Chapter 01

1591 Words
Markus' PoV "DOK! Dok! Gising na siya!" sigaw agad ng babaeng nurse nang bahagya ko lang imulat ang aking mga mata. Sa lakas ng boses niya kahit nasa labas na siya ng silid ko rinig ko pa rin ang mga pinagsasabi niya. "Tatawagan ko na ba si Sir France, Dok? I-Inform ko na bang gising na ang kapatid niya?" sunud-sunod niya pang tanong. "Ikaw ang bahala, but I need to check him first." Pumasok ang isang doktor. At first hindi ko siya nakilala, medyo masakit pa ang buong bungo ko, o utak rather, pero nang maglaon ay isang pangalan din ang rumehistro sa aking alaala. Doctor Jassi dela Luna, one of the best general surgeons in the country. Kung nandito siya, isa lang ang ibig sabihin nito, narito na ako sa Pilipinas. At nasa ospital ako. One property that our family owns. "Hay, sa wakas, Dok. Matutupad na ang pangarap kong makarating sa mansion nila. Sana nandoon lagi si Sir France para lagi ko siyang makikita." Para pang batang nangangarap ang nurse. She sounded as if kilalang-kilala niya ang kapatid ko. Pinapantasya pa? Hanggang pangarap ka lang. "Huwag masyadong excited, Nurse Jean, tingin mo ba makakalabas agad itong si Markus? No. He's maybe awake pero mahihirapan pa rin siyang makagalaw. He still has to stay for at least two weeks para makasigurong kaya na niyang muli ang sarili. Baldado pa ito." Baldado? Napaisip akong bigla. What the hell did happen to me anyway? I could hardly remember. Sinubukan ko ngang igalaw ang aking mga paa. Pero parang namanhid ang mga ito. Pati ang aking mga kamay, balakang -- buong katawan. Bullshit! Is this still a body? Bakit parang hindi na nagpa-function lahat? Saka ko lang napansin na puno pala ako ng benda sa lahat ng parte ng aking katawan. Dibdib ko lang yata ang walang damage, pati mga mata. But from head to toe, it's as if I was mummified. "Jean.. he still has to be monitored every hour, okay? He has unstable vitals. He's maybe awake, but he still can't move. So far, mga mata pa lang ang magagawa niyang igalaw. And please, huwag masyadong maingay. I know this kid. Nai-stress 'to kapag masyadong disturbing ang paligid." Tumingin pa sa akin ang doktor bago inalis ang stethoscope sa aking dibdib. "Napakasuwerte mo at nabuhay ka pa. That was one fatal accident." Accident? Well I do remember now. After quite some time of waiting for Cindy to change her mind, matapos ko siyang hanapin, subukan kulitin --- ngunit bigo --- napagpasyahan kong bumalik muna sa Pilipinas. She's nowhere to be found. She even blocked me on all social media accounts, but still, umasa at naghintay pa rin ako. I even made a research about her husband-to-be but I didn't find any. He's too private. And when I thought I couldn't take it anymore, I almost became suicidal. I drank all night, drove home, may bote ng alak pa nga akong hawak habang nagmamaneho and met that fatal accident. I hate that I'm still alive. Dapat natuluyan na lang ako. Kung hindi ko rin lang naman maibabalik sa buhay ko ang kaisa-isang babaeng mahal ko, then life would be nothing to me. It would be a lifetime burden and waste of time living this hell world without her. She's my life and everything. How on Earth can I make you come back to me, Cindy? Hindi ko alam kung may babae pa akong mamahalin maliban sa 'yo. "Nako, eh 'di mukhang hindi pala kami magkakasundo nito, Dok? Parang gusto ko na lang tuloy umurong sa deal namin ni Sir France." "Bahala ka. Ikaw din. Sayang ang bayad. Hindi pa naman 'yon kuripot." "Hmmm..." Namaywang pa ang babae habang nakatingin sa akin na para bang may desisyong pinag-iisipan. "Sige na nga, sayang. Tutal hindi ko pa naman kilala ang isang 'to. Eh 'di 'pag inaway ako nito, isusumbong ko na lang kay Papa France ko." Palihim akong napatagis ng mga bagang. Feelingera talaga ang babaeng ito. . . . . . TWO weeks had gone so past. I could finally feel my body. Naigagalaw ko na ang mga hita at paa ko. Pati mga kamay. Pati leeg. But everytime, magagawi ang nurse sa silid ko, I would always pretend to be asleep. Minsan narinig ko siyang nagsabi, "May hitsura rin pala ang isang 'to. Kaso sabi ni Sir France, tanga raw. Paano ko kaya aalagaan 'to? Tulog nang tulog. Saksakan ko kaya ng adrenaline nang magising na? Excited na akong makarating sa mansion nila eh. Kaso ang isang 'to parang trip pang mag-staycation dito. Kakayamot." I secretly opened my eyes. Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. I almost heard her everyday calling me a fool. Coming from my brother? No, tiyak na gawa-gawa niya lang iyon. Pasalamat siya't mahina pa ako nang mga sandaling iyon. Or else, may kalalagyan talaga siya. A gold digger, eerr. Gusto niyang makarating sa mansion, why? To steal something? I bet, plano niya ring pikutin ang kapatid ko. She wanted to be a part of the family para malamang maiahon ang sarili sa hirap. Huh! I would never let her do that. "Huli ka!" It almost caused me a heart attack nang bigla na lang may sumulpot na kung sino mula sa bandang likuran ko. No wonder, it was her again. She caught me trying to move my body. Kung kaya ko na bang maupong mag-isa. At kung may lakas na ba akong ipatong man lang sa sahig ang aking mga paa. "I'm sure Doctor Jass warned you about me hating noises, right?" gigil na sabi ko. Inirapan ko siya. Tinalikuran ko na siyang muli. I was about to put my sole on the floor nang bigla akong mawalan ng balanse. I was about to fall I knew it, kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata to endure the upcoming pain, but a sudden force interfered and I felt a small and tender grasp around my arms and body. Nang magmulat ako, napasinghap pa nang masilayan nang malapitan ang kaniyang mukha. A witch in disguise of a young and beautiful lady. "Hay nako! Ang yabang-yabang kasi. Tingnan mo nga ang muntik mangyari sa 'yo. Kung nagkataon, jusko! Ako pa ang masisisi sa katangahan mo!" It almost broke my ear. Sa tapat pa talaga ng tainga ko nagtatalak. She lifted me up at hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas para muli akong maibalik sa kama. Napangiwi pa ako sa sakit nang patulak niya akong pinahiga. "Imbes na madi-discharge ka na, mapapahaba pa ang bakasyon mo rito. 'Yon ba ang gusto mo? Huwag mo nang uulitin 'yon, ha? Maghintay ka ng abiso ko o ng doktor. 'Pag nahuli ulit kita, tatalian na talaga kita diyan." Inayos pa niya ang pagkakalapat ng ulo ko sa unan. Masama at mataman lang akong nakamasid sa kaniya ngunit hindi niya ako tinitingnan. Inayos niya rin ang pagkakapuwesto ng aking paa, then she checked my vitals. "Buti na lang, medyo stable ka na," seryoso at nakasimangot pang wika niya pagkuwan. "Stay still, ha? Babalik ako." Pinandilatan niya pa ako ng mata. . . . . . "AW!" gulat na bulalas ko. "Sorry," anang babaeng boses. Nagmulat ako ng mga mata. I saw that nurse again. "What the hell are you doing? What ---" "Sorry nga eh. I didn't mean to... SIR." Nabagsakan ng hawak niyang checklist ang braso ko. It didn't really hurt pero nang dahil doon ay nagising ako. "Ano ba'ng ginagawa mo rito? Iniistorbo mo ang tulog ko?" ngitngit na singhal ko. "I'm checking your vitals, Sir. Kasi bukas na ang discharge mo. Kailangan makasiguro ako na okay na kayo." Nagbuga ako ng hangin. "Bilisan mo na because I don't think I can still stand seeing your fvcking face. I didn't know that they hired a nurse like you. Napaka-careless mo sa mga pasyente." Sa sinabi ko ay mukhang na-trigger ang babae. Pinandilatan niya akong muli ng mata. "So your mad? Baka hindi mo alam, may share ang pamilya ko sa ospital na ito so technically I'm ---" "Wala pong kaugnayan ang sinasabi ninyo sa trabaho ko, Sir. At hindi ko na rin po problema kung naiinis ka sa akin. O kung ayaw mo sa akin. I'm only doing my job. At hindi ikaw ang nag-utos nito sa akin kung hindi si Sir France. At bukas na bukas din, FYI, magkikita pa ulit tayo." Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko. "I will be nursing you until you have finally recovered, Sir. So dapat ngayon pa lang po, sanayin n'yo na ang presensya ko. Because I will always be around you." Ahh gano'n? Bigla ay may ideyang pumasok sa isip ko. "Siguraduhin mo lang na magaling ka dahil kung hindi, patatalsikin talaga kita bilang private nurse ko. Hindi lang 'yon, pqti lisensya mo, ipapatanggal ko." She just stared at me na blangko ang reaksyon sa mukha. "We'll see about that, Sir." Lalo akong nagngitngit. Andami-daming nurse, bakit siya pa ang natapat sa akin? Nang matapos siya sa ginagawa ay inayos niya pa ang pagkakalatag ng ulo ko sa unan. Gusto kong gumanti, but my strength was unbelievably gone that time. Pagkuwa'y tumitig siyang maigi sa akin. Napalunok ako. Nawala ang pagkasimangot niya at unti-unting bumait ang awra ng mukha. "Kung gusto n'yo pong gumaling agad, Sir, your cooperation is a lot needed. Depende kasi sa inyo 'yan kung gusto ninyong gumaling agad." Muli siyang ngumiti. This time, that smile was sweet. Sweet? The fvck! "See you tomorrow," dugtong niya pa. Iyon lang at naglakad na siya palabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD