FF1- BIRTHDAY BLAST

1190 Words
HER POV "Cheers!" hiyaw niya habang itinataas ang kopika ng alak sa ere at pumaibabaw ang malakas na disco music sa loob ng isang elite disco bar sa kanilang siyudad. "Cheers," ganti din ng kanyang mga kabarkada. "Bottoms up," susog niya at sabay nga nilagok niya at ng mga kabarkada ang laman ng alak sa kopita. Pagkatapos ay sabay-sabay na naghiyawan sila ng mga kabarkada niya at tinungo ang dance floor at parang kiti-kiti na nagsayawan.They have the best time of their life.Walang sinuman ang makakapigil pa sa kanyang kaligayahan dahil ganap na siyang diseotso anyos ngayon. She is celebrating her 18th birthday without her immediate family but only her few circle of friends na pareho niya rin ang trip sa buhay. Pinili kasi niyang idiwang ang kaarawan ng ganito at wala na ngang naggawa ang kanyang daddy sa kanyang desisyon dahil sa kanyang pamimilit. She is stubborn as hell ika nga ng kanyang stepmother na si Dolores Dela Vega. At kahit ilang taon na itong kasal sa kanyang daddy ay hindi niya pa rin ito matawag tawag na mommy.Para sa kanya kasi nag-iisa lang ang kanyang Mommy Tess.No one can replace her in her heart. She hates grand parties at makipagplastikan sa mga kasosyo sa negosyo at kaibigan ng kanyang pamilya. She hates being scrutinize by judgemental people. She hates being the center of attention like wearing classy party gowns and all. In short, simpleng tao lang siya pero rock. Yes, she learned being hard and untamed simula ng mawala ang ina.Naging mailap siya sa tao maging sa kanyang daddy lalo na ng mag-asawa ito ng iba na may anak na dala na sa tingin niya ay may kahati na siya sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng kanyang daddy. It has been six years now that her daddy chose to marry again with her tita Dolores and brought her only son to their home and live with them. Hindi niya matanggap na madali lang napalitan ng kanyang daddy ang kanyang mommy Tess sa puso nito. Kaya't sa maliit na paraan na alam niya ay nagrerebelde siya.Lalo pa siyang naiinis sa tuwing makikita niya kung gaano kaclose ang kanyang daddy sa anak ni tita Dolores niya na si Franz. Oh, remembering her handsome but coward step brother ay napapangiti na lang siya.Gustong-gusto niya palaging tuksuhin ito.Pakiramdam niya kasi kapag natatalo ito sa kanya ay nakakaganti na siya at naaalis na ang poot niya sa puso niya. Lalong-lalo na kung para itong bato balani sa pagkaputi dahil sa pamumutla nito sa tuwing nilalapitan niya.Paano kasi ay lage na lang itong galit sa kanya.Konting pagkakamali niya lang ay lage na lang siyang pinapagalitan at sinisimangutan nito. Apat na taon ang tanda sa kanya ng kanyang stepbrother nang una itong pumisan sa kanilang pamamahay at una niya itong masilayan. Humanga ang mura niyang puso sa kagwapuhan nito ngunit ng palagi na lang itong galit sa kanya na hindi niya mawari kung anong dahilan. Sa tuwing nilalayo nito ang sarili sa kanya ay mas ginaganahan siyang mas pagalitin ito at ang mas matindi ngang eksena nila ng pekeng kuya ay hinalikan niya ito sa nakawaang nitong labi.Trese anyos lamang siya noon at disesiyete naman ni Franz. The following days were tormenting dahil halos tinataguan na siya ni Franz.Hindi na sila mapang-abot tuwing breakfast at kahit dinner sa gabi ay lage itong wala.Hindi na sila sabay na hinahatid ng family driver nila sa school. Hindi niya maggawang magtanong sa kanyang daddy Andres at tita Dolores dahil sa nahihiya siya.Nalaman niya na lang isang umaga sa mga katulong na aalis na si Franz papuntang America upang mag-aral ng aviasion course.Gusto kasi nitong maging piloto tulad ng yumaong ama. At simula ng umalis ito ng walang pasabi sa kanya ay hindi na muli sila nagkita mahigit limang taon na ngayon.Sino ba naman siya para magpaalam sa kanya si Franz? Bukod sa step sister lang siya nito ay palagi pa silang nagbabangayan at palagi niya itong ginagalit. Sa bawat taon nito sa America ay hindi man lang ito umuwi kahit pasko o bagong taon, kahit pa nga kaarawan ng kanyang daddy Andres at tita Dolores.Madalas nga ang daddy at tita niya bumibisita kay Franz sa America na ikinangitngit ng kalooban niya. Doon na siyang natutong magrebelde sa edad na desesais ng imungkahi niya sa daddy niya na puwede siyang sumama sa America dahil bakasyon niya naman at gusto niya makapamasyal. Ngunit tumanggi ang daddy niya.Dito na lang daw siya sa Pilipinas dahil magsisimula na daw ang training niya sa kumpanya at kailangan ang presensiya niya. Gusto pa sana niyang ipilit ang sarili na sumama ngunit mahirap baliin ang desisyon ng ama.Kaya't ng umalis ang mga ito ay doon siya nagwala ng todo.Inimbitahan niya ang mga kaibigan niya at doon siya natutong mag-inum ng alak. At nang makabalik ang mga ito mula sa America ay mas lalo siyang naging mailap sa mga ito. Natuto na siyang magbisyo at magwalwal.Pakiramdam niya kasi ay pinagkaisahan siya ng ama at ng step mother niya.Gayun din ni Franz, inagaw nito ang oras ng ama na dapat ay para sa kanya lamang. He hated Franz so much.Ang dami nitong kasalanan sa kanya.Sisiguraduhin niyang sa pagbabalik nito mula sa America ay gagawin niyang kalbaryo ang buhay nito na tulad niyang miserable at parang walang direksiyon ang buhay. Hindi niya na kasi inaayos ang kanyang pag-aaral hindi tulad ng dati na kahit galit siya sa step brother ay parang may inspirasyon at gana siyang mag-aral ng husto dahil sa nakikita niya palagi ang gwapong mukha ng kanyang step brother. Akala niya noong una ay paghanga lang ang naramdamn niya sa kanyang kuya Franz ngunit ang paghanga na iyon ay nauwi sa pagkagusto. That's why she felt so devastated ng basta-basta na lang umalis si Franz. Gabi-gabi ay umiiyak siya.Nangungulila kay Franz dahil sa kahit isang taon lang sila nagkasama sa isang bubong ay naramdam niyang may kasama siya dahil palaging nangingialam si Franz sa kanya kahit hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya dahil lage itong galit kung kausap siya. Naramdaman niya kay Franz ang concern nito sa kanya. Kapag hindi naman kasi ito pinagtritripan ay maayos naman ito kausap. Ito pa nga ang nagbibitbit ng kanyang mga books noong nasa high school sila. First year siya at graduating na si Franz.Matiyaga din itong naghihintay sa kanya kasama ang family driver tuwing uwian.Ngunit dahil sadyang brat siya ay mas gusto niyang inisin ang kuya-kuyahan kaysa maging pa sweet dito. Tuloy para silang aso't puso na hindi matigil ang bangayan sa isa't isa. And she is enjoying every moment of those days na palaging talo sa kanya si Franz.She always win their little battles. Napabuntong-hininga siya sa pag-alala ky Franz. Hindi man lang nito naalala ang kanyang kaarawan.Ni minsan wala siyang natanggap na mensahe o sulat mula rito.Kahit man lang verbal na mensahe na ipinaabot sa kanya ay wala din. Iwinaksi niya sa isipan ang pekeng kuya.Hindi na oras para alalahanin ang nakaraan.Tapos na iyon, hindi na maibabalik ang nakaraan.Tuluyan na siyang kinalimutan ni Franz at hindi siya tinuring na kapatid nito kaya't nararapat lang na kalimutan niya na ang kuya-kuyahan at ang pagtangi niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD