Kabanata 2 – Ang Dorm sa Gabi

1308 Words
Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, narinig namin ang isang “malutong” na pagbagsak mula sa bintana. Malakas at malinaw ang tunog. Kakaunti lamang ang mga kaklase kong nakakita na tumalon si Blake. Ginawa niya ito sa pinakalikod na bintana ng kwarto habang abala ang lahat sa pag-aayos ng kanilang itsura dahil sa event kanina. Pinaalam lamang ng mga nakanood kung ano ang nangyari sa iba naming mga kaklase na hindi nasaksihan ang nangyari. Agad na nagsilapitan ang lahat sa bintana, nakapalibot sila sa tinalunan ni Blake. Mataas ang binagsakan ni Blake dahil 5th floor ang kwarto namin. Tanging semento lamang ang sasalubong sa kanyang 15 metro na biyahe pabagsak. Sa ngayon, sa gitna ng semento, nakahimlay ang bali-baling buto at laman-laman ng kaklase tinatawag naming Blake. Patuloy ang pagdanak ng dugo mula sa kanyang walang buhay na bangkay at lalo pang lumalaki ang sakop ng pulang likido sa lapag. Lalo lang ikinatakot ng lahat ang itsura ng bangkay dahil sa mahinang ilaw ng street lamp sa baba. Isang sulyap lang ang kailangan namin para matandaan naming ayaw namin itong mangyari ulit kahit kailan. Ganoon din, napansin na rin ng klase sa 1st floor ang bali-bali at duguang bangkay ni Blake. Agad silang nagkagulo nang masilayan nila ang patay na tao, tila ba nawasak nito ang mga inosente nilang mga mata. Subalit, natahimik lamang ang buong klase namin. Kakaboto lang namin… at binoto namin ang option kung saan… mamamatay… si Blake. Inakala namin na biro lamang ito, isang malaking biro ng isang mayamang lalaki na walang magawa sa kanyang pera. Ngayon, sinampal kami ng katotohanan. Binoto namin na mamatay si Blake at talagang namatay nga siya. Walang kahit anong pasabi o kahit anong babala. Hindi rin siya tumili. Binuksan niya lamang ang bintana na para bang hindi niya alam ang nangyayari at sumunod… tumalon na lang siya sa bintana. Walang handa sa amin na masaksihan ang ganitong klase ng pangyayari. Kakaunti lang ang mismong nakakita ng pagtalon ni Blake, pero malinaw sa aming lahat na naririto na ang kamatayan niya ay may kinalaman sa amin, at kay King. Iilan sa mga babae ang nanginig at nagsimulang humagulgol. Sa tabi ko, humigpit rin ang hawak ni Chelsea sa braso ko, para bang nakadepende ang buhay niya sa akin. Sa dalawang event na pinagawa ni King sa group chat, si Chelsea ang kanyang guest of honor. Kung may matatakot sa amin sa klaseng ito, si Chelsea ang nangunguna sa listahan. Sa gitna ng pagkabalisa ng buong klase sa biglaan at hindi maipaliwanag na kamatayan ng aming kaklase, lalo kaming napatalon sa gulat nang sabay-sabay na tumunog ang mga cellphone namin. Nanigas kaming lahat, alam naming message ni King ang notification at ito ang kanyang tugon sa nangyari. Nakamention kaming lahat sa message. Binalaan niya kami na huwag magsalita kung ano ang nangyari sa mga laro namin at mga usapan sa group chat kung ayaw naming mabigyan ng sorpresa. Minsan, mas nakakatakot ang malalabong bagay kaysa sa mga direktang katotohanan. Mas nakasisindak ang elemento ng kawalang-kaalaman na ibinigay ni King sa amin sakaling magkamali kami. Napagtanto naming lahat na hindi talaga isang tao si King. Para naman sa hangganan ng kanyang kalupitan, wala ni isa sa amin ang gustong makaalam. Imposible namang patayin ni Blake ang kanyang sarili. Si King ang may dahilan nito at siya rin ang kumokontrol kay Blake para tumalon ito palabas ng bintana. Kinalaunan, inanunsyo ang pagkamatay ni Blake. Alam naming dumating na ang mga pulis nang marinig namin ang mga sirena. Ganoon din, pumasok ang mataba naming homeroom teacher habang namumutla ang mukha. Tinatanong niya kami kung ano ang nangyari. Walang kahit sino ang nagsabi ng tunay na naganap. Umiiyak lamang ang mga babae habang lubog ang itsura ng mga lalaki. Mapanglaw ang buong ere sa loob ng silid. Mamaya-maya, pumasok na rin ang mga pulis at sinimulan nila ang kanilang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa amin ng isa-isa. Iyon nga lang, pareho lang ang nakuha nilang sagot sa lahat. “Biglaang tumalon si Blake palabas ng bintana.” Hindi kami makapagbigay ng dahilan kung bakit ito nangyari kahit ano pang pagtatanong ang ginagawa ng mga pulis. Umalis na rin ang mga pulis matapos mahusgahan na nagpakamatay si Blake. Isa itong kaso ng suicide sa kanila. Ganoon din, wala silang nahanap na kahit anong bakas ng pananakit o mga pasa sa katawan ni Blake. Wala ring kahit anong ebidensya sa klase na makapagpapatunay na may foul na naganap o pinagtulungan namin siya. Ang naging dahilan kung bakit naging simpleng kaso ang kontrobersyal na pagkamatay ni Blake ay dahil sa recording ng CCTV ng eskwelahan na nagpapakitang tumalon si Blake mula sa kung saan. Nang umalis ang pulis, natapos na rin ang self-study class namin sa gabing iyon. Bumalik na ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang dorm. Kahit takot pa rin ang buong klase dahil sa nangyari kay Blake, ang totoong pinagmumulan ng takot ng lahat ay ang susunod na laro na ipapagawa ni King. Minsan, mas nakaka-stress pa ang maghintay. Gusto na nilang umalis sa group chat, i-delete ang app at huwag nang magkaroon ng kahit anong koneksyon kay King; pero hindi ito gumana. Si King ang naging group administrator ng group chat, at napalitan ng ibang titulo ang pangalan naming lahat. Naging “Subject” na lamang ang mga pangalan namin. Dati, “HQ of Class 14” ang pangalan ng group chat namin, pero ngayon, private group na ito ni King. Napalitan na rin ang icon ng chat at naging korona ito. “Evan!” Habang pabalik ako sa dorm, isang matabang kamay ang lumapag sa balikat ko. Natigilan ako sa paglalakad, “Ang galing mo naman, bro. Madalas tahimik ka lang, pero nagawa mong mahawakan ang dibdib ni Chelsea. Gusto kong marinig ang mga detalye; kumusta naman ang pakiramdam ng 36D?” Ngumisi si Jayden. Mula pagkabata, magkaibigan na kami dahil magkapitbahay lamang kami. Ang tawag niya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkaunawaan ni Chelsea kanina. “Totoo ba talaga ang pera? Talaga bang nakakuha ka ng $2,000?” Halatang nasasabik si Jayden. “Oo.” Wala ako sa mood para pag-usapan ang nangyari kaya tumango lamang ako. “Eh? Bakit naman pupunta ka sa dorm? Dapat nagsasaya tayo ngayon! Ilabas mo naman ako para kumain ng mamahalin, pumunta rin tayo sa internet café.” Hinatak ni Jayden ang braso ko papunta sa gate ng campus. Wala talaga ako sa mood ngayon. “Sa susunod na lang. Gusto ko muna sanang matulog sa araw na ito.” “Kumita ka ng pera, pero bakit malungkot ang mukha mo? Huwag mong sabihin sa akin na naapektuhan ka ng pagpapakamatay ni Blake. Maganda nga iyon. Karapat-dapat lamang na mawala siya sa mundo.” Wala naman talaga akong pakialam kay Blake. Naiirita lang talaga ako sa pagtawag ni Jayden sa akin kanina. “Bakit mo ako tinawagan kanina habang nasa klase?” “Para sana bigyan mo ko ng invitation sa group chat niyo. Narinig kong may weirdo doon. Siya raw ang nagpost ng harassment game. Gusto ko sanang makisali sa saya kaya tinawagan kita.” Dahil Class 14 ako at si Jayden ay Class 13, hindi talaga siya kasali sa group chat namin. “Bukod pa roon, mayaman raw ang weirdong iyon!” “Ano?!” Nagulantang ako. “Nakapasok ka sa group chat namin?” “Oo. Dahil hindi mo sinagot ang tawag ko. Ginawa ko ang lahat para mahanap ang group chat niyo pero wala akong mahanap na bakas. Pero, laging may paraan kung gugustuhin mo. Nakapasok rin ako. Nga pala, bakit ‘King’ na ang pangalan ng group niyo ngayon…” Nanigas ako sa takot at namutla ako nang marinig ko ang sagot ni Jayden. Gustong-gusto na naming umalis sa group chat na iyon, pero heto si Jayden, kabaliktaran ang ginagawa niya. Mukhang gusto niya yatang mamatay nang maaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD