Kabanata 3 – Mahirap na Desisyon

1732 Words
Pumasok na kami ni Jayden sa kanya-kanya naming mga kwarto, pero pinag-usapan muna namin kung kailan kami magkikita para sa misyon niya na nakawin ang mga panty ng mga babae. Nagkasundo kami na kapag tulog na ang lahat saka kami kikilos. Kakapasok ko lang sa pinto ng kwarto ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nakita ko ang bank statement sa account ko. Nakatanggap nga talaga ako ng $2,000 at nakumpirma ko na rin na totoo nga talaga ang lahat. Walong tao ang kasya sa bawat kwarto. Madali rin para sa mga kasama ko na mapansing nakatanggap ako ng pera, pero wala ni isa ang nanghamak sa pagiging mahirap ko ngayong nakakuha na akong kaunting pera. Dahil binalaan kami ni King na huwag magsalita tungkol sa kanya at sa mga events namin sa group chat, nanatili kaming tahimik sa pag-aalalang susundan namin ang mga yapak ni Blake. Ito ang pinakatahimik na pagkakataon sa kwarto namin simula nang magsimula ang taong ito. Nagsepilyo lang kami ng ngipin at agad kaming humiga sa mga kama namin. Pagod ang lahat at natatakot silang magkuwento. Nang dumating ang 10:30 p.m., nakapatay na ang lahat ng ilaw at lumalalim na rin ang tulog ng karamihan. Ganoon din, sa ganap na 11:00 p.m., isang bilog na anino ang nakatayo sa tapat ng pinto. Hindi ito si Jayden, pero ang homeroom teacher namin na naglilibot gamit ang kanyang flashlight sa cellphone. Sinisiguro niyang walang tumatakas at tulog na ang lahat. Wala sa group chat ang homeroom teacher namin kaya wala rjn siyang alam tungkol sa mga detalye ng nangyari ngayong araw. Dahil summer na at mainit ang panahon, nakabukas lamang ang pinto ng lahat ng kwarto para masigurong nakakapasok ang hangin sa loob. Mabilis lang na sinuri ng homeroom teacher ang kwarto namin at agad na siyang tumalikod. Mamaya-maya, 11:30 p.m., ginising ako ni Jayden. Dahil natutulog ako sa baba ng double deck, hindi siya nahirapang gisingin ako. Wala kaming naabalang iba. Inalis ko ang charger ng cellphone ko. Nagdala ako ng ilang mga hairpin at plastic cards saka kami lumabas ng dorm. Ginagamit ko ang hairpin at plastic card sa pagbubukas ng mga kandado o nakasarang pinto. Hindi ko naman sila dinala sa campus para magnakaw o gumawa ng kahit anong krimen, gusto ko lang kumuha ng midnight snack sa gabi o kaya magtagal sa internet café kaysa sa curfew namin. Ilang beses ko nang binuksan ang pinto ng dorm gamit ang mga bagay na ito. Kaya ko itong gawin kahit nakapikit pa ako. Nakakatawa rin dahil madilim na madilim, wala rin naman akong makita. Sa tulong ng itim na kumot, nagawa naming makapasok sa dorm ng mga babae. Maligalig si Jayden. Ngumisi siya, “Matagal na nating ginawa dapat ang bagay na ito. Masyado talaga tayong inosente.” Kabaliktaran ng kanyang pagkasabik, nanginginig ako sa takot. Hindi gaya ni Jayden, alam kong nakakasindak at nakamamatay ang larong ito. Pwede niyang ikamatay ang pagkabigo niya sa misyong ito. Bilang depensa sa delikadesa ng mga babae, ginawang cafeteria ng eskwelahan ang first floor ng dorm nila. Madali lang magnakaw ng panty sa 1st floor at parang laro lamang ito ng isang bata. Napag-isipan ito nang mabuti ng campus admin kaya pinili nilang ayusin ng ganito ang dorm. Tinahak namin ang hagdan sa tabi ng cafeteria saka namin narating ang nakasarang mga pinto ng dorm. Binuksan ni Jayden ang flashlight ng kanyang cellphone. Iyan ang unang beses namin na makatapak sa dorm ng mga babae. Sinuri ko agad ang pinto. Katulad ito ng pinto sa dorm naming mga lalaki, maliban na lang sa isang plaka na nakasabit sa harap nito “Bawal pumasok ang mga lalaki!” “Nasasabik ako, hehe, oras ko na rin para makahaplos ng mga babae.” “Ituon mo ang atensyon mo sa misyon mo. Kung hindi, lalong magugulo ang lahat.” “Oo na, oo na, Evan. Ngayon, sino naman ang magiging target ko?” Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Iniisip ni Jayden na biro lamang ang lahat ng ito, wala siyang alam kung anong kapahamakan ang dala niya sa kanyang sarili. “Huwag mo nang isipin ang mga walang kuwentang bagay. Kumuha ka lang ng isa at umalis na tayo agad!” “Paano kung panty ng isang pangit na babae ang makuha ko at hindi ako bayaran ni King? Hehe, tara na, Evan, bilisan mo.” “Ikaw na lang ang pumunta. Magbabantay ako rito.” Binuksan ko ang dorm ng mga babae pero wala akong balak na pumasok. May prinisipyo pa rin naman ako kahit papaano. Higit sa lahat, kay Jayden ang task na ito. Kapag sumama ako, baka mairita si King at maging dahilan ito para mamatay ang kaibigan ko. Tinawag muna akong duwag ni Jayden saka siya pumuslit papunta sa itaas. Kahit pakinggan niya man o hindi ang payo ko, sinabihan ko pa rin siyang mag-ingat. Pumasok na rin ako sa loob pero tumayo lamang ako sa tabi, hinihintay ko ang pagbalik ni Jayden. Kapag nakabalik na siya, agad kong isasara ang pinto at walang makakaalam na naparito kami. Ilang minuto ang nagdaan pero hindi pa rin nagpapakita si Jayden. Inisip ko na lang na hindi naman siguro siya nahuli ng mga babae dahil walang komosyong nagaganap. Mukhang may pinupuntirya talaga siyang babae at talagang nagtatagal pa siya sa teritoryo ng mga kalaban. Nang papadalhan ko siya ng message na magmadali, may bumaba sa hagdan. Hindi ito si Jayden at hindi rin ito ang guard ng dorm pero isa itong babae. Hindi niya ginagamit ang flashlight ng kanyang cellphone, tanging ang mahinang ilaw lamang ng screen ang pinantatapat niya sa dilim habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Wala akong ideya kung ano ang sinusubukan niyang gawin. Sumuksok na lamang ako sa gilid para hindi niya ako makita. Pinipigilan ko rin ang hininga ko sa takot na marinig niya ako. Hindi nagtagal, narating rin ng babae ang pinto. Sinubukan niyang hawakan ang doorknob, nang ikutin niya ito, nasorpresa siya nang malamang nakabukas ang pinto. Agad siyang nag-type gamit ang kanyang cellphone. Sa kabila ng kanyang kaba, gusto niya pa ring magpadala ng message sa kanyang mga kasama. Salamat sa ilaw ng screen ng cellphone, nakita ko na rin ang mukha ng babae. Si Chelsea pala ito. Nang mapagtanto kong ibubuking niya na ang katotohanan na may nakapasok sa dorm, agad akong tumayo mula sa sulok at hinablot ko ang cellphone niya. Napahiyaw si Chelsea sa sorpresa at agad kong tinakpan ang kanyang bibig saka ko siya hinatak sa tabi. Sumisigaw pa rin si Chelsea sa kamay ko at sinusubukan niyang kagatin ang mga daliri ko. Dahil nahihirapan akong hawakan siya, pinagsamantalahan niya ang pagkakataong ito para kumawala sa akin at agad niya akong kinalmot sa braso gamit ang kanyang mahahabang kuko. “Chelsea, kumalma ka. Ako ito, si Evan. Makinig ka muna sa akin!” Tinaasan ko ang boses ko pero pabulong pa rin ito. Ang nag-iisang magandang bagay sa pagsasabi kung sino ako, nawala ang takot at gulat ni Chelsea. Subalit, dumoble ang kanyang lakas sa panlalaban sa akin at pinatamaan niya ang tiyan ko gamit ang tuhod niya. Namilipit ako sa sakit habang sinusubukan kong tumayo nang maayos. Ito ang dorm ng mga babae at ayaw ko namang kagalitan nila ako. “Makinig ka sa akin!” Habang ramdam ko ang hapdi ng braso ko at sakit ng tiyan, unti-unting lumuwag ang hawak ni Chelsea sa akin. Dahil siguro sa taranta, nagkaroon ng adrenaline rush si Chelsea at nagawa niyang maging mas malakas kaysa sa normal. Ganoon din, agad akong nagpaliwanag para kumalma siya. “Kasama ko si Jayden dahil misyon niyang magnakaw ng panty ng mga babae. Kung hindi niya ito gagawin, mamamatay siya!” Gaya ng inaasahan ko, gumana nga ang paliwanag ko. Naramdaman kong hindi niya na ako sasaktan. Itinulak niya lamang ang kamay ko palayo. “Huwag kang sumigaw o mamamatay si Jayden.” Habang inuulit ko ito, dahan-dahan kong inalis ang kamay ko. “Evan, bakit ka kasangkot dito?” Hindi na humingi ng tulong si Chelsea sa iba. Sa halip, nagsimula siyang kuwestiyunin ako. “Hindi ko siya pwedeng tulungan sa task niya, pero kaibigan ko pa rin si Jayden, kailangan ko siyang suportahan kahit sa maliit na bagay…” “Umalis ka na agad!” Itinulak ako ni Chelsea. “May utang na loob ako sa iyo kanina at hindi pa ako nakakabawi.” “Anong mali?” May pakiramdam ako na may mali sa kanyang reaksyon. “Sa totoo lang, hindi iyan ang tanong ko. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung bakit naririto ka? Pakiusap, huwag mong sabihin sa akin na may task ka rin.” Tumugon si Chelsea at mabilis siyang tumango, “Nagpost si King ng event para hulihin ang magnanakaw ng panty. May iilan sa amin na sumali sa laro. Kailangan naming hulihin ang magnanakaw, kung hindi, maglalivestream kami habang naghuhubad.” “Hindi iyan pwede!” May sakit talaga sa pag-iisip ang King na iyon. Pinapagnakaw niya si Jayden ng panty, pero sa kabilang banda, gumawa rin siya ng event para hulihin ang magnanakaw. Parehong may matatanggap na parusa ang dalawang panig sakaling hindi sila magtagumpay. “Evan, walang kinalaman ang bagay na ito sa iyo, kaya umalis ka na.” Tinulungan ko si Chelsea kanina sa klase sa pamamagitan nang hindi pagsasabi kay Blake na wala siyang suot na underwear. Iyan ang dahilan kung bakit binibigyan niya ako ng pabor ngayon. “Kung aalis ako, ano naman ang mangyayari kay Jayden?” Hindi ko naman pwedeng hayaan na pagtulungan ang kaibigan ko. “Kung makakatakas si Jayden, kami naman ang mapaparusahan. Kung hindi kami sasayaw habang nakahubad, sigurado akong bibigyan kami ng ibang penalty ni King. Paano naman ang reputasyon namin? Lulubog na kami sa hiya at hindi na kami lalabas ng kwarto. Pakiusap, Evan, iwan mo na si Jayden at umalis ka na!” Nagmakaawa si Chelsea sa akin, samantalang bumibilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Hindi pwedeng gawin nila Chelsea ang livestream habang nakahubad. Kahit para sa akin, ayaw ko ring gawin nila ito. Syempre, hindi hahayaan ng mga babae na matuloy ito, pero kung mabigo sila, matindi ang parusang matatanggap nila. Kailangan nila itong iwasan sa abot ng kanilang makakaya. Kapag umalis ako ngayon, matutulungan ko silang iwasan ang penalty nila, pero ibig sabihin, mabibigo rin si Jayden sa kanyang task.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD