bc

Sina Allen, Bea, at ang mga Anitu

book_age16+
247
FOLLOW
1K
READ
killer
drama
tragedy
sweet
mystery
straight
brilliant
female lead
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Si Allen, isang misteryosong estudyante na nagmula sa angkan na naniniwala sa mga anitu. Matalino at gwapo, ngunit dahil sa kakaiba niyang mga paniniwala ay nabansagan siyang Mr. Quirky.

Si Bea, ay nagmula sa hindi kumpletong pamilya, sa kabila nito ay namuhay pa rin siya ng normal kasama ang kanyang tiyahin at tiyuhin na kumupkop sa kanya. Kahit magkahiwalay ay suportado pa rin siya ng kanyang mga magulang, na parehong nagmula sa angkan ng mga mayayaman. Kilala rin siya sa kanilang paaralan dahil sa angkin niyang talino at ganda. High status, iyan ang bansag nila sa kanya.

Sina Allen at Bea. Dalawang magkaibang personalidad na pinagtagpo ng kanilang pagmamahalan, at paglalayuin ng mga diyos ng kalikasan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
* * *   DUM... DUM... DUM... Ito ang tunog ng malakas na tambol na maririnig sa kalagitnaan ng gubat ng bayan ng Antigo sa lupain ng Visayas. Nakakubli sila sa likod ng mga matatayog na puno ng balete, talisay, at narra sa pinakadulong bahagi ng kagubatan. Mabagal at paisa-isang hampas hanggang sa pabilis nang pabilis ang ritmo ng pagtambol. Dumagdag din sa paglakas at ingay ng kanilang hampas ang kadiliman ng paligid. Isang pinagtupi-tuping makapal na tela lang, na kung tawagin ay bahag, ang suot ng mga taga-tambol na pawang puro mga lalaki. Kulay pula ito at gawa sa lino na sinusuot sa kanilang baywang, umaabot hanggang tuhod ang nakasiwil na mahabang tela nito. May burda ito ng itim at puti na paulit-ulit na mga geometriko na pattern na wari'y mga imahe ng hayop at ng mga bagay-bagay na makikita sa kalikasan.  Tulad ng mga butiki na may matatalim na dulo, hugis tatsulok na mga dahon, mga paikot-ikot na bilog na tila ilusyon sa mata, at mga tao na gawa sa tuwid na linya. Ang kulay ng suot nilang tela ay angkop lamang para sa kanilang balat, mula sa mapula-pulang maputlang kulay ng balat hanggang sa maitim na kayumanggi, kulay pula na may burda na itim, at puti. Ang kanilang hitsura ay tila mula pa sa halo-halong lahi na minana ng mga supling mula sa unang henerasyon hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Unang tingin pa lang ay makikita na ang layo ng nilakbay ng kanilang kultura. Sa ilalim ng bilog na buwan at nagkikislapan na mga bituin ay ang kumpol ng mga taong nagpapagitna sa mga taga-tambol. Suot ng mga lalaki na nasa kumpulan ang mas simpleng bersyon ng bahag na suot ng mga nasa gitna. Kulay pula rin ito at may disenyong dahon sa gilid. Sa kabilang banda ay suot-suot naman ng mga babae ang tapis. Gawa ito sa parehong tela ngunit mas nakatago ang ibabang bahagi ng kanilang katawan kaysa taas na bahagi. Mistulang itong mataas na palda na nakatali sa kanilang baywang na hanggang tuhod din ang haba. May iilan din sa kanila ang may suot na pang-itaas, isang maliit na tela na sakto lang para matakpan ang kanilang hinaharap. Ngunit may iba na pinili ang mas tradisyonal na bersyon ng kanilang kasuotan at hindi na nagsuot ng tela na pang-itaas. Kadalasan ay ang mga babaeng nasa edad ng pagpapakasal ang gumagawa nito para ipakita na handa na silang tumanggap ng lalaki sa kanilang buhay. DUM. DUM. DUM. Mas bumilis pa ang tempo ng paghampas ng mga taga-tambol na tila pintig ng puso ng kabadong runner ng marathon. Nagpatuloy lang ito nang nagpatuloy, pagkatapos ay isang mahabang paghinto ang nangyari, at sa huling pagkakataon ay hinampas ulit ng mga lalaki ang kani-kanilang tambol bago tuluyan na silang huminto at tumahimik ang paligid. Tumahimik na rin ang lahat, wala ni isa sa mga manonood ang gumawa ng ingay. Naging seryoso na rin ang ekspresyon ng mukha nila. Halos isang minuto rin na nangibabaw ang nakakabingi na katahimikan, nang biglang umalingawngaw mula sa loob ng kakahuyan ang iyak ng isang hayop. Matalas at nakakabingi sa tenga, pero halata ang takot sa iyak ng hayop at pagpupumiglas nito sa tali na hawak ng lalaki dahil sa ingay ng kaluskos ng mga tuyong dahon sa paligid. Nahati sa dalawa ang kumpulan ng mga tao at pumasok sa gitna ang matangkad na lalaki na may suot din na bahag. Kahit na madilim ang paligid ay nangibabaw pa rin ang maputlang kulay ng kanyang balat. Maskulado siya kaya naman walang kahirap-hirap niyang kinaladkad ang inahing baboy ramo na halos sampung kilo ang bigat. Sa tapat ng mga taga-tambol ay nakahanda ang mga uling at isang malaking kaha ng kumukulong tubig na may halong dahon ng iba't iba uri ng halaman na matatagpuan sa gubat. Huminto muna ang lalaking may bitbit na baboy ramo at yumuko sa harap ng mga taga-tambol. Sabay-sabay nilang sinigaw sa itim na kalangitan ang mga katagang, "Oh! Makapatag-Malaon! Kaluy-i kami! Talwasa kami paningadlaw na kinabuhi. Oh! Mga kaapoyan sa langit, ha tuna, or kagurangan! Oh, Diyos Badadun han kamatayon kawaraton mo unta ining halad para ha imo yana na bulan!" Tatlong malakas na hampas ng tambol ang muling inalay ng mga lalaking nasa gitna. Kasunod nito ay ang makisig na pag-angat ng mestisong lalaki sa kanyang ulo, hinawakan niya sa katawan ang baboy ramo saka dahan-dahan itong sinaing sa kaha. Mas lumakas ang pag-iyak ng baboy nang nasa loob na siya ng kaha, panay ang pagpupumiglas nito na halos mahulog na sa ibabaw ng pinagpatungan nitong mga bato ang kaha. Mahigpit na nakatali ang mga paa ng baboy ramo kaya bahagya itong tumigil sa paggalaw, malamang ay napagod na rin ito, ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ng hayop sa init ng kumukulong tubig na kanyang kinalalagyan. Narinig sa gitna ng hiyaw ng baboy ang matalas na tunog ng patalim na inalis sa upak. Maliit lang ito, sing haba ng kutsilyo pero may magara itong ukit ng baybayin sa asero na ang ibig sabihin ay Makapatag, ang lalaking aspeto ng kanilang pinakamataas na diyos na kinatatakutan dahil sa mapanira nitong kapangyarihan. May ukit din na ugat ng puno ang hawakan nito na nagsisimbolo ng pag-usbong ng bagong biyaya. Lumapit ang isa pang lalaki sa kaha at saka inangat ang nguso ng baboy ramo para ipakita ang leeg nito. Mas tumindi ang panglalaban ng hayop, ramdam na niya ang kanyang katapusan. "Mga makagarahum nga ginoo han ngatanan na katawahan! Karawata ining among halad yana nga bulan! Mga makagarahom han ngatanan na katawhan!" sigaw ng lahat ng tao na nasa ritwal bilang dasal nila sa kanilang mga anitu. Sunod na hinampas ulit ng isang beses ng mga lalaki ang kanilang mga tambol. Naghari sa kagubatan ang ingay ng iyak ng baboy ngunit sa isang iglap, kasabay ng huling bagsak ng tambol ay ang pagkalat ng pulang likido sa kumukulong tubig. Humina ang iyak ng hayop. Humina nang humina hanggang sa tuluyan na itong nawala. Binalot muli ng nakakarinding katahimikan ang kagubatan. Bago sumigaw ang mestisong lalaki ng, "PARA SA MGA ANITU!" Nakataas ang kamay niya na may hawak ng duguang patalim na dahan-dahan din na gumagapang pababa sa kanyang puting braso. "PARA SA MGA ANITU!" tugon naman ng lahat tapos sunod na naghiyawan sa saya!" Bumilis ang tempo ng tambol na kagaya ng sa mga pista, nagtatawanan ang mga tao at may iba na nagsimula nang magsayawan. Kasunod na dumating ang tatlong mahahabang lamesa na gawa sa kawayan na buhat-buhat ng mga kabataang kalalakihan. Laman nito ang mga handang pagkain. Hindi tulad ng inaasahan ay hindi naman masyadong tradisyonal ang mga ito, may pansit-bihon, lechong baboy at manok, giniling, chopsuey, lumpia, bopis, kinilaw, sinugbang isda, paksiw na bangus, at iba't iba pang uri ng pagkain. Hudyat ng pagdating ng mga pagkain ay ang pagtatapos ng kanilang ritwal. Alay Namo, ito ang tawag sa ritwal na isinasagawa nila sa kalagitnaan ng taon para alalahanin ang kanilang mga anitu. Anitu ang tawag sa mga espiritu ng mga ninuno, espiritu ng kalikasan, at diyos ng mga katutubong Pilipino mula pa noong panahon bago nagkaroon ng kolonyalismo sa bansa. May mga naniniwala pa rin naman sa mga anitu hanggang sa kasalukuyan, isa na rito ang mga Tigoanon ng Antigo sa Visayas na hanggang ngayon ay matibay pa rin ang paniniwala sa mga anitu. Marami sa mga Tigoanon ang nahaluan ng lahi kaya naman hindi na nakapagtataka na may mestiso at singkit sa kanilang mga miyembro. Nakatira sila sa modernong mga tahanan, gawa sa simento at may makabagong kagamitan. Sa madaling salita ay pangkaraniwan lamang silang pangkat na may matibay na paniniwala. Dalawang beses sa isang taon kung magsagawa ng ritwal ang mga Tigoanon. Ang Alay Namo sa gitna ng taon, at Amon Grasya sa katapusan tuwing Disyembre. Ang Amon Grasya ay tinuturing na malaking ritwal dahil dito nakasalalay ang kanila buhay sa susunod na taon. Kaya naman masusi nilang pinipili ang magiging alay nila sa kanilang mga diyos para sa ritwal na ito. "Mabuting estado, mas maraming biyaya." Ito ang palagi nilang sinasabi sa bawat pagpili ng kanilang isasakripisyo. Dahil kung may mas mataas na estado ng buhay ang tao na kanilang sakripisyo ay mas malaking biyaya ang kanilang matatanggap. Para sa mga Tigoanon isang karangalan ang maging sakripisyo sa mga anitu dahil naniniwala sila na ito ang kanilang pagkakataon na makasama sa kabilang buhay ang kanilang mga ninuno, at sambahin din kagaya ng mga ito. Kakaiba man para sa pananaw ng modernong mundo ang kanilang mga paniniwala ay patuloy pa rin sila sa pagsamba sa mga anitu na naging parte na ng kanilang pamumuhay at kultura. A N I T U

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook