para makatakas. Tumingin ako sa paligid. Naghanap ako ng bagay na maaari kong gamitin para masira ang tali na nakatali sa paa ko. Wala akong nakita kaya nanlumo ang mukha ko. Kailangan kong makatakas dito dahil pakiramdam ko ay may masama silang gagawin sa akin. “Parating na si boss. Siguraduhin na busog at malinis ang babae para mailipat na agad siya sa dorm nito,” dinig kong sabi ng isang lalaki sa labas ng silid ko. Ano kayang balak nila sa akin? May boss pala sila at iyon ang tila mami-meet ko mamaya. Lalo akong kinakabahan. Hindi kaya ibenta nila ang mga lamang-loob ko? Iyon kasi ang madalas kong mabalitaan ngayon sa telebisyon. Napatitig ako bigla sa tinidor na ginamit kong pangkain kanina. Bigla ko iyong kinuha at saka nilagay sa tagiliran ko. Sakto naman na bumukas na ulit ang pinto ng silid ko kaya naghanda na ako. Medyo lumakas na ang loob ko dahil kahit pa paano ay may gamit na akong panlaban sa kanila. Dalawang lalaki ang pumasok. Ang isa ay kinuha ang tray at ang isa naman ay tinatanggal na ang tali sa mga paa ko. “Tumayo ka na riyan at dadalhin ka na sa boss namin,” sabi nito sa akin kaya sumunod na lang ako. Pagtayo ko ay inakay niya ako palabas ng kuwarto. Napanganga ako paglabas namin doon. Sobrang ganda pala ng loob ng bahay na kinaroroonan namin ngayon. Kung susuriin ko ay tila mansyon ito. Silabong kami ng anim na kasambahay. Ibinigay ako ng lalaki sa isang matandang babae na tila mayordoma roon. “S-saan niyo ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya pero wala itong sagot sa akin. Tila pinagbabawal sa bahay na ito ang pagsasalita. Hindi kaya pinutulan sila ng mga dila? Ang bongga lang dahil sumakay kami sa elevator. Ang yaman talaga ng may-ari nito. Akalain mo iyon. May elevator sa mansyon na ito. Paglabas namin sa elevator ay nakarating kami sa ikalawang palapag ng bahay. “Sige na, igayak na lang ang kaniyang susuotin at ako nang bahalang magpaligo sa kaniya,” sabi ng mayordoma kaya humiwalay sa amin ang limang kasambahay na kasama namin. Dinala ako sa isang silid ng matandang babae. Kung tatakas ako ngayon ay mukhang kayang-kaya ko na siya dahil matanda na ito. “Paliliguan kita dahil gusto ni Sir Malcolm na malinis ang bagong magiging girlfriend niya bago niya ito muling ma-meet,” sabi sa akin ng mayordoma. “Ma-meet muli? T-teka, na-meet ko na po ba ang boss niyo?” Nakapagtataka. Ibig sabihin ba nito ay kakilala ko lang ang taong nagpadukot sa akin? “Siya ang pumili sa iyo ng kusa. Siya mismo ang dumukot sa iyo kagabi,” sagot ng mayordoma. “B-bakit? Ano po bang kailangan niya sa akin, lola? Natatakot po kasi ako,” sabi ko sa kaniya. Sinusubukan kong kunin ang loob niya para tulungan niya ako pero maging ito ay parang walang pakialam sa akin. Dinala niya ako sa loob ng banyo. Kasama pa rin siya sa loob na tila paliliguan pa niya ako. “Gusto niya lang ng bagong girlfriend. Iyon lang iyon. Basta sumunod ka lang naman sa kaniya ay wala namang mangyayaring masama sa iyo,” sabi ng mayordoma habang tinatanggal na ang mga saplot ko. Nang maalalaa ko ang tinidor na nasa tagiliran ko ay bigla kong hininto ang patanggal niya sa palda ko. “T-teka, bago niyo po ako paliguan ay maari bang dumumi muna ako?” Nakahinga ako ng maluwag nang ihinto niya ang pagtanggal ng palda ko. “Oh, basta bilisan mo at parating na kasi si Sir Malcolm, kailangan bago siya dumating dito ay maayos ka na,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Paglabas ng mayordoma sa banyo ay agad kong ni-lock ang pinto. Napangiti ako dahil malaki ang butas ng bintana ng banyo. Mababa lang din iyon kaya madali akong nakatuntong sa lababo para makalusot doon. Pagtingin ko sa labas ay mayroon akong maaaring madaanan. May matibay na sanga akong nakitang malapit sa baba ng bintana kaya roon na ako sumakay. Hindi ako nagdalawang-isip na bumaba roon. Napapikit pa ako dahil iniisip kong mababali ang sanga pero hindi iyon nangyari. Sanay ako sa pag-akyat sa mga puno dahil nang bata pa ako ay madalas akong umakyat sa puno ng bayabas. Pagbaba ko sa damuhan ay sigaw ng mayordoma ang narinig ko. “Tumakas ang babae! Hulihin niyo siya, bilis!” Doon na ako nagtatakbo paalis doon. Sa kalsada ako tumuloy para madali akong makahanap ng tulong. Sakto naman na isang sasakyan ang naharang ko. Huminto ito at saka nagbukas ng binata. “Tulong. Tulungan niyo po ako,” sabi ko sa kaniya. Nanlaki ang mata ko. Nakita ko kasi na naging pula ang mata ng lalaking nasa likod ng sasakyan. “Mga tanga talaga sila. Natakasan sila ng babaeng ito,” sabi ng lalaki kaya roon ko napagtanto na mukhang ito na si Malcolm na sinasabi nila. Siya ang lalaking dumukot sa akin kagabi na sigurado akong hindi normal na tao. Hindi na ako tumunganga pa. Nagtatakbo na ulit ako palayo sa kaniya. May mall akong nakita kaya roon ako mabilis na tumakbo. Nang makapasok na ako sa mall ay nakahinga na ako ng maluwag. Ang saya ko dahil nakatakas ako sa kanila. Lumingon ako sa likuran ko para siguraduhing wala nang sumusunod sa akin, pero nanlaki ang mata ko dahil nakita ko agad si Malcolm na tila walang kahingal-hingal na nakasunod ka agad sa akin. Seryoso ang mukha nito. Pinagmasdan ko siya. May itsura ito. Sobrang puti niya, singkit ang mata at maliit ang mukha. Saka, parang ka-edad ko lang siya. “Hindi ka makakatakas sa akin. Kahit bilisan mo pa ang takbo mo ay mahahabol kita,” sabi niya kaya tumakbo pa rin ako nang tumakbo para mawala sa paningin niya. Dahil sa pagtatakbo ko ay may nasunggo akong isang matabang lalaki. Nabuwal ako sa sahig. Agad naman akong tumayo. “Sorry,” sabay naming sabi ng lalaking mataba na nakasunggo ko. Tumingin ako sa likuran. Nakakatakot si Malcolm dahil kalmado lang siya habang hinahabol ako. Tumuloy ko sa hagdan-paitaas. Magtago na lang ang tanging naiisip kong gawin para makatakas sa kaniya kaya sa parking lot ako ng mall pumunta. Napailing ako dahil mukhang hindi maganda ang naisip kong ito. Gayunpaman ay nagtago na lang ko sa likod ng isang kotse. Nakakabigla lang dahil nakita kong parang kasing bilis ng kidlat kung ito ay tumakbo. Sa isang iglap lang ay nakarating si Malcolm sa gitna ng parking area. Pinapahaba niya ang ilong at nguso na para bang hinahanap ako. Nanlaki na lang ang mata ko dahil sa isang iglap lang ulit ay nakita niya agad ako. Ngumiti siya sa akin na labas ang dalawang matulis ngipin. Nanginig ang mga tuhod ko sa nakita ko. “B-bampira ka?” tanong ko kaya tumango naman siya. Sisigaw na dapat ako pero mabilis niya akong siniko sa mukha ko kaya agad akong nawala ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD