KABANATA 4

2090 Words
Iniwan ko muna si Ada sa couch at nagtungo ako sa kusina to prepare for our dinner.   Tinitingnan-tingnan ko naman siya kung ano na ang ginagawa niya, pero thank God at wala naman siyang ibang ginagawa dahil nakahiga lang siya at nakahilig ang ulo sa couch.   Nag-focus na lang ulit ako sa pagluluto.   I cooked a hot miso soup para matanggal ang pagkahilo niya dahil sa ininom niyang alak kanina. Then afterwards ay inayos ko naman na ang mesa.   Hindi ko kasi alam kung ano ang pumasok naman sa ulo niya para laklakin niya ang isang bote ng Tequila na nakalagay sa wine cabinet ko.   Hay nako.   Alam ko naman kung ano ang dahilan, I mean, posibleng mga dahilan, pero hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin niya.   Napapailing na lamang ako habang naghihiwa ng mga ingredients sa soup na gagawin ko.   Tiningnan ko ulit si Ada at nakita ko namang nakasandal pa rin ang ulo niya sa headboard ng couch.   Mabuti naman kung ganoon ngunit pinagmasdan ko siyang maigi.   Mukhang hindi siya okay kaya naman I made her a hot tea para mahimasmasan siya.   "Ada…" I called her as I went to her.   "Hmmm?" ungol niya. Nakapikit pa rin siya.   Lumapit ako sa kinapepwestuhan niya at naupo.   "Drink this,” I said. “Kahit kaunti lang para mawala ang pagkahilo mo," wika ko rito.   Dumilat naman siya nang bahagya.   "What's that?" tanong niya sa akin.   "A tea,” tugon ko. “This will make you feel better, a lot," saad ko rito.   I guided her na makaupo nang maayos para makainom siya. Then I lend the hot tea to her.   "Careful,” paalala ko sa kanya. “It's hot," dagdag ko pa rito habang inaabot sa kanya nang dahan-dahan ang basong may tsaa na tinimpla ko.   She sipped from it.   "Ehem…" napaubo siya.   "Oh, I said careful," sambit ko. “Mainit pa iyan. Napaso ka tuloy.”   Iniabot naman na niya sa akin ang baso na may tsaa tapos nilapag ko muna ito sa side table na nasa gilid ko.   "Let's eat na,” aya ko na sa kanya. “I cooked already," sabi ko.   Tumango naman siya sign na gusto na niyang kumain, that's why I guided her na makatayo at saka inakay siya papuntang dining table.   Pinaupo ko siya at tinabihan.   "You want this?" tanong ko.   She just nodded.   Nilagyan ko naman siya sa bowl niya ng miso soup.   “Masarap ito habang mainit,” I said habang nilalagyan siya ng soup sa bowl.   Tahimik lang siya at hindi nagsasalita.   “Here,” I said.   “Um,” sambit lang niya.   Inilapit ko sa kanya ang bowl na nilagyan ko ng soup.   And yes, humigop at kumain naman siya kahit hindi ko siya subuan. At least nakatulong ‘yung tea na binigay ko at pinainom sa kanya kanina.   "I'll get the tea," paalam ko rito.   “Um,” tango niyang sambit sa akin.   Iniwan ko na muna siya sa dining table at kinuha ko sa salas ang tsaa na ginawa ko kanina para inumin niya.   Pagbalik ko ay humihigop pa rin siya ng soup na niluto ko.   "’Yan, tama ‘yan,” sambit ko rito.   Napatingin naman siya sa akin.   “Humigop ka lang ng sabaw kasi maiinitan ang sikmura mo at nang mahimasmasan ka rin,” wika ko. “Um, ito ang gawin mong tubig," I said nang ilapag ko na ang tsaa niya sa mesa.   Tumango naman siya ulit sa akin pagkatapos ay bumaling ulit sa hinihigop niyang sabaw.   Masunurin, naisambit ko na lang sa isip ko habang pinagmamasdan lang siya sa kanyang pagkain.   Kumain na rin ako. Sinabayan ko na rin siya para maihatid siya mamaya sa kanila.   After we eat ay nag-ayos na siya ng sarili niya pero halata mo pa ring dizzy siya kasi nga sa ininom niyang Tequila kanina.   Dapat kasi ay itinago ko ang alak na iyon eh. ‘Yan tuloy nakita niya at ininom.   Bakit naman kasi kailangan pa niyang uminom noon? Naisip ko na namang bigla.   Hay, Ada.   Habang nag-aayos siya ng sarili niya ay naghugas naman ako ng mga ginamit namin. Pagkatapos ay ako naman ang nag-ayos ng sarili ko para maihatid na siya at gumagabi na.   "Are you done?" tanong ko sa kanya nang makapagpalit na ako ng damit ko.   She nodded again. Hindi pa rin siya nagsasalita masyado. Marahil ay nararamdaman pa rin niya ang pagkahilo.   Bumaba na kami from my condominium at dumiretso sa parking lot.   Of course, I guided her pa rin. Hindi pwedeng hindi lalo na at hindi pa talaga siya okay. Tipsy pa rin siya.   "Feeling better?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ako at binabagtas na namin ang kahabaan ng EDSA.   Tumango naman siya nang bahagya at saka nagsalita.   "Yeah. A little bit," she said, ngunit mararamdaman mo na hindi pa nga siya okay.   "Take a nap. I'll just wake you up kapag malapit na tayo," pautos na wika ko rito.   She nodded as she follows me again.   Humilig siya sa may headboard ng upuan ng sasakyan ko at pumikit.   Nakatulog siguro siya.   Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. Naisip ko kasi bigla ang mangyayari sa amin bukas.   Paano kung mapag-isipan niya na makipaghiwalay na sa akin dahil alam niyang buhay ang kakambal ko?   Paano kung bigla niyang hilingin ang kalayaan niya sa akin para matuloy ang naudlot na pagmamahalan nila ni Fraud?   Paano ko maibibigay iyon sa kanya kung alam ko sa sarili ko na mahal ko siya?   Paano ko ibibigay ang isang bagay na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko?   Heto na naman ako sa kakaisip sa mga paano ko.   Nag-o-overthinking na naman ako sa kung ano ang mangyayari at kahihitnan bukas.   Hay.   Stop thinking for a while, Frolic, sita ko sa sarili ko. Hindi nakakatulong sa iyo.   Napahinto ako nang makita ko ang kulay ng traffic light. Nagpula kasi ito kaya naman itinigil ko ang sasakyan. Then I looked at her.   Ang peaceful nang tulog niya. But I know deep inside of her is hurting.   She feels the hurt kasi nakita na nga niya si Fraud pero hindi naman siya ma-recognize nito. And I know the exact feeling. I'm just scared of thinking na baka one day bigla na lang siyang mawala sa akin at bumalik kay Fraud.   Hindi naman kasi siya sa akin talaga. Parang hiniram ko lang siya sa kakambal ko.   Hiniram para makilala.   Hiniram para pasayahin.   Hiniram para alagaan.   At hiniram para mahalin.   Pero patay na siya, hindi ba?   Pero hindi dahil buhay na buhay siya.   Nakita ko siya.   Nakita siya ni Ada.   Pero bakit bumalik pa siya?   Masaya na si Ada.   Masaya na kami.   What if mangyari nga ang iniisip ko?   What if makipaghiwalay nga talaga sa akin si Ada?   No, bigla kong sita na naman sa sarili ko. Hindi mangyayari iyon, Frolic.   Pero gaya nga ng nasa isip ko, she was never been mine. She was my twin’s fiancée. At hindi siya what if kasi talagang mangyayari ‘yon. I know for sure na magiging okay sila ni Fraud.   I know.   Why?   Kasi I will help her.   Yes, I will help her.   Mahal ko siya.   And this is what we called love.   Hindi selfish.   Mahal ko si Ada.   At gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya kahit kapalit no’n ay ang maging malungkot ako.   Yes. I will do it for her.   Napasulyap na naman ako sa traffic light at naging kulay berde na ang ilaw nito kaya naman nagmaneho na akong muli.   I focused my on driving, kahit hindi ko na magawa dahil ngayon pa lang ay nasasaktan na ako.   I don't know but a tear suddenly fell from my cheeks.   Ganito pala kasakit. Ngayon ko lang naramdaman.   Iyong tipong mahal mo na siya, tapos biglang darating ‘yung taong unang minahal niya?   Ano’ng laban ko ro’n?   Eh halos nang magagandang dahilan para mahalin niya ang kakambal ko ay wala naman sa akin.   Napapunas tuloy ako sa pisngi ko at napatingin sa kabilang side. Tapos nagulat ako kasi biglang may humawak sa kamay ko na nagda-drive.   Napatingin tuloy ako.   "Please stay with me, Frolic," she said tapos she closed her eyes. Then dahan-dahang nalaglag ang kamay niya sa lap ko. Nakatulog ulit.   Did she knows what I'm talking about? gulat kong tanong sa isip ko.   I touched her cheek tapos I said…   "I won't leave you, M," I whispered. ‘Yan lang tapos may tumulo na naman na luha mula sa mga mata ko.   ADA'S POV   Frolic sent me home. At kanina pa ako nandito sa kwarto ko.   Siya?   Umuwi na ata.   Yeah.   Ata.   Hindi ko kasi alam kung nakauwi na ba siya dahil dinala niya ako rito sa kwarto ko na kasama si Daddy.   Maybe nag-usap sila about what happened sa pagpunta namin sa address na binigay ni Dad kanina sa akin.   And speaking of that, I don't know.   I don't know what will I'm going to do.   I want to see Fraud again. Pero hindi naman niya ako naaalala.   What will I do para maalala niya ako?   Tumayo ako kahit nahihilo. Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at naupo roon.   "Why? Why you have to do this? Lahat naman binigay ko. Alam mo ‘yon," I said.   Who am I talking with?   Of course, Him.   "Lahat nang sakit na binigay mo, lahat ‘yon pinaglabanan ko. Ano na naman ‘to?" napaluha na naman ako. "You know how much I am eager to see him again. And yes, you let me see him again but what is this this time? He didn't even know nor recognized me. What the hell?" hindi ko na mapigilan pa. Napaluha na naman ako.   Hindi ko kasi maintindihan eh.   Masaya na ako, oo.   Pero ano na naman ‘to?   Alam niya kung gaano ko kamahal si Fraud.   Alam niya.   Pero bakit ganito?   "I don't want this. I don't want this..." I said as I cried.   Yeah, I cried again.   Ang sakit kasi rito.   Ang sakit-sakit.   Parang lahat nang sakit nasalo ko na.   Parang nagsabog ngayong araw at good catch ako dahil ako lang mag-isa ang sumalo.   Grabe naman ‘to!   "Ahh!" sambit ko, hindi pasigaw.   Ada, calm down, I said sa sarili ko. Calm down. Baka atakehin ka na naman. Tandaan mo, wala kang kasama sa kwarto. Baka matuluyan ka. Kakayanin mo ba ‘yon? Hindi ka pa nga naaalala ni Fraud, mawawala ka na? iyan ang sabi ko sa isip ko.   Ang g*g* ko ‘di ba? Hanggang sa utak at isip ko, si Fraud pa rin.   Bakit ba kasi?   I stopped.   I heard my phone.   It’s ringing.   I get my bag and answer my phone.   "Hello?" sambit ko without even knowing kung sino ang tumatawag. The heck ‘di ba? Hindi ko na talaga tiningnan pa kung sino ang tumatawag.   "Hi, Bff," narinig ko ang boses ni Thea.   "Hi," malumanay kong sagot dito ngunit mababakas ang lungkot sa boses ko.   "Oh? Something happened?" tanong niya.   "Ah-Ah," napatigil ako.   Will I tell her na buhay si Fraud?   "Tell me, Ada. Something wrong? Nag-away ba kayo ni Frolic?" tanong niya na may kasama na ring pag-aalala sa boses niya.   I shook my head kahit hindi naman niya nakikita.   "No, Thea, wala ito," pagsisinungaling ko rito.   "Then bakit ganyan ang boses mo?" tanong na naman niya sa akin.   I took a deep breath first.   "I want to tell you something, Thea," I said.   "Okay. What is it?" tanong niya.   Huminga na naman ako nang malalim bago sumagot sa kanya.   "Promise me you won't freak out," paalala ko lang. Baka kasi magulat at sumigaw siya sa kabilang linya.   "Napaisip tuloy ako sa sinabi mo, Ada but okay, Bff. Noted," she said.   Okay. This is it.   I don't know if tama bang sabihin sa kanya pero she must know also about it.   Dapat lang na malaman din niya dahil kasama ko siya sa paghahanap ng katotohanan kay Fraud noon.   "Thea..." sambit ko sa pangalan niya.   "Ummm?" naghihintay siya nang sagot.   "Fraud is alive," I said, pabulong.   Wala na akong narinig na respond mula sa kanya.   After a minute of silence sa linya niya ay biglang....   "Tooooooooot!" ‘yan na ‘yung narinig ko.   What happened? tanong ko sa isip ko. Napatingin ako sa phone ko.   Na-disconnect.   I don't know.   Maybe nagulat siya at nag-freak out nang sobra dahil sa nalaman niya.   Kahit din naman ako eh. Nag-freak out ako nang malaman ko na buhay nga si Fraud.   Hay.   I went back to my bed and lay down.   Ayoko na munang mag-isip. Ayoko na munang mag-isip sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD