bc

Sa Kaniya (Book 2)

book_age18+
189
FOLLOW
1.8K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
powerful
bitch
drama
betrayal
rejected
selfish
wild
like
intro-logo
Blurb

This story contains mature scenes that only suitable for legal ages.

Para maka-relate kayo sa book 2, basahin niyo po muna ang book 1.

Isang pag-ibig na pinaglayo ng masalimuot na trahedya at muling magbabalik. Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita silang dalawa. Isang pusong sabik na sabik sa kanilang pagkikita samantalang ang kapares nito ay nag-aalab sa galit at pagkamuhi.

Kahit na walang kasiguraduhan na buhay pa si Maximillian ay naghintay pa rin si Serenity sa kaniya. Isang taon na nagluksa at umasa. Kaya nang bumalik ang lalaking mahal niya ay labis ang saya na kaniyang nadarama.

Ngunit biglang gumuho ang mundo niya ng bumalik si Maximillian na may kasamang ibang babae. Pain. Betrayal. Emotional damage. Physical damage. Name it! Pakiramdam niya ay pinagkaitan ulit siya ng kasiyahan kaya ito ang nag-udyok sa kaniya para magbago at maging isang party goer.

The prim and proper woman was gone. Ang pagiging inosente niya ay napalitan ng pagiging agresibo. Ang wagas na pagmamahal ni Serenity kay Maximillian ay napalitan ng pagsisisi.

Love turns to hatred. And hatred turns her into being selfish and a bad person.

Sa gitna ng pagmamahal at galit, maibabalik pa kaya ang matamis nilang pag-iibigan?

O ito na ba ang senyales para kalimutan nilang dalawa ang isa't isa at maging masaya sa piling ng iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SERENITY Masaya silang lahat ng siya ay bumalik. They even prepare a grand welcome party for him. Masaya rin naman ako pero mas lamang nga lang ang pait sa puso ko. Hindi ko lubos akalain na sa pagbalik niya, may kasama siyang isang mahinhin at magandang babae. Samantalang ako, naitchapwera bigla dahil may bago na siya. Ang sakit kasi isang taon akong umasa at naghintay sa kaniya. Walang araw na hindi ko siya kinalimutan bagkus palagi ko siyang napapanaginipan. Ang sabi naman ng kapatid niya ay hindi siya nagkaroon ng amnesia at intact ang memorya niya. Sadyang kinalimutan lang niya talaga ako at ang pinagsamahan naming dalawa. How ironic right? "Asena, bar tayo!" matinis kong sigaw sa labas ng unit niya. Asena and I became best friends. Hindi ko nga akalain na magiging close talaga kami sa isa't isa. Ang layo kasi ng ugali ko kumpara sa kaniya. Liberated siya habang ako mahinhin. Kaya nakapagtataka na naging magkaibigan kaming dalawa. "Ano ba, Seren. Hindi na ako natutuwa sa gabi-gabi mong pag-aaya sa akin. Nagsisi tuloy akong nahawaan ka sa pagiging party goer ko. Come on, where's the old prim and proper woman I knew before?" I rolled my eyes. "Hindi ka ba natutuwa na lahat ng gimik mo ay nasasabayan ko na? Look, ngayon ko lang na-realize na masyado pala akong boring noon. Loosen up, Asena! Remember, hindi ka na model kaya wala ka ng inaalagaan na image." Nang tuluyan akong mag-quit sa modeling industry ay kinabukasan nag-quit din siya dahil hindi na daw niya kailangan ng fame at pera. Noong una, na-shock ako sa padalos-dalos na desisyon niya pero kalaunan nalaman ko rin ang totoong rason niya kung bakit tumanggi siyang i-renew ang kontrata niya sa agency nila. Nakikita ko naman na masaya siya sa naging desisyon niya at hindi naman siya naghihirap ngayon. "You witch! Ano na naman ba ang rason ng pagpunta mo ngayon sa bar? Hulaan ko, si Maximillian na naman ba?" tanong ni Asena. "You're overreacting again. I'm fine now, Asena. Hindi na ba pwedeng magsaya ngayon at uminom ng alak? Boring kasi sa bahay kaya naisipan kong puntahan ka dito at ayain na mag-bar. Kung ayaw mong sumama, e 'di 'wag!" Akala niya siguro hindi ko kayang pumunta mag-isa. Invited ako sa welcome party ni Maximillian, pero hindi ako a-attend dahil baka ma-out of place lang ako. "Fine, I'm coming with you. Hintayin mo ako at mag-aayos lang ako. Look at yourself now, you've changed a lot, Serenity." Nginitian ko lang siya at hindi na pinatulan ang sinabi niya. Anyway, I like this new version of myself now. I like how wild I am. I kiss every man I find attractive just to forget Maximillian. Para akong nagrerebelde sa pinaggagawa ko ngayon pero hindi naman ako sinisita ng mga kapatid ko. Hindi na sila tulad ng dati na strict at masyadong overprotective kaya mas lalo akong natuwa. Pagdating namin sa bar, hyper na ang mga tao sa dancefloor. Damn, ang daming tao ngayon dahil weekend. Halos puno ang bawat table kaya sa counter kami pumwesto ni Asena. Looking expensive while being hot, I sexily smiled at the bartender. Pagkaupo ko sa metal na upuan nag-order agad ako ng martini. "Asena, it's you," gulat na sabi ng lalaking foreigner sa aking kaibigan. "Hi James! How are you? Ano pala ang ginagawa mo dito sa Pilipinas?" Oh, nakakaintindi pala siya ng tagalog. Napabaling ang tingin ng lalaki sa akin at malagkit niyang hinagod ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil mukhang gusto niya akong ikama. Boys will be boys talaga. I'm still a virgin, and I have no plans to f**k a stranger man. Kahit naman nakikipag-make out ako ay alam ko pa rin kung kailan ako titigil sa pakikipaglaro sa mga lalaking kalandian ko. "I'm good. You're friend?" he asked and licked his lips like he was seducing me. Oh boy, you're so horny. Mukha pa lang niya alam ko ng playboy siya at marami na siyang naikamang babae. Hindi na ako magtataka kung pati si Asena ay nabiktima niya. Though, parang wala namang kababalaghan na naganap sa kanilang dalawa kasi ang gaan ng pakikitungo nila sa isa't isa. "Yes, she's my beautiful friend. Serenity, this is James, my cousin." Kinurot ako ni Asena at pinanlakihan ng mata na 'wag sungitan ang lalaking nasa harapan namin. Sige na nga, hindi ko na siya susungitan since pinsan naman siya ni Asena. "Hello, nice meeting you. Are you alone or with your friends?" "I'm alone. Want to join me at my table?" "Sure," masiglang sabi ko at bago ako umalis ay nilagok ko muna ang martini na in-order ko kanina. Kung noon mahina ang tolerance ko sa alak ngayon ay hindi na at kaya ko ng uminom ng hard drinks. Siguro nasanay na ako dahil halos gabi-gabi kaming umiinom ni Asena. Habang nag-uusap ang magpinsan ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Gusto kong mag-reply sa chat ni Madam Bea pero hindi ko ginawa dahil alam ko kung saan mapupunta ang usapan namin pagkatapos ng kamustahan. Wala na siya dito sa Pilipinas at sa Dubai na siya naka-base. Samantalang si Shane ay nandoon pa rin sa agency ko noon at isa na siyang manager ngayon. Denise is happily married with my brother and already had a baby boy. Tapos ako, nandito sa bar at pilit na nagsasaya kahit ang totoo ay masyadong mahapdi pa rin ang puso ko. Well, time heals, so I will let time heal me. Si Leren at Zoe naman ay busy sa kanilang career habang inaalagaan sila ng boyfriend nila. Mukhang ako na lang ata ang naiwang miserable sa aming lahat. They're all moving forward while I'm torturing myself in this kind of place. Funny how I changed into the worst woman. "Girl, kanina pa nakatingin si Maximillian sa'yo. Alam mo, landiin mo kaya si James sa harapan niya. Tignan natin kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero kung hindi siya affected ay kalimutan mo na lang siya." "Asena, mukhang namalikmata ka lang. Paano pupunta iyon dito kung ngayon ang welcome party niya?" masungit kong tanong sa kaniya. "Tumingin ka kasi sa kabilang table kung sino ang mga nandoon!" Napasinghap ako ng lihim niyang kinurot ang hita ko. Matalim ko siyang tinignan at naiinis kong binalingan ang lalaking nakatingin sa akin. Those cold stares at him made me realize that he had changed too. I don't know him anymore. Parang hindi ko na siya kayang abutin at wala akong lakas na lapitan siya ulit. Parang hindi siya nabaliw sa akin noon. Parang hindi siya nagmakaawa sa akin noon. Umiwas na ako ng tingin dahil kahit anong pagkukumbinsi ko sa aking sarili na balikan niya ako, sa huli, mas nanaig pa rin ang pagkabigo ko sa kaniya. I'm disappointed, yet I'm still hoping for him. Siguro tama na ito, natuto na ako sa past ko kaya baka kagaya ni Dominic, hindi talaga ako mahal ni Maximillian. Itinuon ko na lang ang aking pansin kay James at nakipag-usap sa kaniya. Matalino pala ang lalaking ito at hindi ko alam na siya pala ang may-ari ng ipinapatayong mall sa kabilang bayan. Habang tumatagal ay naging magaan na ang loob ko sa kaniya. Paminsan-minsan ay inaamoy niya ang leeg ko kaya umakto akong parang nagustuhan ko ang ginagawa niya sa akin. "You're so hot, Serenity. Lahat ng lalaki dito sa bar ay nababali ang leeg kakatingin sa'yo," bulong ni James sa akin. "Gano'n ba? Parang hindi naman," maang-maangan ko. Kanina pa umalis si Asena sa table namin at hindi man lang siya nagpaalam sa akin kung saan siya pumunta. Habang tumatawa ako sinulyapan ko ulit si Maximillian. Diretso at tiim bagang niya akong tinignan kaya mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap kong naaliw sa ginagawa na paghalik ni James sa leeg ko. Galit siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at marahas niya akong hinila palabas ng bar. "Bitawan mo nga ako. Ano ba, nasasaktan ako!" "What are you doing, Serenity?" galit na tanong niya sa akin. "Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Ano ba ang trip mo at bakit ka nanghihila bigla?" Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at iniwan siyang nag-aalboroto sa galit. Ang lakas ng loob niyang umasta na parang nagseselos siya. Hindi ba't sinabi niya sa akin kahapon na wala na kami at may mahal na siyang iba. Tapos sa huli, bubuntot pala siya sa akin na parang isang aso at magagalit kung may ibang lalaki akong kasama. "Saan ka pupunta?" Dumagundong ang nakakatakot niyang boses dito sa parking lot. "Babalik ako sa loob. Saka ba't ka ba nandito ngayon? Nasaan ang girlfriend mo?" Tinago ko ang pait sa aking boses at tinignan ko siya ng diretso na para bang naka-move on na ako sa kaniya. Mas gago pala siya kaysa kay Dominic. "You've changed. I'm really disappointed with your new lifestyle. Ilang lalaki na ba ang nakagalaw sa'yo at tila sanay na sanay ka na makipag-make out sa public area?" Damn you, jerk! Imbis na ipagtanggol ko ang sarili ko ay proud pa akong ngumiti sa kaniya at hindi pinansin ang kumikirot kong dibdib. "Well, dalawa pa lang naman. Bakit, nandidiri ka ba sa akin ngayon dahil hindi na ako virgin? Saka wala akong pake kung disappointed ka sa sarili ko dahil ako, hindi." Mas lalong nagdilim ang paningin niya at tuluyan na niya akong kinaladkad patungo sa kaniyang sasakyan. Hindi na ako nagpumiglas dahil kahit ngayong gabi lang, gusto ko siyang makasama. Ang desperada mo talaga, Serenity! Mahigpit ang kapit niya sa manibela at seryoso siyang nakatingin sa harapan habang siya ay nagmamaneho. Sh*t, muntik ko ng makalimutan si Asena. Tatawagan ko na sana siya pero naunahan na niya ako. "Asena," mahina kong tawag sa pangalan niya. "Hoy, ano itong sinasabi ni James na kinaladkad ka ng isang lalaki? Si Maximillian ba?" "Pasensya na kung iniwan kita diyan bigla. Mag-usap na lang tayo bukas at 'wag kang masyadong magpakalasing." Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil tiyak kong aasarin niya lang ako. Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Kunot ang noo ni Maximillian nang napatingin ako sa gawi niya. Teka, hindi ito ang daan papunta sa bahay ko. "Saan mo ako dadalhin?" I gritted my teeth. Hindi man lang niya ako pinansin. "Ano ba, kailangan ko ng umuwi sa bahay. Ibaba mo na lang ako sa gilid kung wala kang balak na ihatid ako." "Hinihintay ka ba ng lalaki mo sa bahay mo?" Dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela ay mas lalong nadepina ang ugat sa kaniyang kamay. Iniwas ko na lang ang aking paningin dahil baka masunggaban ko pa siya bigla. Kalma lang, Serenity. Huwag mong pairalin ang pagiging malandi mo ngayon. "Ano ba ang pakialam mo kung hinihintay niya ako. At saka pwede ba, 'wag kang tanong nang tanong. Hindi ka ba dumalo sa sarili mong party?" He glared at me. "Dumalo ako at umalis din pagkatapos kong magbigay ng speech. Ikaw, ba't hindi ka pumunta?" "Ba't pa ako pupunta e wala na tayo. Mindset ba, mindset!" Tinuro ko pa ang utak ko na para bang bobo siya at hindi niya maintindihan ang sitwasyon naming dalawa. Bigla siyang natahimik sa sinabi ko kaya naging awkward ang paligid. Hindi na rin ako muling nagsalita pa at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Wala ng mas sasakit pa sa pagiging cold niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kaniya sa loob ng isang taon. Pero pakiramdam ko ay wala na akong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Hindi rin naman siya nag-explain sa akin kaya hindi na ako nagtanong pa. Basta ang sabi niya lang ay wala na kami at may girlfriend na siya. Naramdaman ko rin na botong-boto si Tita Amelia sa babaeng inuwi niya. Ang bilis lumipas ng panahon. Kung noon ako ang nasa tabi niya ngayon ibang babae na. Kaya pinapangako ko sa aking sarili, sa labang ito, hindi ako ang uuwi na luhaan kun'di si Maximillian at ang babae niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook