ANITU ONE

1543 Words
B E A Hindi ko kailan man makakalimutan kung paano isang araw nagbago ang buhay ko. Nagsimula ito dahil kay Papa, ang pamilyang akala ko ay kinaiinggitan ng lahat ay bigla na lang naglaho. Ako si Beatrix Andana, eighteen, at nasa huling baitang na ng senior high school. Isa akong produkto ng broken family. Si Papa kasi, nagpadala sa tukso. 'Yung akala ko na kinaiinggitan kami ng lahat? Totoo iyon. Twelve ako noong magsimula ang lahat. Isang government official si Papa sa provincial municipal namin, habang may mga lupain na taniman naman na inaasikaso at pinapatakbo si Mama. Masasabi na higit sa magaan ang aming buhay. May bahay kami na sobra ang laki para sa apat na taong nakatira. Pero sakto na rin dahil may mga katulong at trabahador kami. Malayo ang bahay sa gate at sakto ang kinseng 2R na bahay sa kabuuan na lupain ng bahay namin. Compound na nga ata siguro 'yon. May sarili akong kwarto na sinlaki ng sala ng karamihan. May tagahatid sa eskwelahan at may tagabitbit ng gamit. Buong akala ko noon ay kaya kong mapasaakin ang lahat dahil may perpekto akong pamilya. Andyan si Mama na hindi lang magaling sa negosyo, maganda rin. Si Papa na ginagalang ng marami. At si Ate na hindi lang matalino kung hini ay maganda rin. Gusto kong maging kagaya nila, gusto kong may maiambag sa malinis na imahe ng aming pamilya. Pero bago pa man ako tumuntong sa edad na thirteen, umalingasaw ang baho ni Papa. Nalaman ni Mama na may kerida si Papa at may anak na sila na tatlong taong gulang. Grabeng sakit ang naramdaman ni Mama, nalaman ito ng lahat ng tao sa amin. Sa isang maliit na poblacion walang sikreto ang hindi malalaman ng lahat lalo na sa bahay namin na may higit sampung kasambahay. Sa sobrang sakit ng ginawa ni Papa ay nag-kusang nakipaghiwalay si Mama. Marami pang bagay ang nangyari, maraming sakit, at kaguluhan pero ngayon ay tanggap ko nang hindi na kami babalik pa sa dati. Nasa US ngayon si Mama, may nakilala siyang Amerikano sa isang Agricultural Summit na sinalihan niya 3 years ago at naging sila. Ngayon ay nagsisimula na sila ng sariling pamilya sa Amerika. Si Papa naman ay nandoon na sa kabit niya. Pinakasalan niya ito last year, nandoon kami ni Ate bilang respeto na rin kay Papa. Habang si Ate naman ay namamasyal sa buong mundo kasama ang boyfriend niya, isa siyang content creator. Confident si Ate, at nasabi ko na ba na maganda siya? Kaya para sa akin, bagay sa kanya ang napili niyang pagkakakitaan. Pero kahit watak-watak kami ay hindi naman kami nakakalimutan na sustentuhan nila Mama at Papa. "Oh, nandito na tayo," batid sa akin ni Daddy, also known as, Uncle John, "Huwag mong kalimutan na umuwi ng maaga, ha. Bibisita ngayon Papa mo." Kinuha ko ang itim kong backpack na nasa tabi ko. At tahimik na lumabas ng sasakyan. "Hey! Were you listening?" pahabol niyang tanong noong isasara ko na ang pinto ng sasakyan. "Opo, Dad. Uuwi ako agad by 4 o'clock," nakangiti kong sagot bago sinara ng tuluyan ang pinto. Binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin bago humarurot paalis ang sasakyan. Nakakatandang kapatid ni Mama si Daddy. Madalas akong iniiwan sa kanila nung mga tatlong taong gulang pa lang ako kaya nang tinanong ako ni Mama kung sasama ba ako sa kanya sa US ay kaagad akong sumagot ng hindi. Natuto na ako sa bagong pamilya ni Papa, at promise, ayaw ko ulit maramdaman na sampid lang ako sa bahay ng bagong pamilya ng mga magulang ko. Dahil madalas ako sa kanila ay nasanay na ako na tawagin silang Daddy, para kay Uncle John, at Mommy, para kay Auntie Divine. At ito naman ang eskwelahan ko, unang tingin pa lang ay makikita mo nang maraming mga pasaway. May mga estudyante kasi na pumapasok sa gate na walang suot na ID, may mga lalaki na may suot na earings, may iba pa nga na may kulay ang buhok. O kaya mga estudyante na hindi komportable sa suot nilang uniporme kaya tinutupi nila ang gilid ng manggas nito. Maraming pasaway pero marami rin namang matitino, sadyang napakarami lang talagang estudyante sa paaralan na ito. Diretso lang akong naglakad papasok ng gate. May iilan na tumitingin sa akin na patungo sa building namin. I always take pride sa tuwing lumiliko ako sa building na ito. Ang sarap kasi isipin na makita ako ng taong nakasunod sa akin na patungo sa asul na building na ito. Blue building ang tawag sa bahagi ng eskwelahan kung saan nakahiwalay ang mga outstanding students. Mga estudyante na may gradong lagpas 90. Yellow naman sa mga may special program sa Science and Technology, na nasa tabi lang ng building namin. Habang nasa tapat ng blue at yellow buildings ang dalawang puting building o white building. Obviously, ito ang building ng mga ordinaryong estudyante. Madalas dito ang mga pasaway, at mga sakto lang ang grades. Napapagitnaan ng malawak na oval field ang mga building kaya hindi ako basta-basta na dumadayo roon sa layo. Alam ko, ang pangit ng sistema ng eskwelahan dahil hinahati nila ang mga estudyante. Pero sa oras na umangat ang grado ng estudyante sa kabuuan na school year ay mapupunta rin naman siya sa building namin. Dahil sa laki ng building ay nakakalimutan ko na minsan na may iba pa palang mga estudyante sa eskwelahan na ito. "Hi! Ate Bea," bati sa akin ng isa kong junior nang paakyat ako ng hagdan. Nasa baba kasi ang mga lower grade tapos sa taas naman ang mga seniors. "Hello! Suzy." Kaway ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. "Morning, Bea," nakangiting wika sa akin ni Lucia na kasing edad ko lang pero taga-kabilang section siya. May tig-dalawang section lang kasi sa bawat grade level. "Maaga ka ngayon, a," sabi ko sa kay Lucia na madalas ay late noong kami ay magkaklase. Ipinitik niya ang kanyang dila at mayabang na sinabi na, "Maagang natulog kagabi, e." Tumawa lang ako ng saglit saka sinapak ng mahina ang likod niya. "Padaan nga. Sana naman palagiin mo na 'yan." "Depende," pilya niyang sagot. Nakangiti ko siyang inirapan at didiretso na sana sa classroom ko nang mahagilap ko sa classroom nila Lucia ang pamilyar at pinakananais kong pigura, si Allen. Mag-aanim na taon na ako sa building na ito, at ito na ang huling taon ko pero ni isang beses ay hindi ko pa naging kaklase si Allen. Ang gwapong-gwapo na si Allen Calla. May kayumanggi siyang balat na tila ginto sa ilalim ng sikat ng araw. Kumikintab din ang malasutla niyang buhok na may normal na gupit nga lalaki, idagdag pa ang mahahaba niyang pilikmata na kitang-kita ang pataas na kurba hanggang dito sa labas. May matangos siyang ilong at matalim na hugis ng mukha. Isa pa matangkad din siya at may katawan na sakto lang para sa isang lalaki, hindi mataba pero hindi rin maskulado. May sapat siyang muscles para protektahan ako. Paano ko nalaman? Nasabi ko na ba na anim na taon na kaming pumapasok sa parehong building? Ngunit, mahirap talaga siyang hagilapin kasi parati siyang nasa loob lang ng classroom. Madalas din siyang usap-usapan ng mga kaklase kong babae dahil sa tahimik siyang tao. Balot na balot kasi siya ng misteryo dahil sa katahimikan niya. Noong una ay akala ko na may pinagdadaanan siya pero nang mabalitaan ko na isa sa mga taga-white building ang nagtapat sa kanya at narinig ko na hindi niya ito tinanggap. Pinagsabihan pa nga raw iyong babae ng masasamang salita noong ayaw makinig. Nasabi ko sa sarili ko na baka mali lang sila ng pagkakaintindi sa nangyari. Pero naisip ko rin na baka personalidad niya lang ang pagiging tahimik at misteryoso sa labas. Minsa kasi nakikita ko rin siyang nakikipagtawanan sa iba. Ewan, ayaw ko siyang ijudge kasi gusto ko ang mukha niya. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko kay Allen kung hindi ako tinawag ni Jack, ang president ng klase namin. Hindi ko pa man siya nabati ay sinalubong na niya ako ng mabigat na buntong-hininga. "Buti at dumating ka na, Bea. Pwede ba na ikaw na lang maghatid nitong letter sa admin? Papapirmahan ko pa itong isa na para sa mga materials na gagamitin natin," mabilis niyang sabi na parang hinahabol ng kabayo. "Ang busy mo ata, pres." "Sobra, ang daming gawain. Next sem, hindi ko na tatanggapin itong posisyon na ito," angal niya tapos ay umalis na. Naiwan sa akin ang folder na pinaglagyan ng letter. ‘Secretary duties," bulong ko sa sarili. Ayaw ko man na maging officer pero napagtripan ako ng barkada kaya eto, tagasulat ako ng mga letter ngayon "I guess it's a goodbye for now, my eye cand—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa paglingon ko ulit sa loob ng classroom ni Allen ay nakatingin na siya sa akin. Sa gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita o naglakad man lang palayo sa pinto. Imbes ay ngumiti lang ako at yumuko, kunwari ay aksidente lang na lumingon ako sa direksyon niya. Kalmado akong naglakad papunta sa pinto ng classroom namin na katabi lang ng kanila. Goodness! Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang huling nagtagpo ang mga mata namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD