HTP 1

1360 Words
“Pres, nasa gymnasium na po ang mga late,” wika ng babaeng may dalang stick. Tumango naman siya at naglakad na. Inayos niya ang buhok niyang itim na itim na hanggang beywang niya at naglakad papunta sa gym. Napakunot noo siya nang makitang same face ang nakikita niya. Kaagad na nag-init ang ulo niya nang makita ang lalaking mas matigas pa sa bakal ang ulo. “Ang guwapo talaga ni, Cross,” bulungan ng mga kasama niya na kasapi sa student council. “Ano ba, Bei at Carly?” inis niyang untag sa dalawa. Mukhang nagpapa-cute pa. Inis na nilapitan niya ang mga lalaking nagpapasakit sa ulo niya the whole year bilang isang senior high school student and still the student council President. “Kayo na naman? Wala na kayong ibang ginawa kung hindi ang inisin at galitin ako,” gigil niyang wika. “Ikaw na naka-uniform na may kulay blue na panloob ikaw ang mag-lead ng prayer, ikaw naman na may piercing sa tenga na akala mo ikinaguwapo mo ikaw sa lupang hinirang,” malditang wika niya. Kaagad na nagtawanan ang mga kasama nito. “Ikaw na may paso ng sigarilyo ang kamay sa panatang makabayan, ang tatanda na pero utak manok pa rin. Mabuti pa nga ang manok kesa sa inyo. Oh, ano pa ang tinutunganga niyo riyan? Simulan niyo na,” dagdag pa niya. “Ako riyan para tabi kami,” “Ano ka ba? Ako kaya ang nauna,” Napatingin si Shan sa likod niya nang makitang tila kinikilig pa ang treasurer at auditor sa lalaking pinakaayaw niya sa balat ng Mataas na Paaralan ng Ledgesma National Comprehensive High School. Ang notoryosong fubu ng eskwelahan na si Cross ay pangisi-ngisi lang ito sa kaniya na akala mo naman ay close sila. Inis na inirapan niya ito. “Ano’ng nginisi-ngisi mo riyan ha? Simulan mo na,” inis niyang gagad. Tumango naman ito at ngumisi. Kaagad na nagpa-cute naman ang dalawa. “Bless us oh Lord and this thy gifts, which we are about to receive by thy bounty, Amen.” Natuod si Shan at tila hindi maigalaw ang katawan sa narinig. Maging ang mga barkada nito ay pinipigilan ang sariling matawa. Napatingin siya sa dalawang kasama niya na tila manghang-mangha sa prayer ni Cross. “Hahahaha,” bunghalit na tawa ng mga barkada nito. Umulbo naman agad ang dandruff niya sa ulo nang marinig iyon. “Ano’ng nakakatawa ha? A prayer is a prayer no matter what it is. Mga gonggong, continue!” singhal niya. Kaagad na natahimik naman ang mga ito. Napatingin siya kay Cross at kaagad na napairap nang makitang nakatitig ito sa kaniya. Naiinis siya lalo pa’t isa pa itong ulopong na kaibigan ng binata ay hindi marunog mag-conduct ng lupang hinirang. Matapos ang flag ceremony ng mga late comers ay nilapitan niya ang mga may piercings at pinatanggal iyon. “Hindi ito organisayon ng mga gang at adik ang school kaya tanggalin niyo ‘yang mga abobot niyo sa katawan at kapag ako pa ang kukuha niyan isasama ko pati taenga niyo,” inis niyang saaad. Mabilis na tumalima naman ang mga ito. “Kayo ang dahilan kaya natatakot ang mga parents na mag-enroll ng mga anak nila rito. Wala kayong ibang alam kung hindi ang maging buraot at bully sa mga estudyante rito. Sa susunod na makita ko kayong may binubully paglilinisin ko kayo sa loob ng stock room. Naiintindihan niyo?” singhal niya sa mga ito. Kaagad na natakot ang mga mukha nito. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot eh sobrang dumi at baho ng stock room. “Opo Pres,” sagot naman nila. “At ikaw Zhen, sa susunod magsuot ka ng appropriate na panloob,” inis na pangaral niya rito. “Wala akong pakialam kung ano’ng damit basta hindi de kolor. Gusto ko lang sabihing hindi ko tino-tolerate ang ka walanghiyaan mo,” inis niya pang dagdag. “Red?” tanong nito. “No,” “Pink?” “No,” “Violet?” “Seryoso ka ba?” kunot ang noong tanong niya. Tumango naman ang binata. Kaagad na napahawak ang dalaga sa ulo niya at napapikit. Magkaka-high blood siya sa binata. “Cross naman, huwag mo nang galitin si, Pres,” mahinang bulong ng kaibigan nito. Napakamot lamang si Cross sa batok niya at ngumisi. “Oo nga, nakakatakot na oh, parang demonyita na handa nang mantapon,” dagdag pa nu’ng isa. Cross immediately showed his sweet smile. Kaagad na impit na napatili ang dalawang kasama ni Shan. “Ano ba sa white ang hindi mo maintindihan ha?” tanong ni Shan. “Kung bakit sila white?” sagot nito. Natahimik si Shan. Pakiramdam ng dalaga ay pinukpok siya nang ilang beses. Nandidilim na rin ang paningin niya. “Ahaha, Fafa Cross next time white na ang isuot mong panloob ha,” wika ng auditor nila. “Oo nga, basta walang print okay na okay,” dagdag pa ng treasurer nila. “Gusto ko ang blue eh,” saad pa nito. “Wala na ba akong karapatang magsuot ng blue? Kayo ba pinapakialaman namin kung kulay blue ang bra niyo?” seryosong sagot ni Cross pero halata ang kapilyohan sa boses. “Blue din naman ang bra mo Pres hindi naman ako nagreklamo,” wika nito at ngumisi. Mabilis na tinakpan ni Shan ang dibdib niya at hinarap ito. “Gusto mo ng blue ha,” inis na wika ni Shan at nilapitan ito t’saka malakas na sinuntok. “Bukas o mamaya paniguradong blue at violet ‘yan,” inis na wika ni Shan. “Cross!” sigaw ng dalawa at ang mga kasama namang lalaki ni Dos ay takot na takot sa gilid. Napakurap din si Shan nang mapansing hindi ito kumikibo at nakayuko lang. Kinabahan din siya. “Do it stronger next time,” nakangiting wika nito at ngumiti nang matamis. Ilang saglit pa ay nawalan na ito ng malay. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat. “Hala ka! Pres, nawalan ng malay si, Cross,” pananakot nu’ng isa. “kapag ito nalaman ng fans club niya paniguradong patay ka,” dagdag pa nu’ng isa. “bakit mo kasi nilakasan, Pres? Nakalimutan mo sigurong ikaw ang defending champion ng taekwondo,” ani ng treasurer nila. Nag-aalalang nilapitan niya ito at nang makitang pasimpleng inilabas nito ang dila ay nawala ang pag-aalala niya. Lintek na lalaki. “Pabayaan niyo ‘yang langawin,” ani niya. Kaagad na natigilan ang lahat sa sinabi niya. “Huh?” “Hindi ba natin siya dadlhin sa clinic, Pres?” tanong ng auditor nila. Napakunot noo naman si Shan at mukhang napuruhan nga ang mukha nito. “Dalhin niyo, may klase pa ako,” ani niya at umalis na. Baka hindi siya makapagpigil at masuntok na naman niya iyon ulit. “Sana natuluyan ka na, Zhen,” nanggalaiting wika niya at pumasok na sa loob ng room nila. Napatingin siya sa mga classmates niya nang ni isa ay walang nagsalita. Tinaasan niya ito ng mga kilay. Umupo siya sa desk niya at naghintay sa teacher nila. “Baka may pre-test tayo mamaya pa kopya ako,” Rinig ni Shan na bulungan ng dalawa sa likod. Nilingon niya ang mga ito at pinanlisikan ng mata. Kaagd na umayos ito sa pagkakaupo. “Eduardo, kinse plus singko may bente ka na. Ikaw na ang leading sa mga talkative ng room. Make sure na mabayaran mo ‘yan nang makabili tayo ng maraming floorwax,” ani Shan. “Pero Pres, may lima pang starwax na hindi nagagamit,” reklamo nito. “Wala akong pakialam,” sagot niya at stress na umob-ob sa desk. Ilang saglit lang naman ay pumasok ang guro nila sa Understanding culture. “Aanhin naman natin ang maraming floorwax?” sabat pa nito ulit. Inis na hinarap niya ito. “Gagamitin natin pangkuskos sa sahig at kapag hindi ka pa tumahimik diyan ikaw ang gagawin kong lampaso,” inis niyang sagot. Napakamot naman kaagad ito sa ulo niya. “Ms. Shan Chun Hei, pinapatawag ka ng nurse,” ani ng guro nila. Kaagad na nagulat siya. Hindi na rin siya nagtananong. Tumayo na siya at lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD