Kabanata 2

1429 Words
Kamuntik ko pa makalimutan ang bilin ni tiya kanina buti na lang talaga ay naalala ko. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng one piece nang maalala ko ang pinapakuha nitong mga gulay kina Aling Gorya. Dali-dali akong kumuha ng jacket at inayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Inayos ko rin ang salamin sa mata at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Paglabas ko pa lang ng bahay ay ramdam ko na agad ang kaba habang naglalakad. Hindi talaga ako sanay na lumalabas ng bahay dahil pakiramdam ko kapag sa tuwing lumalabas ako ay pagtitinginan lang ako ng mga tao. Bahagya kong isinuot ang hoodie nitong jacket ko at naglakad na lang habang nakayuko. At mas dumoble pa ang kaba ko no'ng naalala ko na naman na laging tambayan ng mga lalaking tambay 'yong tindahan ni Aling Gorya. Mula sa kalayuan ay natanaw ko na ang may kalakihang tindahan ni Aling Gorya. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala ni sinuman ngayon ang nakatambay sa tindahan niya. Nagmadali akong maglakad. Halos lakad takbo na ang ginagawa ko makaabot lang agad. "Tao po, Aling Gorya si Lara po ito. Kukunin ko lang po sana 'yong mga gulay na binili ni tiya," saad ko sa may kalakasang boses. Habang naghihintay ay panay ang paglinga ko sa paligid dahil baka may biglang sumulpot na mga male species dito sa harapan ko at atakihin na naman ako ng anxiety. Ang hirap pa naman patigilin ng panginginig ng buong kalamnan ko. Samahan pa ng pagkarera nitong puso ko na parang aatakihin ako sa kaba. Ganito ang kalala ang nararanasan ko sa t'wing lumalabas ako ng bahay. "Oh Lara! Ikaw pala iha, pasensya ka na at natagalan ha? May ginagawa kasi ako sa likod-bahay," ani ng matanda. "Heto na 'yong mga gulay ng tiya mo." Tipid akong ngumiti sa kan'ya at dahan-dahang kinuha ang inabot nitong isang supot na naglalaman ng mga sari-saring gulay. "Chito! Saan ka na naman pupunta? Magbantay ka nga ng tindahan dito!" sigaw ni Aling Gorya sa anak nito. Napalingon ako sa pinto ng bahay nila. Nakita kong papalabas doon si Chito. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko talagang nalalagi rito sa tindahan ni Aling Gorya ay dahil sa anak nitong si Chito na kaklase ko mula elementarya hanggang sa highschool. Siya rin ang number one bully ko noon. Walang araw na hindi niya ako napapansin at napapaiyak kaya hanggang ngayon masyado pa rin akong apektado sa presensiya niya dahil sa trauma na dinanas ko noon. Pagkalabas nito sa pinto ay nagpang-abot ang mga mata namin at agad sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Long time no see Lara!" masayang bati nito habang naglalakad papalapit sa'kin. Hindi ko siya pinapansin at agad-agad akong naglakad papalayo sa kan'ya. Aside sa pagiging bully nito ay notorious na babaero rin ang lalaki. Halos naging siyota na niya ang mga kakabaehan sa'min. Batugan ang lalaki at hanggang ngayon ay wala pa rin itong trabaho at umaasa lang sa mga magulang nito. "Hoy teka lang, magkapit-bahay lang tayo pero hindi kita nakikita palagi." Hinawakan niya ako sa balikat nang mahabol niya ako. "Bitawan mo ako Chito," mahina kong saad. "Ano ka ba parang hawak lang eh," tatawa-tawang ani nito. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at nagsimula ulit maglakad. Habang nakasunod pa rin si Chito sa likuran ko. Panay lang ang yuko ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay. Isa pa naman ito sa pinakaayaw ko, ang pag-chismisan. "Chito, bat mo ba ako sinusundan?" may inis sa boses kong tanong sa kan'ya. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Siyempre daanan 'to. Bakit? Bawal na bang dumaan dito ngayon?" patay malisya nitong sagot sa'kin. Sinong tanga ang maniniwala sa sinasabi niya? Obvious naman kasing sinusundan niya ako. Panay pa tingin nito sa puwetan ko kaya mas lalo akong naaasiwa. "Sige mauna ka na." "No thanks, okay na ako rito," may halong nakakalokong ngiti na ani nito. Pinakalma ko ang sarili ko dahil unti-unting nag-iinit ang ulo ko. Masyadong maiksi ang pasensiya ko para makipag-plastikan sa kan'ya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito muli. "Pupuwede bang tigilan mo ang pagtitig sa puwet ko?" prangka ko sa kan'ya. "Whoah?! Hindi ba masyado ka atang feelingera niyan?" natatawang ani nito. "Hindi ako nakikipagbiruan Chito! Kung gusto mong dumaan, eh di mauna ka!" Hindi ko na nakontrol pa ang boses ko at hindi ko namalayan napapasigaw na pala ako. "Sino ka para diktahan ako sa gagawin ko?" seryosong ani nito. Napaatras pa ako nang kaunti dahil unti-unti itong naglalakad sa kinaroroonan ko. "Wala kang pakialam kung gusto kong maglakad sa likuran mo. Kaya huwag mo akong pagtataasan ng boses." Matinding kaba na talaga ang nararamdaman ko ngayon para akong masusuka at mahihimatay. Sa nanginginig kong boses ay nagawa ko pa ring sagutin ang sinabi ni Chito sa'kin. "Kanina mo pa tinititigan ang puwet ko Chito. Nangmamanyak ka na!" Atras lang ako ng atras dahil hindi pa rin tumitigil sa paglapit si Chito sa'kin hanggang sa napatigil ako dahil hindi na ako makakaatras pa. Iilang pulgada lamang ang pagitan ng aming mga labi at magdidikit na iyon. "Ito ba ang pinagmamalaki mo?" Biglang dinakot ni Chito ang puwet ko. Napatalon ako sa gulat at tumawa naman si Chito sa naging reaksyon ko. Itinulak ko siya ng malakas at biglang napaangat ang kanan kong kamay at dumapo iyon sa pisngi ni Chito. Lumaki ang mata ko dahil sa gulat habang nakabitin pa rin sa iri ang kamay na pinagsampal ko sa kan'ya. "Pesteng babaeng 'to!" sigaw ni Chito sa'kin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil nanginginig na ako sa takot. "Bakit mo ako sinampal?!" "Pasensya na Chito. Hindi naman kasi tama 'yong ginagawa mo," mahina kong sagot sa kan'ya. "Akala mo maganda ka ha? Huwag kang ilusyonada. Hinding-hindi ako papatol sa'yo atsaka pasalamat ka bawing-bawi ka sa puwet!" sigaw ulit nito sa'kin. Biglang nandilim ang paningin ko nang hawakan ulit ni Chito ang puwetan ko. May kung anong mainit sa pakiramdam ang dumadaloy ngayon sa buo kong katawan at parang lahat ng init na nararamdaman ko ngayon ay natipon sa mga mata ko. Tinabig ko ang kamay ni Chito sa may likuran ko at hinawakan iyon at pinaikot. Napaigik sa sakit si Chito at mas lalo pa akong ginanahan nang makita kong umiiyak na ito sa sakit dahil sa ginawa ko. Ngumisi ako sa kan'ya at sinipa siya dahilan kaya napasubsob ito sa semento. Hindi ko napapansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang makitang dumaloy ang dugo sa katawan ng lalaking ito. Hindi pa ako nakuntento at pinagtatadyakan ko pa siya sa sikmura. Para akong mabangis na hayop na pinapatay ang pagkain nito at handang-handang sumakmal. "Aray Putcha! Tama na Lara!" paiyak na sigaw ni Chito. "Hoy awatin niyo!" sigawan ng mga nanonood sa'min. "Hawakan niyo na si Lara, baka mapatay niya si Chito!" Tumigil ako sa ginagawa ko at hinawakan ko ang baba ni Chito at sinabing, "Papatayin kita sa susunod na lumapit ka pa sa'kin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi ng lalaki habang napatango naman ito sa sinabi ko. "Tulong..." Ang huling sinabi ni Chito atsaka nawalan ito ng malay. Agad naman akong umalis sa ibabaw ng lalaki at dahan-dahang naglakad papalayo. "Hoy! Tawagin niyo si Lara, huwag niyong paalisin!" sigaw ng mga kapitbahay namin. "Ayaw ko nga, nakita mo ba ang mga mata no'n. Pulang-pula at parang hayop kung umasta baka ako naman ang mabugbog!" Bigla akong nahilo at nakaramdam ako ng lamig sa katawan. Kani-kanina lamang ay mainit ang buo kong sistema at nagtaka pa ako dahil nasa tapat na ako ng gate namin habang bitbit ang isang supot ng gulay sa kamay. "Teka? Paano ako nakarating dito?" bulong ko sa sarili. Ang huling natatandaan ko ay ang pakikipagtalo ko kay Chito dahil sa pangmamanyak nito sa'kin. Naglakad ba akong tulog? "Lara? Anong ginagawa mo riyan? Hala pumasok ka na at para mailuto ko iyang mga gulay," si tiya. Nakauwi na pala ito. Nalilito pa rin ako at isa pa ring misteryo sa'kin kung papaano ako nakarating sa bahay namin na hindi ko namamalayan. Napaka-imposible talaga dahil wala akong maalala sa mga nangyari bago ako makarating dito. Nagtataka man ay pilit ko na lang itong isinawalang bahala dahil baka nasobrahan lang ako sa kapupuyat ko kaya nawawala ang focus ko. Kinabukasan ay parang ako natuklaw ng ahas dahil sa balitang nakaabot sa'kin. Bugbog sarado raw si Chito at maraming bali sa katawan. Naka-confine ngayon sa hospital at ang taong naging dahilan ng pagkaka-ospital niya raw ay, AKO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD