Kabanata 2

1279 Words
Lumipas ang kalahating oras ng biyahe ay nakarating na ako dito sa Hacienda Liwanag ni Don Miguel. Binati ako ng mga katulong na lumapit sa akin pagbaba ko sa sasakyan. Inihatid naman ako ni Manong Pablito sa veranda kung saan naroon si Don Miguel. Nagulat ako nang makita ko siya na nakaupo sa isang wooden chair at may sandalan na malambot na unan. Kahapon lamang ay masaya niya akong niyakap ngunit ngayon parang may masama itong pakiramdam. Kung dati, iniisip ko na ang pambobolang sasabihin ko ngunit ngayon bigla na lamang akong natahimik. "Syrene, mahal, ikaw na ba iyan?" nangangatal ang mga labing tanong sa akin ni Don Miguel. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Mahal, okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Gusto mong dalhin na kita sa doctor?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Dinala niya ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang dibdib. At ang isang kamay ko ay hinagkan ni Don Miguel. "Gusto kong mabuhay pa ng matagal para makasama ka, Syrene. Ngunit mukhang hindi ko na magagawang samahan ka. Ipinaayos ko sa attorney ko ang pera na gusto kong ibigay sa iyo. Gamitin mo ang perang iyon para makapagbagong buhay ka. Ilaan mo sa negosyo na pagkakakitaan mo para hindi ka na bumalik pa sa club at maging escort ng kung sino-sinong lalaki." Ang alam ni Don Miguel ay maruming babae ako dahil sa klase ng trabahong mayroon ako. "Hindi ko matatanggap ang pera na---" Pinisil nito ang aking palad. "Huwag mong tanggihan ang inaalok ko, mahal. Gusto kong mapabuti ang buhay mo. Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sa iyo na masaya ako na nakilala kita Syrene. Binago mo ang takbo ng buhay ko at tinuruan mo ulit akong mangarap sa kabila ng aking katandaan." "Don Miguel..." Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Huwag mong sabihin iyan. Sabi mo nga 'di ba, hihintayin mo pa na sagutin kita? Hindi mo na ba kayang hintayin ang sagot ko?" Ngumiti sa akin si Don Miguel. "Sasagutin mo na ba ako?" Hindi ako nakaimik sa tanong nito sa akin. Naaawa ako sa kanya at hindi pagmamahal ang nararamdaman ko. Unfair iyon para sa kanya kaya hindi ko kayang sumagot. "Pagkatapos kang ihatid ni Pablito kahapon, dumating ang panganay na apo ko. Nahanap ko na rin siya sa wakas, Syrene. Sinabi niya sa akin na napatawad na niya ako sa ginawa ko sa kanilang ina. Masayang-masaya ako, Syrene dahil nakita ko na siya. Natupad niya ang pangarap niya bilang isang industrial engineer, may sariling negosyo sa Manila at may iba't ibang investments sa ibang bansa. Sinabi niya sa akin na ang bunso ng kapatid niya ay nasa America ngayon at doon na nakatira. Wala na silang balak na bumalik pa dito sa Nueva Ecija. Pinatawad na niya ako ngunit pakiramdam ko patuloy pa rin akong pinaparusahan ng mga kasalanan ko sa kanila." Bumuhos nag luha ni Don Miguel habang sinasabi nito ang malungkot na nangyari kahapon. Niyakap ko siya at ipinaramdam na nandito ako sa tabi niya. Hindi ko siya iiwan bilang isang kaibigan. Dumating ang personal doctor ni Don Miguel. Sinabi niya sa akin na lumala ang sakit nito sa puso. At may mga aktibidad at pagkain itong dapat na iwasan. Habang kausap ko sa labas ng kuwarto ni Don Miguel ang mga katulong ay may dumating na isang babae. Mukha itong modelo, mahaba ang mga legs, ang balat nito ay kumikinang sa puti at kulay brown ang mahaba nitong buhok. Seksing-sexy ito sa suot na v-shape off shoulder mini dress na floral pink. Flat lang ang suot nitong puting sandals. "Where is Lolo Miguel?" maarteng tanong nito sa akin. "And who are you? Bago ka bang katulong ni Lolo Miguel?" nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin. Ito na marahil ang sinasabing apo ni Don Miguel. Mukhang anghel ngunit may masamang budhi pala. "Senorita Sofie, hindi po siya katulong ni Don Miguel, siya po ang---" Tinaasan nito ng kilay si Manang Conchita. "Never mind. Where is Lolo Miguel?" Naglakad ito patungo sa kuwarto ni Don Miguel. Natapakan nito ang paa ko at hindi man lang ito nag-sorry sa ginawa nito sa akin. "Sino po ba siya?" mahinang tanong ko sa isa pang katulong na si Manang Marissa. "Hindi ko rin alam, Madam Syrene. Ngunit may kasama siyang lalaki kahapon na kausap ni Don Miguel. Baka apo niya ang babaeng iyon, medyo maldita pagpasensyahan mo na, madam," pabulong na sagot naman nito sa akin. Iyon na nga lang marahil ang gagawin ko sa ngayon ang magpasensya dahil ayokong madagdagan pa ang problema ni Don Miguel. Ayokong makasama iyon sa kanyang kalusuga . Hangga't kaya kong pagpasensyahan ang apo ni Don Miguel, gagawin ko na lang. Hindi na ako nagtagal pa sa mansion at minabuti ko na lamang na umalis. Nagpasabi na lamang ako kay Manang Conchita na babalik ako bukas ng umaga dahil may importante akong gagawin. Gusto ko lang na makaiwas sa pagmamaldita ng Sofie na iyon. NAGTUNGO ako sa pinakamalapit na mall para makapagpalamig ng ulo. Masakit pa ang hinlalaki ng paa ko dahil sa sadyang pang-aapak ni Sofie. Umupo ako sa may food court at bumili na rin ng merienda. Tatlong pirasong siomai at isang large na iced tea ang binili ko. Kasalukuyan akong kumakain ng siomai nang umupo sa harap ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie jacket. May suot pa itong eye shades na kulay black. Ibinaba nito ang binili nitong merienda na katulad ng sa akin. Uminom ako ng iced tea at uminom din ito. Nang ibaba ko iyon ay ibinaba din nito ang iniinom na iced tea. Nang kumagat ako ng siomai ay kumain din ito. Mukhang ginagaya ng lalaking nasa harapan ko ang bawat kilos ko. Inipit ko sa mga labi ko ang toothpick at saka humalukipkip sa harapan ng lalaki. Hinintay ko na gagayahin niya ako pero hindi iyon ang nangyari. Nagpatuloy ito sa pagkain ng siomai at inubos ang iniinom na iced tea. Tumayo ang lalaki at tumingin sa akin. "Miss, hindi kinakain ang toothpick." Kinuha nito ang pinagkainan at itinapon iyon sa trashcan. Naiinis na sinundan ko ng tingin ang lalaki. Napabuga ako nang malalim dahil sa inasal nito. Ipinagpatuloy ko ang kinakain kong siomai. Nawala na sa paningin ko ang lalaki na mukhang korean actor dahil sa style ng pananamit nito. Napakainit na nga dito sa Pilipinas pero naka-hoodie jacket pa ito. Nang matapos kumain ay nagtungo na ako sa bilihan ng mga prutas. At nakita ko ulit ang lalaki na may hila-hilang push cart. Nasa gawi ito ng mga apples. Hindi ko siya pinansin at dinaanan ko na lamang siya. Ngunit biglang nagkadikit ang push cart namin na naging dahilan para magkabangga ang gilid ng mga iyon. "Miss, ikaw ulit." Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki. "Nakaharang kasi ang push cart mo sa daraanan ko," naiinis kong sambit dito. "Oh?" Tumayo ito sa maluwang na space ng daan. "Masiyadong maluwang itong supermarket. Mahina na yata ang mga mata mo, miss." Nilagyan nito ng isang red apple ang cart ko. "Kailangan mong kumain ng apple para hindi ka magkasakit, miss. Mabisa din ang apple para maging healthy ang brain natin. Nakakaiwas iyan para mawala ang pagiging paranoid." Nauna itong naglakad at sa inis ko ay sinundan ko siya. "Sino ka ba? Kanina mo pa ako inaasar, ha! May problema ka ba sa akin? Kilala ba kita?" Hindi sumagot ang lalaki at dumiretso na lamang sa ibang lane para bumili ng mga gulay na kailangan pa nito. "Enhale... exhale... Syrene. Masiyado kang maganda para ma-stress," piping usal ko habang pilit na ngumingiti sa mga taong nakakasalubong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD