"Hello, my name is, Dadaria. Ako ang magiging partner mo. Bagong hire akong disc jockey rito," nakangiting ani ng dalaga habang inilalahad ang kamay sa kausap. Napatitig ito sa kaniya at napangiti bago tinanggap ang kamay niya.
"Ice Wright," anito. Tiningnan ng dalaga ang ibaba at napangiti. Marami na ang tao sa loob. Kasalukuyang napakaingay ng club at puno ng samut-saring ilaw. Napakalakas din ng tugtog na EDM.
"Umupo ka muna rito. Maya-maya rin ay darating na si, Marija," sambit ni Ice habang patuloy na kumakalikot sa laptop nito.
"Marija?" takang tanong niya.
"Oo, kumakanta siya rito," nakangiting sagot ni Ice sa kaniya.
Agad na napa-wow ang dalaga at umupo. Doon siya umupo sa medyo madilim at minamanmanan ang paligid. Ilang sandali lang ay may babaeng maganda na umakyat at tumabi kay Ice. Iyon na siguro si Marija. Nakatitig lamang siya rito at napapangiti nang nagsimula itong kumanta.
"Ah, Alan Walker songs are damn so good," mahinang aniya at napangiti. She closed her eyes and felt the music. Napakasarap sa tenga ng rhythm nito parang nagiging isa sila ng music. She imagined her hand touching those turntables, the controller, the headbang, the minimal dances and everything. She loved it so much.
" Enjoying the music?" Agad na natigilan ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses.
"You look freaking tired," dagdag pa nito.
Agad na napapiksi ang dalaga at tiningnan ang kuya niya. Si Vladimir Blue Slavinski. She just shrugged her shoulders and looked at him bored.
"How long?" tanong nito.
She gets what he's trying to say.
"Until I caught him," walang emosyong aniya.
"Aren't you tired?" kunot-noong tanong ng Kuya niya. Puno nang pag-aalala ang mukha nito. She smiled a little and looked at him.
"Not really, I love my job Kuya, and you know that," maikling aniya.
"You will be the death of Mom," seryosong sagot nito at bumuntong hininga.
Napatawa nang pagak ang dalaga and breathed heavily.
"Stop worrying about me, I can take care of myself. Just trust me on this field. This is my life and my life taught me to be braver," depensa niya. Ayaw kasi talaga ng pamilya niya sa tinatahak na landas niya ngayon.
"But not brave enough to listen what's best for you," matigas na ani nito. She rolled her eyes at him. Agad na napatayo ang dalaga nang makitang pumasok sa loob ng club ang babaeng binabantayan niya simula pa kanina.
"I see, maybe that person is here," nawawalang pag-asang ani ng kuya niya.
"Exactly," she answered without looking at him.
"Just take care of yourself, and please sa labas 'wag dito sa loob. The last time ang daming sirang glass tables. Ang tagal pa namang mag-r****d ng agency niyo," reklamo nito.
"Copy," bored na sagot niya.
"Sabihan mo rin si, Caddilac you're giving me headaches. Tatanda ako nang maaga sa inyo," anito.
Bumuntong hininga ang binata at tinalikuran na ang dalaga. She wore her black cap and walked downstairs. Hindi niya ipinapahalata ang kahina-hinalang kilos niya.
"Target positive," aniya habang kumakain ng judge na pula, v-fresh naman bukas.
Inayos niya ang suot na earpiece at dumaan sa grupo ng mga babae. She purposely bumped the table para makagawa nang kaunting eksena at mapansin siya nito.
"Ay, litse! Napakalampa mo naman," ani ng kasama nitong halos lumuwa na ang dibdib sa kaseksihan. Agad siyang humingi ng paumanhin dito t'saka pasimpleng kinuha niya ang isang micro-chip at inilagay sa suot nitong backless na damit. Inikutan lamang siya ng mata nu'ng nabangga niya. Kung hindi lang abala kanina niya pa ito tinadyakan sa sobrang attitude. Nang makatalikod ay napangiti siya.
"Nakabit ko na ang tracking device niya. An hour or so aalis na rin 'yan dito. Sa labas na rin ako maghihintay para masundan ang location ng drug addict niyang sugar daddy," parang wala lang na ani ng dalaga at napangiti.
"Good job, Dadaria," rinig niyang ani ng superior nila.
She just smiled and walked directly. Not knowing her brother looked at her with a worried expression. Bagong misyon niya si Benjamin alyas "bebot" Chuvakikowski isang kilalang notorious drug dealer and user. Ilang beses na itong nakulong pero nakalabas pa rin. Nakapagpiyansa lang at malakas ang kapit sa taas hindi rin kasi sumasapat ang ebidensiyang hawak ng kapulisan kaya kailangan niyang mag-ingat nang mabuti. Isa itong foreigner na nagsu-supply ng droga sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Matagal-tagal din niyang pinagplanuhan at inimbestigahan ang buhay nito. Hanggang sa may nahukay siyang butas at ito ay ang girlfriend nitong si Agatha Tumambad. Nakangiting napapasipol ang dalaga na lumabas ng club at sumampa sa motor niya. She looked up at the sky and inhaled. Hindi na masiyadong malakas ang tugtog ng music.
"What the f**k are you doing here motherf**ker?" nakangiting ani ng binata sa 'di kalayuan. Dadaria raised her eyebrows and looked at the man in suit.
Kasalukuyan itong nakikipag-fist bump sa mga binatang kararating lang sakay ng mga mamahaling kotse nito.
"Shut up, Miguel," ani ng binatang bumaba sa BMW at lumapit sa lalaki kanina.
"Hey, dumbasses!"
Nakangiting bumaba sa isang yellow Lamborghini ang isa pang binata at humihithit ng sigarilyo. Napailing ang dalaga sa nakikita. Mga lalaking walang ibang alam kun 'di ang paglaruan ang mga babae. Sa mukha pa lang alam ng wala itong mabuting maidudulot sa mga kababaehan.
Patuloy na ngumunguya ng gum ang dalaga nang biglang may huminto na isang black jaguar sa harap ng mga ito.
"Xenon's, here," masayang ani noong Miguel.
Malakas na tumahip ang dibdib ng dalaga nang makilala ang lalaking lumabas ng kotse nito. Agad na napatingin ang dalaga sa gawi nito at pina-lobo ang gum niya. Hindi mapigilang mapatitig ng binata sa babaeng nakaupo sa motorcycle nito at nagpapalobo ng gum. Kulot ang buhok nito and he can't really say if she's looking at him or not. Natatabunan kasi ang mata nito sa suot na cap. Nanatiling nakaupo ang dalaga habang nagmamasid sa mga pumapasok at lumalabas sa club.
Agad na naging alerto ang dalaga nang makitang lumabas na ang kanina pa niya inaabangan. Hinintay niyang sumakay ito sa kung sino mang susundo rito. Hindi nga siya nagkamali may isang itim na kotse na huminto sa tabi nito at binuksan ang passengers seat. Ngumiti ang prinsesa at pumasok sa loob ng hari niyang lango sa droga. Sinundan niya ito at ginagawa ang lahat upang hindi mahalata. Subalit wala yatang swerte ang araw niya ngayon dahil may mga convoy pala ang adik.
"s**t," mahinang mura niya sa sarili.
Mabilis na iniliko niya ang motor niya nang bumibilis ang takbo ng kotse na sinasakyan ni Bebot at Agatha. Pinapuputukan na rin siya ng mga tauhan nito.
"Code red," mabilis na aniya at mas pinabilisan pa ang takbo ng motorsiklo niya t'saka kinasa ang baril para lumaban. Alam na ng superior niya ang ibig sabihin. Mabilis na inihinto niya ang motor sa gitna ng kalsada at hinugot ang isa pang 45 calibre niya at itinuon sa gulong ng dalawang kotse. Mabilis na pinaharurot niya ang motor nang magpagewang-gewang ang mga sasakyan nito papunta sa kaniya. Malayo na sa tingin niya ang kotseng sinasakyan ni alyas Bebot.
"F**k!" Mabilis na binalikan niya ang mga tauhan nito at inisang hagis ang mist na dala niya. Nakita niya sa malayo na may kotseng may nakalagay na logo ng agency nila.
"Dadaria, how's the situation?" rinig niyang tanong ni Caddi sa earpiece.
"s**t! I've lost them. I've taken care of his men. Clean the mess. I just can't slip this moment away. I've been waiting for this," desididong aniya. Mabilis na pinaharurot niya ang motor lampas na rin siya sa speed limit. She doesn't care 'di niya dapat pinalampas ang pagkakataong ito.
"S**t!" Muntik pa siyang matumba nang biglang may tumawid na itim na pusa. She abruptly hit the brakes and sighed.
"Think Dadaria, think," kausap niya sa sarili. She inhaled and exhaled. After she brought her senses together a small smile crepted on her lips. Mabilis na pinaharurot niya ang motor. Hindi na rin niya alintana ang lamig ng hangin dahil gabing-gabi na. Nasa kanang kamay niya pa rin ang baril niya. Mas lalo pa niyang binilisan ang takbo at napangisi nang makita ulit ang kotse ni Bebot.
"Damn Dadaria, you're great," nakangiting napailing siya at tinabihan ang kotse nito. Agad na namutla ang babaeng nagngangalang Agatha nang makita siya.
Mabilis na yumuko ang dalaga nang paputokan siya ni Bebot at natamaan ang braso niya. Napaigik siya sa sakit buti na lang at daplis lang. Nakangising nag-f-ck you sign ang lalaki at mas bumilis ang takbo ng kotse nito. Ramdam ng dalaga ang sumisigid na kirot sa braso niya.
"F**k! Ba't ngayon pa?" galit na aniya't mabilis na kinasa ang baril t'saka sinundan ang kotse. May nakabanggaan na rin ang kotse subalit patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Mabilis na inasinta niya ang gulong. Tatlong putok pa at nagpagewang-gewang ito bago tumaob. Pinaharurot niya ang motor at mabilis na bumaba at hinila ang mukhang baboy na Bebot.
"Tang-**a mong hinayupak ka. Magpapahuli ka lang din naman ba't 'di ka pa natuloyan?" galit na aniya at hinila palabas ang lalaki at iniuntog sa kotse nito. Agad itong napaungol sa sakit. Nakita niyang gumagapang na rin palabas ang nobya nitong dugoan ang noo. Hindi na kumikilos ang driver nito baka binawian na ng buhay.
"Hahahaha," tumatawa na parang demonyo ang lalaki sa kaniya. She raised her eyebrows at tinuhod ito. He grunted. Galit na sinugod siya ng nobya nito at hinampas ang braso niya. Napaigik siya nang matamaan nito ang sugat niya.
"F**k!" mura niya nang maramdaman ang sakit. Akmang susugod na ulit ang dalaga nang hawakan niya ang mataas na buhok nito at sinuntok sa mukha kaya napahiga ang babae. Mukhang mawawalan na rin ng ulirat si Bebot.
"You're just wasting your time b***h! I can f**king get out of your damned prison. And when I am able to, I f--king swear you w***e. I'll get back to you and.."
Pinakatitigan ng matanda ang katawan niya at lumabi.
"I'll make sure to make use of you very well," mala-demonyong sambit nito t'saka ngumisi. Hindi natinag ang dalaga bagkus ay nginisihan niya rin ito pabalik.
"I've heard a lot of threatening, Mr. Chavakikowski. I'm used to it. Next time use words that are more scarier than that," nakangising ani ng dalaga. Ilang sandali lang ay nakasunod na ang mga tauhan ng agency nila.
“F**k you! You’ll pay for this you b***h!" galit na singhal ni Chavakikowski.
Agad na pinosasan ang matanda kasama ang nobya nito. Sobrang sama ng tingin nito sa kaniya. She doesn't care.
"Daria, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Caddi.
She smiled. Napaigik siya nang masagi nito ang braso niya.
"S**t! You're shot," nanlalaki ang mga matang anito.
Mabilis na kinuha ng dalaga ang motor niya at sumampa sa likod ni Caddi.
"Daplis lang naman 'to!" aniya para kumalma ito.
"Shut up! Patay ako kay Tita nito," she stated worriedly.
Dadaria rolled her eyes.
"Stop it, Caddilac. I'm perfectly fine. Makakapasok pa naman ako bukas eh," pag-a-assure niya rito.
"I shouldn't have introduce you to, Fanshai. Ito tuloy inabot mo. God! Graduating ka na Dadaria, hindi ka pwedeng mamatay," reklamo nito.
"Ouch! Alam mo namang mahal ko ang trabahong ito. T'saka hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko so shut it!" medyo naiinis na ring aniya. She's Caddilac Grace Slavinski. Her good cousin. Ang nagpakilala ng isang underground agency na pinagtatrabahuan nila ngayon. This is a non-government agency hidden behind the governments crime and violence section. Kapag masiyado ng peligroso at kakailanganin ng tulong ng sandatahang Pilipinas sila ang kumikilos. They're not traceable walang sino man ang may alam sa trabaho nila kahit ang gobyerno. Ang alam lang ng mga ito ay isa silang agency subalit walang nakakaalam kung sino ang mga agents sa likod ng superior na si Fanshai. Kumikilos sila ayun sa mando ng kanilang superior.
TBC
Zerenette