bc

Game of Affection with The Billionaire (R18)

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
drama
bxg
small town
surrender
like
intro-logo
Blurb

#TagalogWritingContest-LoveGameWithAMulti-facetedBillionaire

Seksi, maganda at nakakabighani, iyan si Syrene. Marami siyang mga nalolokong lalaki dahil na rin sa kanyang taglay na karisma. Ginagamit niya ang kanyang alindog para manloko ng mga lalaki upang magkaroon siya ng maraming pera.

Hanggang sa makilala niya si Dylan, isang kaawa-awang binata na tinulungan niya sa gitna ng malakas na ulan. Isang binatang nagpanggap na mahirap. Itinago ang tunay na katauhan bilang isang secret agent at multi-billionaire businessman upang mapaikot siya at mapanakot sa kasalanang nagawa niya.

Paano matatanggap ni Syrene na ang lalaking tinulungan niya ay ang apo ng huling taong naging biktima niya?

Paano nga kaya makikipaglaro ang mga tadhana sa kanilang dalawa kung ang hangad ng isa't isa ay makapaghiganti? Uusbong ba ang tunay na pag-ibig o mas titindi lamang ang kanilang galit?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Pupuntahan mo na naman ang asukal de papa mo, Syrene?" tanong sa akin ni Vanessa, pinsan kong kasing edad ko lang. Pareho kaming iniwan ng mga Nanay namin para sumama sa ibang lalaki. Si Vanessa na lang ang bukod tanging tao na nakakaintindi sa akin kung bakit hanggang ngayon heto pa rin ako at naghahanap ng taong magiging dahilan para yumaman ako. Gusto ko kasing ipamukha sa Nanay ko na marami na akong pera at nang pagsisihan niya kung bakit niya ako iniwan na lamang sa mga kamag-anak namin na walang ginawa kun'di apihin ako. Tumingin ako sa kanya nang nakataas ang dulo ng aking mga labi. Isinusuot ko ang fifteen millimeters kong bilog na hikaw. "Ilang linggo na kayo ng bago mong boyfriend?" usisa pa niya sa akin. "Vane, kilala mo naman ako. May expiration sa akin ang mga lalaki, no? P'wera na lang kung mayaman, at malapit na ring mawala sa mundo." "Hindi ka pa ba nakakapag-ipon? Marami ka ng niloloko na parokyano, baka naman mamaya ikaw na ang maloko niyan?" pagbabanta sa akin ni Vanessa. Nginitian ko lamang ito. Hindi pa ako naloko ng mga lalaki dahil kabisado ko na sila. Alam ko naman na katawan ko lang ang habol nila, ngunit hanggang ngayon nanatili pa ring dalisay ang aking p********e. "Gusto kong makapag-ipon pa ng malaki. Isang negosyante ang boyfriend ko ngayon, Vane. Maswerte ako ngayon sa naibigay sa akin ni Madam Lea na sugar daddy." "Pinapalalahanan lang kita, Syrene. Baka mapahamak ka pa sa ginagawa mong ito sa sarili mo. Mayaman at makapangyarihang tao si Don Miguel, baka mamaya mapahamak ka pa." Tumayo ako at hinarap si Vanessa. "Huwag kang mag-alala dahil alam ko naman ang ginagawa ko." Tinapik ko ang balikat nito at kinuha ang sling bag kong kulay pink. Muli kong pinasadahan ang aking kabuuan sa salamin. Suot ko ang v-shape na hanging blouse at fitted na black pants. Naka-high heels din ako at naka-bun ang aking buhok. Ito ang outfit na gusto ni Don Miguel, ang simple look lang pero nakakaakit. Gustong-gusto kasi nitong hinahwakan ang bewang ko at hinahalikan ang aking leeg. Seventy years old na si Don Miguel ngunit napakahilig pa nito sa s*x. Iyon nga lang at nagagawa niyang tanggihan ang kagustuhan nitong maangkin siya. "Syrene, mag-iingat ka. Iba lang kasi ang pakiramdam ko ngayong araw. Hindi ako mapakali at hindi rin ako nakatulog kagabi. Iniisip kita baka mapahamak ka sa mga ginagawa mo." "Vanessa, nararamdaman ko na hindi lang pera ang habol ko kay Don Miguel. Minsan parang gusto ko na ring pumayag sa gusto niya na maging asawa niya." Hinila ni Vanessa ang buhok ko. "Sira ka ba!" sighal niya sa akin. "Hindi ako nagbibiro, Vane. Mabait at mapagmahal si Don Miguel. Lahat ng gusto ko ibinibigay niya at kahit na anong desisyon ko nirerespeto niya. Ganoon niya ako kamahal, Vane. Siguro hindi na lang escort ang turing niya sa akin kun'di tunay na girlfriend. Wife material, kumbaga." Akma akong sasabunutan muli ni Vanessa pero naiwasan ko siya. "Ewan ko sa iyo, Syrene. Basta mag-iingat ka. Iba lang talaga ang kutob ko ngayon parang may ibang mangyayari. Basta kapag may ginawa sa iyo si Don Miguel, tawagan mo ako kaagad. O, kaya naman tawagan mo si Aling Bubah. Siya pa rin naman ang manager mo kaya siya ang may pananagutan sa iyo," mahabang linya ni Vanessa. Sinundan niya ako hanggang sa may pintuan ng inuupahan naming bahay. "Oo na. Salamat sa pag-aalala, Vane. Sige na, mauna na aalis na ako. Baka late na naman akong makauwi mamayang gabi. Iwan mo na lang sa ilalim nitong doormat iyong susi, ha. Tulog-mantika ka pa naman kaya mas mabuti kung hindi na kita aabalahin. Iyon nga pa lang pwesto na sinasabi mo para pagtayuan ng beauty salon natin, ayusin mo na. Kailangan nating maipatayo ang beauty salon natin dahil malapit na akong mag-retire. Napapagod na din ako na makipaglandian." Sinabayan ko ng malutong na pagtawa ang huling salitang sinabi ko. "Oo, aayusin ko na. Sinabihan ko na rin iyong mga kaibigan nating parlorista na nawalan ng trabaho sa club. Sana talaga, tumigil ka na sa ginagawa mo, Syrene. Puro nga matatanda ang pinupuntirya mo pero baka mamaya iyan mapahamak ka pa." "Iba na ito, Vane. Iba ang nararamdaman ko kay Don Miguel, baka siya na ang sagot sa mga dasal ko sa mundo." "Sira ka talaga, Syrene. Sige na nga umalis ka na," natatawang pananaboy nito sa akin. Kinindatan ko na lamang si Vanessa at saka ako tuluyang umalis ng bahay. Sa labas ng gate at naghihintay na sa akin ang aking sundo. Si Manong Pablito, ang personal driver ni Don Miguel. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Iniabot nito sa akin ang kumpol ng red roses bago ako sumakay sa loob ng kotse. Binasa ko ang maliit na papel na nakasuksok sa may bouquet. "Mahal kong Syrene, ikaw lang ang laman ng isip ko bawat araw. At hindi ko na matiis na hindi kita masilayan. Gustong-gusto na kitang yakapin at halikan. Bilisan mo, mahal." Kinikilig naman akong mabasa ang sulat kamay ni Don Miguel. Dalawang linggo pa lamang kaming magkakilala ngunit napapalagay na ang loob ko sa kanya. Nakangiti sa akin si Manong Pablito nang sumakay ito sa may driver's seat. "Tiyak ako na madadagdagan na naman ang buhay ni Don Miguel kapag nakita niya kayo Madam Syrene," natutuwang sabi nito sa akin. "Kahapon lang naman kaming nagkita at na-miss na niya ako ng sobra?" "Madam, kung bakit ba kasi ayaw ninyong manatili sa mansion. Kung papayag na kayo na maging asawa ni Don Miguel hindi na siya malukungkot kapag hindi ka niya nakikita madam. Tanggapin mo na kasi ang alok niyang pagpapakasal." "Masiyado pang maaga, Manong Pablito para sa mga ganyang mga bagay. Gusto ko munang makilala nang lubusan si Don Miguel. Oo nga pala, Manong Pablito. Wala na bang kamag-anak si Don Miguel?" Malungkot na tumingin sa akin ang matanda. "Matagal na rin ang panahon noong huli kong nakita na kasama ni Don Miguel ang mga apo niya, madam. Siguro may labing limang taon na ang nakakalipas. Hindi kasi naging maganda ang relasyon ng mga apo ni Don Miguel sa kanilang ina. Iba kasi ang ugali noon ni Don Miguel, masiyado siyang matapobre at makasarili. Noong namatay ang nag-iisang anak niya doon lamang nagbago ang ugali ni Don Miguel. Ang masakit nga lamang ay hindi na niya nakita ang mga apo niya. Hindi tuloy nila nalaman na nagbago na nang tuluyan si Don Miguel," malungkot na pagkukuwento ni Manong Pablito. "Wala akong nakikitang mga larawan ng mga apo ni Don Miguel sa mansion niya. Hindi ko tuloy alam kung sino sila. Baka p'wede natin silang hanapin, Manong Pablito?" Umiling ang matanda sa sinabi ko. "Hindi tumira sa hacienda ang mga anak ni Senorita Yvee, Madam Syrene. Matagal nang ipinahahanap ni Don Miguel ang mga apo niya ngunit hanggang ngayon wala pa ring nangyayari. Siguro ay wala na silang balak pa na bumalik dito sa Hacienda Liwanag." Bigla akong nalungkot sa kuwento ni Manong Pablito. Siguro nga talagang itinago na ni Senorita Yvee ang mga anak niya para hindi na mahanap pa ni Don Miguel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
473.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
519.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
612.8K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
472.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook